Ngumunguya ako ng bubble gum habang sige sa pakikinig sa professor naming wala ng ginawa kung hindi ang mag-lecture.
Sobrang bored ko na at gusto ko na lang gumala sa mall o kaya naman ay matulog na lang sa library habang hinihintay ang pag-uwi.
Pasalamat siya at gwapo siya kaya medyo may gana pa rin akong makinig sa kanya kahit boring ang tinuturo niya.
I hate this subject. Puro bayani ang pinag-uusapan na ilang taon ko ring pinagsawaan. Ito kasi ang tinuturo mula grade three hanggang sa matapos ka na siguro sa kolehiyo.
Paulit-ulit lang ang pinag-aaralan at halos kabisado ko na ang pangalan ng mga bayani pati mga birthday ng mga ito. Pati nga yata mga naging jowa ng mga ito at anak ay kabisado ko na. Nakakatawa lang isipin na hindi ko naman magagamit ang subject na ito kapag nag-graduate na ako ng college.
Siguro kung magsusundalo ako ay maniniwala pa ako. Gagamitin ko iyong taktika ni Gregorio del Pillar o kaya naman ni Emilion Jacinto.
Pero syempre hindi ako magsusundalo. Ayokong ibuwis ang buhay ko para lang ipagtanggol ang bansa ko. Sa dami ng corrupt na pulitiko na may hawak sa bansa ko. Malamang binebenta na nila ito sa karatig bansa para magkapondo kaya walang saysay kung ipagtatanggol ko pa ito. At bago ko pa isipin ang mga lintik na walang silbi na politiko na iyan ay naghikab ako.
I sighed and rested my chin on my hand. Inaantok talaga ako kapag ganitong puro lang salita si Sir at siya lang ang nakakaintindi sa sinasabi niya.
Nagpasya akong ilabas ang cellphone ko. I wanted to text my sister Annika to tell her that she can go home without me. Mauna na sila ng driver dahil pupunta pa ako mamaya ng starrbacks para bumili ng kape at paborito kong sliced cakes.
Pero sa huli hindi ko na ginawa dahil nakita ko si Sir na nakatingin na pala sa akin at tinitingnan kung ano ang pinagkakaabalahan ko.
Napangiwi ako at kinastigo ang aking sarili. Nag-peace sign ako sa kanya at mabilis na itinago ang cellphone ko sa aking bulsa. Kaagad na umayos ako ng upo at handa na muling makinig sa boring niyang lecture.
Tiningnan niya lang ako gamit ang kanyang warning look. Hindi naman ako pinagalitan ni Sir dahil ako yata ang pinakamatalino sa klase niya. Kahit hindi naman ako makinig nang maayos sa lecture niya ay alam ko naman sa sarili ko na mape-perfect ko pa rin ang quiz kapag nagpa-surprise quiz siya.
"Saan mamaya ang gala natin, Ynnah?" My friend Marionne asked me while writing in her notebook. Sige siya sa pagkopya ng nile-lecture ni Sir sa whiteboard at hindi ko mapigilang itirik ang aking mga mata.
Bakit ba siya nag-e-effort na magsulat sa notes niya kung pwede naman niya iyong i-screen shot sa cellphone niya. Hindi naman nag-che-check si Sir ng notebook kaya sayang lang ang effort.
"Starrbacks lang ako mamaya," tamad na sagot ko. Tiningnan ko ang butt ni Sir na sumasabay sa pagyugyog kapag nagsusulat siya. Hindi ko napigilang kagatin ang labi ko dahil isa ito sa asset ng lalaki na hinahanap ko.
Tall, dark, big muscles, nice butt and of course, handsome.
Sadly, wala akong makitang ganito. Sa mga online platform ko na nga lang nababasa ang mga ganitong klase ng lalaki. 'Yong tipong anak ng mga bilyonaryo, tagapagmana ng isang hacienda o malaking kompanya. Sa reyalidad kasi ay imposible kang makahanap ng ganitong klase ng lalaki. Kung hindi matanda, sobrang pangit naman ng mga bilyonaryo na nababalita sa telebisyon.
Kaya ako? Hindi na ako nangangarap pa na makakita pa ng mga ganito sa totoong buhay. Malabo kasi, kasing labo ng tubig sa Manila Bay.
Hihintayin ko na lang ang soulmate ko. At kapag nakita ko na siya, ako mismo ang gagawa ng paraan para makuha ko siya.
"Hindi ba tayo magdi-disco?" pasimpleng bulong ni Marionne habang sige pa rin siya sa pagkopya sa whiteboard.
"I'll see to it." Naghihikab ako muli. Nakakaantok talaga. Sana matapos na si Sir sa pagle-lecture para makalabas na ako rito at makadiretso na sa pupuntahan ko. Gusto ko ng pampagising dahil pag-uwi ko mamaya ay manonood ako ng paborito kong anime sa laptop ko. May nakita akong bagong series at excited na ako mag-marathon mamaya.
"Yes!"
"Iyon ay kung matatakasan ko mamaya si Daddy," pagpapatuloy ko. Pero ang totoong dahilan ay magma-marathon lang naman ako kaya hindi ako makakasama sa pagdi-disco.
"Bakit? Nakauwi na ba ang Daddy mo galing Korea?" dismayado ng tanong sa akin ng aking kaibigan.
I nodded my head. "Yeah, pinapauwi nga niya kami ng maaga ni Ate Annika. Kaya hindi ako makagala pagkatapos ng klase natin. Sasaglit lang ako sa starrbacks at pagkatapos ay uuwi na ako," pahayag ko.
"Wrong timing naman. Gusto ko pa namang subukan iyong bagong experiment na alak ng pinsan ko. Trending daw iyon sa bar nila at ayokong magpahuli na matikman iyon," naiinis na bulong ni Marionne.
Medyo naging kuryos naman ako sa alak na kinukwento ng kaibigan ko. I love drinking liquor. Lalo na iyong mga in-e-experiment para makabuo ng kakaibang lasa.
"Try natin bukas, susubukan kong lusutan si Daddy."
"Sige! Asahan ko 'yan bukas, Ynnah."
I just smiled at her and let myself concentrate while listening to our professor's lecture.
"Ynnah, saan ka na naman ba dumaan at hindi ka sumabay sa akin sa pag-uwi?'' masungit na sita sa akin ni Ate Annika habang nakapamaywang sa labas ng gate.
Tinawagan ko kasi siya na hintayin ako sa gate kapag pauwi na siya para kunwari ay sabay kaming umuwi. Masesermunan na naman ako ni Daddy kapag nalaman niya na humiwalay ako kay Ate pauwi kaya inunahan ko na.
"Sa Starrbacks lang, Ate Annika. Bumili ako ng kape para hindi ako makatulog sa panonood ko mamaya ng series sa laptop ko," nagkakamot ng ulo na sabi ko.
"Ang dami naman kasi nating kape kung bakit ang hilig mong bumili sa labas. How much does it cost? One-hundred pesos para lang sa isang kape?" mataray niyang sabi. Siya na rin ang sumagot sa tanong niya.
"Iba naman kasi 'tong kape na 'to sa tinitimpla rito sa bahay natin, Ate." Tinaas ko ang kape na hawak ko at saka ngumiti nang alanganin. Iba na kasi tingin niya sa akin at parang gusto niya akong tirisin.
"I know, Ynnah. I'm not a noob! Ang pinapaintindi ko kasi sa iyo ay ang pagtitipid. Hindi palaging mayaman na lang tayo habangbuhay. Magtipid ka naman para hindi ka mabigla kapag bigla tayong naghirap," sermon niya.
Heto na naman kami sa mga pangaral niya na walang katapusan. Alam ko naman magtipid ng pera pero kapag ganitong kape na ang pinag-uusapan ay hindi ko mapigilang mapagastos.
I love coffee, especially those sold by branded coffee shops. Nakakaadik kasi at ang sarap ng mga timpla nila. Lalo na 'tong binili ko na frappe. Mukhang mabibitin pa ako nito kahit large size na 'tong na-take-out ko.
"Tsaka hindi pinupulot nina Mommy at Daddy ang perang kinita nila kaya matuto kang magtabi minsan," nakataas ang kilay na pagpapatuloy niya.
