"Ynnah, wait! Mag-usap muna tayo!" pigil ko kay Ynnah habang hawak ko ang mukha kong sinampal niya. Sa lakas ng pagkakasampal niya sa akin ay pakiramdam ko nagkaroon ako ng panandaliang stiff neck. Grabe naman sa bigat ang kamay ng babaeng ito. Mala-bakal at tila palad ng isang lalaki. "Ano ba, Ynnah?" medyo nagtaas na ako ng tono nang hindi siya tumigil sa mabilis na paghakbang. "Stay away frome me, Kuya Troy! I don't wanna talk to you," she said while sniffing. Fuck! Did I make her cry? Napasobra yata ako sa mga salitang lumabas sa bibig ko. Nakakainit kasi ng ulo ang nakita ko. Ang bata-bata pa lumalandi na! Ano na lang ang ginawa nilang dalawa ng kasama niyang lalaki kung hindi ko sila naabutan? Baka naglaplapan na sa gilid ng kalsada at baka may makakita pa sa kanila. Ang dami pa