IKALABING-ANIM NA KABANATA Hindi umuwi si Fire kinagabihan matapos siyang nag-walk out sa lunch namin. Hindi ko siya sinundan kasi halata naman na sumama ang timpla niya dahil na-bring up ko ang tungkol sa pamilya niya. Kasalanan ko naman ‘yun dahil sinubukan ko pa kahit na una pa lang naman ay nararamdaman ko nang ayaw niyang nagtatanong ako tungkol sa pamilya niya. “Ano kaya sa tingin mo ang magandang peace offering, Bernadette? Pagkain kaya?” Tanong ko kay Bernadette pagkababa namin sa mall. Ito ang unang beses kong lumabas sa mansion ni Fire. Nasa Maynila rin kasi si Bernadette para asikasuhin ang mga final requirements niya sa pag-alis ng bansa kaya gumawa talaga ako ng paraan para makalabas ng mansion. Ang sinabi ko lang sa mga bodyguard at kay Ate Anna na may bibilhin lang ako