Cez' Point of View
Champ de Mars, Paris
Today will be the last day of the shooting. Ang bilis lang matapos ng isang linggo. Iba't ibang eksena ang kinukunan sa amin. Iba-ibang lugar din ang lokasyon. At nag-enjoy naman ako sa mga sight na nakikita ng mga mata ko sa mga lugar na palipat-lipat kami ng lokasyon para mag-shoot.
Nariyang nasa cafe kami, sa bookstore, at sa ibang tourist spot gaya ng Louvre Museum at Louvre Pyramid. At ngayon nga dito sa nagniningning na Louvre Pyramid ang last shots namin. Napaka-romantic tingnan ng lugar. Ginawa talaga siyang attraction not only for lovers, but to those na mahilig sa arts.
Kahit gabi na ay napakaganda ng tanawin. Ang sarap pagmasdan ng liwanag nitong pyramid. Nakaka-in love. Napapansin ko kasing hindi lamang magsing-irog ang naririto kung hindi pati na rin ang mga may-asawa na at may pamilya. Isa kasi ito sa mga tourist attraction dito sa Paris. Sadyang matao lagi. Dinarayo at dinadagsa pa nga nga iba't ibang nationality.
While I was preparing for the next scene and watching the sparkling lights of the pyramid, nag-ring ang phone ko. Si boyfriend tumatawag kaya agad ko itong sinagot. Mahirap na at baka magtampo pa siya sa akin.
"Hi, Dear. How are you?" kinamusta ko agad siya pagkasagot ng call niya.
"Darling, I'm already here in Paris. Where are you?" gulat ako nang marinig ang sinabi niyang nasa Paris na rin siya. Hindi agad ako nakasagot.
"What? I mean, why did you not call me earlier?" balik-tanong ko naman agad sa kaniya. Nagulat lang at hindi ko inasahang mapapaaga ang dating niya.
"I'm sorry, I was planning to surprise you," sagot niya at halata naman sa boses niya sa kabilang linya na sabik akong makita.
"Where are you?" diretsahang tanong ko na agad. Siyempre, ako rin nagagalak at nananabik na masilayan siya.
"I'm in Juliana Hotel. Where are you? Just tell me where you are and I will go there," concerned at halatang tinotodo ang pagiging boyfriend material sa akin.
"Today is the last day of our shooting. We are here in Louvre Pyramid. Do you know the place?" sagot ko naman agad sa kaniya at sinabi kung saan ang lokasyon ko.
"I've never been there, but I will ask the concierge here in Juliana Hotel. I need to hung up the phone now. I need to be there so I can watch your final shoot. Bye, Darling. I love you," nagmamadali itong i-end ang call. Napaghahalataan tuloy na concern siya sa kalagayan ko. May point naman kasi. Baka atakihin ako at wala siya sa tabi ko.
"I'll wait for you here. Take care. I love you too, Dear," iyon sana ang sasabihin ko pero ibinaba na nga nito ang call.
Unexpected.
Hindi man lamang nagsabi na ngayong araw ang dating niya. Sana nasundo ko pa siya.
Speaking of shooting, magsisimula na yata ang batuhan namin ng linya ni J.P. I am a little tense and a bit worried, pero kailangang pigilan ko ang anumang kakaibang nararamdaman ko sa isipan. Magpopokus na lamang ako sa linya ko.
Speaking of J.P. again, there was something in him that I couldn't understand why everytime we are having a scene, I get to picture out and feel na may pinagdaraanan siya. Nakikita ko kasi sa kaniyang mga mata. Napakalungkot at halatang bugbog siya not literally, but emotionally.
Even though, his eyes smiles when he smiled, but when he is acting in a scene, nadadala siya. Damang-dama ko ang bigat ng mga linyang binibitawan niya. Ako naman ay halos matunaw na. Hindi tuloy maka-get over pagkatapos.
Awkward? Yes! May mga eksenang magka-holding hands kami, aakbayan niya ako at yayakapin niya. As part of the scene, kailangang makatotohanan. Kaya pati ako nadadala na rin. Wala na ring kawala ang kabang nararamdaman ko. Lalo pang nadagdagan ang kursyusidad ko tungkol sa kaniya.
Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit sa tuwing hinahawakan niya ang kamay ko, inaakbayan at niyayakap ay napakabilis ng pintig ng puso ko.
There is what we called a SPARK. And that's what I observed.
A connection between us na parang matagal ko na siyang kilala. Na parang may dahilan kung bakit kami pinagtagpo. Kung bakit magkasama kami sa isang shooting. Kaya iwasan ko man ay hindi ko magawa dahil iisang trabaho lamang ang mayroon kami. Iisang direktor lang ang nakatingin at gumagabay sa amin sa aming mga eksena.
I am the actress and he is the actor. We are both actors playing in different roles, in a different characters. Mas kapansin-pansin ang pinagdaraanan niya kaysa sa akin.
I am the leading lady and he is my leading man.
"Cez! J.P. It's time for the last shoot then after this, we will let you know if when and where is your next shooting." Tinawag na kami ng director. Sumunod naman kami agad sa utos niya. Naghanda na rin ako para sa huling eksena at huling shot namin.
Ang eksena ay hihingi na ang girl ng second chance sa guy for the second time kung pagbibigyan niya ba ito o hindi. Iyon lang ang alam ko sa script ko. Hindi ko alam ang linya ni J.P. Kailangang ibigay ko ang best ko. Hindi ako puwedeng panghinaan ng loob o atakihin sa last shooting namin at akting ko.
"Let's start in One. Two. Three. Lights. Camera. Action!" utos ng direktor at kami naman ay handa na sa batuhan ng mga linya.
"We are now in good terms, Riley. Right?" Hindi siya kumikibo. Nanatili siyang nakatingin sa Louvre Pyramid. At dahil kasama sa script na kailangan kong hawakan ang kaniyang kamay, I did. I hold his right hand gently while the two of us are facing the pyramid.
"Are you going to give me a second chance, Riley?" Nakatingin ako sa kaniya pero hindi pa rin siya sumasagot. Pinaharap ko siya sa akin then I saw his teary eyed. Nangungusap ito. Hindi ko mahagilap ang susunod kong sasabihin. Pero tila nagkaroon ng sariling pag-iisip ang aking dalawang mga kamay na hawakan ang kaniyang pisngi. Marahan kong inilapat ang mga palad ko sa pisngi niya
He's really crying! I don't know what to do.
Nadadala na ako. Ramdam kong namamasa na rin ang mga mata ko. Ilang beses ko pa ba dapat tingnan ang mga mata niya? Konting-konti na lang at papatak na rin ang mga luha ko.
"Is there something that you need to tell me? Something I needed to know? A second chance is all I am asking you now, Riley?" Titig na titig siya sa akin. Malapit na akong matunaw. Nanatili pa rin akong nakahawak at pinapahiran ang pisngi niyang basang-basa na.
Then, nagulat ko dahil palapit na nang palapit ang mukha niya sa akin.
Five seconds.
Four.
Three.
Two.
Akala ko ay hahalikan niya ako sa labi. Sa pisngi niya ako hinalikan. Ipinulupot niya ang aking kamay sa kaniyang baywang at nagsalita. Ito na marahil ang linya niyang hinihintay ko na hindi ko alam.
"Thank you for making me feel that you are worthy for the second chance you were asking to me. Your voice is the music to my ear. Your presence is the medicine to my lonely heart. Your hug is a healing to the painful past I experience in the past. Can you hear my heartbeat right now?"
He paused for a while while we continued hugging each other then he uttered another statement and action na ikinabigla kong gagawin niya. Hindi ko inakalang isasama niya ito sa script na mayroon siya.
"Can you hear my heartbeat, right now? My heart is calling your name. My mind is whispering your name from my heart that says, I am giving you a second chance. You are now worthy for the second chance you are asking me, Hana. I still love you and I always do. Please, don't hurt me again."
He caressed my hair down to my neck then he kissed me on my lips. That was the shocking moment I never expected. It was the unexpected action he did.
The kissed lasted for one minute then I heard the word "CUT!".
Si J.P na ang unang bumitaw sa halik. Ako naman ay natulala at nanatili pa ring nakatayo. Rumirigodon ang puso ko. Nagsimula nang mag-ingay ang mga tambol at drums sa aking isipan paakyat sa aking nagwawalang puso.
Then, all of a sudden I touched my lips.
"Darling!" Napalingon ako at halos lahat kami maging si J.P at ang direktor ay napalingon din sa tumawag sa aking pangalan. It was my boyfriend. Bago pa man ako makapagsalita ay narinig kong tinawag ni J.P ang pangalan ng boyfriend ko sa pangalang unang beses ko pa lamang narinig sa harapan ng boyfriend ko.
"ARIES?!"
Kung kanina ay nilingon nila ang paparating at tumatakbong boyfriend ko, ngayon naman lahat kami ay napalingon kay J P na tinawag siya sa pangalang Aries. I wanted to tell him na hindi Aries ang pangalan ng boyfriend ko pero pansin kong hindi niya inalis ang tingin nito sa kaniya hanggang sa makalapit siya sa akin at nakita niya akong hinalikan sa labi ko.