Chapter 4: The Scenes

1534 Words
Lumipas man ang napakahabang panahon, hinding-hindi mawawala sa isipan ng isang tao, ang taong mahal mo kagaya ko, lalo na kung ang taong iyon ay ang First and Last mong minahal sa tanang buhay mo. - Prince Rockefeller Center, New York J.P. Point of View "J.P, I wanted to introduce to you, Mr. Blanchard. He is an Indie movie director and film maker," pagpapakilala ng manager ko sa akin kay Mr. Blanchard. Ako naman ay halos hindi makapagsalita dahil iba ang inaasahan ko. Knowing her introduction about Mr. Blanchard ay may ideya na ako kung bakit. 'I-I thought I will be doing a photoshoot, Georgia. What is this all about?" I asked plainly. Pilit kong itinatago ang inis ko. Hindi ko kasi alam ang gusto niyang mangyari. I guess, she wanted me to act. Na wala naman akong alam sa pagiging aktor. "Yes, you are absolutely correct that you have a photoshoot. And that's right after you are done with a shooting with Mr. Blanchard," sagot niya. I was surprised. Tama ang hinala ko. May balak talaga siyang ipasok ako sa mundo ng pag-aartista. Wala akong kawala nito. "But, I don't have any knowledge in acting. I don't know how to act. Why did you?" I am nervously asking my handler. Ramdam ko na rin yata ang pamamawis sa noo ko at mga kamay. Kulang na lamang ay mangatog ang mga tuhod ko sa hiya at pagkabigla. 'Relaks, J.P, you don't have to worry. It will only be aired on T.V. The lead character is sick for a week and your handler, Georgia is one of my best buddy. Then, she recommended you to me. I badly needed a substitute for the episodes I am directing on a television. I can see that you have an expressive eyes, which more likely compatible to a scene you are going to do later on today." Mr. Blanchard tried to calm me down, but I am still nervous. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kaniya. May magagawa pa ba ako kung nandito na ako sa harapan nila? He handed me the script at nagulat ako dahil love story pala ito. Napatango na lamang ako habang ipinagpapatuloy na basahin ang nilalaman ng script. Kapag sinusuwerte ka nga naman o! Business man na, modelo pa tapos magiging actor pa. Anyway, tinanggap ko na lamang dahil I will only be a substitute. Iyon lang naman ang kailangan nila, substitute. Napaisip din naman akong dagdag ipon na rin ito para sa sarili ko at sa pinapaaral kong kapatid na si Aries. After a short conversation and instructions on how to act, I just agreed. Then, we set off to Rockefeller Center dahil doon i-so-shoot ang eksena ng isang babaeng hihiwalayan si lalaki. Pagdating sa tapat ng Jewel Hotel kung saan kaharap ang Rockefeller Center ay nagsimula na kaming mag-shoot. Kahit maraming tao ay hindi namin iyon pinansin. Pinagkaguluhan lang naman ang shoot ko ng ilang spectators. May mangilan-ngilan ding nagpa-autographh. Sikat lang? Lihim na lamang akong napatawa at natuwa at the same time sa kaloob-looban ko. "Okay, let's start. Lights, Camera, Action!" utos ng director. "I can't do this anymore, Harvey!" The leading lady said. "What are you talking about, Krysten?" I asked. I can do this. I need to focus. Ramdam kong may kaunting aberya sa mga utak ko pero ibinuhos ko na lamang iyon sa emosyon. "I am sorry, but I have to let you go. I don't love you anymore, Harvey." She's starting to cry. It was a minute of silence when I realized na parang nangyari na sa akin ito pero kailangan kong galingan ang acting ko. "Why are you telling me this? Am I not enough? Did I hurt you in any way you are trying to let me go? Krysten! Look at me!" Moist in my eyes began to form and I think I am starting to be carried away. I grabbed her hand. "Can't you hear what I just told you? Are you blind? Are you deaf? Can't you just feel that I don't love you anymore?" Grabe, mukhang babagsak din yata ako a. Sa akin ba talaga ibabato ang mga linyang ito? Pero sinunod ko ang script. Ikinulong ko siya sa aking mga bisig at binitiwan ang mga linyang nakasulat doon. "If... If you care about me, Krysten, you can tell me? But, if caring is not the right word for you, I understand. Maybe, you have every reasons to let me go. And one of them is... you don't want to hurt me and I know that. But, for Pete's sake, Krysten, don't leave me. Please, I love you very much more than you'll ever know. If I hurt you, give me another chance, a second chance. Please, I am begging you, Krysten. Don't do this to me." I said then hindi ko na namalayang tumutulo na rin ang mga luha ko. Tagos sa puso ang mga linyang binitiwan ko. Hindi ko aakalaing babalik sa aking alaala ang mga sandaling nangyari ang katulad nito sa akin noon. "I know, Harvey. I know that you are too kind for me and that's what I am afraid of. I don't want to hurt you because you are a very kind person. I love you too, but I already loved someone else. Someone I loved deeper than the love I showed and gave to you, Harvey. Someday, you will meet the right person for you and I am hoping that one day, she will be the luckiest girl on earth that will love you forever. Please, let me go, Harvey." All of a sudden, I loosen my hug to her then she walked away. Then, the scene stops. "CUT! Bravo, Harvey! You are awesome!" In an instant ay hindi pa rin ako maka-move on sa eksenang iyon. Nakatingin pa rin ako sa malayo. Na-imagine kong ako ang nag-let go sa kaniya noon pero hindi ko sinabi ang mga katagang second chance. "J.P! J.P!" Sigaw at yugyog na sa akin ni Georgia, ang handler ko. Doon ko lamang na-realized na tapos na pala ang shooting at binabati na ako ni Mr. Blanchard. "Congratulations, Harvey, I mean, J.P. You have exceeded my expectation. I didn't know that you have a rare talent in acting. I was really surprised. Who would have thought that a neophyte like you is way better than the lead actor that I have screened, but sad to say he's sick. So, I guess, I will be seeing you again for the next six days. Congratulations, again. I will call Georgia for the next shooting. Is that all right?" Mr. Blanchard tapped my shoulder and asks. I just nodded then off he go. "Looks like your acting came from your heart. I saw the expressions in your eyes, but I can feel it in your heart that you are longing for someone or shall I say, still looking and waiting for someone you were expecting to come, J.P. Am I correct?" Georgia commented. I didn't answered her. She has a point, and it's true. Sa halip na pagtuunan pa ng pansin ang mga salitang binitiwan niya ay nag-pack-up na rin ako. Yayayain pa sana ako ni Georgia na gumala pero sabi ko ay may pasok pa ako sa kumpanyang pinapasukan ko mamaya kaya tumanggi ako. "You are one hell of a breadwinner, J.P. Then, I'll call you on your next job and acting shoot. Take care." I wave goodbye. Hindi ko na rin siya hinatid. Inayos ko na lamang ang mga gamit ko. Nakakagulat lang dahil kung kailan paalis na ako ay saka naman dumagsa ang gustong magpakuha ng litrato sa akin. Ang iba naman ay kinongratulate ako. Pinagbigyan ko na lamang din sila. Kahit ang totoo ay hindi ko pa rin naman fully accepted na modelo na ako na may mga mangilan-ngilang nakakakalila sa akin dito sa Amerika. Siguro nga tama si Georgia. May mga bagay talagang hindi basta-basta malilimutan. Ang mga linyang narinig ko at binitiwan ko sa eksena kanina ay patunay na lamang na hindi habambuhay ay makakalimutan mo ang nakaraan mo. Lumipas man ang napakahabang panahon ay hinding-hindi mawawala sa isipan ng isang tao ang taong mahal mo kagaya ko, lalo na kung ang taong iyon ay ang First and Last mong minahal sa tanang buhay mo. Sana nga ang nangyari sa akin kanina na accidentally ay nakilala ang isang pamilyar na mata at tinig sa pagpara ko sa taxi at sa eksenang ginawa ko ay mangyayaring muli. At kung dumating man ang pagkakatong iyon na makita ko siya, makilala at makumpirmang siya ang tao iyon, sana ay bigyan niya ako ng chance dahil hanggang ngayon ay mahal ko pa rin siya kahit paulit-ulit ko pang maalala ang nagawa niyang kasalanan. Isang kasalanang natanggap ko na rin naman pero gusto ko lang din namang malaman at marinig mula sa kaniya ang totoong dahilan. Alam kong may mali din ako dahil hindi ko sinabi sa kaniyang alam ko ang lahat. Na alam kong isang lalaki ang dahilan kung bakit niya ako iniwan. Ngunit mas nangibabaw ang awa at pagmamahal ko sa kaniya noon nang iwan niya ako. Aasa pa rin ako marinig lamang mula sa kaniya ang tunay na dahilan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD