NAGMAMADALING dinampot ni Shieralyn ang cellphone niya nang madinig niyang tumunog iyon. Ngunit nadismaya lang siya nang makita hindi galing kay Iñigo ang text message kung ‘di kay Timmy. Nakasibangot niyang nilapag ulit ang cellphone saka bumalik sa ginagawang pag-i-stretching sa sahig. Parte iyon ng morning rituals niya bago magsimulang magtrabaho sa clinic niya na nasa tabi lang ng bahay nila. Dalawang araw na siyang hindi natanggap ng pasyente dahil sa pagmumukmok na lubos na kinaiinis ng Mama niya. Pabago bago kasi ang emotions niya nitong mga nakaraang araw. Iiyak tapos bigla na lang tatawa o ‘di kaya magagalit. Tinapat na nga siya ng Mama niya na handa na siya ipasok sa institutions na mariin niyang tinanggihan. Ngayon, pag-yo-yoga at home exercise lang pinagkaka-abalahan niya liban sa paghihintay ng text message ni Iñigo. Dalawang araw na din ang lumipas mula ng makilala niya ito, maka-usap at maka-make out. Yes, they did that on his sister-in-law’s coffee shop. Kung may bucket list siya at kasama iyon, feeling wagi siguro siya kaso, wala. Nagpalitan sila ng contact number at hanggang ngayon nag-aabang siya sa text message nito.
“Shien, magbubukas ka na ba ng clinic mo? Nagtatanong yung kapitbahay natin dahil nilalagnat yung baby niya,” tanong sa kanya ng mama niya saka naupo ito sa sofa at binukas ang TV nila.
“Later ‘ma,” she said while bending her back above the gym ball.
“Ano balak mo sa mga gamit ni Timmy? I-donate sa goodwill box o ibalik sa kanya?” tanong pa ulit nito.
“Itapon, bagay ‘yan sa basurahan,” iritado siyang nag-indian seat sa sahig saka tinuon ang atensyon sa TV. Nanlaki ang mga mata niya nang makita sa screen ng TV si Iñigo. She asked her mom to increase the volume so she could here the news about Iñigo Dominguez. Namangha siya sa impormasyon na nalaman niya tungkol kay Iñigo. Hindi pala ito basta negosyante lang na gaya ng nakwento nito. He owned an advertising company and youngest son of an ex-politician and Broadway singer. May kapatid itong abogado, artista at doctor. Kapartner ng kumpanya nito ang isa ring malaking advertising company. Bakit nung nag-ku-kwento ito sa kanya ay ang simple simple lang ng buhay nito.
“Do you know him?” Tumango siya bilang sagot sa ina. “How?”
“Two days ago, when I caught Timmy cheating, I crashed on his blind date and we made out,” she said to her mother whose eyes widened upon hearing the last words that she uttered. “I know mali ‘yon pero nangyari na and we exchange contact numbers,”
“Nagtext na ba o tumawag?”
Umiling siya. “Nope…”
“Forget about him basically he’s not interested at all. Huwag ka muna magpaligaw o makipag-date. Focus on your clinic whose already suffering. Huwag mo sayangin ang ilang taong pag-aaral – no hanggang ngayon nag-aaral ka pa din pala at lisensya mo.” Mahabang litanya sa kanya ng mama niya na kina-awang ng bibig niya. “What?”
“Uhm, wala lang. It’s odd that you’re giving me advice pero pareho lang naman tayo,” wika niya dito dahilan upang batukan siya nito. “Ma, masakit ‘yon,”
“Kulang pa ‘yan at ayokong tumulad ka sa akin. Matalino ka, gamitin mo ‘yon.” Pero wala namang c*m laude sa pag-ibig, kahit ang pinaka-matalinong tao sa mundo minsan na din nahing tanga dahil sa pag-ibig. No exemptions at lalong hindi mo alam kung kailan ka ulit magiging tanga. “Napasa mo na thesis mo sa St. Martin Medical Center? I’m waiting na magkaroon na ng professor title bago ang pangalan mo just like your dad,”
Her dad is a doctor who died in a medical operation in Mindanao. He’s a hero and her mom couldn’t find someone similar to his dad. Kahit nakikipagdate ito, hirap pa din itong palitan ang tatay niya. Her dad was an amazing man, great provider and partner. Nakasuporta ito sa pangarap ng mama niya kahit pangalawa lang sila sa priority list nito. Understanding pa at sobrang bait kaya naman madaming pasyente ang humahanga dito noon hanggang ngayon. She became a doctor because of her father. Pasyalan niya ang ospital noon at nag-aasist niya parati dito.
“May lakad ka?” tanong niya dito.
“Yes, me and Emillio have a date,” mapait siyang napangiti. Bagong lalaki na naman at tahimik niyang dinalangin na sana iyon na ang katapat ng mama niya. Basta may similarities sa papa niya nakikipag-date ang mama niya without knowing na torture iyon sa side ng lalaki. She wouldn’t find someone like her dad because he’s only one. At imbis pangaralan niya ito pabalik, pinili niyang tumahimik na lang.
“I’ll pass my thesis later after my morning patients,” aniya dito.
“Great. See you later, my love,” sambit nito saka hinalikan siya sa pisngi.
“Okay, enjoy.” Tumayo siya at isa isang niligpit ang mga gym equipment na nakakalat sa living room. Sunod niyang timungo ang kinalalagyan ng cellphone dinampot iyon saka tumungo na sa kwarto niya para maghanda. Nang matapos, direcho siyang tumungo sa clinic at sinumulan ang pag-che-check up sa mga babies na siyang mga pasyente niya. Inabot iyon hanggang lunch kaya naman nang makalabas ang pinaka-huling pasyente, nagpaalam siya sa nurse na kasama niya na aalis muna at may pupuntahan lang. Binilinan niya ang mga ito na puro schedule check up muna ang tatanggapin habang wala pa siya sa clinic. Kailangan niya makausap si Dr. Sloan – ang paboritong doctor ng kanyang papa. Dito niya ilalapit ang thesis niya at kilala na din naman siya doon dahil doon siya nagresidency at fellowship bago nagdesisyon na manatili sa clinic ng papa niya.
“Hi!” Bati niya sa mga nurse na nagku-kwentuhan sa nurse station.
“Dra. Dela Cruz!” Sabay sabay na bati ng mga ito sa kanya.
Nilapag niya ang bitbit niya mga sandwich na siyang binili niya bago magpunta doon. “Para sa inyong lahat ‘yan,” aniya at nagpasalamat naman ang mga ito sa kanya. Ngunit isang doctor ang hindi niya ka-close at lubos na kinaiinisan ang bigla sumalo sa kanilang lahat. Napahalukipkip siya at pasandal na tumayo sa nurse station counter table.
“Hello, Dra. Shien! Ngayon lang kita ulit nakita dito at namiss kita,” sambit sa kanya ni Dra. Camilla Esquivel. Sinubukan niyang huwag mapairap bigla dito dahil lang sa kaplastikan nito.
“Likewise.” She almost vomits when she said those words. Pag pinlastik ka, plastikin mo din. “Anyway, I need to go may appointment pa ako kay Dr. Sloan.” Paalam niya sa mga nurse saka lumakad na papunta sa office ni Dr. Sloan. Hindi siya nagpaalam pa kay Dra. Camilla dahil ‘di naman sila close. Habang naglalakad, naramdaman niyang nagvibrate ang cellphone niya at napawi ang inis nararamdaman dahil sa text message na natanggap. Approved na ang loan niya para pagpapalaki sa clinic niya na matagal din niya hinintay.
“You seem happier today than two days ago,” anang tinig na nagpalingon sa kanya agad. It was Iñigo wearing casual clothes. Ibang iba sa Iñigo na nakilala niya two days ago. Nakangiti ito habang nakapamulsa ang mga kamay.
“Iñigo…” sambit niya sa pangalan nito.
“Hi, it’s been awhile and I’m sorry I hadn’t contacted you,” anito sa kanya.
“Ah, wala iyon. Kamusta?” Ang awkward nito pero sige kaya ko ito…
“I should be the one asking you that,”
“I’m… fine. Totally fine,” she said and smile at him. “Uhmm, anong ginagawa mo dito?” tanong niya dito at wala naman siya nakikitang masama doon. She just want to know why he’s there even though it’s not necessary.
“Sinusundo ko yung sister-in-law ko at pamangkin.” Sabay sila lumakad papunta sa direksyon ng opisina ni Dr. Sloan. Nauna itong huminto sa unang pintuan bago ang opisina ni Dr. Sloan na siyang pakay niya. Kumatok ito doon at pagbukas, sabay na lumabas doon ang cute na mga bata na mukhang kambal kung hindi siya nagkakamali. Nagpabuhat kay Iñigo yung batang babae habang yung batang lalaki kumapit lang sa kamay nito.
Damn, he still looks good…aniya sa isipan.
“Uncle, are you going to take us home?” tanong ng batang babae kay Iñigo.
“Yes, Addie and I’ll stay at your house tomorrow until Sunday.” Masayang punalakpak yung dalawang bata dahil sa sinabi ni Iñigo. Lalo niyang hinangaan ito at panay-panay din ang mabilis na pagtibok ng puso niya.
“Dra. Dela Cruz, I didn’t know you’re already here.” Pukaw ni Dr. Sloan sa kanya.
“Sorry, doc, nalimutan kong kayo pala pakay ko,” aniya na kinatawa naman nito. Napatingin siya kay Iñigo at nakita niyang may mga tanong na nababakas sa mukha nito. Hindi niya nasabing doctor siya at hindi din naman kasi ito nagtanong. Inaya siya ni Dr. Sloan sa opisina nito matapos magpaalam kina Iñigo, Dr. Dominguez at sa asawa nito. Agad siya pinaupo ni Dr. Sloan at kinuha sa kanya ang thesis na hawak. “I hope na mabigyan ako considerations ng higher authority na maging professor.”
“May offer naman sa ‘yo and this thesis of yours will help you a lot.” Sambit sa kanya ni Dr. Sloan.
Nilinaw na niya noon na pagkatapos ng ilang taon niya sa SMMC bilang residente at fellow na balak niya ituloy ang pangarap ng papa niyang magkaroon ng clinic. Ang hinihingi niya’y considerations at boto upang mapadali ang pagbibigay sa kanya ng panibagong titulo. Politics in the field of medicine is quite dirty also so she have to be bold and never let enemies ruined her plan. Lahat gagawin niya para matupad ang pangarap niya at ng papa niya. Pagkatapos nila mag-usap ni Dr. Sloan, agad niya nilisan ang ospital. Paglabas niya si Iñigo agad ang una niyang nakita. Nakatayo ito pasandal sa sasakyan nito at tila siya ang inaantay. Wala naman masamang ma-assume ng slight. Awtomatiko itong ngumiti nang makita siya at gano’n din siya.
“Are you done for today?” tanong nito sa kanya.
“Yes.” Mabilis niyang sagot. “Wait, why are you still here? Di ba hahatid mo sister-in-law at mga pamangkin mo?” Nilapitan niya ito saka sinalubong ang mga titig nito.
“Nahatid ko na sila,” anito sa kanya. “Can I invite you to have coffee with me?”
“Doon ulit?” balik tanong niya dito.
“If you want there, it’s fine with me.”
“Libre mo?” She heard him chuckles. Iñigo held her hand and gently pulled her a little closer. She tried to read what’s on his mind but she didn’t succeed. Ang hirap nitong basahin at hindi siya sigurado kung ano ang ibig sabihin ng mga kilos nito. “Why you didn’t contact me immediately? Na-turn off ka ba or what?”
“I gave you time to process everything. Kakabreak mo lang sa cheater mo’ng ex-boyfriend. I didn’t want to be your rebound but upon seeing you today, I think maybe we can be friends for awhile, I guess?” Ang buong akala niya si Timmy na ang pinaka-sweet at caring sa lahat ng lalaki sa mundo, hindi pala. Iñigo is right about how odd to date someone new after break up. Baka maari nga na maging magkaibigan muna silang dalawa. Later on they will know if they’re effective as a couple or they’ll remain as friends. Awkward yes but at least they both know their limitations.