3rd Person's POV;
"Hoy babae ayos na yung c---."naputol ang sasabihin ng binata ng paglabas niya ng comfort room tulog na ang dalaga.
"Hoy babae pwede ka ng maghilamos."ani ng binata bago marahang ugain ang balikat ng dalaga.
"Ano ba?!inaantok na ako bukas na lang."antok na antok na sagot ng dalaga habang tinatabig ang kamay ng binata bago tumagilid.
"Anong bukas kadiri kang babae ka ni hindi ka man lang naghilamos pagkatapos mong kumain ng cake."naiinis na sambit ng binata bago tumayo at naglakad papasok ng comfort room.
Maya maya naalimpungatan ang dalaga ng may maramdamang malamig sa pisngi niya.
"Anong ginagawa mo?"bulong ng dalaga ng makita si Aidan ba pinupunasan ang pisngi niya at mga braso.
"Hindi ba halata?pinupunasan ka."pagsusungit nito na kinatigil niya ng makita ang palad ng dalaga.
"Anong nangyari sa palad mo?"tanong ni Aidan na agad namang kinuha ng dalaga bago bumangon.
"Sa pagdadala ko ito ng palakol."sagot ng dalaga bago tumingin tingin sa paligid.
"Maghilamos kana iniextend ko na din kanina yung kadena mo kaya makakaabot kana hanggang cr."ani ng binata bago tumayo dala ang planggana.
"Ano bang kailangan mo sakin?bakit mo ako kinuha balak mo ba akong ibigay sa mga pulis ha?"tanong ng dalaga na kinatigil ng binata.
"Kung yun talaga ang balak ko sa tingin mo dadalhin pa kita dito?"balik na tanong ng binata bago humakbang palabas.
"At kung sakali man hindi kita sa pulis dadalhin sa head quarters na."dagdag ng binata bago lumabas ng kwarto.
---
"Papa nasaan tayo?"tanong ng batang babae habang ginagala ang paningin sa madilim na paligid.
"Nasa basement tayo ng mga Aragon Anak."ng marinig yun ng bata napaangat ito ng tingin bago paulit ulit hilahin ang suot na longsleeve ng ama.
"Ibig sabihin andito yung mga anak ni Lord Aragon?"inosenteng tanong ng batang babae pero imbis sumagot binuksan ng ama ang kulungan ba bakal.
"Ilang beses ko ng sinabi sayo Trigger pag magpapakamatay ka wag ka sa harap namin nakakadistract ka."walang buhay ng sambit ng batang nakabaliktad sa taas ng double deck na kama.
Yan ang bumungad sa mag ama bago yumuko bilang pag galang.
"Young masters pinatatawag kayo ng ama niyo sa silid aklatan."magalang na sambit ng matandang lalaki na kinatingin ng mga bata sa loob.
"Ano nanaman kailangan ng matandang yun?"komento ng lalaking may asul na mga mata.
"Bibigyan tayo ng mission?"sagot ng lalaking kasalukuyang nakadapa sa carpet.
"Nabobored nanaman siya siguro kaya paglalaruan nanaman tayo."walang buhay na komento ng isa sa mga batang nasa sulok.
"Di maganda ng makaganti ako sa mga tauhan niyang walang kwenta."sagot ng batang lalaking nakahiga sa kama.
"Oy bata."napaangat ng tingin ang matandang Lacson sa batang lalaki na nakaupo sa mono block at nakatingin sa pwesto nila.
"Papa."hinila hila ng batang babae ang laylayan ng damit ng ama bago bumulong.
"Siya po yung nagsave sakin sa monster."bulong ng batang babae na---.
"Maraming salamat young master niligtas niyo ang anak ko habang buhay kong tatanawin na utang na lo---."
"Butler Lacson."naputol ang sasabihin ng matandang lalaki ng magsalita ang batang si Daimos.
"Ang mangga ba pwedeng mamunga ng santol?"tanong ng batang si Daimos na kinatigil ng matanda.
"Hindi pero pwedeng maging kasing tamis ng santol ang mangga pagdating ng tamang panahon."sagot ng matanda kalaunan.
"Anong ibig mong sabihin butler Lacson?"walang buhay na tanong ng batang lalaki.
"Sa isang puno ng mangga pare pareho man ng wangis at itsyura ang bunga pero ang tamis at asim nito siguradong magkakaiba kaya hindi ako naniniwala kung ano man ang puno yun din ang bunga."sagot pa ng matandang lalaki na dahilan para maagaw nito ang atensyon ng mga batang nasa loob.