Chapter 8: Lights, Camera, Action!

1762 Words
Six years ago, Somewhere in Iloilo City "Hindi kita gustong saktan pero ito ang alam kong tama at nararapat na gawin ko. Alam kong darating ang panahong makakalimutan mo rin ang isang tulad ako. At sana muli tayong magkita. Kapag dumating na ang panahong iyon, sana masabi na rin ng puso kong ikaw pa rin ang nag-iisa at walang ibang lalaking minahal ko sa buong buhay ko." - Anonymous ... Someone's Point of View Hindi ko alam ang gagawin ko nang mga oras na iyon. Humahagulgol lang ako nang humahagulgol. Sinubukan kong lingunin siya pero ayaw ng aking isipan. Pero nagbitiw na lamang ang aking dila ng isang salita sa aking isipan. Mga salitang nais ko sanang ipaalam sa kaniya nang personal. Mga katagang gusto ko sanang ipakiusap sa kaniya. Ngunit, huli na. Hindi kita gustong saktan pero ito ang alam kong tama at nararapat na gawin ko. Alam kong darating ang panahong makakalimutan mo rin ang isang tulad ako. At sana muli tayong magkita. Kapag dumating na ang panahong iyon, sana masabi na rin ng puso kong ikaw pa rin ang nag-iisa at walang ibang lalaking minahal ko sa buong buhay ko. We parted ways. Kahit masakit ay ginawa ko. Pagkat iyon ang tama. Hindi ko puwedeng sabihin ang totoong dahilan. Panahon lang ang magsasabi kung kailan at saan ko dapat na sabihin ang katotohanan sa pang-iiwan ko sa kaniya. Hindi ko gustong saktan siya. Wala siyang nagawang kamalian. Ako ang nagkamali. Sinubukan ko namang kalimutan ang lalaking unang nagpatibok ng aking puso at muling umibig. Umibig na hindi ko alam kung talagang totoo iyon. Pero para sa taong sinaktan ko ay TOTOONG-TOTOO. Labis ko siyang sinaktan. Hindi niya deserve na masaktan nang ganoon pero nagawa ko pa rin. Isa akong taong walang kwenta. Ipinaramdam ko sa kaniyang hindi ko na siya mahal. Pero sinabi kong minahal ko naman siya. Hindi nga lang buo sa pag-aakala ko. Kulang pa at hindi sapat sa loob ng puso ko. Matapos ang hiwalayang iyon na ako ang gumawa ay pakiramdam kong durog na durog ang aking puso. Ako ang nakipaghiwalay pero bakit ako ang labis na nasaktan? Mas matimbang ang unang lalaking minahal ko kaysa sa kaniya. Pero bakit ganito? Ang sakit! Sumabay pa ang ulan sa aking pagtangis. Ito ang gusto ko 'di ba? Na mahal ko pa ang ex ko. Na hindi ko na mahal ang lalaking itinuring akong mundo at mga bituin sa langit? Ito rin ang gusto ko... ang umulan. Nang sa ganoon ay mapagtakpan ng ulan ang labis kong kalungkutan. Pero tila napakasakit talaga ng dibdib ko. Nasasaktan ako. Nasasaktan ako! Tumakbo ako habang patuloy sa pagbuhos ang ulan. Wala na akong pakialam kung may mababangga ako o wala o mababangga ako. Gusto ko lang namang tumigil na ang sakit na nararamdaman ko. Pero nananadya talaga ang pagkakataon dahil pagtawid na pagtawid ko ay isang kotse ang bumangga sa akin. Malakas ang pagkakabundol nito sa akin. Ramdam ko ang pagtilapon ko sa kalsada. Pero hindi ko naramdaman ang epekto nito. Mas damang-dama ko ang hapdi at sakit sa puso kong ako rin naman ang may kasalanan. Bago ako tuluyang pumikit ay nanalangin pa ako. Mahal kong Panginoon, Patawarin po ninyo ako sa aking pagkakasala. Hindi ko po siya gustong saktan. Pero ayokong malaman niyang niloko ko siya. Na mahal ko pa ang lalaking minahal ko. Na nagtaksil ako sa kaniya. Na pinagtaksilan ko siya. Na mahal ko siya pero kulang at hindi pa sapat ang pagmamahal na kailangan kong suklian. Kung mabubuhay man ako, sana sa paggising ko ay pansamantala kong makalimutan ang aking nagawa at ang taong sinaktan at niloko ko. Huwag lang po ninyong tuluyang burahin sa akin ang magagandang alaalang iniwan niya. Patawad, Panginoon. .... Cez Point of View This is the first day of our shooting. Why am I feeling nervous? Nararamdaman ko naman ang kakaibang kaba sa aking dibdib. "Are you okay, Cez?" Charlie looked at me as if I am not feeling well. "I'm fine, Charlie." I just said. "Don't you feel excited that the your leading man is also a Filipino?" she teases me. I just rolled my eyes at her. Ganoon siya kapag nakakakita ng lalaking natitipuhan niya. "Speaking of him, he is already here. You better prepared now. Focus, okay? Set aside what you are feeling right now." Charlie pat my shoulder. I nodded as my answer to her and did not even bothered looking at the person who just arrive. I am not going to complain. This will only last for a week. So, I have to focus. I need to forget the things bothering inside my head. Or shall I say, I need to forget that someone getting inside my head. After all, I already have a boyfriend. My phone ring and when I saw who's calling, I smiled and answered it. "Hi, Darling. How's everything in Paris?" tanong niya na tila may pananabik ang boses sa kabilang linya. "I'm fine my, Dear. Today is the first day of our shooting," pagbibida ko naman sa kaniya. "I see. Did I just disturb you? I'm sorry," paghihinging paumanhin nito matapos marinig na nasa shooting ito at baka naistorbo