Malamig na hangin ang dumampi sa aking katawan nang marating ko ang lugar ng Talisay, San Jose, Camarines sur. Ito ang lugar na pinuntahan ko kung saan walang masyadong nakakakilala sa 'kin. Mahigpit ang hawak ko sa aking maleta habang naglalakad ako sa resthouse ng kaibigan kong si Raul ang co-model ko. Sa lahat ng mga naging kaibigan ko si Raul lang ang tanging nakakaintindi sa 'kin, kahit madalas ay nagagalit noon sa kanya si Geoff. "Let's go! Malapit na tayo." Tumango ako at pilit na ngumiti sa kanya. "Ang tahimik dito sa inyo." Huminto si Raul. "Tahimik talaga rito kapag pagod ka na sa ingay sa Manila masarap dito tumambay. Ibigay mo na nga sa 'kin ang maleta mo masyadong mabigat na 'yan." Umiling ako. "Magaan lang naman 'to." Marami na kasing bitbit si Raul na mga gamit at wala