"Sa La Union? Nandoon si Lorden?"
Tumango si Cadence. "Sumakay siya ng bus papuntang La Union. I saw it on the CCTV camera... Ang problema lang, hindi ko pa mahanap kung saan ang binabaan niya."
"Kinakalawang ka na ba, 'tol?" tanong ni Xceron.
"Gago ka ba? Nahirapan pa nga ako mamukhaan si Lorden, e! Malay ba natin, baka nagdisguise pa 'yon o ano kaya hindi ko na mahanap. Wait lang kayo, pwede? Alam ko namang magaling talaga ako at matalino, pero may limitasyon din naman. Hirap talaga kapag ako ang inaasahan sa pamilyang 'to. Paano na lang kayo kung wala ako—"
"Will you please shut up?" agad na pagputol ni Dravis sa sasabihin niya.
"Matalino raw, pero nalusutan ni Markus. Pft—" pang-aasar ni Ashteroh at nagpigil pa ng tawa.
"Tanga, ano laban ko ro'n? Kasing talino na yata ni Einstein 'yon!"
"Guys, pwede ba magseryoso tayo rito?" tanong ni Draxon.
Tumikhim si Cadence. "So, ayun nga... Isa lang ang La Union sa sampung posibleng lugar na binabaan ni Lorden. Idagdag pa na hindi natin alam kung saan sa La Union siya nagpunta kung sakali. Adham started moving. Pinakilos na niya ang mga tauhan sa headquarters. Malamang nagsisimula na sila ngayon. Hindi tayo pwedeng kumalma rito dahil nakikipag-unahan tayo sa Black Cross. Those fuckers are way too loyal to Lorden. Kapag nahanap nila si Lorden, baka lalo na nilang ilayo. Kailangan natin silang unahan kahit ano'ng mangyari," seryosong sinabi ni Cadence.
"Katrice," tinawag ni Fiero ang secretary niya.
"Yes, Sir?" Lumapit agad ang babae kay Fiero. Malamig ang tingin nito at tila na kay Fiero lang ang buong atensyon.
"Give my order to my men. You know what to do."
"Yes, Sir. I'll do it right away," agad na sinabi ng sekretarya at umalis.
"My force started moving too," sabi ni Rhuan, pulis ito at kapatid ni Rheus. "We're at an advantage when it comes to numbers... though we shouldn't underestimate Black Cross. They're quite the strategists too." Kinuha niya ang baril mula sa gun holster niya at ikinasa 'yon.
Mukhang hindi nga talaga maganda ang relasyon ng Feroci sa Black Cross, pero makikita pa rin naman na kahit papa'no ay may paggalang sila sa isa't isa.
"One of the elite members is the f*****g prince of Spain... and that damn Markus... that f*****g genius... he's really the most bothersome to me," Eron said and shook his head.
"If they're smarter, then we'll work harder," Cadence said and winked.
"Diba ano 'yon... work smarter, not harder?" tanong ni Draxon, napataas ang kilay.
"Baligtad nga kasi 'yung sa'tin. Bakit ba ang arte mo? Si Lorden na nakasalalay rito. Miss ko na ang best friend ko!" asik ni Cadence.
"I'm Lorden's best friend," pagsingit ni Zevero.
"Uhm, sorry to burst your bubble... I'm Lorden's only best friend," biglang sumingit si Remor.
"I think Lorden and I think alike.... I'm his best friend," bigla ring nagsalita si Arestov na hindi gaanong palakibo.
"Well, I'm Lorden's brother... Bakit ayaw niyo sa'kin?" tanong ni Rivero.
Lahat ay napatingin sa kaniya. Napataas ang kilay niya dahil sa tingin na ipinukol sa kaniya.
"Nagtanong pa talaga siya kung bakit, grabe," napapailing na sabi ni Cadence.
"What?" Rivero asked and shrugged.
"Teka nga, hindi ka man lang ba kinakabahan o na-e-excite tungkol sa kapatid mo?" tanong ni Draxon.
"Hmm, now that I know that he's alive, I'm not worried anymore. I'll just do my best to find that asshole."
Napailing na lang ang lahat sa sinabi ni Rivero saka nagsimulang magplano. Tahimik na nanonood lang ako sa kanila at pinakikinggan sila. Hindi ako mapakali... Gusto na makita agad si Lorden... gusto kong mayakap at maramdaman siya agad... Hindi ko na yata kaya kung aabot pa 'to bukas.
"Kate..." Tinapik ni Cadence ang balikat ko. "Sasabihin na lang namin sa'yo kung saan namin mahahanap si Lorden. Kahit magpahinga ka na muna sa inyo... Tatawagan ka na lang namin kapag okay na."
Napalunok ako at napahawak nang mahigpit sa sling bag ko. "P-pupunta ako sa La Union. Hahanapin ko rin si Lorden."
Halatang natigilan sila sa sinabi ko saka nagkatinginan.
"Are you sure, Kate? Pwede ka naman naming sabihan na lang para hindi ka na mapagod at magsayang ng oras kung sakaling wala roon si Lorden," sabi naman ni Ashteroh.
Kinagat ko ang ibabang labi ko saka umiling. "H-hindi rin naman ako matatahimik... G-gusto kong may gawin."
"Okay. Someone will have to accompany her to La Union," the former leader, Zakarius, said.
"No... I can go alone. Huwag na kayong mag-alala sa'kin. I appreciate the thought, but I can handle myself. K-kung sakaling makikita niyo si Lorden, sabihan niyo na lang ako. Just focus on finding him. Don't worry about me." I smiled faintly at them.
They just nodded. "Call us immediately if you need help or if there's a problem," Rhuan said.
I didn't waste time. Agad din akong umalis sa bahay ni Cadence saka umuwi ng bahay. Hinanda ko na ang bag ko at ang lahat ng kakailanganin ko. Tumawag na rin ako sa school para sabihing hindi ako makakapasok dahil may emergency. Hindi na ako nag-abala pang mag-isip at agad na nagtungo sa sakayan papuntang La Union.
Ang daming tumatakbo sa isip ko habang nasa bus. Nasabi nila na walang naaalala si Lorden. Alam ko na magiging problema iyon, pero wala na 'kong pakialam pa sa mga magiging problema... Basta buhay si Lorden. Sobrang saya ko na sa katotohanan buhay siya.
Pagkatapos ng ilang oras na biyahe, nakarating din ako sa La Union. Agad akong nagsimulang maghanap kay Lorden pagkababang pagkababa ko sa babaan. Ipinagtanong ko kaagad kung may nakakita sa kaniya gamit ang litrato niya.
"Nakita niyo po ba siya?" tanong ko sa tindera ng mga gulay saka ipinakita ang litrato ni Lorden.
Napailing siya. "Hindi, 'neng."
Napalunok na lang ako at tumango saka muling nagtanong sa iba. Inabot naman ako ng ilang oras sa isang lugar bago ako nakalipat sa iba. Hinihintay-hintay ko rin na tumawag sina Cadence pero wala pa rin, mukhang hindi pa rin nila nahahanap si Lorden.
Napabuga ako ng hangin nang abutin ako ng dilim. I went to the nearest hotel and checked in there. It's a good thing that I brought a few pairs of clothes with me.
Napabuntonghininga ako at umupo sa kama habang pinupunasan ang buhok ko. Hindi na maalis sa isip ko si Lorden. Kahit alam kong buhay siya, hindi ko maiwasang mag-alala. He couldn't remember anything. Paano na lang kung may mangyari namang masama sa kaniya at maloko siya ng kung sinong tao?
Napakagat ako nang mariin sa labi ko at napakuyom ang kamao. Agad akong nag-alarm ng 4 a.m. Maaga pa lang, aalis na ako para maghanap ulit. Hindi ako pwedeng magsayang ng oras. Hindi dapat ako makampante kahit pa buhay siya. Maraming pwedeng mangyari.
Napapitlag na lang ako nang tumawag si Denise. Agad ko naman 'yong sinagot.
"Oh my goodness, Kate! Hindi mo man lang sinabi sa'min na aalis ka. Kung hindi pa sinabi ni Dravis sa'kin, hindi ko pa malalaman! Nakakaloka ka, 'te!"
Tipid na napangiti na lang ako. "S-sorry... Wala na rin kasi akong time. Kailangan ko nang kumilos para hanapin si Lorden."
Napabuntonghininga na lang siya. "Alam naman namin, pero sana tumawag ka sa isa sa amin para may kasama ka riyan. Alam naman naming matapang ka, pero siyempre, mas makakampante kami kung may kasama ka."
Tila may humaplos sa puso ko sa sinabi niya. "Salamat, Denise. Huwag na kayong mag-alala sa'kin... Kayang kaya ko 'to. Salamat sa inyo. Ang dami niyo nang naitulong sa akin."
"Hay naku, Kate. Hindi naman namin binibilang 'yon! Kaloka! Huwag kang mag-alala, pati sina Patrice kumilos na rin para tumulong. Alam mo ba 'yung organization nila? 'Yung Umbra ba 'yon? Basta 'yon... Tumulong na rin sila sa paghahanap. Pati sina Angel, nag-hire na ng search and rescue team!"
Napangiti na lang ako nang maramdaman kong namumuo ang mga luha ko. Hindi ko alam ang ginawa ko para magkaroon ng kaibigan na tulad nila.
"S-salamat, Denise... Salamat sa inyo." Tuluyan akong napaluha pero pilit kong hindi ipinahalata dahil mag-aalala lang sila sa akin.
Mas lalo akong naging determinado. Hindi ako susuko sa paghahanap kay Lorden. Hindi ko sasayangin ang pagkakataon na 'to.
KUMILOS DIN AKO agad pagsapit ng 4 a.m. Buti na lang at tila maaga talaga gumising ang mga tao rito kaya may mga napagtagungan agad ako.
Pagsapit ng tanghali, kumain na lang ako sa malapit na karinderyang natigilan ko. Kinuha ko ang phone ko para i-check kung may missed calls or text mula kina Cadence. Nag-text lang sa akin si Draxon na sinasabing wala pa rin silang balita kay Lorden.
Napabuga na lang ako ng hangin at uminom ng tubig saka agad na tumayo. Nagbayad na ako sa kinain ko saka muling kumilos para magtanong-tanong.
Kagaya kahapon, inabot na naman ako ng dilim. Agad akong naghanap ng malapit na hotel na tutuluyan. Naramdaman ko kaagad ang pananakit ng katawan ko, lalo na ng mga paa at binti ko dahil sa buong araw na paglalakad.
Hinilot ko ang mga paa ko. Mukhang kailangan na ng pain patches nito.
Lumabas ako para bumili ng pantapal sa muscles ko sa paa. Wala sa hotel kaya sa labas ako bumili. May malapit na tindahan din naman. Buti na lang, hindi ko na yata kayang maglakad kung malayo-layo. Kailangan ko munang ipahinga ang mga paa ko buong gabi.
"Hay nako, nagnakaw na naman 'yon sa tindahan ko at karinderya. Nakakaawa dahil mukhang wala sa sarili... pero malulugi naman ako kung lagi akong nanakawan."
Narinig kong nagkukwentuhan ang tindera at ilang nakatambay sa tindahan. Napailing na lang ako at bumili rin ng candy. Akmang aalis ako pero natigilan nang marinig pa ang kwentuhan nila.
"Sayang at guwapo sana... Nasaan na kaya ang pamilya no'n? Baka naman inabandona?"
"Gusto nga naming lapitan at bigyan ng pagkain, kaso walang makalapit kasi nanghahampas."
Napalingon ako sa kanila saka lumapit. Natigilan naman sila at napatingin din sa akin. Tipid na ngumiti ako sa kanila... Ayokong paasahin ang sarili ko, pero gusto ko lang magbakasakali.
"H-hello po... Gusto ko lang po sanang itanong... 'yung tinutukoy niyo po ba, ito ang mukha?" tanong ko saka ipinakita ang picture ni Lorden.
Nanlaki ang mga mata nila. "Oo, 'neng! Siya nga! Aba, mas guwapo pala siya kapag malinis!"
Agad na naghuramentado ang puso ko. Muntik ko pang nabitiwan ang picture ni Lorden dahil sa panginginig ng mga kamay ko. Napalunok ako saka humawak sa braso ng nagsalita.
"N-nasaan po siya? P-pwede po bang dalhin niyo ako sa kaniya?"
Hindi naman sila nag-aksaya ng oras at dinala ako sa looban nila. Marami-raming tao sa paligid, may mga nagsusugal, nag-iinuman, mga batang naglalaro, mga nanay na nagkukwentuhan... pero tila wala sa sariling nakasunod lang ako sa kanila... Nanginginig ang buong katawan.
I couldn't explain what I feel right now. I'm excited... and scared at the same time. How would I approach him? Paano kung makaalala siya sa oras na makita ako at bumalik na naman siya sa dati? Paano kung tangkain na naman niyang magpakamatay sa oras na makaalala siya? Paano kung tama pala sina Markus... paano kung makakasama lang talaga ko para kay Lorden?
Napalunok na lang ako at umiling... Hindi ito ang oras para mag-isip ako ng ganito. Kailangan kong lakasan ang loob ko. Hindi ko siya susukuan... Ibinigay niya ang lahat sa akin... kaya gagawin ko ang lahat para ibalik siya... para mahalin niya ulit ang buhay.
"Nandito siya sa loob, 'neng. Mag-ingat ka lang kasi may hawak siyang dos por dos at hinahampas talaga ang mga pumapasok at nagtatangkang lumapit sa kaniya. Plano na nga sana naming sabihin sa barangay, buti na lang dumating ka."
Ngumiti na lang ako at tumango, pilit kong pinigil na mapaluha. "S-salamat po... Ako na po ang bahala sa kaniya. Salamat po."
Napalunok ako at pumasok sa tila abandonado at lumang apartment. Halos mapaubo ako sa kapal ng alikabok sa paligid. May mga nagkalat din na balat ng pagkain. Agad na hinanap ng mga mata ko si Lorden. Isang silid lang ang apartment kaya hindi mahirap libutin ng tingin... pero nadismaya ako nang hindi ko makita si Lorden.
"Lorden! L-Lorden! Nasaan ka?!"
Napakagat ako sa kuko ko habang nililibot ng tingin ang paligid. Wala na ba siya? Umalis na ba siya rito?
"L-Lorden! Nasaan ka na?! M-magpakita ka sa'kin! Pakiusap!"
Tuluyang tumakas ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigil. Nanginig ang mga labi ko saka napakuyom ang kamao. "L-Lorden... N-nasaan ka na ba? P-please, bumalik ka na sa'kin, please... H-hindi ko na kaya nang wala ka... P-please, magpakita ka sa'kin... N-nagmamakaawa ako, Lorden..."
Napaluhod ako sa sahig sa matinding pagkadismaya. Pinahid ko ang mga luha ko habang patuloy na umiiyak... Akala ko makikita ko na ulit siya. Akala ko magkikita na kami ulit, mayayakap ko na siya ulit... Pakiramdam ko hindi ko na kakayanin kung magtatagal pa na hinid ko siya makita.
Natigilan ako nang bumukas ang malaking cabinet sa sulok ng silid. Lumabas mula doon ang matangkad na lalaki, may hawak ngang mahabang kahoy at nanginginig pa.
"S-sino ka?" nanginginig na tanong nito.
Kahit nanghihina, pinilit kong tumayo. Halos magwala ang puso ko nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon. Naramdaman ko ang panginginig ng buong katawan ko, pero pinilit kong kumalma... Kahit na tila matutumba ako, pinilit kong tumayo at hindi mawalan ng balanse.
"L-Lorden?" tanong ko. Tumama ang sinag ng buwan sa kaniya... at doon ko nakita ang mukha niya.
Napatakip ako sa bibig ko at tuluyang napahagulgol ng iyak. Siya nga... Si Lorden... buhay nga siya. Buhay nga talaga ang taong pinakamamahal ko.
Sinubukan kong humakbang palapit sa kaniya pero agad siyang napaatras at itinapat sa akin ang dos por dos. "H-huwag kang lalapit... hahampasin kita..." sabi niya, bakas ang takot sa tono ng boses niya. "B-bakit mo 'ko kilala? H-hindi kita kilala..." bulong niya... Nanginginig pa.
"L-Lorden... H-hindi kita sasaktan," bulong ko saka muling lumapit sa kaniya.
Hinampas niya ako sa balikat nang lumapit ako sa kaniya. Napadaing na lang ako, pero hindi naman 'yon ganoong kasakit. Napaatras din siya agad at bakas ang konsensya sa mukha niya.
"S-sorry," mahinang bulong niya. "P-please, huwag kang lumapit. U-umalis ka na..." Nanginginig pa rin ang mga kamay niya.
Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko. Hindi ko na inalintana kung hahampasin niya ako ulit. Agad na lang akong tumakbo sa kaniya at niyakap siya nang mahigpit. Agad naman siyang natulos sa kinatatayuan niya dahil sa ginawa ko.
Tuluyan akong napahagulgol ng iyak at yumakap nang mahigpit sa kaniya... Hindi ko inakalang dadating pa ang araw na 'to.
Napapikit ako nang mariin at mas lalong napaluha. "L-Lorden, s-sorry. Hindi na kita hahayaang mag-isa ulit. Aalagaan kita. A-aalisin ko ang lahat ng takot sa puso mo... M-mahal na mahal kita."