Chapter 40

2133 Words

ELLA “BOSS, wala ka bang pa-music man lang riyan?” Mayamaya'y ungot ni Katherine na nakaupo sa backseat. “Music? Bakit ka pagmu-music kung sa ingay mo pa lang rinding-rindi na ako.” Angil ni Vincent. “Sige na, Boss.” “No.” Matigas na tutol ni Vincent ngunit sadyang makulit ito. “Katherine, ano ba?!” Dumukhang kasi ito sa likuran ni Vincent at pinakialaman ang car stereo. At dahil nasa backseat ito, nahirapan siya. “Sabi sa ‘yo dito ka, e.” Sabi ko. Siya kasi ang nagpumilit na ako sa front seat at siya sa backseat. Itinulak pa niya ako kanina nang pasakay ako sa tabi niya. Aniya, dito ako sa unahan para hindi naman magmukhang driver ang boss namin. Tawang-tawa pa ako kanina dahil pikon na pikon na si Vincent sa kaniya pero parang balewala lang dito. Marahil sanay na sila sa i

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD