Chapter 3: Unexpected Feels

1523 Words
“The craziest thing I ever did was looking at her eyes, which resembles the woman I love six years ago.” — Prince. Midtown Manhattan, New York One Year Later in New York “O, anak. Kumusta ka naman riyan sa Amerika. Mas malamig yata ang panahon diyan kung ikukumpura dito ano?” naka-skype ako at kausap ko si Nanay. “Kuyaaaa! Kumusta ka na diyan? Miss na miss na kita e. Wala na akong mapagsabihan dito lalo na tungkol sa love. Ha-ha,” singit ni Aries na hindi naman halatang nanabik sa akin. “P'were ba, Aries, mamaya ka na. Sina nanay at tatay muna ang kakausapin ko,” nakangiti kong pakiusap kay Aries. Sumunod naman ito sa bilin ko. Iyon nga lang ay panguso pa muna bago umalis. Kahit kailan talaga, palabiro pa rin siya. “Okay naman po ako dito, Nay, Tay. Sa awa ng Diyos at sa loob ng isang taong pamamalagi ko rito ay I get used to it. I can handle myself naman po. You don't have to worry about me,” sabi ko at tila nagbiro pa ang tatay ko sa pag-i-ingles ko. “Anak, dudugo yata ang ilong ko sa ingles mo. P'wede paki-Tagalog na lang?” natawa naman ako kay Tatay. May pahawak pa ito sa ilong niyang kunwari ay dumudugo na sa kaka-ingles ko. “Oo nga anak. Me is nose bleed na,” patawa namang sabi ni Nanay. Gumaya na rin ito sa ginagawa ni Tatay. “Hay naku, Nay, Tay. Ang mabuti pa po, ako na ang mag-ta-translate po sa inyo ng mga sasabihin ni Kuya. Basta payagan po ninyo akong sumingit sa eksena,” bigla na namang sumingit si Aries. Iyon nga lang ay nasa likuran siya. Panay ang pa-wacky-wacky pose nito. Minsan dumidila-dila pa na parang timang at baliw. Minsan naman ay nag-gi-giyomi. “Aries, nagtatrabaho ka na 'di ba? Bakit parang bata-isip ka pa rin ha?” kunwaring inis ko sa kaniya. Seryoso talaga ang mukha ko sa camera pero parang hindi ko rin kayang pigilan ang magseryoso lalo pa at kaharap siya. “Si Kuya naman o! Hindi na mabiro. E mas gusto nga nila nanay at tatay na mag-batang-isip ako e kaysa naman nakasimangot. Kilala mo naman ako, Kuya. Masayahin akong tao. Ha-Ha,” parang baliw na turan ni Aries. Tama nga naman siya. May punto din naman si Aries. Knowing him, kung walang Aries ay walang buhay ang bahay kasama ang nanay at tatay. “May punto rin naman si Aries anak. Siya lang naman ang nagpapatawa sa amin dito kapag nalulungkot kami ng Tatay mo dahil wala ka,” naluluhang saad na lang ni Nanay. Nag-drama na naman agad ito. “O, Nay. Huwag po kayong iiyak. Ayaw na ayaw ko pong nakikitang umiiyak kayo,” ngiting-ngiti kong sagot sa kaniya. Totoo. Ayokong makita siyang lumuluha. Triple ang sakit ng dating nito sa akin kapag siya ang malungkot o umiiyak. “Hindi mo maiaalis sa amin anak ang pagkasabik na muli ka naming mahagkan, anak. Alam mo namang isang taon ka na riyan. Kailan ka ba uuwi dito?” si Tatay. Kahit paano ay hindi ito nagpakita ng kahit anong emosyon pero halatang-halata naman sa mga sinasabi niya. “Pagputi ng uwak siguro, Tay,” nagbiro na naman si Aries. Bigla na lamang napatawa sina nanay at tatay. Imbes na drama ang eksena naging comedy tuloy ang labas. “O 'di ba effective akong magpatawa kahit corny na. Ha-ha,” baliw talaga itong kapatid ko. Minsan seryoso. Minsan namang may topka. Pero ang madalas, baliw talaga. “Naku, Nay, Tay, malapit na po. Hindi ko na muna po sasabihin kasi baka hindi na naman matuloy-tuloy. Basta surprise na lang po. Sige, kailangan ko na muna pong pumasok sa trabaho ko. Aries, alagaan mo sina nanay at tatay ha? Huwag kang pasaway ha? Malilintikan ka talaga sa akin kapag nakauwi na ako diyan,” paalala ko sa bunso kong kapatid. Seryoso pa akong nagsalita at inilapit pa ang mukha ko sa camera sa aking laptop. “Iyon ay kung makakauwi ka, Kuya. Ha-ha-ha. Biro lang. Huwag ka nang mag-alala kuya, lagi ko silang binabantayan dito. Mukha na nga akong pulis dito e. Ingat ka diyan, Kuya,” nagpaalam na rin sila. Pinatay ko na ang Skype ko at inayos ang laptop ko. Maaga ang pasok ko ngayon sa part-time work ko as a Model ng isang Modelling Agency na nakabase sa New York. Ten to fifteen minutes lang naman kung lalakarin mo. Kaya iyon ang ginagawa ko. Walang mintis. Nakasanayan na nga ika nga. Pero hindi ganoon kadali kapag unang beses mo pa lamang tumapak sa Amerika. Mahirap din ang magtrabaho dito sa Amerika. Kahit sabihin pa nating nasa isang sikat na Four hotel ako naka-check-in at bayad ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ko nang mapadpad ako rito, ay hindi pa rin iyon sapat sa pang-araw-araw na gastusin ko. Mabuti na nga lamang at nasa Midtown Manhattan lang ako at maraming raket ang puwede kong pagkukunan ng dagdag panggastos. Sa Sofitel New York hotel ako naglalagi. Mayroon itong tatlumpung palapag. Nasa twenty-fifth floor ako dahil maganda ang view at tanaw-tanaw mo ang buong Manhattan. Malapit ang hotel sa Rockefeller Center, buses, train stations, restaurants, at iba pang attraction dito sa 44th at 45th West Manhattan. Gaya nga ng sinabi ko nag-part time model ako not because salat ako sa pera, but I only did this para mawala ang pagka-bored ko rito. Although, may mangilan-ngilan na rin akong nakausap at nakilalang pinoy dito, masasabi kong hindi naman ako totally isolated sa bansang ito. And hind rin ako iyong tipong mabilis magtiwala kahit pa mga kababayan ko sila. You'll just have to follow their rules at ganoon naman talaga kahit saang bansa ka manirahan o magtrabaho. Rules are rules, and you need to adhere to it. Speaking of work, naku I only have ten minutes before the start of my shoot. Kaya naman, mabilisan na akong lumabas sa room ko at pumasok sa elevator. Mabuti na lamang at walang masyadong tao. Pagkalabas ko ng Sofitel ay agad na akong pumara ng taxi when all of a sudden, an unfamiliar spark strikes into my nerves, which then sent messages down to my brain. Accidentally, kasing may humawak sa kamay ko. Agad kong nilingon kung sino ito and then it made my whole body electrocuted. Isang hindi kilalang babae ang nakatingin sa akin. Nakahawak pa rin ako sa pintuan ng taxi habang ang kaniyang kamay ay nanatiling nakahawak din sa aking kamay. Nagkatitigan kami. One. Two. Three. Four. Five seconds. Ganoon katagal. The craziest thing I ever did was looking at her eyes, which resembles the woman I love six years ago. Bumalik lamang ako sa wisyo nang magsalita siya. Maging ang tinig nito ay pamilyar na pamilyar sa akin. This couldn't be. “Excuse me, may I?” she asks my permission. “Oh, I am sorry, Miss. Are you also rushing?” I asked her without switching my eyes into anything or someone. “If you may, can I ride in the taxi now? I am really rushing. It's an emergency,” she said,, and I saw sadness in her eyes. “S-sure.” That was the only word I answered, then I removed my hands until she entered the taxi. I just bid goodbye. I am still mesmerized by the look in her eyes. Likewise, I am still in shocked when I realized that I only have a minute left before my shoot starts. Not only that, but I hurriedly get into the next taxi. “To 40th St., please. I have a minute left.” I told the driver, then he drove as fast as he can. While inside the taxi, I keep thinking the eyes of that woman. I was thinking of her. Hindi ako p'wedeng magkamali. Siya talaga iyon. Nag-iba nga lang ang mukha niya pero ang boses at mata niya pamilyar na pamilyar talaga siya. Kaboses pa niya. Imposibleng magkamali ako sa tagal ng panahong nakasama ko siya. You are going crazy! Stop thinking of her. Remember the reason you are here in the first place. She's not her! At the back of my mind, it says that she's not her, but I am one hundred percent sure that it is her. Sana makita ko siyang muli nang makilala ko siya. I need to get to know her. I need to prove to myself that it really is her. But the question is, am I ready to introduce myself again to her? What if she won't recognize me? What if it was not really her? If it was indeed her, what am I going to say? Will she know that she was still my FIRST and LAST? My beloved charm? “Excuse me, Sir, were here. I think you are already late for about five minutes. I was already telling you that were here, but it seems your lost.” The driver said. Humingi na lamang ako ng paumanhin sa drayber at agad na bumaba. Saktong paglabas ko ng taxi ay nakita ko ang handler ko. Patay mukhang galit yata ang handler ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD