IKADALAWAMPUNG KABANATA Half of my mind is occupied with the name of the person who wrote the short poem in that partially burnt painting. Percilla. Kapangalan ni Mama. Ang ironic pa dahil iyong suot na bestida ng babae sa painting ay may desinyo pa ng paboritong bulaklak namin ng Mama ko. Natawa nga ako nang una dahil naisip ko ba naman na si Mama at ang may gawa ng obra na iyon ay iisa. Hanggang sa kinutuban ako at patuloy na lumawak ang agam-agam ko. Si Mama kaya ang buntis na babaeng kasama ng Don sa painting? Sino ang Don na iyon? Siya ba ang tinutukoy sa tula na si Falcon? Siya ba ang Lolo na tinutukoy ni Fire? Bakit. . . bakit magkasama sila ni Mama sa painting? Hindi kaya. . . Ang dami ko nang naiisip na mga opinyon pero parati ko ring inaawat ang utak ko at sinasabing nap