Halos lahat ng mga kaibigan ko ay nakangiti sa 'kin nang lumabas ako ng banyo. Umiwas ako ng tingin sa kanila at nilampasan ko sila pagkatapos ay dumiretso akong lumabas. "Where are you going?" Hinabol ako ni Veronica. Nang maabutan niya ako ay hinila ang braso ko. "Kung alam ko lang na pupunta si David dito hindi na sana ako pumunta." Tinaasan ako ng kilay ni Veronica. "Ano ang kaartehan mong bruha ka? Pagkatapos n'yong magkulong sa loob ng banyo ng bente minutos bigla kang mag-walk out at galit na galit. Nakipag-s*x ka na nga." Umiwas ako ng tingin sa kanya. Wala naman talagang maniniwala na wala kaming ginawa ni David sa loob ng banyo. Mahigit bente minutos kami sa banyo. "Oh, tumahimik ka kasi totoo? Kalimutan mo muna na 'yan takasan portion n'yo. Nandito tayo para mag-enjoy hind