Umuwi ako na lasing sa bahay namin. Wala si Daddy kaya walang maninita sa akin. Pero si Ate na dinatnan ko sa sala ay walang tigil ang kakatalak sa akin. Mas sumasakit ang ulo ko dahil sa tama ng alak at lakas ng bunganga niya.
"Ilang beses kitang tinawagan ni isa sa mga tawag ko 'di mo sinasagot! Sana man lang nagpaalam ka para hindi kung sinu-sino ang tinawagan ko para tanungin kung nasaan ka!"
"P-Pasensya na, A-Ate. M-Malakas ang tugtog sa disco kaya hindi ko napansin ang tawag mo," bulol na wika ko sa kapatid ko.
I saw her shake her head twice. Tila hindi nito kinagat ang palusot ko.
"Diyos ko, Ynnah naman! Sinamantala mo na naman ang pagkakataon na wala sina Daddy at Mommy dito sa bahay! Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na hindi ka safe pumasok ng bar lalo na at menor de edad ka pa lang naman!"
I know, pero pinsan ni Marionne ang may-ari ng bar kaya pwede kaming pumasok kahit kailan namin gustuhin. Isa pa, suki na kami roon kaya halos kilala na kami ng mga bouncer.
Inilabas ko sa tainga ko ang mga sermon ni Ate. Wala akong magagawa kung hindi ang tumahimik para matigil na ang panenermon niya. Alam ko naman na kapag pinatulan ko siya at sinagot ay baka bukas pa siya matatapos sa kakatalak sa akin.
"Mamaya ay matipuhan ka ng mga pedo at mga foreigner sa bar ay iuwi ka gawan ng kabalbalan. Next time, Ynnah, isipin mo naman ang kapakanan mo lalo na kapag lasing ka na. You're not safe with that kind of place! Gusto mo bang magising na lang kinabukasan na nawala na sa iyo ang iniingatan mo?"
Hindi mangyayari iyon dahil kaya ko pa naman kontrolin ang sarili ko. I will not let that happen to me. Ito na nga lang ang nasa akin dahil ninakaw na ang first kiss.
Tama si Ate Annika, staying with bars is dangerous. Napatunayan ko iyon kanina dahil ninakaw na ang first ko kiss.
Napahawak ako nang palihim sa labi ko. My first kiss was stolen. Si Drake pa talaga ang nagnakaw ng halik ko?
Not bad because he is good looking and a good kisser. Hindi ko lang siya type dahil marami na siyang karanasan sa babae.
Kung hindi lang sumipot si Marionne kanina ay baka pati second kiss ko nakuha na niya. Matinik pa naman ang lalaking iyon at napakabilis kumilos.
Kasalanan ko naman kasi dahil hindi ko siya kaagad napansin sa tabi ko. Si Marionne naman kasi bigla na lang nawawala kaya naisahan tuloy ako ng walanghiyang lalaking 'yon!
"Ano, Ynnah? Nakikinig ka ba o tinulugan mo na ako? Gusto mo bang makarating kina Daddy at Mommy itong ginawa mo ngayong gabi?"
"Ate naman, opo nakikinig ako. Please, huwag mo naman akong isumbong. Promise, 'di na 'to mauulit," pagmamakaawa ko kay Ate Annika. Nag-puppy eyes pa ako at kunwa'y maiiyak.
"Iyan din ang huling sinabi mo noon. Paano ako maniniwala sa iyo. You know what? You should learn your lesson. I will tell it to our parents dahil para sa kapakanan mo naman itong gagawin ko."
"Ate naman—"
"No. Don't talk, my little sister. You may go to your room and sleep. Bukas na natin ito ituloy dahil gabing-gabi na at ayoko naman makaistorbo sa kapitbahay dahil sa kabalbalan na ginawa mo ngayong gabi."
"Pero Ate—-"
"Good night, Ynnah. Have a peaceful sleep. Be ready yourself tomorrow."
And with that umalis siya na hindi man lang ako nakapagprotesta. Laglag ang balik kong sumunod sa kanya at dumiretso kaagad ng kwarto ko.
I just dropped myself in my bed at walang pakialam na naghihilik dahil sobrang antok na talaga ako.
Kinabukasan nang bumaba ako para mag-almusal ay inulan ako ng sermon nina Daddy at Mommy. Tinanggap ko lahat ang mga sinabi nila habang nakasimangot ako na nakatingin kay Ate Annika.
She is right, para sa kapakanan ko 'tong ginawa niya. Pero hindi niya alam na nagagalit ako sa kanya ng palihim. Pwede naman niyang huwag itong sabihin kmsa parents namin tutal wala naman silang alam.
Mag-iingat naman ako sa susunod at hindi na mauulit na hindi na ako magpapaalam.
"You're grounded with your gadgets, Ynnah. No cellphone, no laptop and no watching tv."
Pasimple akong umirap sa sinabi ni Daddy sa akin. Si Mommy na nakikinig lang ay napabuntonghininga habang malungkot na nakatingin sa akin.
I know she doesn't agree with this punishment that my father said. Pero gaya ko, wala rin siyang magagawa kapag ang padre de pamilya na namin ang nagdesisyon.
"Did you hear what I just said, Ynnah?"
"Y-Yes, Daddy. I promise, I won't do this again."
"It's good to hear that and I hope you learned your lessons. Napakabata mo pa para pumunta sa mga lugar na ganyan. Value yourself dahil gaya ng sabi ng Ate mo, pwede kang mapahamak sa mga pagpunta mo sa mga bar na 'yan. Ang bata-bata mo pa pero ang galing mo ng uminom. Did you see me drinking liquor, Ynnah?"
"Hindi po, hindi na po muling mauulit ito. Sorry po, Daddy." I bit my lips at pinigilang umirap sa kawalan.
Tumigil na si Daddy sa panenermon kaya pwede na akong kumain.
Sumulyap ako kay Ate Annika bago ako sumubo. Nakita kong may bakas ng ngiti ang mga labi niya sabay taas ng kilay sa akin. Sumimangot ako sa kanya at pinagpatuloy ang naunsiyami kong pagkain.
Pero sa isip ko ay isang beses ko pang hiniling sa Diyos na sana maghiwalay na lang sila ng nobyo niya para makaganti man lang ako sa ginawa niyang ito sa akin.
Malabo namang mangyari iyon dahil kita ko kung gaano kamahal ni Kuya Troy ang Ate ko. Nakakainggit at hindi ilang beses na hiniling kong ako na lang sana iyon. Ako na lang sana.
Sambakol pa rin ang mukha ko ng ihatid ako ni Daddy sa school. Nagkunwari lang akong nakangiti nang bigyan niya ako ng baon. Pagtalikod niya ay sumimangot akong muli dahil sa sermon na natamo ko kanina. Hindi ko kakausapin ng ilang araw si Ate Annika dahil sa ginawa niyang ito sa akin. Kabisado niya ang ugali ko at alam kong didistansiya sa akin.
Marahan ang ginawa kong paglalakad papunta sa room namin. Maaga pa naman kaya hindi ako nagmamadali. Isa pa, malapit lang naman ang building namin rito kaya marami pa akong oras.
Marami akong nakakasalubong na bumabati sa akin. Nginingitian ko lang sila habang ang iba ay kinakawayan ko naman.
Nang padaan na ako sa may football field na talagang madaraanan ko papunta ng classroom namin ay nakita kong nakatambay si Drake roon.
He is not alone because he has a company which is, I think, his new toy. s*x toy to be exact dahil s*x lang naman habol niya sa mga babaeng natitipuhan niya.
Inirapan ko si Drake nang makita kong pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko. Umikot ang paningin ko nang magtagal ang titig niya sa akin. Partikular sa aking dibdib at sa mabibilog kong hita na exposed sa suot kong palda.
May kasama na ngang kalampungan, nakuha pang magnasa sa akin. Next time, papatahi ako ng bagong uniform na medyo mahaba ang tabas ng palda.
Hindi na ako natutuwa sa pinapakita ng lalaking ito sa akin. He is fantasizing about me and I don't like it!
Nilakihan ko ang mga hakbang ko para mabilis na malampasan ang bwisit na lalaking ito!
Hindi ko pa nakalimutan ang pagnanakaw niya ng halik sa akin kaya biglang bumangon ang pagkainis ko sa kanya.
Hindi siya dapat ang first kiss ko! Dapat maibigay ko iyon sa magiging karelasyon ko. OA man pakinggan pero I value this matters. Ako ang bagong version ni Maria Clara sa magulong mundo na 'to.
Ngumisi ako nang makalampas na ako sa lugar kung saan naroon si Drake at ang kalampungan niyang babae.
Pahakbang na sana ako paliko sa classroom namin nang biglang may mga kamay na humila sa akin at sinandal ako sa sementadong pader.
Gulat na napatingala ako habang awang ang aking mga labi. Bago pa ako makapagsalita at sigawan ang taong humablot sa akin ay yumuko na ang pangahas na lalaki sa akin at mabilis na sinakop ang aking mga labi.
"How dare you, Drake?" sita ko sa pangahas na lalaki at sinampal ito ng malakas sa kanyang mukha.
"I'm sorry, Ynnah. I can't resist kissing you. Your lips are damn tempting!" pagkatapos niyang sabihin iyon ay muli na naman niya akong hinalikan.
Ako naman ay natulala na lang sa kanya habang dinadama ang sarap ng halik niya.
Nakakainis! Pati second kiss ko ninakaw niya!!!