Chapter 4: Basted. (Ynnah's POV)

1562 Words
Tulala ako habang pinaglalaruan ko ang straw sa mataas na baso ng ice tea na mabagal kong inuubos. Ilang beses akong nagpakawala ng malalim na hininga habang nakatanaw sa labas ng school canteen. Dito kami napadpad ni Marionne pagkatapos ng klase namin sa English. Binilisan ko pa nga ang paglabas ko ng classroom namin kanina dahil may iniiwasan akong tao. Nagtataka man sa ginagawa ko ay sumunod naman si Marionne sa akin. Iniiwasan ko kasi si Drake Marko dahil hindi na ako natutuwa sa mga ginagawa niya. Ginagawa niya na yatang hobby ang paghalik sa akin. Dalawang beses na niya akong ninanakawan ng halik sa na labis na ikinasasama ng loob ko. Masama ang loob ko dahil dalawang importanteng kiss ang nakuha niya sa akin. Ang masama pa, pareho kong na-enjoy ang halik na 'yon! Ang hirap lang aminin sa sarili ko na na-enjoy ko ang mga halik niya. But it's true, I enjoy the kiss! Wala na talagang natira sa akin, virginity ko na lang na dapat kong protektahan sa kanya. "Oh, ano na naman bang drama 'yan, Ynnah? Kahapon ka pa at hindi ka man lang nagsasabi sa akin," sita sa akin ni Marionne. Nakabalik na pala siya mula sa pagpunta niya sa comfort room. Nakaupo na siya at nahuli na naman niya ako sa ganitong reaksyon. "W-Wala to, Marionne," walang-gana kong sabi. Sumipsip ako sa straw ng ice tea ko at pagkatapos ay nangalumbaba. Sasabihin ko ba sa kanya ang pagnanakaw ng halik sa akin ni Drake? Naalala ko na hindi ko rin pala nakwento kung anong tunay na nangyari sa bar ng pinsan niya noong nakaraan. Basta na lang akong umalis sa loob ng bar at iniwan siya roon na nagtataka. Kinabukasan nagpalusot na lang ako na tumawag si Ate Annika at pinapauwi na ako. "Ano'ng wala, Ynnah?" hindi naniniwalang tanong niya. "You looked problematic, tapos sasabihin mo na wala lang 'yan." "Wala nga talaga." Inubos ko ang laman ng inumin ko at pagkatapos ay patamad na sumandal sa upuan. Tinatamad na akong um-attend ng klase namin. Parang gusto ko na lang humilata sa kama ko at itulog ang mga halik na pinanghihinayangan ko. Ang weird ko talaga, pati halik pinagluluksa ko. "You can tell it to me, Ynnah. I'm your best friend. What are friends for?" Hinawakan ni Marionne ang palad ko na nasa ibabaw ng lamesa at marahan itong pinisil pagkatapos. I just shook my head at her. "Huwag mo na akong intindihin. May iniisip lang ako. It's not that very important." Nagkibit-balikat ako. "Well, at least share that with me." pangungulit pa ni Marionne. "No need, I can handle it." Hinila ko ang kamay ko. Ngumiti ako sa kanya ng tipid para ipakita na ayos lang ako. "Tell me, Ynnah. Ano ba kasi 'yon?" "Wala nga. Ang kulit mo lang talaga," tumawa ako ng bahagya. "Of course. Kukulitin talaga kita hangga't hindi mo sinasabi sa akin kung ano ang prinoproblema mo." Tumawa ako ng pagak. Inubos ko ang laman ng baso ko at nagpasya na ayain na siya sa next subject namin. "Wala akong sasabihin sa iyo Marionne so stop asking me. Let's go, mali-late na tayo sa klase natin." Tumayo ako at inayos ang suot kong palda. Hindi titigil ang babaeng ito kapag wala pa akong ginawa. Mabuti na lang at susunod na ang next class namin. I can escape from her for a while. "Ang daya mo talaga, Ynnah! Tara na nga." Tumawa ako ng mahina sa pagdadabog niya. Galit na 'yan? Binalewala ko ang ginawi niya at isinukbit ang bag ko sa balikat ko. Dadamputin ko na sana ang tumbler at libro ko sa kabilang upuan nang may mga kamay na kumuha sa mga ito. "A-Anong ginagawa mo?" inis na sita ko sa herodes na bigla na lang sumusulpot sa tabi ko. "Ako na ang magdadala nito, Ynnah. Tutal iisang room lang naman tayo," nakangiting saad ng hunghang. "No need, Drake. Hindi kita yaya kaya huwag mo ng pakialaman ang mga gamit ko. Kaya kong bitbitin 'yan at nakakahiya naman sa iyo kung ikaw pa ang magdadala ng mga 'yan," masungit kong sabi. Umiikot ang mga eyeballs ko at padabog na aagawin na sana ang mga gamit ko sa kanya nang bigla niya itong ilagay sa likuran niya at nakangising hinawakan ako sa braso. "No, Ynnah. Ako na ang magdadala ng mga ito. Tara na at mali-late na tayo sa klase natin." Binitiwan ni Drake ang braso ko at nagsimula na siyang humakbang palabas ng canteen. Nagpalinga-linga naman ako sa paligid kung may tumitingin sa direksyon namin. Mabuti na lang at wala dahil busy ang iba sa kanilang kinakain. Nagpupuyos akong naiwan. Gusto ko siyang sigawan pero ayaw ko naman gumawa ng eskandalo kaya nanahimik ako "So, nagkalakas na ng loob si Drake na lapitan ka? Kailan pa, Ynnah? Mukhang may dapat akong malaman sa inyo." Nagkatinginan kami ni Marionne na nakalimutan kong kasama ko nga pala. Sinimangutan ko si Marionne sa kanyang sinabi. "Pwede ba, Marionne. Mali ka ng iniisip! Alam mo namang hindi ko gusto ang kara ng lalaking iyan dahil masyadong babaero!" "Oh, eh bakit binitbit niya ang mga gamit mo kung walang something sa inyo?" Naumid saglit ang dila ko ngunit kaagad ko ring sinalungat ang mga sinasabi niya. "Ewan ko sa kanya! Siya kaya ang tanungin mo dahil bigla na lang sumusulpot dito!" naiinis na sabi ko. "Huwag kang high blood diyan, friend. Nagtatanong lang naman ako. Kung wala 'di wala!" Humagikgik ang bruha kong kaibigan. 'Di yata naniniwala sa sinabi ko ang luka-lukang 'to. "Whatever! Tara na nga! 'Yong mga gamit ko dala niya at baka kung anong isipin ng mga kaklase natin sa amin?" Nagsimula na akong maglakad palabas ng canteen. Pahamak talaga 'tong herodes na 'to! Kapag ako naging tampulan ng panunukso at tsismis ay hindi ko na alam ang magagawa ko sa kanya. Gusto ko ng tahimik na buhay rito sa university at ayaw kong magkaroon ng kaaway dahil sa kanya. Marami siyang babae at hindi lang iisa sa bawat departamento. Lahat halos naging ex niya rito sa school. Kaya huwag niyang isipin na isali ako sa collection niya dahil wala akong balak magpa-collect. "Alam mo, bagay kayo ni Drake, Ynnah." Sinamaan ko ng tingin si Marionne dahil sa sinabi niya. Bagay? No, hindi siya nababagay sa akin. "Pwede ba! Huwag mo ngang sinasabi sa akin 'yan, Marionne. I don't like him at kahit kailan hindi ko naisip na maihanay sa mga babaeng pinagsawaan niya," naiinis na sabi ko. "Wala akong sinasabing ganyan, Ynnah. Sa iyo nanggaling 'yan," tumatawang turan ni Marionne. "Tse! Bahala ka na nga riyan!" Iniwan ko si Marionne at binilisan ko ang lakad ko. "Kita mo 'to! Parang 'di na mabiro. Sorry na, friend." Iniwan ko si Marionne sa school canteen at hinabol ang walang modo na si Drake. Napaka-feeling ng damuho! Ano'ng akala niya? Girlfriend na ang turing niya sa akin dahil dalawang beses na siyang nakahalik? Like duh! Kapal ng mukha niya na isipin na nasa relasyon na kaming dalawa. "Akin na ang tumbler at mga libro ko!" medyo mataray na sabi ko nang makalapit na ako sa kanya. Tumigil kasi siya sa paglalakad at hinintay na makalapit ako sa kanya. Marahil napansin din niya na hindi pa ako nakasunod sa likuran niya. "Ako na nga ang magdadala nito, Ynnah." "Hindi ko sinabing ikaw ang magdala niyan!" inis na sabi ko. Pinilit kong kunin sa kamay niya ang mga gamit ko pero inilayo lang niya sa akin. "I know, pero gusto kong ako ang magdala ng mga ito." "Bakit? Ano ba kasi ang nais mong palabasin?" Nameywang ako sa harapan niya at masama siyang tiningnan. "Wala naman. Ano ba ang iniisip mo?" Ngumisi siya ng nakakaloko sa akin. Hindi ko naman iyon ikinatuwa kaya mas lalo akong naasar sa kanya. "Pwede ba, Drake! Huwag na tayong maglokohan dito! Ano bang pinapalabas mo?" Tumikhim muna siya bago sumagot. "I want to court you, Ynnah," aniya sa seryosong boses. Kaagad kong inilingan ang sinabi niya. "No. Basted ka na agad kaya akin na 'yang gamit ko," inilahad ko ang palad ko sa kanya para ibigay na niya ang mga gamit ko. "f**k! That hurts, Ynnah." Humawak siya sa puso niya at kunwa'y nasaktan. "Ang harshed mo naman sa akin. Dapat bigyan mo naman ako ng chance na manligaw. Saka mo na ako basted-in kapag hindi ako pumasa sa iyo." "No. No need, Drake. Huwag mo ng sayangin ang oras mo sa akin. Narinig mo na ang sagot ko kaya huwag ka ng mag-effort diyan. Akin na ang gamit ko then leave me alone." "No, Ynnah! Sa tingin mo susuko kaagad ako dahil sinabi mong basted na ako? I won't do that, Ynnah. Liligawan pa rin kita kahit ayaw mo." Hindi rin marunong tumanggap ng kabiguan ang isang ito. Wala siyang aasahan sa akin kaya bahala siya. "Huwag ka ng mag-effort. Wala akong balak sagutin ka. Hindi kita gusto, Drake at pwede ba humanap ka ng ibang magogoyo mo." "Bakit mo ako tinataboy sa iba? Ikaw ang gusto ko at gagawin ko ang lahat mahulog ka lang sa akin." "Well, umasa ka sa wala." "Yes, Ynnah. I won't give up on you. Sabi ko sa iyo, mapapasaakin ka rin at sisiguruhin ko sa iyo na mababaliw ka sa akin." "In your dreams, Drake!" Naiiling na iniwan ko siya roon at nagmamartsa na tinahak ang daan papunta sa next class namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD