Pinunasan ko muna ang luha sa aking mga mata bago ako nagpasyang kumatok sa pintuan ng kwarto ng Ate Annika. Ayokong mag-usisa siya sa akin kapag nakita niyang may bakas ng luha ang aking mga mata. Hindi ko rin alam ang isasagot ko kung sakali dahil ang boyfriend niya ang dahilan kung bakit ako umiyak. Ang sama ng tabas ng dila niya. Hindi niya ako kilala para pagsabihan niya ng ganoon. Ako malandi? Mali siya ng unawa sa nakita ng kanyang mga mata. Hindi ako katulad ng ibang kabataan ngayon na mabilis masilaw sa tawag ng kamunduhan. Kahit kailan hindi ito pumasok sa isip ko dahil pag-aaral ko ang nasa isip ko. Yakap lang binigyan na niya agad ng malisya. What if kapag nakita pa niya na hinalikan ako sa pisngi ni Drake? Ano pa kaya ang masasakit na salita na sasabihin niya sa akin? Kun