CHAPTER 19

2650 Words

"Cyndi! Lumabas ka diyan! Napapalibutan na namin ang kuwarto mo!" Halos mabingi na ako sa lakas ng sigaw ni Veronica na may kasamang sunod-sunod na katok. Hindi ko na nagawang maghilamos o magsulay dahil binuksan ko na agad ang pinto ng kuwarto ko. Ang lapad ng ngiti nilang dalawa ni Dina. "Kumusta ang Honeymoon?" tanong ni Veronica. Kumunot ang noo ko. "Anong honeymoon ang sinasabi n'yo?" Sinilip nila ang loob ng kuwarto ko. "Hindi mo kasama si David sa kuwarto?" tanong ni Dina. Napahalukipkip ako ng kamay habang matalim na tumingin sa kanila. Pumunta sila ng maaga para lang alamin kung nag-honeymoon kami ni David? "Mga certified chismosa! Ginising n'yo ako para lang alamin kung may nangyari sa 'min dalawa ni David kagabi? Tumango sila. "Bakit wala ba?" tinaas pa ni Dina ang kanan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD