Nagkalat ang mga alak at mga leafover foods sa ibabaw ng lamesa ko ang iba ay nakakalat sa sahig at naglalagkit na dahil natapon 'to kagabi dahil sa kalasingan ko. Naramdaman kong may nagbukas ng ilaw sa kuwarto ko ngunit hindi ko 'yon pinag-aksayahan tingnan. Masakit ang ulo at nahihilo, kapag kumilos ako ay siguradong magsusuka lang ako. "Hays! Ang baho ng kuwarto niya sandali lang at tatawagan ko ang katulong para maglinis," ani Tita Silvia. "Humanda talaga siya sa 'kin kapag nagising siya," ani Daddy. Bakit sila nandito? Hindi ko inalis ang pagkakatakip ng kumot sa mukha ko dahil siguradong pagagalitan ako ni Daddy dahil sa itusura at amoy ng kuwarto ko. Tatlong taon na mula ng umalis si Cyndi. Sa loob ng tatlong taon na 'yon ay hindi ko sila makita. Hindi ko alam kung bakit hind