"Isang bagay lang ang alam kong pinanindigan ko, na kahit niloko na ako ng taong mahal ko, ay wala pa ring makahihigit sa pagmamahal na alam kong ibinigay ko nang buong-buo at inilaan lang para sa kaniya." - Prince
6 Years Ago at Western University, Iloilo City
Eighteen years old lang ako noon nang makilala ko ang babaeng unang nagpatibok sa aking puso. Hindi ko alam kung anong mayroon siya pero may sa magnet ang aura niya at nahila ang puso ko nang masilayan ko siya. Ang pangalan ng babaeng iyon ay Charie.
Simpleng babae lang siya na isa sa mga nagustuhan ko nang una ko siyang makita at makausap. Maka-Diyos. Tahimik noong una pero kapag makasanayan ka na niya ay madaldal siya at palabiro.
Anim na buwan ko rin siyang niligawan hanggang sa sagutin nga niya ako. Sobrang saya ko dahil ang babaeng pinagpapantasyahan at tinitilian noon ng mga kaklase kong lalaki at iniidolo naman ng mga babaeng estudyante sa unibersidad namin ay naging akin. Marami nga ang nainggit sa amin e.
Hindi naman sa pagmamayabang ay habulin din kasi ako ng mga babae noon pero sa isang babae lang umikot ang mundo ko. Bakit? Dahil tinanggap niya kung sino at ano ako. Kung isang kahig at isang tuka lamang ako habang siya ay lumaking mayaman, hindi iyon naging hadlang na mahalin ko siya, namin ang isa't isa na ang buong akala ko nang sagutin niya ako ay mahal niya rin ako.
Subalit, nagkamali ako. Kahit sabihin pang tumagal ang aming relasyon bilang magkasintahan ng tatlong taon. At bago sumapit ang ikatlong taon na anibersaryo ng aming pag-iibigan bilang magkasintahan ay nalaman kong hindi nga talaga ako tunay niyang minahal.
Isang araw bago ang anibersaryo namin ay abala ako sa paghahanda at paghahanap sa lugar na gustong-gusto niyang puntahan upang doon ko siya sorpresahin. At doon ko nga siya nais na dalhin bilang regalo at sorpresa ko na rin sa kaniya. Dumaan pa muna ako sa mall upang bumili ng singsing na alam kong magugustuhan niya.
Nais ko na rin kasing yayain siyang magpakasal dahil sigurado na akong siya ang una at huling taong mamahalin ko habambuhay. Nang mabili ko ang silver ring na napili ko ay agad ko namang tinungo ang lugar na sabik na sabik niyang puntahan. Ito ay ang Ang Tahanang Walang Hagdan sa Iloilo City - Iloilo Chapter.
Mahilig kasi siya sa pagkakawang-gawa may kapansanan man o wala ay bukal sa loob niya palagi ang tumulong. Bagay na mas lalong nagpa-in love sa akin sa kaniya. Pinuntahan ko ang lugar na iyon at kinausap ang in-charge. Sinabi ko ang plano ko. Pumayag naman ang pamunuan pero kailangang kasama ko raw siya sa susunod na pagbisita ko.
Pauwi na ako noon at napagawi ako sa Days Hotel nang mahagip ng aking mata ang pamilyar na mukha ni Charie. Hindi ako puwedeng magkamali dahil kilala ko ang kasintahan ko mula ulo hanggang paa. Ang nakapagtataka lang ay kasama niya ang isang lalaki.
Nasabi kasi noon ni Charie sa akin na hindi ako ang naunang naging nobyo niya kung hindi si Jann Kenneth. Agad akong bumaba ng jeep at sinundan sila. Sigurado akong si J K ang kasama niya. J K kasi ang palayaw ng ex niya. Nang makapasok ako sa Days Hotel ay agad akong nagtanong sa receptionist kung puwedeng malaman kung anong room ang kapapasok lang na guest.
Nagkunwari akong kasama ng babae. At ilang saglit pa ay sinabi nito sa akin ang sagot sa tanong ko. Agad akong pumasok sa elevator at pinindot ang 4th floor at hinanap ang room 15. Nang bumukas ang pinto ay hinanap ko ang room 15. Nang makita ko ito ay kumatok ako. Tatlong beses akong kumatok. Mabuti na lang at sa ikatlong katok ko ay may nagbukas. Tumambad sa akin ang mukha ng lalaki. Tama ang hinala ko dahil si J K siya. Pinakita na kasi sa akin noon ni Charie ang picture ng ex niya.
Matangkad ito. Moreno. Maganda ang hubog ng katawan. Naka-boxer na lang siya nang buksan ang pinto at nagtanong sa akin.
"Anong kailangan mo?" tanong niya sa akin.
"A, Sir. Gusto ko lang pong malaman kung may i-o-order po kayo?" pagsisinungaling ko. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Sinipat-sipat. Magsasalita na sana siya nang marinig ko ang boses ni Charie. Boses niya talaga iyon.
"Hon, sino ba ang kausap mo? Matagal pa ba iyan? Inip na inip na ako dito. Ready na ako sa gagawin natin," napakuyom ang dalawang kamao ko sa mga salitang narinig ko mula sa kaniya.
"Mamaya na kami mag-order. Pagkatapos na lang ng ano namin a. Sige tatawag na lang ako sa linya ng telepono. Hinihintay na ako ng girlfriend ko e," isasara na sana niya ang pinto pero nagtanong pa ako.
"Sir, nakalimutan po ninyong mag-log in sa logbook namin e. Gusto lang po sanang malaman ng receptionist ang name ninyo at ng kasama mo. Pero hindi po namin ilalabas ito," napataas ang isa niyang kilay at matalim akong tinitigan. Pigil na pigil ako nang mga sandaling iyon. Gustong-gusto ko na siyang suntukin pero naduwag ako. Nangibabaw pa rin ang kabaitan kong huwag gumawa ng iskandalo.
"J K at Charie. 'Yan ang pangalan namin. Siguraduhin mo lang na hindi lalabas ang pangalan namin ha? Kung hindi ay malilintikan ka sa akin." Tumango ako at malakas na isinara na nito ang pinto. Narinig ko pa ang halinghing nilang dalawa na tila sabik na sabik sa isa't isa.
Laylay ang balikat kong lumabas ng hotel na iyon. Hindi ako umuwi sa amin. Sa board walk na lang ako nagpalipas ng oras.
Masakit.
Masakit pala talaga.
Masakit ang malaman mong niloloko ka na pala ng kasintahan mo nang hindi mo nalalaman.
Doon ko na lamang ibinuhos ang sama ng loob ko. Para akong baliw na sigaw nang sigaw.
Sobrang sakit.
Nang maibuhos ko ang lahat ay umuwi na ako. Pagdating sa bahay ay walang gana akong dumiretso sa aking silid. Tiningnan ko ang cellphone ko. Ni hindi man lang ako nagawang padalhan ng mensahe. Marahil ay enjoy na enjoy silang dalawa.
Bukas na ang ikatlong taong anibersaryo namin bilang magkasintahan. Kahit ganoon na ang nasaksihan ko ay itinuloy ko pa rin ang balak kong sorpresa sa kaniya pero kinabukasan ay may natanggap akong text message na gusto niya raw akong makausap nang maaga.
Sumang-ayon ako at nakipagkita sa kaniya sa board walk. Doon kasi lagi ang tambayan namin.
Nang marating ang board walk at natanaw si Charie na nakatingin sa Jalaur River ay napatigil ako. Humugot ako nang malalim na hininga at pinakawalan ito. Kailangan kong maging natural na parang wala akong nalaman.
"Hi, Cha. Nakakatampo ka naman kahapon. Hindi ka man lamang nagpadala ng mensahe sa akin," lulungkot-lungkutan kong sabi na hindi nakatingin sa kaniya.
"Let's break-up." Walang prenong saad niya. Natigilan ako.
"Why? I mean, may nagawa ba akong mali?" tanong ko. Pero tumalikod siya at napabuntong-hininga.
"Ganito na lamang ba tayo palagi?" naluluhang tanong ko sa kaniya.
"Then, what do you want me to do?" she said.
"Mahal kita. Mahal na mahal. Pero bakit mo ako sinasaktan?" hindi ko magawang tumingin sa kaniya. Mas nasasaktan ako.
"I did not sign up for this in the first place. I told you many times that I never wanted this." I heard her sighed.
"Pero... minahal mo rin naman ako, hindi ba? Tell me. Do you still love me?" I faced her. I look at her eyes. Ayaw na ayaw ko talagang nakikita siyang umiiyak.
"I... I did. I did. I love you, but it's not that deep when I first met my ex a long time ago. I am so sorry. I'm sorry," humagulgol na siya sa harapan ko.
Ito ang pinakaayaw ko sa lahat.
I grabbed her hand and squeezed it. Then, I hugged her.
For a few seconds, we both hugged each other. We both felt the beating of each others heart.
Then, finally I said something to her.
Words that I didn't know I actually uttered while caressing her hair.
"I understand. Tumahan ka na. Alam mong ayaw na ayaw kitang nakikitang umiiyak, 'di ba? Naiintindihan kita." I took a deep breath.
"Sa loob ng tatlong taong magkasama tayo, alam kong minahal mo rin naman ako. Marahil ay hindi kasing bigat ng pagmamahal mo sa unang taong may puwang pa riyan sa puso mo." Gusto niyang kumawala sa yakap ko pero pinigilan ko siya. Nagpatuloy lang ako sa pagsasalita.
"Gusto kong malaman mo na wala akong hiniling sa Diyos na ibang babae sa buhay ko. Ikaw ang bukod-tangi. Gusto ko sanang ibigay itong singsing na ito dahil third anniversary natin. Pero, mukhang hindi mo na ito tatanggapin." Kinuha ko ang singsing sa loob ng bulsa ng pantalon ko at ipinakita sa kaniya. Lalo siyang napaiyak.
"I don't want you to be sad. I want you to be happy. So even if we are not meant to be together, I am still the happiest man on earth. Do you know why? Because YOU brought meaning to my life. YOU came at the wrong place at the wrong time, but this is not forever. I am now letting you go. Time can only tell when are we going to see each other again. I love you very much. Thank you for being my LIFE in the past three years. I love you, Charie."
Ako na ang bumitaw sa pagkakayakap sa kaniya. Hindi ko na siya tiningnan. Ramdam ko rin kasing basa na ang aking pisngi at lumalabo na ang paningin ko.
Isang bagay lang ang alam kong pinanindigan ko, na kahit niloko na ako ng taong mahal ko, ay wala pa ring makahihigit sa pagmamahal na alam kong ibinigay ko nang buong-buo at inilaan lang para sa kaniya.
I never looked back.
That was the last day I saw her.
It was totally heartbreaking.
I will never forget her. She will always be my FIRST and LAST. My Beloved Charm.