09

772 Words
3rd Person's POV; "Pano kaya niya nagagawa yun?"tanong ng batang babae ng makita niya ang batang lalaki na nakaupo sa lilim ng puno at nagpapatugtog gamit ang isang pirasong dahon. "Ang galing naman."komento pa ng batang babae habang matamang pinanonood ang batang lalaki ng---. "Ahh!"nanlaki ang mata ng batang babae ng makitang mabitawan ng batang lalaki ang dahon at napahawak sa tagiliran. "D-Dugo."bulong ng bata ng makitang maging pula ang kabilang bahagi ng asul na kamiseta ng batang lalaki. "B-Bata."napaangat ng tingin ang batang lalaki ng lumabas sa likod ng puno ang batang babae na nag aalalang nakatingin sa sugat ng batang lalaki. "Dito ka lang kukuhanan kita ng halamang gamot."ani ng batang babae bago tumakbo kung saan na kinatayo ng batang lalaki. "S-s**t w-wag!"pilit na sigaw ng batang lalaki dahil nasa loob sila ng teritoryo ng alaga ng mga Aragon na maaring ikapahamak ng batang babae. "Dito ko yun mga nakita asan na?"bulong ng batang babae habang naglalakad sa pagitan ng mga halamanan. "Hiii!"nanlaki ang mata ng batang babae ng makakita siya ng sobrang liit na aso sa sukalan na agad niyang dinampot dahil mukhang hindi ito makalabas sa pagitan ng mga sanga. "Ang cute mo naman."bulong ng batang babae habang marahang hinahaplos ang ulo ng maliit na aso. "Hala oo nga pala yung halamang gamot."tarantang sambit ng batang babae ng---. *grrrrrrr!* Napalingon ang batang babae sa kabilang bahagi ng gubat ng---. "Ohmygod!!"tili ng batang babae bago mapaupo ng makitang galit na galit ang halimaw na minsan ng muntikan na sakanyang lumapa. Hanggang sa---. "Ahhhh!"tili ng dalaga ng kalmutin siya ng malaking halimaw na dahilan para maiyak siya ng makitang dumugo ang kanang braso ng umilag siya ng talunin siya ng halimaw. "Solar!"sigaw ng batang lalaki ng makitang kakainin nito ang batang babae na dahil sa sobrang galit din ng halimaw hindi na nito nakilala ang amo na dahilan para putulin nito ang ulo ng halimaw gamit ang hawak na palakol. "Argh!"daing ng batang lalaki ng mapaluhod siya dahil sa sobrang sakit na naramdaman niya mula sa sugat bago ginawang tungkod ang malaking palakol na hawak para hindi tuluyang bumagsak. "P-papa."napaangat ng tingin ng batang lalaki ng bahagyang matulala ang dalaga sa katawan ng halimaw na muntikan ng lumamon sakanya na ngayon ay wala ng buhay ng tanggalin ng batang lalaki ang ulo nito. "Hiii!"napatingin ang batang babae sa maliit na nilang ng ikiskiss nito ang katawan sa nahiwalay na ulo ng halimaw. "Ohmygosh!nanay niya yun?"hindi makapaniwalang tanong ng batang babae ng makita ang ginagawa ng aso sa halimaw. "Bakit mo pinatay?!"naiiyak na sambit ng batang babae na kinakunot ng noo ng batang lalaki. "Kung hindi ko pinatay ikaw ang mamatay kasalanan mo yan kung hindi mo ginalaw yung anak niya hindi magagal---s**t!"nanlaki ang mata ng batang babae ng bumagsak ang batang lalaki na agad niyang kinatakbo para tulungan ang bata. "Gosh!ang daming dugo huhuhu tulong!tulong!"sigaw ng batang babae ng makitang namumutla na ang batang lalaki ng---. "Young master!"napaupo ang batang babae sa gilid ng bahagya siyang mabangga ng magkagulo ang mga tauhan ng Aragon ng makitang duguan ang batang lalaki na kinaiyak ng batang babae. "Dalhin si young master sa palasyo bilis!"rinig ng batang babae bago buhatin ang batang lalaki at umalis ng gubat hanggang sa makita niya ang napakalaking palakol. "Y-Yung gamit niya."ani ng batang babae bago marahang punasan ang pisngi niya at tumayo para lapitan ang palakol. --- "[Tangina kuya nasaan ka?!]"bungad ng lalaki ng sagutun ni Aidan ang tawag. "Anong problema mo Jed---" "[Hinahunting na tayo ng mga tauha ni papa a---*toot*toot*]"naputol ang sasabihin ni Jedal mula sa kabilang linya ng biglang naputol ang tawag na kinamura ni Aidan. "Oy kupal anong mukha yan?"napatingin si Aidan sa kama ng magsalita si Madison na nakakunot ang noo sakanya. "Bumalik ka kung saang gubat ka man nanggaling mag ingat ka siguradong hindi titigil si papa para huntingin ka."ani ng binata bago mabibigat ang paa na lumabas. "Aalis ako?"bulong ng dalaga. "Ano bang nangyari?"naiinis na tanong ng binatang si Aidan habang naglalakad pabalik ng kwarto ng dalaga dala ang palakol na gamit nito. "Madi---."naputol ang sasabihin ng binata ng makitang kadena na lang ang nandun at wala na ang dalaga. "Madison."tawag ni Aidan pupunta siya ng varanda ng---. "s**t!"mura ng binata ng tumulak sakanya padapa na dahilan para masubsob siya sa carpet kasunod ng sunod sunod na putukan. "Tangina mo talaga kupal ka lumapit ka pa talaga sa veranda!"mura ng dalaga bago kuhanin ang hawak nitong palakol habang nasa ibabaw niya na kinakurap ng binata. "Madis---." "Tara na bilis!"ani ng babae habang gumagapang kung saan. "Madison teka!"sigaw ng binata ng makita itong lumabas ng kwarto na agad niya namang sinundan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD