ELLA PAPATAK NA PAPATAK NA ANG mga luha ko ng mga sandaling 'yon, pero ginawa ko ang lahat para huwag pumatak ang mga iyon. Durog-durog na ang puso ko dahil sa laman ng agreement niya at hinding-hindi ko hahayaang masiyahin siyang nakikitang nasasaktan ako. Alam kong kasama ito sa pananakit niya. Tumungo ako upang ikubli ang pamamasa ng mga mata ko. Akala ko, kapag nakuha niya ako at napatunayan kong malinis ako, magbabago na ang tingin niya sa akin. Hindi pala. Nanginginig ang kamay na binasa kong muli ang lahat ng nakasulat doon. Sa lahat ng nakasulat doon, dalawa lang ang pabor sa akin. Iyon ay ang full scholarship para kay Elma at Eriziah hanggang sa makatapos sila sa kahit anong kursong gusto nila. At ang isa ay ang magandang buhay para sa mga magulang ko. Ipapaayos ang bahay,