CHAPTER 5

2046 Words
KANINA pa siya asar kay Matthew dahil hindi man lang siya nito tinapunan ng pansin pagkapasok sa opisina. Para ano pa't nasa iisang silid sila kung wala naman pala siyang gagawin. Tatayo at uupo ang ginagawa niya. Inalok niya ito ng kape pero iling lang at hindi pa ito nag-angat ng mukha mula sa pagbabasa ng kung ano-anong folders na ipinasok ng secretary nito kanina. Sa inis ay hindi niya napigilang lumapit sa mesa nito at ibagsak ang isang folder sa harap ng binata. Tagumpay naman at nakuha rin nitong pag-ukulan siya ng pansin. Thanks God. Muntik na kasi siyang maging plorera sa opisina nito. "What?" Bagama't nakakunot-noo ito'y bakas pa rin ang amusement sa mukha nito. Parang sinasadya nga nitong huwag siyang pansinin. Lalo tuloy siyang nag-alburuto. "Huwag mo akong ma-what-what, Matthew! Mag-a-alas dose na't wala pa rin akong ginagawa sa mesa ko. May sarili ka namang secretary, hindi mo na kailangan ang PA s***h palamuti sa opisina mo!" Forget the FuBu thing. Nakakasukang isipin na iyon ang tunay na trabaho niya kaya siya nandito. Ngumuso ito bago siya sinuyod ng malagkit na tingin. "Hindi ko alam na mas lalo kang magiging seksi sa office suit, Zenna. Akala ko..." "Akala mo wala kang kasama rito. Akala mo dekorasyon lang ako sa opisina mo at hindi nababagot!" Pilit niyang inignora ang init na nanulay sa kaniyang tiyan sa sinabi nito. "Hindi ako sanay na walang ginagawa, Matt." Kahit nga noong malapit na siyang manganak at ipinagbawal ng doktor na hindi na dapat siyang magpapagod sa trabaho ay hindi siya nakinig. Para siyang magkakasakit nang walang ginagawa. "Well, may gusto akong ipagawa sa iyo, Zenna. Come here..." maotoridad nitong tawag sa kaniya. May kung ano'ng kaba siyang naramdaman sa tono nito but there's something in his voice that she couldn't ignore. Lalo na nang salubungin niya ang titig nito. Para siyang minamagneto upang lumapit. Damn Ricaforte charm. Pero hindi siya magpapaapekto rito. "Hindi ako nagbibiro, Matt. Kung mang-iinis ka rin lang, mabuti pa..." "Mukha ba akong nang-iinis, Zenna?" Kitang-kita niya ang paggalaw ng adams apple nito. Masuyong haplos sa pisngi ang ginawa nito. "Hindi ako nakakaramdam ng pagod sa tambak ng trabaho dito sa opisina na tulad nang dati. It's all because of your presence, il mio amore." Bumaba mula sa pisngi ang kamay at dumausdos sa kaniyang batok. Nanayo ang mga balahibo niya sa katawan nang maramdaman ang init ng palad nito. Unti-unting bumaba ang mukha nito habang titig na titig sa kaniyang mga labi nang biglang tumunog ang kaniyang tiyan. s**t. Saka lang niya naalalang hindi pa pala siya nag-agahan. She woke up late because of Nate's restless night. Sinisipon ito pagkatapos magbabad sa shower kahapon. Napuyat siya sa pag-aalalang tataas ang temperature nito. Pagkagising ay agad nang naligo at bihis. Sa sasakyan na nga siya nag-apply ng light makeup at lipstick. "Have you had breakfast?" He asked in serious tone. Iling lang ang isinagot niya. "Goodness, Zenna!" Tiim-bagang na tiningnan ang wristwatch. "Come with me." Hindi na siya nakapagprotesta nang hilain na siya ng binata palabas ng opisina. Maraming pila sa canteen dahil sa oras na rin ng tanghalian ng mga empleyado. Pero nahawi ang pila sa counter nang pumasok sila ng binata. Pinagtitinginan sila ng mga tao habang magkahawak-kamay na naglakad para um-order ng pagkain. Kung hindi pa niya palihim na siniko ang binata ay di na ito titigil sa katuturo ng mga putaheng bibilhin. "Ilan ba tayong kakain?" Halos pabulong niyang sita rito. Iniisip niya kung ano na lang ang sasabihin ng mga nakamasid sa kanila. "You eat all. Take out mo na lang kung di maubos at i-ref mo para di ka magutom kung tamad kang magluto. I'm worried with your health, baby." Sadya nitong nilakasan ang boses. Dahilan para magbulungan ang mga tao sa paligid. Pari ang nag-aasikaso ng order nila'y napatanga sa kanilang dalawa. Oh earth, kill me now. Hinila niya ang kamay mula rito pero nakipaghilahan din ang binata. Lalo tuloy siyang napasiksik sa tabi nito. At di pa nakuntento sa pagpi-PDA. Niyakap siya nito mula sa likod at ipinatong ang baba sa kaniyang balikat. Isiniksik ang mukha sa gilid ng leeg niya. Palihim niyang inapakan ito sa paa para tumigil sa ginagawa pero alerto nitong iniiwas ang paa. Animo alam nitong iyon ang gagawin niya. Damn you, Ricaforte. She gritted her teeth. "Don't fight, baby. Kung ayaw mong lagyan kita ng kissmark sa harap ng mga kumakain." Dinampian nito ng magaang halik ang gilid ng kaniyang leeg. Nanigas ang buong katawan niya dahil sa bolta-boltaheng koryenteng nanulay sa kaniyang mga ugat. Nag-iinit ang mukha niya, na batid niyang parang hinog nang kamatis sa kulay dahil sa pamumula. Nang makuha ang order nila at makaupo sa pandalawahang mesa'y halos subuan pa siya ni Matthew. Dahil ayaw niyang makatawag muli ng atensyon sa mga tao, kahit busog na'y sumige pa rin siya sa kain. Dahil kung hindi, mag-iingay na naman ang lalaki at aaktong may relasyon sila. Bagay na ikinakatakot niya. Kanina pa kasi sila nakatatawag ng pansin. Pero parang enjoy na enjoy pa ni Matthew, samantalang siya, hindi naalakali dahil sa atensyong nakukuha mula sa mga empleyado. This man knows how to irritate her so much in front of other people, and what she hates is that she cannot refute. Damn him, mura niya rito sa isip. Ang buong akala niya'y pinagloloko lamang siya ni Matthew ng sabihing magtatrabaho na siya bilang Designer sa La Fashionista.  Pero pagkabalik nila sa opisina nito’y  agad na siyang pinasamahan sa sekretarya nito para dalhin sa magiging opisina at i-introduce sa mga kasamahang Designers ng Fashion Design Department. Pero bago nito tinapos ang usapan nila’y nagpaalala ang lalaki. Magtatrabaho ka sa kompanya ko, hindi isang  personal assistant ko, Zenna. Ayaw kong masayang ang talent mo. Pero hindi ibig sabihin no’n na nakawala ka na sa akin. You are still bound to warm my bed, Zenna Marianette Lopez. Napabuntong-hininga siya nang makaupo sa kaniyang swivel chair. Hindi talaga siya makakawala sa bitag ni Matthew. Pero para sa kapakanan ni Nathaniel, she will bear it. Mabuti naman ang pagtanggap sa kaniya ng mga  kasamahang designers, kaya medyo nawala ang stress na dulot ng Matthew Ricaforte ba iyon. Liban siguro sa isa, si Yvette Miranda. “Zenna, why did you give up your booming career in Armines? Girl, sayang naman. Mas malaki ang kita mo sa Italy kumpara dito sa Pilipinas.” Si Yvette, sa pagkakaalam niya she's the best fashion designer sa La Fashionista. Ramdam niyang may hindi magandang pag-uugali ang isang ito pero hindi niya na pinansin. She's here to work, hindi para makipagplastikan o makipagkumpetensya sa mga katrabaho. Ngumiti siya sa mga kasamahang napatingin sa kanila ni Yvette, mukhang maging ang mga ito'y ramdam ang tensiyon sa pagitan nila. Why not. She's from Armines Fashions, one of the best and known companies in the fashion industry around the globe. Natural na ituturing siyang kakompetensya ng isang Yvette Miranda, knowing this woman as talented, skilled, and very competitive. “It’s personal reasons, Yvette. At tingin ko, hindi naman kailangan na sikat ang kompanya para mailatag ko ang aking kakayahan sa larangan ng fashion. Alam kong skilled ka at magaling na designer, nice working with you.” Obvious ang pagtaas ng kilay nito sa sagot niya. “Dahil ba kay Robert Hidalgo, your ex-fiance? Oh, sorry for being nossy. Nagkataon lang na kilala ko si Rob.” Napailing siya sa pagiging matabil ng dila ni Yvette. Pero hindi naman siya affected kay Robert. In fact, may kasiyahan pa siya sa pagkakaalala rito. Pero agad ding napalitan ng guilt dahil sa nangyari sa kanilang pamilya. Robert Hidalgo is a nice man . Sa totoo lang ay hindi nito deserve ang kahihiyang idinulot niya rito. Pagkatapos niyang ipahayag ang pagbubuntis ay sigurado na siyang puputulin na nito ang engagement nila. Pero hindi iyon ang ginawa ni Robert kundi sinabi pa nitong handa siyang tanggapin at ang ipinagbubuntis niya. Sa huli, wala siyang nagawa kundi panatilihin na lamang ang ugnayan nila ng lalaki, hindi bilang fiance niya, kundi ay bilang kaibigan na lamang. Hindi naman naging isyu pa iyon kay Robert. Sa totoo lang ay patuloy pa rin itong dumadalaw sa kanila ni Nathaniel. At naging ninong pa ito ng anak. “Robert is a dear friend of mine, Yvette. Wala siyang kinalaman sa trabaho ko. For your information, Yvette, nasa Europe siya ngayon. I think he's there for his family business.” Nagkibit-balikat siya, saka umupo sa kaniyang work station. “She’s close to Robert Hidalgo?” “Ex-fiance niya ang CEO ng Hidalgo Builders?” “I just saw her with Mr. Ricaforte in the canteen having lunch together this noon.” “Oh my, she's capable.” Ilang bulungan ng mga kasamahan na hindi na niya binigyang pansin. Tulad ng sabi niya, nandito siya para magtrabaho. Narinig niya ang pagdadabog ni Yvette at padarag na pag-upo sa sariling work station nito. Gusto niyang matawa. “So childish as usual,” komento ng babaeng nasa katabing station. “Huwag mong pansinin iyon. Takot lang maungusan. Arianne Melendez nga pala.” Iniabot nito ang kamay sa kaniya. Magiliw naman niyang tinanggap. “You are more professional than her, Arriane.” Mahina silang nagtawanan. At least, she found one friendly workmate. “IT IS DESTINY, Zenna” “Do you think so, Candice? “Oh di ba, after that one-night stand, nabuo ang inaanak ko. At after almost 2 years, nagkita kayo ulit. Hindi lang iyon. He is the CEO of the company you're working for God's grace...” “At sinabi ko ring gagawin niya akong kabit, you missed that one, Candice!” “Don't be mad, dear. Isipin mo, you are fated to each other. Ayaw mo no’n mabibigyan mo na ng buong pamilya si Nate?” Seriously? Parang gusto niyang pagsisihang tinawagan pa ang kaibigan para ipaalam ang problema rito. Mukha namang hindi nito naiintindihan ang hinaing niya. Parang gustong-gusto pa nga nitong nagtagpo sila ulit ni Matthew at tuwang-tuwa na gawin siyang kabit. “Oh, Candice, you don't understand.” Napahilit siya sa sentido. “Zenna, huwag kang magpahila sa negatibo. Look at the bright side, para sa inaanak ko. Hindi mo naman maitatago nang matagal ang bata sa ama niya. Matalinong bata si Nate, Zenna. One day he’ll ask you about his father, ano'ng isasagot mo? Your son deserves a family, Zenna. Huwag mong ipagkait sa inaanak ko.” “Pero paano kung gagamitin niya si Nate para magawa niya ang lahat ng gusto sa akin. As if I don't know he only wants to bed me. Ang hindi ko matanggap ay may asawa na siya. Ano, gagawin akong kerida?” “Paano kung hindi iyon ang plano niya? Paano kung hindi naman pala ito kasal tulad ng hinala mo? Did you see any wedding ring sa daliri niya?” Saglit siyang natigilan. Parang wala naman siyang napansin. “P-parang wala naman.” “See? You better talk to him, Zenna. Baka naman puro ka hinala. Baka naman puro ka takot.” “Nasasabi mo lang iyan gmdahil hindi mo pa nakita at nakilala ang Ricaforte na iyon. He’s so arrogant and… and pervert.” Handsome pervert, pagtatanggol ng isip niya. “Wait, what? Ricaforte? Oh my God, Zenna, he’s a Ricaforte?” Umikot ang mga mata niya. What's with Candice? Narinig lang ang apelyido ni Matthew, akala mo nakarinig na ng pangalan ng sikat na Hollywood actor. “Oh my… Zenna, hindi mo alam kung anong suwerte ang yumari sa iyo.” Napangiwi siya sa tinuran nito. What the hell with her words! “He is gold, Zenna, my gosh!” “Gold?” Umikot na naman ang mga mata niya. Kung may makakakita lamang sa kaniya ay iisiping inaatake siya ng epilepsy. “Yes, as in G-O-L-D! Hindi mo ba kilala ang status ng mga Ricaforte, Zenna? They are multi-billionaires. At ewan ba kung ano'ng sekreto ng mga lahing iyan at labis na pinagpala ng Dios. Kabuhayang pang-forever success, at lahing gugustuhin mong pagpalahian. Walang pangit sa lahi na iyan, Zenna. Kaya naman pala kay guwapong bata ng inaanak ko.” Tumikhim siya. “Guwapo ang anak ko dahil maganda ang ina.” Hindi niya naman gustong ipangalandakan ang ganda niya, pero mukhang hindi tama ang narinig sa kaibigan. Minsan talaga hindi tamang dumaldal si Candice. “Of course I know, Zenna. Pero kamukha mo ba?” Napipilan siya. Hindi nga naman. Nate was a replicate of Matthew. “Sinong Ricaforte Men ang nadale mo ba?” Umiling siya. Siguradong putol ang tawag pagkasabi niya ng pangalan dahil busy na ito sa GOOGLE. “Matthew Sylvester Ricaforte.” Narinig pa niya ang pagsinghap nito bago ang pagkaputol ng tawag. Crazy Candice! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD