ILANG beses na huminga nang malalim si Zenna. Tinawagan siya ng kompanya kahapon para ipaalam sa kaniyang ngayon ang interview na isasagawa ng mismong CEO ng La Fashionista kaya't naroon siya ngayon sa matayog na building ng nasabing kompanya.
Para siyang maiihi dahil sa kaba. Nanlalamig ang kaniyang mga kamay at sobrang lakas ng tahip ng kaniyang dibdib. Hindi niya maintindihan kung bakit siya ganoon ka-kabado.
God. Ngayon lamang siya nakaramdam ng sobrang nerbiyos. Siya na may malawak ng karanasan sa ganitong larangan ay tinalo pa ng mga baguhan ang self-confidence.
Hindi naman ito ang unang pagkakataon na ma-interview siya ng mismong CEO ng isang kompanya. Sa Italy noon, presidente ng Armines Clothing Line ang nag-interviewsa kaniya. Kinaya nga niya noon iyon. Hindi siya kinabahan ng ganito.
"Ms. Lopez, pinapapasok na po kayo ni boss."
Napapitlag siya sa anunsiyo ng sekretarya ng CEO.
Kumatok muna ito ng tatlong beses bago binuksan ang saradong pinto. Gumilid ito para bigyan siya ng daan sabay muwestra ng kamay para tumuloy na siya.
She entered the room with her trembling, cold feet. Pigil ang hininga nang masilayan ang likod ng lalaking nakatanaw sa labas ng malaking glass window. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya nang magsalita ito.
"You sit down, Ms. Lopez," anito nang hindi man lang lumingon sa kaniya.
Parang jelly ang mga paang humakbang siya patungo sa couch na malapit sa office table.
His voice sent her shiver down her spine. Bakit parang narinig na niya ang boses na iyon? Cold, serious, deep and powerful. Boses pa lamang ay nagsusumigaw na ng authority ng lalaki.
Maingat siyang umupo sa coach, hindi hinihiwalay ang tingin sa likod ng lalaking wala naman yatang balak na harapin siya.
Does he intend to waste her time? Dahil ba boss ito ay puwede na nitong gawin lahat ng gusto? Tulad ng paghintayin ang applicant kung kailan nito balak umpisahan ang interview. Ilang minuto pa ay nalunod na siya at naduling sa pagtingin ng nakasabit na orasan sa dingding. Bawat pitik ng kamay ng orasan ay binibilang niya. Kung hindi lamang niya kailangan ng trabaho, lalabas na siya ng opisinang iyon.
"Zenna Marianette Asuncion Lopez."
Muli ay natutok sa likod ng lalaki ang mga mata niya. Her eyebrows furrowed. Is that a question? Duda siya.
Bago pa siya makapagsalita ay humarap na ang lalaki.
Animo tumigil ang pagpitik ng orasan tulad ng paghinto ng kaniyang paghinga nang masilayan ang mukha ng CEO. The man she doesn't expect to see again is right in front her. With his authorotative and dominant-Tuscan air.
Parang nalaglag ang puso niya sa mga sandaling iyon.hindi niya akalaing makikita pa itong muli. At lalong hindi niya akalaing ito ang CEO ng La Fashionista. What the heck?!
Pumikit siya nang mariin sa pag-aakalang namamalik-mata lamang siya. This coudn't be. Hindi ito ang CEO ng La Fashionista, pangungumbinsi niya sa sarili. Pero isang malutong na tawa ang nagpamulat sa kaniya. Saka lamang tumimo sa kaniyang isip na totoo ito. The man she never expected was standing right in front of her, wearing an arrogant and serious face. But still looks dangerously handsome.
"Matthew," she weakly muttered. Nangangatal na tumayo.
"Did I surprised you, Mari... I mean, Zenna?"
He said sarcastically. The anger was too evident in his deep, blue eyes.
Napalunok siya, nanuyo ang kaniyang lalamunan.
"You suddenly turned pale. Why? Masyado ba kitang nabigla?" He smirked. Naglakad ito palapit sa kaniya.
The room was large, pero pakiramdam ng dalaga'y sobrang sikip nito para sa kanilang dalawa. Hindi niya alam ang gagawin, kung tatakbo ba siya palabas ng opisina at takasan si Matthew o harapin ito at magpanggap na hindi niya ito kilala. Pero bago pa siya makapagdesisyon,
"Para kang may nagawang krimen at tinakasan?" sarkastiko nitong sabi.
She stiffened.
"I-I'm surprised, Señor. Hindi ko alam na kayo ang CEO. K-kumusta na?" Kinagat niya ang dila dahil sa pagkautal. Idiota.
Nang-iinsultong tawa ang pinakawalan nito.
"Drop the formality, honey. Why don't call me Matt instead, the way you call me under the moonlight one night in Viareggio?"
"Look, Mr. CEO, nagpunta ako rito para mag-apply ng trabaho, hindi para sa ungkatin ang nakaraan. Two years was long enough to burry all memories of our one night stand, Matthew." She lied of course. Hindi naman talaga niya naibaon ang alaala ng isang gabing nakasama niya ang lalaki sa Florence. Liban kay Nate na isang buhay na alaala ng gabing iyon, lagi ring laman iyon ng kaniyang mga panaginip.
"Burry, huh? Nice game, woman. Magaling kang maglaro. You bewitched me and run off. f**k you, Zenna."
"Ano ba'ng ikinagagalit mo, Matthew? Isang one-night stand lang ang namagitan sa atin. Ikaw ang lalaki pero bakit ikaw pa ang umaastang nawalan?"
Tuluyan na siyang nawala and pagtitimpi niya. This man is driving her mad.
"Sana nga ikaw ang naghahabol, e. Pero bakit nga ba hindi, huh, Zenna? Dahil walang halaga sa iyo ang nangyari sa atin? Ano nga ba ang aasahan, hindi ba? You're more than willing when you gave me your V card." nang-uuyam nitong saad.
Walang halaga? E, sa kaniya, may halaga ba?
She clenched her fists. Konti na lang at baka makalmot na niya ang guwapong mukha ng lalaking ito. He will regret insulting her, sisiguraduhin niya iyon.
"Nagkataon lang na ikaw ang naroon. Kung maibabalik ko lang ang panahon, naghanap ako ng ibang bibigyan ng p********e ko. Hinding-hindi ko pipiliin ang katulad mong arogante, Mr. CEO." Damn you, Zenna for spouting another lie. Siyempre lihim niyang sinisita ang sarili sa mga pinagsasabi. Hinding-hindi niya pagsisisihang si Matthew and lalaking pinag-alayan niya ng kaniyang sarili. Kung hindi ito, baka walang Nathaniel ngayon sa buhay niya.
Gumalaw ang panga nito sa tinititigan galit. "So I'm lucky that I'm the one who scratched your itch."
Halos matumba siya sa sofa nang mabilis na humakbang si Matthew patungo sa kaniya. Marahas siya nitong hinila dahilan para sumubsob siya sa matipunong dibdib nito. Ikinulong siya sa mga bisig kaya hindi siya makagalaw. The scent of his expensive and manly perfume assaulted her nose. Naliyo siya. Parang kailan lang, parang kahapon lang nang maramdaman niya iyon habang nakakulong siya sa mga bisig nito. Gumuhit ang kakaibang init sa kaniyang tiyan. Pero hindi siya puwedeng magpaalipin sa damdaming iyon. Iba noon, iba ngayon. Nagpumiglas siya pero para lang manigas nang maramdaman ang pangahas nitong kamay sa kaniyang pang-upo. Marahas ang paghaplos na ginawa nito magkabilaan bago gumapang paakyat sa kaniyang batok. His caress sent her sviver down her spine. Para siyang jelly na nalulusaw sa mga kamay nito.
"You did take away something from me, Zenna. Have you forgotten, honey? You stole millions of my sperm from that night and I wonder... did we make a good genes?"
A hard thing was poking her belly and when she realized what it was, she quickly pushed him by the chest. Nanlalaki ang mga matang tumitig siya rito pero hindi siya nakatagal. His devilishly smiling at her while staring at her redden face.
He was right. May ninakaw siya rito. At kung malaman kaya nito na nabuhay ang isa sa mga sperm na ninakaw niya, he will surely wring her beautiful neck.
Pero anuman ang mangyari ay hinding-hindi niya ipapaalam na nagkaanak sila. Ayaw niyang magulo ang simpleng buhay na mayroon sila ni Nate.
"Huwag kang mag-alala, Mr. Ricaforte. Wala kang pananagutan sa akin, kung iyon ang iniisip mo."
"Now can we go to business, Ms. Lopez?"
Pormal na ang anyo nito matapos siyang suyurin ng makamundong tingin mula ulo hanggang paa.
Ang bilis nitong mag-move-on. Ilang segundo lang at umaasta na itong walang namagitang tensyon sa kanila. Samantalang hindi pa humuhupa ang nagwawala niyang puso. It's still beating erratically. Damn it. Hawak lang nito'y nauupos na siya.
"You don't need to work in my company. I will give you another job that will fit you best."
"Pardon?"
"Live with me. I will pay you big, Zenna, just live with me."
"Are you fuckin' kidding me?"
"I'm serious,"
"Then damn you! Hindi iyan mangyayari!"
"Try me," naghahamong saad nito.
"Ayaw ko! I have my own house!"
Damn hindi puwede ang sinasabi nito. Paano si Nathaniel kung ganoon ang gusto nitong trabaho niya?
"I don't take a NO for an answer, Zenna. At huwag kang magkakamaling takasan ulit ako kung ayaw mong gumapang sa lupa na tulad ng pobreng daga!" banta nito na nagpainit ng ulo ng dalaga.
"Who are you to tell me what to do?!" Hindi niya napigilan pa ang galit at dinuro niya ang lalaki. Hell! Who cares if he's the CEO! "Remember this, Mr. Ricaforte, I don't take orders from others especially from you. I won't take your filthy offer even I rat poor! I hope this is the last time we'll see each other again. Goodbye!"
Agad na siyang tumalikod pero malakas siya nitong hinila sa braso. Sa lakas ng hatak nito'y muli siyang sumalpok sa dibdib nito.
"Not so fast, Zenna. I'm not yet done," matigas nitong wika.
"Try me, Ms. Lopez at sisiguruhin kong paglabas mo ng gusaling ito, you will damn regret it. Dahil pag-apak mo pa lang sa pintuan ng kompanyang a-apply-an mo, rejected ka na. I will make sure that no one will hire your damn ass for a job except mine. You will work for me, Zenna. Kahit ayaw mo."
"You bastard!"
"Yeah, right. Why don't try this bastard, Zenna?" Ngumisi ito na parang nagtagumpay, pero banaag ang galit sa asul nitong mga mata habang nakikipagsukatan ng titig sa kaniya.
Hindi niya alam kung paano siya nakauwi. Lutang ang isip niya pagkalabas ng La Fashionista building. Pagkabukas pa lamang ng pinto ay agad nang sinalubong ng yakap ang anak. Hapong-hapo niya itong kinarga at hinalikan sa magkabilang pisngi.
"Missed me, mommy?"
"Of course, darling. I missed you the whole day."
"Missed you too."
Dinampian siya nito ng halik sa labi bago naghanap ng pasalubong.
"Toy? Aeoplane?"
Dahil sa bata pa'y utal itong bigkasin ang 'r'.
Matagal na itong iniuungot ng anak pero hindi pa siya nakabili. Balak niyang isama ito sa Toy shop kapag nakahanap na siya ng trabaho. Saka kailangan talaga niyang unahin ang ibang pangangailan sa bahay.
"Oh, sorry, darling. Hindi nakapunta si mommy sa Toy shop. Sa Linggo, after nating magsimba, bibili tayo ng aeroplane."
"Pwamis, 'My?"
"Promise, darling." Muli niya itong hinagkan at inilapag sa sahig.
Paborito ni Nathaniel ang eroplanong laruan. Hindi na ito maalis sa harap ng TV kapag palabas ang Planes.
Ito na talaga ang pampatanggal stress niya. Isang halik lang ng anak, nawawala na ang pagod niya.
Muli niyang naalala and nangyari kanina. Ang galit at nagbabantang mukha ni Matthew. Ang offer nito. No. Kahit maubos ang savings niya, hindi niya tatanggapin ang alok nito. Para saan? Para maging parausan nito?
May sinabi bang ganoon kanina? nanguuyam na tanong ng isip niya. Wala naman pero ganoon na rin iyon. Malakas ang kutob niya. Bakit siya patitirahin sa bahay nito, 'di ba?
Bukas na bukas ay maghahanap ulit siya ng ibang kompanyang maa-apply-an. Kailangan niyang iwasan si Matthew. Hindi niya ibibigay ang gusto nito. She's ba mother now para ibahay nito at gawing kabit.
Yeah, right. He wants her to be his mistress. Damn, Matthew. Hindi ba't inakala nito noong siya and regalo sa kaniyang stag party? He's married now pero bakit inaalok pa siya nitong tumira sa bahay nito?
Hindi mabilang kung ilang beses nang minura ni Zenna sa isip ang Matthew Sylvester Ricaforte na iyon. Walang dudang ito ang dahilan kaya walang ni isang kompanya ang tumanggap sa application niya. Totoo ang sinabi nitong pag-apak pa lamang niya sa pintuan ng kompanyang a-apply-an niya, rejected na siya. Kung ano-ano ang mga palusot ng mga receptionist na nakausap niya. Sa reception pa lang hindi na siya makalusot. Halata namang wala pang nakukuhang designer ang mga ito pero ang sagot sa kaniya'y 'sorry, ma'am, may nakakuha na sa bakanteng puwesto."
Kailangan niyang makapagtrabaho na the soonest or else mauubos na ang ipon niya. Sa harap ng La Fashionista building siya dinala ng mga paa. Mukhang wala na siyang pagpipilian. Naipluwensya si Matthew at mahihirapan siya kung magmamatigas pa siya and worst pati anak niya, madadamay.
"May appointment po ba kayo kay Mr. Ricaforte, ma'am?" tanong ng receptionist.
Umiling siya. "Personal matters. Where is he?" Nagpupuyos ang kalooban niya at mukhang nahalata ng receptionist.
"Ay sorry po. Kailangang may..."
"She's my brother's fiancee, Mandy." Isang baritonong tinig ang gumulat sa kanila ng empleyadong kaharap. Kapwa sila napalingon sa lalaking kadarating lang at tumabi sa kaniya. Naka-purong itim ito. Bakat ang matipuno nitong katawan sa fitted men shirt na suot nito.
"Good afternoon, Sir Markus. I'm sorry, hindi ko po kasi alam na fiancee siya ni sir Matthew." Natatarantang paumanhin ng babaeng receptionist. Takot na baling sa kaniya kaya naman kahit alanganin ay nginitian pa rin niya. Wala naman itong dapat ihingi ng tawad, e. Ginagawa lang nito ang trabaho at hindi naman totoong fiancee siya ng boss nito.
"Let's go." Hila sa kaniya ng lalaki na parang ayaw siyang magreklamo pa.
Inalis lang nito ang pagkakahawak sa kaniyang braso nang nasa loob na sila ng lift. Iritadong binalingan niya ito para magulat nang matalim siya nitong tiningnan.
"Another gold digger? What do you want from my brother?"
What the hell is he talking about?
"Excuse me?" taas-kilay niyang tanong.
"Let me guess, hihingan siya ng pera? Sasabihing naanakan niya at kailangan ng sustento? O nautusan ka rin ng sino diyan para pikutin siya?"
She clenched her fists sa biglang pagsulak ng dugo niya. Pero umismid lang ang aroganteng lalaki.
Bago pa siya makasagot ay bumukas na ang lift at lumabas na ang lalaki.
Hindi na siya kinuwestiyon ng secretary ni Matthew pagkakita sa kasama niya. Walang babalang hinila siya nito sa kamay papasok sa opisina ng CEO.
"Matthew Sylvester..."
Salubong ang kilay nang mag-angat ng mukha ang abala sa mga papeles na lalaki. Saglit na pinasadahan siya ng tingin bago natutok ang mga mata sa kamay na mahigpit na nakahawak sa kaniya.
"Take off your filthy hand on her, Markus!" Matthew glared at his brother.
Markus smirked bago siya binitiwan.
"So you know this woman?"
"Wala ka na ro'n. Kailan ka pa dumating?"
"Kanina lang. Sinaglit lang kita para kumustahin. Pero mukhang hindi na ako dapat magtagal. Kailan ka babalik sa Italy?"
"No plan yet."
"Nakiusap si Tita para suyuin kang umuwi."
Tumiim ang bagang ni Matthew.
"Hindi hangga't naroon si Rufus."
"You mean our father, brotha. Pagbigyan mo na sila. E, sa pag-ibig na tunay ang tumama sa kanila, wala tayong magagawa."
"Shut the f**k up, Markus! Ikaw lang ang anak niya. Ang kinilala niya!"
Napaatras si Zenna sa lakas ng sigaw ni Matthew. Galit ang anyo nito habang nakikipagtagisan ng titig sa kapatid. Nagdalawang-isip siya kung lalabas o mananatili.
"Fool! You're a Ricaforte, Matthew. Iyan na ang apelyidong dala mo mula nang masilayan mo ang mundo. Grow up, brotha. You're like a whinning kid." Matigas ang anyo ni Markus na tinapunan siya ng tingin bago lumabas ng silid.