Chapter 12

2245 Words

ELLA “ELLA, ANO BA? BILISAN MO!” Sigaw ni Vincent dahilan para lalo akong mataranta. “Syet! Bilisan mong kunin ang susi!” “Hindi ko nga maipasok ang kamay ko. Naiipit ang bulsa mo.” Sagot ko habang pilit ipinapasok sa bulsa ng maong short niya ang kamay ko. Naiipit kasi iyon ni Lolo na buhat-buhat pa rin nito. “Bilisan—” “Ito na. Nakuha ko na.” Pinakita ko sa kaniya ang susi bago nagmamadaling ipinasok sa keyhole. Kaso dahil natataranta na ako hindi ko iyon maipasok-pasok. “My God, Ella, faster! Damn it!” Halos matulig ako sa lakas ng boses nito. Marahas itong bumaga ng hangin nang sa wakas ay mabuksan ko na ang pinto ng sasakyan nito. Isasakay na nito ang abuelo nang biglang magkamalay. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa amin ni Vincent at pagkuwa'y tumigil sa sariling apo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD