I and Drake remain silent as he drives his car. Walang nais magbukas ng usapan at tila pinakikiramdaman ako ni Drake.
Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang iniisip ko kung tuluyan ko na bang kakalimutan ang lihim na pagmamahal ko kay Kuya Troy.
Oo! sabi ng utak ko. Hindi! hiyaw naman ng puso ko.
I don't know what to choose. But I think I chose the first. It's better to forget this feelings. Wala rin namang patutunguhan itong lihim na pagmamahal ko sa lalaking iyon.
My sister owns her and who am I to ruin their relationship? Hindi ako ganoon kasama mag-isip lalo na at sarili kong kapatid ang kakalabanin ko.
Kahit hindi kami masyadong close dahil sa kaibahan ng ugali namin sa isa't isa. Ayoko naman siyang traydurin para lang sa isang lalaki.
"What are you thinking, Ynnah?" untag ni Drake sa pananahimik ko.
Looks like he gathered his confidence to talk to me.
"Nothing," I said in a lazy tone. Nilingon ko siya at ngumiti ng tipid sa kanya.
" I thought you're thinking of me," he chuckled.
Ako naman ay sumimangot at inirapan lang siya.
Ang feeling talaga ng isang ito. Sabagay may ibubuga ang kara niya.
Pinagmasdan ko ang loko. Binalik na kasi niya ang atensyon sa pagmamaneho. Napakagwapo lang talaga ni Drake lalo na kapag ganitong nakababa ang buhok niya. Paano laging naka-brush up ang buhok niya at parang may patigas lagi ito dahil hindi nagugulo.
Maganda ang mga mata niya, kulay tsokolate ang kulay nito at mahaba ang malalantik niyang pilik-mata. Makapal ang kilay, manipis ang labi at pangahan. Matangkad din siya sa height niya na 5'10. Sa edad niya na disiotso ay para na siyang matured tingnan dahil sa laki ng kanyang katawan.
Kaya naman no wonder kung bakit maraming nahuhumaling sa kanya at handang magpaloko maging boyfriend lang ito.
Mabait naman itong si Drake sa totoo lang pero ayoko lang sa pagiging palikero niya. Ginawa na yata niyang hobby ang pagpapalit-palit ng girlfriend kada linggo. Tapos kung sinu-sino pa ang babaeng kahalikan. Malamang kung sinu-sino na lang din ang nakaka-s*x niya dahil madalas namin itong may akay na babae kahit saan ito magpunta.
"Bakit nga pala hindi ka pa sinusundo ng Ate mo? Paano kung wala kami roon at napagtripan ka ng ibang estudyante?"
As if naman hindi ako pinagtripan ng mga barkada niya kanina kung makapagsalita siya. Sabagay, matitino naman kasi sila kahit na may pagkapalikero.
"I don't know. Wala rin akong alam dahil ilang beses ko siyang tinawagan pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko," paliwanag ko.
Ano kayang nangyari sa babaeng iyon at nakalimutan akong sunduin? Hanggang ngayon wala pa siyang reply sa mga text ko na umabot na siguro sa limampu.
"Baka nasa opisina pa or may nangyaring hindi maganda sa kanya," ani naman ni Drake na saglit na sinulyapan ako. Malapit na kami sa village namin at very thankful ako na pinasakay niya ako sa kotse niya. Ano na lang ang mangyayari sa akin kung hindi niya ako inalok na ihatid?
"Sana naman wala," nag-aalala na sabi ko.
Naisip ko na rin ito kanina pero sana nagpadala man lang sana siya ng mensahe nang medyo maaga pa para naman nakisabay ako kay Marionne kanina.
Ginabi na tuloy ako at nagpapasalamat ako na nag-alok si Drake na ihatid ako. Alanganin pa nga ako noong una na sumama sa kanya dahil nga iniiwasan ko siya.
Hindi ko pa nakakalimutan ang pag-amin niya kanina at nang sabihan niya ako ng 'I love you'. Hindi naman ako kaagad naniwala dahil alam ko namang normal na iyon sa kanya. Hobby na niya itong sabihin sa mga babaeng natitipuhan niya at sa mga babaeng lantarang nagkakagusto sa kanya.
"Ahm, Ynnah."
"Oh?"
"About what I said a while ago."
Napatingin ako sa kanya. Pareho pala kami ng iniisip? Akala ko pa naman nakalimutan na niya ito.
"Yes, what about it?"
"I'm sure about that. I love you, matagal na," walang gatol na untag niya. Hindi siya nakatingin sa akin ngunit nakikita ko na seryoso siya sa kanyang sinabi.
"Drake, huwag mo na akong bolahin," sabi ko. "Huwag na tayong naglolokohan dito. Kilala ko ang kara mo at para sabihin ko sa iyo, hindi ako interesado. Huwag ka ng mag-aksaya ng oras para manligaw pa dahil sabi ko nga nang nakaraan na basted ka na." Inulit ko lang ang sinabi ko noon sa kanya. Wala akong balak bigyan siya ng pag-asa. Hindi pa ako nasisiraan ng ulo para patulan siya.
Hindi rin kasi ako open na magkaroon ng boyfriend. Seventeen pa lang ako at baka pagalitan ako ni Daddy.
"But, Ynnah. Let me show you that I am serious with you. Mahal talaga kita, noon pa. Ngayon lang ako nagkalakas ng loob magsabi dahil hindi ko na matiis na hindi sabihin sa iyo ang nararamdaman ko," aniya sa nagsusumamong tono.
Ramdam ko na honest siya sa sinabi niya. Pero wala pa talaga sa isip ko na mag-boyfriend. At isa pa, wala siya sa kalingkingan ng lalaking mahal ko.
Hindi ko mahanap sa kanya ang mga katangian ni Kuya Troy na minahal ko. O nabubulagan lang ako sa pagmamahal ko kay Kuya Troy kaya hindi ko magawang tumingin sa iba.
"Sorry, Drake. Wala pa sa isip ko ang ganyang bagay. Totoo man o hindi ang nararamdaman mo, still, wala akong balak sumuong sa isang relasyon na hindi ako sigurado. Ibaling mo na lang sa iba 'yang nararamdaman. I'm sure marami ang magkakandarapa na mahalin ka."
Isa lang ang gusto kong mahalin. Sayang lang at may mahal na siyang iba.
"Hindi pa rin ako susuko, Ynnah. Someday you'll be mine and I won't miss the chance. Hayaan mo lang na mahalin kita. Hindi ko naman ipipilit ang sarili ko na mahalin mo ako pabalik."
I just smiled at him.
Kung ako kaya ang magsasabi nito kay Kuya Troy? Ano kaya ang sasabihin niya at magiging reaksyon?
Siguro tatawanan niya lang ako at sasabihan na bata pa ako para sa love. Baka sabihan pa niya ako na walang pag-asa sa kanya dahil alam ko naman kung gaano niya kamahal ang Ate Annika ko.
Nanahimik na lang kami buong biyahe. Hindi na nagtangka pang mangulit ni Drake at pinagpasalamat ko iyon.
Nakarating kami ng bahay namin. Malapit na rin naman ang kanila rito kaya ayos lang naman na nakisabay na ako sa kanya.
"Maraming salamat," nakangiting sabi ko kay Drake nang pagbuksan niya ako ng pintuan.
Nasa tapat na kami ng gate ng bahay namin at nagtaka ako na nakasindi na ang mga ilaw sa loob. Ibig sabihin narito na si Ate Annika at hindi man lang ako naalalang sunduin!
Humanda siya at kokomprotahin ko siya pagpasok ko ng bahay mamaya.
"You're always welcome, Ynnah."
"Ingat ka sa pagmamaneho at maraming salamat ulit."
"Yeah, I do."
"Sige papasok na ako. Salamat ulit."
Humakbang na ako papasok sa gate namin. Pero bago ko pa maisara ang gate namin ay mabilis na lumapit si Drake at sinunggaban ako ng yakap.
"D-Drake. Ano na naman ba 'to?" nagtataka na tanong ko sa kanya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang palinga-linga sa paligid. Baka makita kami ni Ate Annika at isumbong niya ako kay Daddy na nakikipaglampungan sa tapat ng gate namin.
"Just let me hug you like this, Ynnah. Pabaon lang bago ako umalis," aniya habang nakabaon ang mukha niya sa leeg ko.
Natawa ako sa sinabi niya. Masyado yata siyang nahuhumaling sa akin at malapit na akong maniwala.
Hinayaan ko lang siyang yakapin niya ako. Damang-dama ko ang init ng kanyang katawan at ang bilis ng pintig ng kanyang puso.
Hindi naman siguro kami makikita ni Ate Annika rito lalo na at madilim sa bandang ito.
"A-hem!" Mabilis akong kumalas sa yakap ni Drake nang marinig ang pagtikim ng isang tao.
Kaagad na umikot ang paningin ko at hinanap ang pangahas.
Halos lumuwa ang mga mata ko nang makitang si Kuya Troy iyon at matiim na nakatitig sa amin.
Shit! Lagot na! Baka kanina pa siya naririto at nakita ang pagyakap sa akin ni Drake ng matagal.
"Iba na talaga kabataan ngayon, kung saan-saan na lang nagyayakapan," parinig niya habang naglalakad palapit sa amin.
Matiim pa rin ang titig niya sa akin. Namula ako sa hiya at nais ko na lang magpalamon sa lupa. Baka kung ano na ang iniisip niya sa amin ni Drake.
Si Drake na nakatayo sa tabi ko ay walang reaksyon at matapang lang na nakatitig sa lalaking bigla na lang sumulpot kung saan.
"K-Kuya Troy, kanina ka pa ba? Nasaan ang Ate ko?" tarantang tanong ko upang mailihis ang usapan.
Hindi ako sinagot ni Kuya Troy sa tanong ko. Si Drake ang tiningnan niya at saka tiningnan ito pababa at pataas.
Nakipagsukatan naman ng tingin si Drake sa kanya. Matapang nitong sinalubong ang mapangmatang tingin ni Kuya Troy sa kanya.
"Boyfriend mo ba 'to, Ynnah?" Tinuro niya si Drake habang ang mga mata ay nakatutok sa akin. "Alam ba ng mga magulang mo na may boyfriend ka na?"
Napailing ako ng dalawang beses sa tanong niya. Hindi ko mahanap ang boses ko dahil sa pagkataranta. Natataranta ako dahil sa mga titig na ibinabato niya sa amin ni Drake.
Is he mad?
"Ano naman kung boyfriend niya ako? Ano'ng paki mo? Miyembro ka ba ng pamilya niya para sitahin mo siya ng ganyan?" sabat ni Drake habang banas na nakatingin siya kay Kuya Troy. Naalarma naman ako sa sinabi niya. Baka magalit si Kuya Troy sa kanya lalo na at parang hindi maganda sa pandinig ang sagot niya.
"Aba't sumasagot ka pa bata? Bakit? Kaya mo na bang buhayin si Ynnah? Baka sa pagbayo ka lang magaling?" ngumisi si Kuya Troy nang sabihin niya iyon kay Drake. Mukhang hindi naman ito nagustuhan ni Drake at masama niyang tinitigan ang huli.
"Ano naman sa iyo ngayon? Oo, aaminin ko hindi ko pa siya kayang buhayin pero kung maging kami man in the near future. Gagawin ko siyang prinsesa at ibibigay ang lahat ng gusto niya. Hindi lang puro libog ang nasa katawan ko. Hindi lang ito nagpapaligaya sa isang relasyon. Seryoso ako kay Ynnah at gagawin ko ang lahat maging karapat-dapat lang sa kanya."
Napatanga ako sa sinabi ni Drake. Maging si Kuya Troy ay hindi nakapagsalita sa sinabi niya. Tila nawalan na siya ikakatwiran sa sinabi ni Drake.
"Sige, Ynnah. Kita na lang tayo bukas sa school. Goodnight and goodbye." Hinaplos ni Drake ang mukha ko bago niya ako nilampasan at tinungo ang kanyang sasakyan.
"B-Bye."
Kumaway ako kay Drake nang paandarin na niya ang kanyang sasakyan. Nakasunod pa rin ang tingin ko sa sasakyan niya hanggang sa mawala ito sa aking paningin.
Makakalimutan ko na sanang kasama ko si Kuya Troy kung hindi lang siya tumikhim.
"Alam ba ng mga magulang mo na may boyfriend ka na, Ynnah?"
"H-Hindi ko po siya boyfriend, Kuya."
"Hindi mo boyfriend? Pero nagpapayakap ka? Nagpapalandi ka kahit 'di kayo?"
"M-Mali po kayo ng iniisip," naiinis na sabi ko.
Nagyayakapan lang? Naglalandian na?
"Talaga? So, ano ang nakita ko kanina?"
Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Nagpapalandi? Nakita naman niya sigurong hindi naman ako nakayakap kay Drake.
"Kung hindi ako sumulpot, alam ko namang sa halikan na ang bagsak ninyong dalawa!"
"Teka! Ano naman kung makipaghalikan ako? Ano naman kung nakikipagyakapan ako kahit hindi ko boyfriend? Ano bang paki mo, Kuya Troy?"
"f**k! Wala!"
"Wala naman pala! So mind your own business!"
Humakbang ako patalikod sa kanya ngunit hinila niya ang braso ko at gigil na pinigilan ako.
"Ang bata-bata mo pa pero ang landi-landi muna! Ano? Nagalaw ka na ba ng lalaking 'yon, ha?" marahas na sigaw sa mukha ko.
Nag-init ang ulo ko sa sinabi niya at mabilis na umagos ang luha sa aking mga mata.
"How dare you! Hinay-hinay ka sa mga sinasabi mo dahil hindi mo ako kilala!"
Sinampal ko siya ng malakas sa kanyang mukha. Mabilis na binaklas ko ang kamay niya na nakahawak sa akin at padabog na nagmartsa palayo sa kanya.
Ang sama niya mag-isip!
Ito ba ang ugali ng lalaking kinahuhumalingan ko?
Sana pala hindi na ako nag-aaksaya ng oras na palihim siyang mahalin.
He doesn't deserve my love!