I immediately looked for Lorden the moment I woke up. Nataranta agad ako nang makitang wala siya sa tabi ko. Agad na namuo ang luha sa mga mata ko at nagmamadaling lumabas ng kuwarto, pero natigilan nang makitang nasa kusina siya at nagluluto.
He looked at me and smiled, but his smile disappeared when he saw me crying. I sniffled and ran to his direction. I hugged him so tight and cried on his chest.
"Akala ko umalis ka!" Napahikbi ako saka yumakap nang mahigpit sa kaniya.
Pinatay ni Lorden ang stove. Humawak siya sa braso ko saka marahan akong inilayo para tumitig sa mukha ko. Nakita ko kung paano nanlambot ang tingin niya habang nakatitig sa akin. Marahan niyang pinahid ang luha sa mga mata ko saka dinampian ng halik ang noo ko.
"I'm sorry, Kate... Did I scare you?" he asked in a soft tone and kissed my lips gently.
Agad akong lumayo at tumakip sa labi ko. "W-wait, hindi pa ako nagt-toothbrush," bulong ko na lang.
He just chuckled and hugged me tighter. "You smell good as always..." He kissed the side of my eye.
Napasinghap ako nang basta na lang ako nitong binuhat saka pinaupo sa table. Napangiti na lang ako at yumakap sa batok niya. Tumitig naman siya sa'kin na parang ayaw niya akong mawala sa paningin niya. Hinaplos niya ang pisngi ko saka hinila ako palapit sa kaniya.
"I won't leave you again, Kate... I promise."
"Talagang talaga?" tanong ko pa.
Lorden smiled and nodded. "Talagang talaga." He kissed my lips again. "I'll prepare our breakfast now." He suddenly carried me and made me sit on the chair.
He kissed my forehead before he went back to the kitchen counter. Nagsimula na rin siyang maghain. Napanguso ako habang pinapanood siya... Gusto ko sana na ako ang magluto at maghain ng pagkain pero inunahan niya naman ako.
"Black Cross told me about what happened during the time I lost my memories... I must have given you a hard time. I'm sorry, Kate."
Napatigil ako sa pagkain at napatingin kay Lorden, nakatitig lang ito sa plato niya. Napabuga na lang ako ng hangin saka hinawakan ang kamay niya. Natigilan naman siya at napatingin sa'kin.
"Lorden... ang nag-iisang mahalaga na lang sa'kin ngayon ay nandito ka sa tabi ko... 'Wag ka na lang umalis ulit... iyon lang ang gusto ko. G-gusto ko na magmove forward na tayong dalawa. Alam ko hindi naman ganoon kadali 'yon, alam kong nakokonsensya ka pa rin hanggang ngayon... pero sana... magpatuloy na lang tayong dalawa. Maging masaya... magmahalan. Pwede mong parusahan ang sarili mo o bumawi sa maraming paraan... 'wag lang sa paglayo o pananakit sa sarili mo. Hmm?"
Tipid na ngumiti si Lorden at tumango. "Yes... I'll bear that in mind. I'm sorry for everything, Kate. This time... I'll show you how much I love you."
Napangiti na lang ako at yumakap sa braso niya. "I love you."
Lorden smiled at me and kissed my forehead. "I love you more, Kate."
Pagkatapos naming kumain, agad nang naghugas ng plato si Lorden. Tumulong naman ako sa kaniya kahit nakakagulo lang yata ako. Pero mukha namang natutuwa pa si Lorden, panay ang halik niya sa pisngi ko sa tuwing mapapatingin siya sa'kin.
"Lorden... maligo na tayo," sabi ko saka agad na yumakap sa kaniya.
"Together?" he asked and raised his eyebrow.
I smiled and nodded. "Yes! 'Di ba ginagawa naman talaga natin 'yon?"
Tumikhim si Lorden saka napakamot sa batok. "Y-yeah, but..."
"Hmm?" tanong ko na lang.
"Right now, I'm sort of courting you... So, I think... we shouldn't make love in the meantime," he muttered.
Natawa ako sa sinabi niya. "We'll just take a bath... make love agad?"
"Yeah,but if we take a bath together... things will end up like that," he said and looked at me from head to toe. I saw desire fill his eyes for a moment.
Agad namang nag-init ang pisngi ko. "A-ano ka ba? Saka hindi mo na kailangan manligaw, sinasagot na kita agad... Maligo na tayo," sabi ko na lang saka humawak sa kamay niya.
"Kate... you should be punishing me," sabi na lang niya.
Hindi ko na 'yon pinansin at basta na lang siya hinila. Wala naman siyang nagawa at nagpatianod na lang sa'kin. Dumiretso kami sa kwarto. I didn't waste time and removed my white night dress, leaving me with underwear only. I looked at Lorden. He poked the inside of his cheek and stroked his hair.
"You weren't this bold before, Kate Sydney," he said, but he still removed his t-shirt and threw it on the bed.
My cheeks heated even more. Honestly, I was just trying to be tough and bold. Hindi na dapat kami nagkakahiyaan, pero siyempre, nahihiya pa rin ako. I have a lot of scars... Siya rin naman, but he still looks handsome and dashing as ever. In terms of appearance, he's too good for me. I'm too pale and simple for him.
But when I looked into his eyes...he's staring at me with much adoration... and desire. His eyes are making me feel like I'm the most beautiful.
Lorden smiled at me when he noticed that I stepped back a little. Lumapit siya kaagad sa akin saka humalik sa noo ko.
"Kate... You're the most beautiful... No, actually, you're the only beautiful woman in my eyes." He caressed my cheek. "You're too perfect to be true..." He touched the scars on my arms, on my neck, on some parts of my body... "I wish... I could remove the memories of these scars from you," he muttered. His green eyes softened. "I wish... I was the one who suffered instead... because you don't deserve it at all."
Natigilan ako nang mapansing namumuo ang luha sa mga mata niya. Agad akong yumakap sa kaniya at hinaplos ang likod niya... Ramdam ko na mabigat pa rin ang loob niya sa nangyari.
"Lorden... we both suffered... and we both don't deserve it. Right now, all we have to do is to focus on being happy together, making more memories together... moving forward."
He hugged me back and kissed the top of my head. "Yes... we'll do that... I'm sorry, Kate. I'm sorry for all the bad things that I did to you... Thank you for forgiving and loving me even though I was never deserving of you." He hugged me tighter. "I will be good to you this time, Kate. I'll give you everything I have. I'll make you the happiest..."
"Wag kang magsalita ng ganiyan... Ang dami mo nang ginawa para sa'kin. Hanggang ngayon, hindi mo pa rin nare-realize," bulong ko saka mas hinigpitan ang yakap sa kaniya.
"All of it was just bare minimum..." he muttered and caressed my hair.
Napabuga ako ng hangin saka nag-angat ng tingin sa kaniya. "Bare minimum pa pala 'yon? Paano na lang kapag effort na pala?"
He gave me a warm smile. "You'll see."
Napakagat ako sa ibabang labi ko at napaiwas ng tingin sa kaniya. "I hope you'll do that because you love me, not because you're guilty."
Lorden gently lifted my chin then gave me a soft kiss on my lips. "The guilt won't easily fade, Kate... but I'm doing this because I love you."
I smiled and nuzzled on his hard chest. I just gasped when he suddenly carried me. Napakapit na lang ako sa batok niya at napahagikhik nang dalhin niya na ako sa bathroom.
We removed our clothes until we're completely naked. Yumakap na lang ulit ako kay Lorden habang dumadaloy sa katawan namin ang tubig galing sa shower head. Yumakap din sa akin si Lorden saka hinaplos ang likod ko. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya saka ngumiti nang matamis. Napangiti rin siya nang mapatitig sa'kin.
Kinuha niya na ang shampoo at siya pa ang nagshampoo sa akin. I just closed my eyes and let him do what he wanted. I giggled because he was also humming while caressing my scalp and hair.
"Ako naman..." sabi ko na lang saka nilagyan din siya ng shampoo. Medyo nahirapan ako dahil matangkad siya. He just slightly bent his knees for me. Napangiti na lang ako nang magkapantay na ang mukha naming dalawa.
I kissed his lips and giggled, then massaged his scalp and hair. He was just staring at me the whole time.
Sinabunan din namin ang isa't isa kaya nagtagal kami sa bathroom. After we took a bath, we brushed our teeth, then I helped him shave his stubble beard. I don't know if I was doing it right, tinatawanan niya lang naman ako habang nakayakap sa baywang ko.
"Hmm..." Lorden immediately nuzzled on my neck after I wore my clothes. I giggled, then he just rained small kisses on my neck, down to my shoulder. "Smells good..." he whispered and hugged me tighter.
Natigilan lang kami pareho nang tumunog ang doorbell. I chuckled when I heard Lorden hissed.
"Istorbo," bulong pa niya. Tumingin siya sa'kin saka hinaplos ang pisngi ko. "Titingnan ko lang kung sino."
Lumabas siya ng kuwarto, pero sumunod naman ako sa kaniya. Humawak siya sa kamay ko saka binuksan ang pinto. Pareho kaming natigilan nang si Miriana ang bumungad sa'min. Naramdaman kong natulos si Lorden sa kinatatayuan niya.
"K-kuya Lorden..." Napatungo si Miriana saka napakapit nang mahigpit sa sling bag niya.
Napalunok na lang ako at lumapit kay Miriana saka iginiya siya papasok ng bahay. "Pasok ka, Miriana..."
Natahimik si Lorden, tila hindi alam ang sasabihin. Humawak na lang siya sa batok niya at ngumiti kay Miriana. "Have you eaten? I'll cook for you."
Agad na tumalikod si Lorden at akmang didiretso sa kusina pero nagsalita agad si Miriana.
"S-sorry, Kuya Lorden..."
Natigilan si Lorden saka tumingin sa pinsan niya. Tuluyang napaluha si Miriana saka napatakip sa bibig niya, tila pinipigilan na mapahagulgol ng iyak.
"Miri..."
"I'm sorry for blaming you... I'm sorry for causing you pain. S-sarili ko lang ang inisip ko. H-hindi ko inisip na nahihirapan ka rin sa pagkamatay ni Mama. S-sorry... G-gusto kong malaman mo na... h-hindi mo kasalanan. Hindi mo kasalanan ang nangyari, Kuya Lorden..." Tuluyang napahagulgol ng iyak si Miriana.
Napatingin ako kay Lorden na nakatitig kay Miriana. Namumuo na rin ang luha sa mga mata nito. Kahit halatang nanghihina, humakbang siya palapit kay Miriana saka niyakap ito. Umiyak si Miriana sa dibdib ni Lorden at napakapit nang mahigpit sa damit nito. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na naluluha rin habang pinagmamasdan sila.
"Y-you don't have to apologize for that, Miriana... I was... also responsible for what happened. Your anger toward me was valid... I should be the one to apologize..." He hugged her back. "I'm so sorry, Miri... I'm sorry if I protected her too late. I'm sorry for not believing in her back then. I'm sorry because she experienced hell because of me... I-I'm so sorry... I'm sorry..." His shoulders started shaking... He was already crying.
"K-kuya Lorden... You have suffered enough. I'm sorry... You deserve to be happy now... I'm really sorry, kuya..."
Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan sila. Napagdesisyunan kong iwan muna silang magpinsan at hayaang makapag-usap kaya dumiretso na lang ako sa silid namin ni Lorden. Naisipan kong magbasa na lang muna ng libro.
Mahigit isang oras din bago bumalik si Lorden sa kuwarto namin. Napangiti na lang ako at isinara ang libro saka ipinatong 'yon sa bedside table. Mukhang marami silang napag-usapan ni Miriana.
Umupo siya sa tabi ko. Nanlambot agad ang puso ko nang makitang namumugto ang mga mata niya at mukhang galing sa matinding pag-iyak. Agad siyang lumapit sa'kin at yumakap saka isinubsob ang mukha sa leeg ko. Niyakap ko rin siya at hinaplos ang likod niya... Muli siyang humagulgol ng iyak.
"K-Kate..." Napakapit siya sa damit ko saka mas lalong umiyak.
Napakagat ako sa ibabang labi ko. Naramdaman kong namumuo na rin ang luha sa mga mata ko.
"D-do I really deserve to be forgiven like this?" He cried harder and hugged me tighter. "I haven't done enough to be forgiven... f-for everything that I did."
Mas lalo akong napaluha at yumakap nang mahigpit sa kaniya. Umiling ako saka hinaplos ang buhok niya. "Lorden... Tama si Miriana... It's time for you to be happy..."
Tanging pag-iyak at mga luha lang ang naging sagot sa'kin ni Lorden.
"You said... you'll do everything to make me happy... but your happiness is my happiness. Before you make me happy... you have to make yourself happy first," I muttered and kissed the top of his head.
Lorden looked at me. I smiled and wiped the tears on his cheeks. He did the same to me... he wiped my tears too.
"You're my happiness. You're my downfall and strength. You're my heart and my life... You are everything to me... I love you so much, Kate." He kissed my lips gently.
I kissed him back. I poured all my love for him through that kiss.