IKALABINGPITONG KABANATA Mainit pa rin ang ulo ni Fire hanggang sa makauwi kami. Ako naman ay nananatiling tahimik dahil ayaw ko rin namang salubungin ang galit niya. Hindi na nga ako mapalagay sa kung paano ko siya masusuyo tapos nangyari pa ‘to. “Fire, si Daniel, kaibigan ko siya.” Sinundan ko siya hanggang sa study room niya para magpaliwanag at linawin ang lahat. He is really mad sapagkat ni isang kasama namin sa bahay ay wala siyang kinibo. Dire-diretso lang siya rito sa taas. “Katrabaho ko siya dati sa resort na pinagtatrabahuan ko. Aksidente kaming nagkita—” “And holding your hand wasn't an accident, Paulyn Marie! Why the fúck he was holding you?” He furiously said. Padabog siyang umupo sa kanyang swivel chair. Nababalot pa rin ng galit ang buong pagkatao niya pero sinabi ko