Angelo's Point of View Pagkatapos akong magtanong sa receptionist at concierge ng Juliana Hotel at binigyan ng instruction kung paaano marating ang Louvre Pyramid, agad akong lumabas doon upang hintayin ang shuttle na tinawagan ng hotel para dalhin ako sa pupuntahan ko kung saan naroon ang last shooting ng girlfriend kong si Cez. Excited na kinakabahan at the same time dahil hindi pa ako nakakakita personally ng live shooting ng isang movie. And to think na isa ang girlfriend ko sa aktor na makikita ko nang personal. Nang tumigil ang sasakyan sa harapan ko, agad na akong pumasok at sinabihan itong pakibilisan na lang kung maaari ang biyahe patungo sa Louvr Pyramid. "To the Louvre Pyramid, Sir. Can you run this shuttle faster?" Tumango lang ito at alam kong naintindihan niya. Bihira la