Namumugto ang mga mata ko nang gumising ako kinabukasan. Ayaw ko man na maging ganito ang itsura ko paggising ko ay wala akong magagawa.
Ilang beses akong umiyak kagabi dahil sa nakita ko. Hindi ko pa rin talaga matanggap na sawi na naman ang puso ko.
Hanggang sa panaginip na lang talaga siya magiging akin. Wala ng pag-asang mapasaakin siya kahit kailan.
Sa nakita ko kagabi ay wala na talagang pag-asa na maging kami. May nangyari na sa kanila ng Ate ko at hindi posibleng sila talaga ang magkatuluyan bandang huli.
Nakikita ko na mahal na mahal nila ang kapwa isa. Ilang beses kong nakita kung paano pahalagahan ni Kuya Troy si Ate Annika. Ako ang saksi sa pagiging matibay ng kanilang relasyon kahit na ba minsan ay nagtatalo siya.
Walang kayang bumuwag sa pagmamahalan nila at naiinis akong isipin na hindi ko kayang gawin iyon.
Hindi pa naman ganoon katagal ang relasyon nila ni Kuya Troy. Last year lang sila naging mag-on. At hindi lang ilang beses ko ng hiniling na sana ay maghiwalay na sila.
Unang kita ko pa lang noon kay Kuya Troy ay nabihag na niya ang puso ko. Akala ko noong dinala siya ni Ate para ipakilala sa magulang namin ay nanliligaw pa lang siya, iyon pala ay sila na.
Iyon ang unang pagkabigo ng bata kong puso. Sa dinami-dami ng lalaking pwedeng bumihag sa puso ko ay siya pa. Siya pa na boyfriend ng kapatid ko.
Ate Annika is in her right age, she is twenty-eight. Successful in her career, beautiful and smart. Ako naman ay seventeen lang, maganda, matalino pero wala pang maipagmamalaki sa buhay.
Kaya kung pipili talaga si Kuya Troy ay ang kagaya talaga ni Ate ang magugustuhan niya. Bakit nga naman iniisip ko na pwedeng maging kami where in fact malabong mangyari ito.
I guess it would never happen. I can see that they are happy with each other. Ako lang talaga itong sikretong kontrabida sa relasyon nila dahil araw-araw akong nagdadasal na sana ay maghiwalay sila.
I know it's bad to wish like this but this is what I want to happen.
Inalis ko sa isip ko ang nakita ko kagabi. Mas lalo akong magiging malungkot kung paulit-ulit ko iyong ipi-play sa utak ko.
Dinikit ko ang yelo sa ilalim ng eyebags ko. Paulit-ulit ko iyong ginagawa hanggang sa namamanhid na ang balat ko. Kahit man lang sa pamamagitan nito ay mawala ang pamamaga ng mga mata ko.
Nang medyo nakita kong lumiit na ang pamamaga ng mga mata ko ay saka ako nagpasya na maligo at pagkatapos ay mabilis na nagpalit ng uniporme.
I went downstairs afterwards and tried to act normal. Nakita ko sina Ate Annika at Kuya Troy na nagsusubuan ng pagkain sa hapagkainan.
Hindi ko na inabutan si Daddy dahil alam ko naman na maaga iyong pumapasok sa opisina dahil doon na siya nagbe-breakfast.
Muli ay parang sinaksak na naman ang puso ko sa nakita. Pero huminga ako nang malalim at patay-malisya na naglalakad patungo sa kanila.
"Good morning, Ate Annika. Good morning, Kuya Troy." Kaswal na bati ko
"Good morning too, Ynnah!" panabay naman nilang bati sa akin.
"Come, join us for breakfast" Si Ate Annika na kita kong sobra niyang saya habang nakangiti sa akin. Nginitian ko silang dalawa saka ko tinaob ang platong nasa tapat ko.
Sino ba naman ang hindi magiging ganito kasaya kung umakyat siya sa langit kagabi.
I am only seventeen but I am open-minded when it comes to s*x. Sa panahon ngayon dapat may alam ka na sa usaping ito. Though, hindi ko pa naranasan ang magkaroon ng s****l contact kahit kanino.
I value my virginity so much. Pati nga first kiss wala pa ako. Sa katunayan, kay Kuya Troy ko ito iaalay kung magkakaroon lang sana ng pagkakataon na maging kami.
But I guess, it won't happen anyway. Hanggang sa panaginip na lang talaga ang lahat.
"Here's the fried rice, little sister," Ate Annika offered. Inabot niya sa akin ang fried rice na kaagad ko namang kinuha.
"Sausage?" Si Kuya Troy naman ang nag-alok pero umiling lang ako sa offer niya.
"I prefer hotdog," tipid kong sabi at saka ko na kinuha ang plato na naglalaman ng mga hotdog.
"Ohh, I see. You like big ones, Ynnah? Ayaw mo sa maliit?" He chuckled while looking at me. Binaba niya ang plato ng sausage at nakangiting nagpatuloy sa pagsubo ng pagkain.
Napaawang naman ang bibig ko kasabay ng pamumula ng aking pisngi. Parang may laman ang salita niya at hindi ko maiwasang mag-isip ng kung ano!
"O-Oo, Kuya. Mahilig talaga ako sa malaki," sadyang binitin ko ang pagsasalita para ipakita na hindi ako apektado sa sinabi niya. Nakita ko siyang napatingin sa akin sabay lunok ng kanyang kinakain. "Hindi naman kasi ako mabubusog diyan sa maliit na sausage kaya mas malaking hotdog ang gusto," ngumisi ako sa kanya at patay-malisya akong nag-iwas ng tingin.
Narinig ko pang nabulunan siya habang si Ate Annika naman ay nagtataka na nagpalipat-lipat ang tingin sa amin.
I just shrugged my shoulders and continued to eat.
"Oo, ayaw niya talaga sa sausage Troy. Kaya jumbo hotdog iyang pinaluto ko kay Manang dahil ayaw ni Ynnah ng sausage. Ako lang talaga ang mahilig sa sausage," balewala naman na paliwanag ni Ate Annika. Tumingin pa siya sa gawi ko bago niya binalik sa plato ang kanyang tingin saka sumubo ng pagkain.
Narinig kong tumawa si Kuya Troy na ewan ko kung ano ang tinatawanan. Hindi na ako muling tumingin sa kanya habang mabilis na inuubos ang aking pagkain.
"Bilisan mo kumain, Ynnah. Isasabay ka na namin ni Troy sa pag-alis," ani Ate. Tapos na siyang kumain at humihigop na lang ng kape.
"Mauna na kayo, Ate. Antayin ko na lang si Marionne."
Hindi ko nais makasabay sila sa pagpasok ko sa HNU. Magiging out-of-place na naman ako kapag sinabay nila ako. Magmumukha na naman akong tanga sa likod habang pinapanood ang paglalambingan nila.
"No. Sumabay ka na sa amin. Nakakahiya naman sa kaibigan mo. Madadaanan naman namin ang school mo pagpasok ko sa trabaho," matigas na sabi ni Ate.
Hindi na lang ako nagpumilit dahil alam ko naman na hindi ako mananalo sa kanya kahit ipilit ko ang aking gusto. 'Di bale, wala mamaya si Daddy. Tutuloy kami ni Marionne mamaya roon sa bar ng pinsan niya pagkatapos ng klase namin sa hapon.
Walang magagawa si Ate Annika dahil hindi ako magpapaalam.
Isinabay nga ako nina Ate Annika at Kuya Troy sa pagpasok nila sa trabaho. Nakasimangot ako sa likod habang nasa labas ang aking tingin.
Habang nasa daan naman kami ay panay ang lampungan nila. Ngani-ngani ko sila bulyawan dahil baka maaksidente kami ng wala sa oras.
Panay pa naman ang tingin sa akin ni Kuya Troy sa rearview mirror na ewan ko kung bakit.
Nang sa wakas ay nakarating na kami sa school ko. Nakahinga ang puso ko nang maayos dahil hindi ko na makikita ang paglalambingan nila.
Sobra akong nginangatngat ng selos sa ginagawa nila. Hindi na nga ako makahinga sa kotse dahil ang future na nila ang pinag-uusapan nila. Mabuti na lang talaga at kaya kong itago ang nararamdaman ko. Manhid na nga siguro ako dahil nakaya kong pakinggan ang pag-uusap nila.
"Bye, Ate. Salamat, Kuya Troy. Ingat po kayo sa biyahe," sabi ko sa kanila nang lumabas na ako sa sasakyan.
"Bye, Ynnah! Pagbutihin mo ang pag-aaral mo. Huwag ka maglakwatsa mamaya," bilin ni Ate. Pinaikot ko lang ang eyeballs ko at saka bumaling kay Kuya Troy na nakatingin sa akin.
Matiim ang titig niya sa akin habang dahan-dahang nagsasara ang bintana ng kotse.
Pinagkibit-balikat ko na lang iyon dahil alam ko namang walang kahulugan iyon. Ganoon naman talaga siya tumitig lalo na kapag seryoso siya.
"You're early today, Ynnah Angela!" pang-aasar sa akin ni Marionne. Nakaupo na siya sa assigned seat namin at nagtitipa sa kanyang cellphone.
Naglakad ako papunta sa kanya habang nginingitian ang mga kaklase naming bumabati sa akin.
"Sumabay ako kina Ate kaya maaga ako ngayon," saad ko. Padaskol na umupo ako sa tabi niya habang nakatingin sa mga kaklase naming nakasunod pa rin ang tingin sa akin.
Nakita ko pa si Drake na nakatingin sa akin habang pinapasadahan ng tingin ang suot ko. I'm wearing my uniform. Hindi naman ganoon kaikli ang palda na suot ko. Hindi bastusin ang ikli nito kaya feel ko na hindi ako mababastos.
Tinaasan ko lang siya ng kilay saka inayos ang pagkakaupo ko. Malay ko baka sinisilipan na ako ng hunghang na 'to. Isa pa naman ito sa mga kaklase naming sobrang babaero at puro s*x na lang ang nasa isip. Sayang, gwapo pa naman siya. Kaya lang hindi ko siya type.
"Kaya pala ang aga mo. So, tuloy ba ang lakad natin mamaya?" Muli kong binalik ang pansin kay Marionne ng muli siyang magsalita.
"Of course! Wala si Daddy mamaya dahil susunduin niya sa Manila si Mommy. We have time to drink and dance," excited kong sabi.
Maglalasing ako ng bongga mamaya. Iseselebra ko ang pangalawa kong heartbreak.
I guess I need to move on. Ipapaubaya ko na lang kay Ate Annika ang first love ko. Tutal sa kanya naman napunta at hindi sa ibang babae.
"Yes! Finally, matitikman na natin ang mga bagong cocktails na gawa ng pinsan ko. I know we will surely love it, Ynnah!" maingay na bulalas ng kaibigan ko. Napatingin pa tuloy sa amin ang iba pa naming kaklase dahil sa ingay ni Marionne. Nagyuko na lang ako ng ulo at hininaan ang aking boses.
"Yeah, let's get drunk later." Halos pabulong na sabi ko sa kanya.
"Hey, how about your sister?" nag-aalala na tanong niya. "Hindi ba magagalit ang Ate mo sa iyo? Nagpaalam ka na ba sa kanya?"
"No. May bilin nga siya kanina sa akin. Who cares? Wala naman si Daddy kaya pwede kong gawin ang gusto ko," sabi ko sabay tawa.
"Pasaway! Ayoko lang kasi na baka tawagan ako ng ate mo at pagsalitaan niya ako ng masama."
"Just ignore her call or text. As simple as that."
"Sabi mo eh! I'll do that later."
"Yeah."
Nagkwentuhan pa kami saglit habang inaantay ang pagdating ng guro namin. Sumali na rin sa usapan namin ang iba pa naming kaklase na medyo malapit din sa amin ni Marionne.
Si Drake na nakatingin pa rin sa akin ay lagi kong iniirapan dahil hindi ko alam kung bakit tingin siya nang tingin sa akin. Dati naman na siyang ganito sa akin. Pero naiinis lang ako lalo na at hindi ko gusto ang mga ngisi ng lalaking ito. Pakiramdam ko may ginagawa na siyang kabalbalan sa akin sa isip niya.
"s**t! Nandiyan na si Ma'am. Mabuti na lang talaga maaga ka ngayon," natataranta na sabi ni Marionne. Nagpulasan ang mga kaklase naming kausap namin at pumunta kaagad sa kani-kanilang upuan.
Kaagad na umayos sila ng upo habang nakatingin sa guro naming naglalakad na papasok ng room namin.
"Mabuti na lang talaga, nakakatakot kayang bulyawan ni Ma'am kapag late pumasok," pabulong na ani ko. Umayos na rin ako ng upo at saka tuwid na tumingin sa harap.
"At least, hindi ka niya grabe pagalitan. Ikaw ba naman ang top ng klase niya," bumungisngis si Marionne.
"Kahit na, nakakatakot pa rin siya magalit no!" Pinaikot ko ang eyeballs ko. Saka tumingin sa gilid ko.
Nagtama ang paningin namin ni Drake na nakatingin na naman sa akin. Tumaas ang sulok ng kanyang labi at tiningnan ako pailalim. Bigla naman ako nakaramdam ng inis dahil kanina pa siya ganito tumingin sa akin.
What's wrong with him? Pinagnanasaan ba niya ang katawan ang ko?
Isang matinding irap ang binigay ko sa kanya saka tiningnan din siya pababa at pataas. Nakita ko siyang natawa at pagkatapos ay dinilaan niya ang kanyang labi.
Mas lalo naman akong nainis kaya inalis ko ang tingin sa kanya at hindi na muli pang lumingon sa gawi niya.
Putris! Nalilibugan na naman yata siya umagang-umaga!
Pagkatapos ng klase namin ng hapong iyon ay dumiretso na kami sa bar ng pinsan ni Marionne.
Bago kami pumasok ay in-off ko muna ang cellphone ko para walang istorbo habang nagkakasiyahan kami sa pag-inom at pagsasayaw ni Marionne. Kasama rin namin ang iba pa naming kaklase na madalas ay tambay din sa lugar na ito.
Mabuti na lang talaga at lagi akong may baon na pamalit na damit sa locker ko. Hindi ko na kailangan umuwi para magpalit ng damit at baka mabulilyaso pa ang lakad namin ng kaibigan ko.
"Aw! This is so good!" bulalas ko nang matikman ang alak na ipinagmamalaki ng kaibigan ko. Ang sarap ng lasa at ang init ng hagod sa lalamunan.
Naririto kami sa bar counter at mismong ang pinsan pa niya ang nagtimpla ng alak para sa amin.
"Ano? Naniniwala ka na sa akin?" wika ni Marionne habang hawak sa kamay ang wineglass na may lamang alak. Sumimsim siya roon at saka nakangiting ibinaba ito pagkatapos. "So good!" bulalas din niya saka nakatawa na tumingin sa pinsan niyang nakangiti lang na nakatingin sa amin.
"Yeah, ang sarap."
"Wanna drink more?" tanong ng pinsan niya na nakatingin sa amin. Tumango lang kami ni Marionne at sabay naming nilapag ang wineglass sa tapat niya.
Kaagad naman nagtimpla ang pinsan niya ng panibagong alak. Aliw na aliw ako habang pinapanood ko ang maikli niyang show sa paghahalo ng drinks. Napapasabay pa nga ang ulo ko sa paghahalo niya sa cocktail shaker lalo na kapag binabato niya ito paitaas at pagkatapos ay sasaluhin at saka muling ise-shake.
"Ang galing!" panabay pa namin na bulalas ni Marionne. Nagniningning ang mga mata namin habang pinapanood pa rin ang maikling show ng kanyang pinsan.
Nang sa wakas ay natapos na ito sa paghahalo. Nilagyan niya na ng alak ang wineglass namin.
"Enjoy ladies," nakangiti nitong sabi. Saka na kami iniwan pagkatapos.
Nagkatinginan naman kami ni Marionne. Sabay naming tinungga ang cocktails sa wineglass at sabay din namin ibinaba ito.
"Ang sarap!" nakapikit na sabi ko habang ninanamnam ang alak. Sumasabay pa sa sarap ng hagod ng alak ang tugtugin na pumailanlang sa loob ng bar.
"Really? Patikim nga," anang isang boses malapit sa tainga ako.
Nakaramdam ako ng kilabot sa boses na iyon lalo na ng naamoy ko ang pamilyar na pabango na gamit ng nagsalita. Lagi ko itong naaamoy kaya kilala ko kung sino ang may gamit nito.
Bago ko pa makita ang pangahas na lalaki na bumulong sa tainga ko ay hinalikan na niya ako sa aking labi.
Nanlaki ang mga mata ko at hindi ko alam ang gagawin ko. Nablanko ang utak ko lalo na at ito ang unang beses na may humalik sa akin.
Mas lalong naging blanko ang utak ko ng dumiin ang halik niya sa akin at hinapit ako sa aking baywang.
Nanghina ako at hindi napigilang namnamin ang halik na pinapalasap niya sa akin.
Nagpaubaya ako sa ginagawa niya hanggang sa maramdaman ko na lang na tumigil siya sa kanyang ginagawa.
"I-Ikaw? H-How dare you!" naiinis na sabi ko habang habol ko ang aking paghinga. Dinuro ko siya at balak sana siyang sampalin ngunit maagap niyang nahawakan ang kamay ko.
"Yeah, it's me. May inaasahan ka pa bang hahalik sa iyo na iba?" nakangising turan niya. Dinilaan niya ang kanyang labi at saka muling patudyo na nagsalita. "Ang sarap nga ng alak na ininom mo. Lalo na kapag galing diyan sa bibig mo, Ynnah," paos ang boses na anas niya. Hinaplos pa niya ang labi ko at balak pa sana akong halikan muli ngunit mabilis ko siyang tinulak sa kanyang dibdib.
"H-Huwag! Sumosobra ka na, Drake! Ninakaw mo na nga ang first ko tapos balak mo pang kunin ang second kiss ko!" naiinis na hiyaw ko sa kanya.
Bigla na lang nagtubig ang gilid ng mga mata ko dahil sa sobrang inis. Gusto ko siyang sampalin pero hindi ko magawa. Nanghihina ako dahil hindi ko akalain na siya ang magnanakaw ng una kong halik.
Mabilis na ginala ko ang paningin sa loob ng bar. Mukhang wala naman nakapansin sa pagtatalo namin. Ang pinagtataka ko lang ay bakit nawala sa tabi ko si Marionne? Hindi man lang nagpaalam ang luka-luka kong kaibigan. Naisahan tuloy ako ng lalaking ito!
"I-I hate you!" naiiyak kong sabi.
"Why? Because I stole your first kiss? Halik lang naman 'yon, Ynnah. Hindi pa naman ang virginity mo ang kinuha ko sa iyo, so stop crying."
"Gago!"
"Hey! Ano'ng nangyayari rito?" nagtataka na tanong ni Marionne na bigla na lang sumulpot sa kung saan. Isa pa itong babaeng ito! Saan ba siya nagpunta at bigla na lang niya ako iniwan.
Hindi ako nagsalita, yumuko lang ako habang pasimpleng pinupunasan ang mga luha ko.
Naramdaman ko na lang na humiwalay si Drake sa katawan ko habang nagmumura ng mahina.