MARAHANG lumakad si Shieralyn papunta sa upuang may mataas na sandalan upang makapagtago. Kasalukuyang siyang nasa The Governor’s Palace at iyon ang lugar na sinabi ng informants – mga mahaderang kaibigan online – na pupuntahan ng boyfriend niyang si Timmy. Kailangan niya makasiguro na tama lang ang ginawa niyang pagsuway sa mama niya para lang sumama dito. Madaming beses na kasi siyang sinabihan ng Mama niya tungkol kay Timmy at sa pagiging babaero nito pero hindi siya naniniwala. Ang tanga nga daw niya sabi ng Mama niya at kanino pa ba siya magmamana kung ‘di dito rin na panay palpak ang lalaking napupusuan. Dahan dahan siya naupo saka luminga-linga sa paligid. Wala pa ang subject niya kaya maaring kumain muna siya doon ngunit mabilis na nagbago ang isip. Saka na lang kapag kumpirmado ng niloloko nga siya ni Timmy. Alam niyang mahal ang pagkain sa lugar na iyon. Sigurado naman siyang hindi dahil mahal na mahal siya nito.
Hatid sundo siya nito sa trabaho, sabay sila mag-dinner palagi at panay ang padala nito ng bulaklak sa kanya. Timmy is sweet and caring boyfriend to her. Idagdag pa na sobrang gwapo nito kaya agaw pansin sa karamihan. They met in a dating app where every desperate single woman goes. Nagchat sila halos araw araw, nagtawagan hanggang sa mapagkasunduan nila magkita. Doon nagsimula ang lahat, niligawan siya nito at ngayon nga’y boyfriend na niya ito. They’ve been in a relationship for six months now. Parang ang tagal tagal na noon at ang dami niyang alam tungkol dito, mula sa pamilya nito hanggang sa mga kaibigan nito. Naputol ang pag-iisip niya sa kung paano sila nagkakilala ni Timmy nang makita niyang pumasok ito sa restaurant at may kasamang ibang babae na namumukhaan niya.
Arisa Montenegro – sole heiress of Montenegro Shipping Lines. Nagkita na sila nito sa isang corporate event na dinaluhan ni Timmy. Alam niyang magkaibigan ang dalawa at gusto niyang ipasok sa isipan niyang friendly o business date lang iyon pero hindi. She saw them kissing and very sweet to each other. Naka-abrisete si Arisa kay Timmy habang naglalakad sila papuntang private lounge. Dali dali siyang tumayo at sumunod sa mga ito pero napigil siya ng receptionist sa bungad ng private lounge.
“Good evening ma’am, may I know if you have a reservation in our private lounge?” The receptionist politely asked her. Natigilan siya at nag-isip. May reservation nga pala sa side na iyon ng restaurant at tanging mga kilalang tao lang ang nakakapasok doon. Sino ba siya para magpilit na pumasok doon. She caught Timmy’s attention and he acted like he’s going to her.
“I’m with Iñigo Dominguez,” tugon niya at hindi pinuputol ang eye contact nila ni Timmy.
“You mean Mr. Jose Ignacio Dominguez, ma’am?” Oh jusko, hindi ko alam kung iyon ba ang pangalan nang nasilip ko na guest sa listahan kanina! Natataranta siya sa loob loob niya ngunit hindi niya iyon maaring ipahalata.
“Yes,” tugon niya pang muli. Ngumiti ang receptionist at sinamahan siya sa reserved room na nakapangalan kay Jose Ignacio Dominguez na hindi naman niya talaga kilala. Sinabi din nitong male-late lang ang ka-date at nagbilin na magserve na ng pagkain upang hindi daw siya magutom. How nice of him? Sana mabait siya para hindi na ako mahirapan makiusap, aniya sa isipan.
Luckily, nasa tabing kwarto lang nila ang kwarto nina Arisa at Timmy. The reserved rooms have a two way mirror that’s why she could see how Timmy and Arisa interact with each other. Hindi na gaanong sweet ang mga ito ‘di gaya kanina dahil malamang sa presence niya. Caught in the act of cheating sila pareho at kahit sobra na siyang naggagalaiti, kailangan niya magpigil dahil una, nasa lugar siya na madaming kilalang tao at pangalawa, ayaw niyang ibaba ang level niya sa mga ito. She has known for being a sophisticated daughter of Amara Dela Cruz – 1975 Asia’s Top Model.
Tinungga niya tubig na hinanda para sa kanya ng waiter habang nanatiling nakatingin sa mga ito. How dare those to continue dating even if they’re already caught? Kapal lang talaga ng mga mukha ang pinaiiral siguro ng mga ito. She tried her very best not to cry even if her tears almost fell from her eyes. Natigilan siyang muli ng bumukas ang pintuan at niluwa noon ang isang gwapong lalaki na naka-three piece gray suit. Maayos na naka-brush up ang buhok at malayo pa sa kanya ay naamoy na niya ang pabangong gamit nito. Pagtataka ang unang nakita niyang bumakas sa mukha nito dahil marahil alam nitong hindi siya ang dapat naroroon. Akma siyang tatayo ngunit pinahinto siya nito. Matama itong lumapit saka naupo sa upuang katapat niya.
“You’re not Erin Marquez, right?” Tumango siya bilang sagot dito.
“Uhm, I’m sorry if I ruin your date with Erin. Kinailangan ko lang gamitin ang pangalan mo para –“ the guy cut her off.
“It’s okay. Erin can’t come and I guess I’m lucky to have you here. Less shame that my supposed date didn’t showed up,” sambit ni Iñigo sa kanya. “I’m Jose Ignacio Dominguez, you can call me Iñigo for short,”
“Shien, I mean Shieralyn Dela Cruz.” Pakilala niya dito.
“Do you know the people in the other room?” tanong ni Iñigo sa kanya.
“Yeah, he’s my cheating boy – ugh, ex-boyfriend.” Napatingin siya kay Iñigo at napansin niya ang concern sa mga mata nito. She wished that he’s not a judgy type of person. Syempre, alam niyang huhusgahan dahil bakit pa ba siya naroroon? Para saktan ang sarili niya at ipamukhang niloko siya ng walang hiya niyang ex-boyfriend? Tanga na nga, masokista pa. Sa kanya na talaga mapupunta lahat ng award.
“I see. Do you want to transfer place or you prefer to watch them all night?” Can she trust this man? Sinipat niya itong muli saka nag-isip. She got his point there, masasayang ang gabi kung magdamag niya babatayan at aabangan na makonsensya si Timmy. Umayos siya ng upo saka tumikhim.
“Do you know a quiet place aside from church?”
“Yes.” Tugon ni Iñigo.
“Pero, paano itong mga ito?” Nanghinayang siya bigla sa mga in-order nito na hindi pa ni nababawasan.
“Hayaan mo na. My brother’s paid for it and believed me when I say, ngayon lang sila gumastos para sa akin,”
She chuckled softly. “Okay,” aniya dito.
“So, shall we?”
“We shall.” Sabay nila nilisan ang lugar na iyon kahit may nanatiling agam-agam sa kanyang puso. Hindi na niya nilingon pa ang kinaroroonan nila Timmy dahil hindi naman siya binigyan ng pagkakataon ni Iñigo. Hawak nito ang kamay niya at mabilis ito maglakad kaya ang dali lang nila narating ang kinaroroonan ng kotse nito. He opened the passenger seat door for her but before she entered she looked at him once again. “Can I trust you?” tanong niya.
“Hmm, maybe? But you can call the police immediately if I do something odd.” Tumango tango siya bilang pagsang-ayon saka tuluyan na pumasok sa loob. Sinipat niya ang paligid at nakita niyang sobrang linis ng sasakyan nito unlike kay Timmy na parang basurahan. Everything in that car was placed accordingly and organized. Pinilit niya ignorahin ang pagiging vain na siyang unang napansin niya kay Iñigo. When Iñigo got inside the car, he started the engine and maneuvers it away from the place.
MATAMANG pinagmasdan ni Shieralyn ang mga painting na nasa harapan niya. Lahat ng iyon ay may mga kwento na nakadikit sa gilid ng bawat painting. Isang painting ang umagaw sa atensyon niya kahit madaming painting doon ang kasing ganda noon. It was named as The Girl in the Rain. A woman named Paola Rachelle Sanchez - Dominguez painted the said painting and that made her wonder. A Dominguez painted it? How is the painter related to Iñigo? Habang nasa biyahe sila papunta doon, nakwento ni Iñigo ang tungkol sa mga kapatid nito. Apparently, ito na lang natitirang single sa pamilya nila kaya naman naisipan ng mga ito na i-set si Iñigo sa isang blind date na failed naman. Imbis na yung babaeng pinili nila ang kasama nito, siya ang umeksena.
“My sister-in-law painted that and she also owned this place,” wika ni Iñigo sa kanya saka inabutan siya ng isang tasa ng mainit na tsokolate. “I don’t know what you like so, I assumed you have sweet tooth and don’t worry it’s safe,”
Napangiti siya dahil sa sinabi nito. Kanina pa kasi nito pinatutunayan sa kanya na matino itong klase ng tao at walang gagawing masama sa kanya. “I didn’t know this place and it’s my first time here,”
“You’re lucky, you know why?” anito sa kanya.
“Why?” Bahagyang nangunot ang noo niya.
“My sister-in-law rarely served this red velvet cupcake even though it’s their bestseller and you have taste this,” paliwanag nito sa kanya.
Hindi siya gaano mahilig sa mga cupcake pero wala namang masama kung susubukan. She got one cupcake and tastes it. Tama si Iñigo, masarap iyon kaya hindi na siya magtataka kung bakit bestseller iyon doon. Nagpatuloy sila sa pagku-kwentuhan hanggang sa maisipan nila tumungo sa garden part ng coffee shop-c*m-art gallery ng sister-in-law ni Iñigo. They both sat down the marmol bench there and stared at the night sky.
“What’s the bravest thing you do in life, Shien?” tanong ni Iñigo.
“Uhm, choose him over my mom? I guess that’s not right but I already did it. Magso-sorry na lang siguro ako kay Mama,” aniya dito. Dapat ihanda na niya ang sarili niya sa magiging sermon nito sa kanya pero sigurado naman siyang mas madami pa din siyang mai-se-sermon dito kapag nagkataon na pareho silang bigo na naman sa pag-ibig. That’s what she’s afraid to happened, the day that her mom will be right about Timmy but it still happened. No one prevented it. “Being here with you somehow diverted my sadness. Kung hindi ako nagcrash-in sa date mo baka nagmumukmok na lang ako sa kwarto ko ngayon,”
“I’m thankful to you too, Shien,” sambit ni Iñigo.
She can’t explain what she’s feeling right now. Ano ba yung dahilan nang mabilis na pagtibok ng puso niya? Hindi niya dapat nararamdaman iyon dahil kaka-break lang niya at hindi pa nga official iyon. Wala na din naman siya balak na gawin pa opisyal iyon. Tapos na sila ni Timmy at kung magpapaloko pa siya dito, sobrang tanga na talaga niya. She deserved all her mother’s rants.
“Would you rather be brave or practical?” tanong niya dito.
“Practical. Buong buhay ko naging matapang ako pero kulang pa din kaya for now I’ll choose to be practical,”
“I see but there’s no issue on that. I would rather be practical also if you’re gonna asked me,” Their gazed met and a smile flashed on her face. She doesn’t know why but there’s an urge inside her saying to bridge the space between their faces and kissed him. Hindi praktikal iyon at kung magmamatapang siya, saan na naman siya pupulutin kung sakali? “But tonight is an exemption,”
“Uhm, yeah,” he said leaning closer to her. She smiled again and the next thing she knew, Iñigo’s already kissing her passionately. A kind of feeling that she never experienced with Timmy. A kissed that lighted up a firework and exploded on her mind. It was a soft and passionate at first and she tried to resists it. But in the end the urges won. Lumalim ang halik na pinagsasaluhan nila at marahan siyang nakabig ni Iñigo ng mas malapit pa. She wrapped her arms around his nape and answered his every kisses. Bumaba ang dalawang kamay nito at marahan siya inangat hanggang sa mapaupo siya sa kandungan nito. Their lips didn’t separate and she knew that’s forbidden. Nasuklay niya ang dalawang kamay niya sa buhok nito sa likuran at hindi sinadyang dumiin ang pagkakahawak niya doon. Making out with a stranger was never crossed her bucket list or her mind. Napapanood niya lang iyon noon at ngayon ginagawa na niya. Hope that night wouldn’t end. She wants to kiss him until they lost their breath under the night sky and stars.