Parang napakatino naman niya at huwaran na anak. Samantalang ang dami rin naman niyang kabalbalan na tinatago. Ang pagtitipid lang naman ng pera ang alam niya dahil alam ko namang si Kuya Troy ang gumagastos sa lahat ng luho niya.
Napakaswerte niya kay Kuya Troy kung tutuusin. Mayaman, gwapo, at matipuno. Long-time love ko ang lalaking iyon at sa kapatid ko pa siya na-in love. Sabagay, paano nga naman niya papansinin ang gaya kong may gatas pa sa labi. Hindi pa fully-developed ang katawan at isip-bata pa.
"Oo na, Ate. Tara na nga sa loob at baka makita pa tayo rito na nagtatalo ni Daddy. Baka mabuko pa niya ako na hindi tayo sabay umuwi." Hinigit ko siya sa kanyang kamay kahit bubulong-bulong pa siya at masama ang tingin sa akin.
I-blackmail ko kaya ito minsan para hindi naman ako ang lagi niyang nakikita?
Nagkulong ako sa kwarto ko nang matapos kong saluhan sina Daddy at Ate Annika sa pagkain ng dinner. Umiiwas ako sa sermon ni Daddy lalo na at wala si Mommy na nagtatanggol sa akin. Kay Ate Annika kasi ay wala akong tiwala na ipagtatanggol niya ako kay Daddy. Magkakampi sila dahil pareho sila mag-isip.
In-switch ko ang laptop ko at nanonood na ako ng bagong series ng paborito kong anime. Habang nilalantakan ko ang binili kong pagkain sa Starrbacks ay engrossed ako sa panonood.
Ang ganda talaga panoorin ng series na 'to. Kakaiba ito sa lahat ng napanood ko kaya lagi ko 'tong inaabangan kapag may bago silang ire-release.
Naghihikab na ini-off ko ang laptop ko nang matapos ko ng panoorin ang pinapanood ko. Itinabi ko ito saka ako nagpasya na lumabas ng kwarto ko para kumuha ng tubig. Nauuhaw ako, dapat pala ay nag-akyat na ako ng tubig kanina.
Alas-onse na pala ng gabi, iyon ang nakita kong oras sa grandfather's clock na nadaanan ko. Malamang tulog na sina Daddy at Ate Annika. Safe ako rito dahil walang sisita sa akin.
Nang makainom na ako ng tubig ay dali-dali na akong bumalik sa kwarto ko. Marahan ang ginagawa kong paghakbang habang naglalakad ako. Ang dim na ilaw sa pasilyo ang tanging tumatanglaw sa akin dahil patay na lahat ng ilaw dito sa bahay.
Nang matapat ako sa kwarto ni Ate Annika ay nagtaka ako. Bukas ang pintuan ng kwarto niya at bukas din ang ilaw. Hindi ko yata ito napansin kanina dahil sa pagmamadali ko na makababa.
Nagpasya akong silipin ang ginagawa niya dahil alas-onse na ay hindi pa siya natutulog. Ang alam ko ay hindi siya nagpupuyat ng ganito ka-late dahil anemic si Ate.
Balak ko siyang lokohin at takutin dahil takot si Ate Annika sa multo. Naghanda na ako kung paano ko siya tatakutin. Hindi naman maririnig ni Daddy ang sigaw niya kung sakali dahil nasa ibaba ang kwarto nila ni Mommy at tulog mantika pa iyon minsan.
Hahawakan ko na sana ang doorknob ng makarinig ako ng mga kakaibang ungol. Binundol ng kaba ang dibdib ko dahil imbes na si Ate Annika ang tatakutin ko ay kung bakit ako ang biglang natakot.
May multo ba sa kwarto niya?
Nag-alangan tuloy ako kung itutulak ko ba ang pinto o bibitiwan na lang ito sabay karipas ng takbo.
Sa huli ay nagdesisyon pa rin akong buksan ang pinto. Pero sana hindi ko na lang pala ginawa dahil nasaktan ako ng labis sa nakita ko.
Kuya Troy is on top of my sister and f*****g her so hard. Ang ungol na naririnig ko ay sa kanila galing.
Tumulo ang mga luha ko. Wala na talagang pag-asa na maging kami sa bandang huli.
This is my second heartbreak with him and it's so painful.