niya ako. "No, you are not. I'm currently warming up. In a little while, we will start. Thanks," sagot ko na lang sa kaniya. "I just missed you. When are you coming back?" iniba naman kaagad niya ang usapan. "I miss you too. Promise, as soon as I finish my job here, I'll go home. Okay?" I re-assure him. "Promise?" pagkukumpirma pa niya. "Yes, I promise. I'm gonna hung up the phone now. Bye. I love you," nagpaalam na ako dahil nakita kong magsisimula na kaming umakting. "I love you too. Take care." Iba nga talaga siguro kapag in love ka sa isang tao. Hindi mo mapigilang kiligin. "Is everything okay?" Tumingala ako upang tingnan kung sino ang nagtanong, then I saw J.P. "I'm fine." I said. "Did someone just called you? I'm sorry if I heard you, but was that your boyfriend?" he asked without looking at my eyes. "Yes. It was my boyfriend," in a matter of second, tahimik lang kami. "J.P, Cez! It's time!" Mr. Blanchard called us. Sabay na kaming lumapit upang makapagsimula na. "LIGHTS. CAMERA. ACTION!" "Riley, please don't do this to me. I can't live without you, " linya ko. Nilingon niya ako at kitang-kita ko ang lungkot sa mukha niya. Ang bilis niyang mag in-character. Hindi ba dapat galit siya kasi iyon ang tama? "CUT! J.P! Focus! You are supposed to be mad not sad. Again. Lights. Camera. Action. Take 2!" sigaw ni Direk. "Riley, please don't do this to me. I can't live without you." I grabbed his hand, pero iwinakli niya ito. Nilingon niya ako. "Will you stop acting, Hana? You are not an actress! And you will never be one. I'm leaving." Muli niya akong tinalikuran. Maagap kong niyakap siya. "Please! Riley, please don't do this to me. Give me another chance." I am already begging him. He breathed out heavily while I was still hugging him tight. Then, I was surprised dahil kumawala siya sa yakap ko at hinarap ako. "Another chance? For what? Do you think a second chance is worth the wait for you to realize that I will forgive you? Why? Don't you even remember the lines you have thrown? I was the one who asked you for another chance. A second chance. Did you give it to me? Did you?" For a few seconds, I was tongue-tied. It seems that it was not part of the script. Or maybe, it was his script. "CUT!" "Good job, J.P. Good job, Cez." Hindi pa rin ako maka-get over dahil pakiramdam ko ay nangyari na itong eksenang ito sa akin. Bakit hindi ko matandaan? Sino ba talaga siya? Biglang sumalit ang ulo ko. Napahawak ako agad sa sentido ko. Hinilot-hilot ko ito pero sobrang sakit na. Hindi pwedeng makita ng ibang tao ang other side ko. Mabuti na lamang at agad na nilapitan ako ni Charlie. "Is everything okay? You have a headache again?" Kita ko sa mukha ni Charlie na nag-aalala siya. "I'm fine. I think I'm gonna rest for a while. Is it okay if you can tell the director that I need to go back to the hotel. I just need a rest." I told her. Nabigla lang talaga ako sa mga linyang iyon. Kaya siguro, bigla-bigla na lamang may sumagi sa isip ko. Charlie hurriedly went to the director. Mabuti na lamang at nag-agree naman siya. Nagpaalam na lang ako nang maayos. J.P. offered me to send me back to the hotel, but I refuse. He is one of the reason kung bakit sumakit ang ulo ko kani-kanina lang. I am just trying to be professional. Isa pa, hindi nila puwedeng malaman na may sort of migraine ako. Ako at ang pamilya ko, maging ang boyfriend ko lamang ang nakakaalam nito. Ni-relaks ko na lamang ang isip ko pero hindi talaga mawala sa isip ko ang nangyari kanina. It bothers me. It hurts my head. "Another chance? For what?" "Do you think a second chance is worth the wait for you to realize that I will forgive you?" "Why? Don't you even remember the lines you have thrown? I was the one who asked you for another chance. A second chance. Did you give it to me? Did you?" "I was the one who asked you for another chance. A second chance." "I was the one who asked you for another chance. A second chance." "I was the one who asked you for another chance. A second chance." Tatlong beses na paulit-ulit na sumagi iyon sa aking isipan hanggang sa makarating ako sa Juliana Hotel. Pagdating sa room ko ay agad kong isinalampak ang katawan ko sa kama. Sa tuwing pipikit ako ay may isang imaheng malabo sa isipan ko. Malabo. Sinubukan kong pumikit muli pero this time ay ang binitiwang linya naman ni J.P kanina ang naririnig ko. Napasabunot na lamang ako. I think I need to talk to my doctor. O 'di kaya sa boyfriend ko. Tama. Ang mabuti pa ay papuntahin ko na lang dito sa Paris ang boyfriend ko para hindi ako masyadong nag-iisip. Trabaho lang ito at walang personalan. Kaya much better if narito ang boyfriend ko para sa sandaling atakihin na naman ako ay may sasalo sa akin. Dalawang beses ko pa lang nakilala ang J.P na iyon pero problema na agad ang dala niya. Nakakainis. Makapagpahinga na lang nga. I'll call my boyfriend tomorrow. I need a rest.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD