"Hoy, bruha!" sambit ni Veronica sa 'kin. Nilingon ko siya habang nakahalumbaba ako sa lamesa. Pumunta ako sa bahay niya para kumustahin siya. "Pumunta ka ba sa bahay para bilangin ang butiki na dadaan diyan sa dingding? May problema ka ba?" pagtataray sa 'kin ni Veronica. Bumuntong-hininga ako. "May iniisip kasi ako." "May isip ka pala? Akala ko puro puso na lang ang pinaiiral mo." Inis na sabi niya. Alam kasi niya ang panloloko sa 'kin ni Geoff kaya naiinis siya sa 'kin. Hindi ko na nga sa kanya sinasabi ang ibang bagong balita na natanggap ko tungkol kay Geoff dahil siguradong sasabunutan niya ako sa inis. "Kumpara naman sa 'yo mas may utak ako. Nangongopya ka nga sa 'kin noon." "Alam mo tamad lang akong mag-aral noon pero matalino ako. Tingnan mo naman kung anong buhay ko ngayon