10

701 Words
3rd Person's POV; "s**t!"mura ng binata ng makitang magpadausdos ang dalaga pababa ng hagdan gamit ang hawakan nito at sa dulo nun ang mga tauhan ng mga Aragon na ngayon ay pinapaputukan sila. "Putangina talaga aatakihin ako sa puso sa pinaggagawa ng babaeng ito."naiinis na sambit ng binata ng makita kung anong ginagawa ng dalaga. Nang may makita siyang kalaban mabilis niyang sinipa yun at inagaw ang baril nito bago tadtadin ng bala ang mga kalaban nasa baba. Mayamaya parang nanlamig ang kalamnan ng binata ng makitang hawak ng dalawang humanoid ang dalaga. "Bitawan niyo ako mga peste kayo!"sigaw ng dalaga bago pilit na kumakawala sa mga humanoid. "Madison!"sigaw ng binata bago tumakbo pababa ng hagdan na---. "Aidan!"sigaw ng dalaga ng makitang naging baril ang magkabilang kamay ng dalawang robot at---. "One point for Madison tenenen!"sigaw ng dalaga ng bumaliktad siya at sinipa dalawang robot mula sa likod dahilan para sa ibang direksyon nito maiputok ang mga baril. "Umalis na tayo dito bilis!"ani ng binata bagi hilahin ang dalaga paalis dun dala ang palakol nito. "Anong umal---." "May self destruction ang mga robot na yun kaya kailangan natin uma--s**t!"mura ng binata ng sumabog ang villa at tumalsik sila palayo ni Madison. "A-Aray ko."daing ng dalaga ng tumama ito sa kalapit na poste na punong puno ng galos dahil sa napasama ang hagis nito. "Kupal?"ani ng dalaga bago nagpupumilit na tumayo para hanapin ang binata. "Aid---."napatingin ang dalaga ng may sunod sunod na kotse ang dumating kaya mabilis siyang nagtago sa likod ng puno ng bumaba ang mga lalaki dun. "Tangna!hanapin niyo si kuya!"mura ng isa sa may asul na mga mata bago lumapit kung saan. "Sila na ba ang mga Aragon?"bulong ng dalaga habang nakatingin sa mga marka ng mga binatang tinatawag ang binatang si Daimos. "Peste t-talaga."napahawak ang dalaga sa braso ng makaramdam siya ng sobrang kirot dun. "K-Kailangan ko silang s-sundan."bulong ng dalaga bago habol hiningang umupo sa likod ng puno at tingnan ang braso. --- "Anong meron Killua?"tanong ng binatang si Jedal ng makitang nakatingin ang binata sa hindi kalayuan. "Hoy kayong dalawa!bilisan niyo na baka matuluyan pa ang sira---." "Teka lang!"sigaw ni Killua bago nanakbo pabalik sa loob ng villa. "Anak naman ng tokwa."mura ng binatang si Khairo habang hinihilot ang sintido. "Khairo mauna kana dalhin mo na sa ospital yan susunod kami."utos ni Jedal bago hampasin ang hood ng kotse ni Khairo. "Sumunod kayo mga gago pag ako namura ng mga asawa niyo yari kayo sakin."naiinis na sambit ng binata bago paharurutin ang kotse paalis. "Wtf Jedal anong---." "Mukhang kasama siya ni Kuya Daimos."ani ng binata habang may hawak na babae. "Teka isa yan sa Death Squad diba bakit--." "Tama ng tanong Trig sugatan din itong babae tara na."ani ng binata bago isakay sa back seat ng kotse niya ang dalaga. "Pumunta na tayo ng ospital."dagdag nito bago umikot sa driver seat habang si Trigger sumakay na din sa sariling kotse. Habang nasa daan ng makaramdam ng kirot ang dalaga nagising ito at napaingit ng magbagsakan ang paa niya ng hawakan ng palakol na nasa gilid ng pintuan ng kotse. "Putangina talaga ang sakit."mura ng dalaga bago dahan dahang umupo at---. "Ahhhh!!"tili ng dalaga na kinalaki ng mata ng binatang si Jedal lalo na ng maghysterical ang babae at pilit na buksan ang pinto. "Wtf babae!huminahon ka kapat---s**t!"mura ng binata ng masira ang pinto ng kotse at gumewang gewang ito bago bumangga sa puno. "f**k it!"mura ng binata ng umusok ang unahan ng kotse bago bumaba. "Nasaan si kupal!"sigaw ng dalaga ng makababa ito ng kotse at titigan ng masama ang dalawang lalaki ng makababa ang mga ito ng kotse. "T-Teka lang nasa ospital na siya pinahatid na namin siya sa ospital."sagot ni Jedal habang nakatingin sa malaki nitong palakol. Habang si Trigger naman hindi maiwasang humanga sa babae ng makitang parang balewala lang kung buhatin gamit ang isang kamay ang hawak nitong napakalaking palakol. "Relax lang dadalhin ka namin kung nasan si kuya."ani ni Jedal habang nakataas ang kamay ng makitang iangat ng babae ang hawak nitong palakol. "Siguraduhin mo lang kung ayaw mong humiwalay yang ulo mo sa katawan mo."may diing sambit ng dalaga bago tingnan ang magkapatid na Aragon na napalunok na lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD