“HOW’s the company Iñigo? Panay-panay ang pa-meeting mo sa lahat ng department doon.” His mom asked. Natigil siya sa pagkain saka hinayon ang tingin sa gawi ng ginang. Kasalukuyan silang sabay-sabay na nagtatanghalian sa bahay ng kuya Niko niya. Ang buong akala niya, siya lang ang pupunta doon ngayon para mag-stay bukas ng gabi pero mukhang gaya niya wala din magawa ang mama niya sa bahay nila. Hindi tuloy siya maka-porma sa pag-aalaga sa mga pamangkin niya dahil dito. Nangako pa ‘man din siya sa maglalaro sila nina Addie at Andrew ng paborito nitong video games.
“The company is fine,’Ma and those meeting were every departments report. You know how much I hate reading long email reports kaya pinag-p-present ko sila,” tugon niya dito. Napatingin siya sa sister-in-law niya na kanina pa pala nakatingin sa kanilang mag-ina. Naisip niya ng ayaw pala nitong nag-uusap tungkol sa trabaho kapag nasa hapag kainan. More on personal matter ang gusto nitong pinag-uusapan nito. “Do you receive an email confirmation about the flight we booked for you and dad?”
“Oo pero parang ayoko umalis. I want to stay here and wait Jillian and Paola to give birth.” He eyed his sister-in-law to ask for help but before she could speak his kuya Niko came and seated beside their mom.
“Don’t worry ‘Ma bago pa sila manganak nakabalik na kayo ni Dad dito.” Sambit ng panganay na kapatid niya.
“Fine but Iñigo, hindi ka nagkwento about doon sa blind date na sinet-up ng mga kuya mo. How was it? Mabait ba yung babae just like your sister-in-laws? Wala akong time makipaggyera kung hindi ‘yan mabait,”
Napakamot siya sa batok niya nang hindi na kinaya ang mga litanya ng mama nila. “I think she’s nice and she’s also a doctor. Naging trainee siya ni Niko, right hon?” Si Ate Jillian niya na ang nagdescribe kay Shien pero hindi naman talaga ito ang dapat na date niya noon. She just crash in and they both end up making out in his ate Paola’s coffee shop. Kahapon magkasama silang dalawa ulit at mukhang nagiging libangan na niya ang makipag-make out dito.
“Yeah, she’s smart though a little hard headed sometimes but eager and there’s a willingness to learn for me,” paliwanag naman ng kapatid niya. “But again, she’s not the girl we choose to be your blind date,”
“What? Sino pala kung gano’n?” May kaunting pagka-histerikal sa tinig ng mama niya.
“That girl didn’t showed up and Shien crash in unexpectedly,” he said. Ang kapatid na niya ang nagpaliwanag sa mama nila kung ano nangyari at siya naman ang nagkwento how Shien and him met. Natapos ang lunch nila at nagfocus na ang mama niya sa pag-alalaga sa kambal niyang pamangkin habang siya nanatili sa entertainment room at doon nanood ng mga movies na hindi pa niya napapanood. His cellphone vibrated indication that a text message came. Dinampot niya iyon saka tiningnan kung sino ang nagtext. A smile formed to his lips when he read the name of the sender. It was from Shien and a photo was attached her message. Nasa clinic nito ito ngayon at pinakita nito sa kanya na sobrang dami nitong pasyente ngayon. He took a selfie and sends it to Shien also. In a count of one to three, he received a call from Shien.
“Hello, akala ko yaya ka ng mga pamangkin mo ngayon?” anito sa kabilang linya.
“My mom is with me and she took care of the twin that’s why I’m watching movies right now,” he explained to her. “Do you need anything? Maybe I could drop by there,”
“Coffee at kausap,” tugon nito sa kanya.
“Okay got it. Be there in twenty.” Iyon lang at tinapos na niya ang pakikipag-usap dito. Nagpaalam siya sa kapatid niya na aalis saglit pero hindi niya binanggit kung saan siya pupunta. Shien texted him the address of her clinic. Agad siya dumirecho sa coffee shop para bilhin ang paborito nitong kape. Gabi na sila nung maghiwalay nang nagdaang kaya given na inaantok ito ngayon. Sa dami ng pasyente nito ngayon baka ma-misdiagnosed pa nito ang mga iyon sa antok. It wasn’t the first time he exert an effort to someone he just met. Sa gano’n paraan nga sila nagkakilala ni Scarlett. Ugh, having some trip down to memory lane… aniya sa isipan.
What he has with Shien was far different from his relationship with Scarlett. Ilang beses niya itong pinaglaban ngunit sa huli hindi pa din siya ang pinili nito. Mas binilisan niya pa ang pagmamaneho hanggang sa marating na niya ang clinic ni Shien. Pagdating niya doon may naka-lagay ng lunch break sa may pintuan. Pagpasok niya nabungaran niya pa’ng kumain ang dalawang nurse na siyang sumasalubong sa mga pasyente nito. Napuno ng pagtataka ang mukha ng dalawa at mabuti na lang lumabas na si Shien sa opisina nito.
“He’s my patient. Kumain na kayo dyan, okay?” sambit nito sa dalawa nurse na kinangiti niya. Inaya siya nito sa opisina at doon agad siya nitong hinalikan. He couldn’t resist her because she does really look extra attractive in doctor’s gown. He carried her and automatically she wrapped her legs around his waist. “I didn’t expect that this could become a hobby to me,” wika ni Shien sa pagitan ng halik nito.
“To you, all things are possible,” he replied. They continue kissing each other until they both loose their breath.
ISA ISANG binalik ni Shien sa pagkakabutones ang suot niyang polo blouse. Iñigo handed her the coffee that she requested to him. Katatapos lang nila mag-make out at doon nila ginawa iyon sa loob ng opisina niya. Wild, yes but satisfying. She wouldn’t thought that she can do that things but just like what Iñigo said, to her all things are possible. Muli niyang sinuot ang doctor’s gown na nahubad sa kanya ni Iñigo saka inayos ang kanyang buhok. Naupo naman sa couch na naroon ang binata at matama siyang tiningnan.
“Ilan pang pasyente ang haharapin mo ngayon?” tanong ni Iñigo sa kanya.
“Apat and I can handle those now that I already got recharge plus this coffee,” tugon niya na kinatawa ni Iñigo. His thunderous laugh filled the entire office. “You told me the last we talked that you choose to be practical because you’re tired to be brave, right?”
“Yes. Why did you asked?” tanong nito sa kanya.
“Wala lang naisip ko lang itanong kung ano dahilan pero okay lang kahit hindi ka magkwento,” aniya sa binata.
“I had a girlfriend before,” Her eyes widened upon hearing those revelation. “Parang gulat na gulat ka?”
“Nakakagulat naman kasi talaga. You looked playboy and a happy go lucky guy so I didn’t expect you had a girlfriend. Let me guess, flavor of the month mo lang iyon, no?”
“You’re too judgy, Dra. Dela Cruz,”
She chuckle and stood up. “Ano bang sinabi ko? Its only base on reading you,” wika niya saka naupo sa tabi nito.
“You’re reading me? So, psychologist ka na ngayon?” Umayos ito ng upo saka seryosong tumingin sa kanya.
“Well, I studied multiple specialities.” Pareho silang natawa dahil doon. Buong buhay ni Shien aral lang siya ng aral at buong akala niya naiintindihan ni Timmy ang bagay na iyon. Iyon pala, tanging mama lang niya ang siyang nakaka-intindi sa kanya. Biglang napawi ang ngiti sa mga labi niya at napatitig sa picture frame na naka-display sa isang rack malapit sa pintuan. It was photo of her and Timmy on the day she passed her fourth board examination. Marahas siyang tumayo at dinampot iyon. Bakas na bakas sa mukha nila pareho ang kasiyahan sa picture. Napaisip tuloy siya, was he really happy back then? “I was wondering why he cheated on me. Gusto ko malaman kung saan ako nagkulang o nagkamali,”
“Hmm, sa ilang araw na pagkakakilala ko sa ‘yo, I can say that there’s nothing wrong with you but…” Malalim na napabuntong hininga si Iñigo bago muling nagsalita. “Base lang ito sa mga napapansin ko and we just met few days ago,”
She chuckles, “yeah, you’re right,” sambit niya saka binukas ang picture frame at kinuha ang picture nilang dalawa ni Timmy saka pinunit iyon. “Whatever his reason, I don’t care anymore. Hindi din naman niya deserved ang mga luha ko. It’s too precious for an asshole like him.” Agad niyang tinapon ang pinunit na picture saka bumalik sa pagkakaupo sa tabi ni Iñigo. “Ituloy mo na yung kwento sa dati mong girlfriend,”
“Break time is over, Dra. You have patients you need to attend,”
“Ugh! What about later tonight? Ipagluluto kita ng kahit ano, deal?”
“Hindi ka din tsismosa masyado,”
“Wow, coming for you…” Naiiling itong tumingin sa kanya. “Masarap ako magluto,” aniya na may halong pangungumbinsi.
“Fine, I’ll just wait outside.” Napalakpak naman siya dahil sa pagpagyag nito. Pagkalabas ni Iñigo sunod sunod na dunating ang mga pasyente niyang naka-schedule para sa hapon. Dahil kakaunti na lang iyon, madali siya natapos. Inutusan niya ang dalawang nurse na mauna nang umuwi at siya na ang bahala doon. May ilang file lang siyang kailangan i-save sa drive niya at pagkatapos noon maari na sila umalis ni Iñigo. Nakisama naman ang computer niya at mabilis iyong natapos. Dali dali niya hinubad ang doctor’s gown saka dinampot ang kanyang bag. Sabay sila lumabas ni Iñigo at ang sasakyan din nito ang ginamit nila papunta sa grocery na malapit lang din naman doon.
“What do you want to eat, Iñigo?” tanong niya habang sabay sila naglalakad sa aisle ng mga fresh products. “Pasta or you prefer a meal with rice?”
“I’ll choose the latter.” Tumango naman siya saka kumuha ng isang buong manok pagkatapos ay sunod na silang tumungo aisle ng mga gulay. She’s planning to cook tinola for Iñigo bilang sinabi naman nitong kahit ano kinakain nito. Hindi na siya mahihirapan pa na mag-isip kung gano’n ito kadaling kausap. “Kuya Niko, praised you a little awhile ago,”
“Pinag-uusapan niyo ako? Kaya pala kanina pa ako nasasamid,” aniya habang napili ng mga gulay.
“May scientific explanations na ba doon?” She just shrugged. Napangiti naman ito na sobrang nakakahawa. “Anyway, it’s about my failed blind date few days ago and mom was asking how did it go.”
“At sinabi mo sa kanila na fail iyon pero na-save ng amazing na doktora ang gabi mo?” Tumawa lang si Iñigo at ginulo ang bangs niya. “Hey, hindi ba iyon ang sagot mo? Curious ako sabihin mo na, bilis!”
“My sister-in-law told mom that you’re nice and kuya Niko said that you’re smart but a liitle hard headed.” Napasimangot siya dito at hinampas ito sa braso. Hindi ang mga iyon ang gusto niya madanig. Gusto niya madinig sagot mismo nito at kung anong dahilan ay hindi niya din alam. Lately, she’s been waiting for someone to praise her and sometimes she’s looking for validation that she don’t usually do. Kinabig lang siya ni Iñigo palapit saka hinalikan sa noo niya. “Enough, let’s go na,” sambit nito sa kanya.
“Iñigo… “Sabay sila napatingin sa pinagalingan ng tinig na iyon. She saw how pain strike likes a speed of light on Iñigo’s eyes and face. Who is she? Anong papel niya sa buhay ni iñigo? Bakit gano’n na lang ang reaksyon nito nang magtama ang mga mata ng dslawa? Is she someone from Iñigo’s past? Should she be threatening? Mga tanong niyang naghihintay ng sagot.