Chapter 6: Kapatid

1601 Words
"Walang martir kung walang nagpapaka-martir. Tandaan mo, kuya na minsan lang dumating sa buhay ng tao ang pagkakataong umibig. Hindi ito sinasayang at hindi ito pinaghihinayangan. Kung talagang mahal mo pa si Charie, gagawa at gagawa ka ng paraan na mahanap siya kahit pa labis kang sinaktan niya noon." - Aries ... Las Vegas, Nevada Prince Point of View I'm currently in the City that never sleeps. Saan pa ba kung hindi sa Las Vegas sa Nevada. Dati sa mga magazine ko lang nababasa ang tungkol sa siyudad na ito. Sinong mag-aakalang mapapadpad ako rito? Isa lang naman ako sa maraming Pilipino na masuwerteng nakatagpo ng oportunidad na makapunta sa Amerika at mapadpad sa Las Vegas. Ang suwerte nga naman kung lagi akong binibiyayaan. Kahit ultimong part-time model lamang ako at walang kontratang pinirmahan ay masaya pa rin ako. Iyon nga lang ay nawawalan na rin ako minsan ng pahinga. No choice kasi ako kung hindi tanggapin ang anumang offer na sa tingin ko ay makakatulong sa akin sa pamamalagi ko sa Amerika nang mag-isa. Kahit pa pinagsasabay ko na ang trabaho ko as full time sa kumpanyang nakatali pa ako at sa pagiging isang modelo. Time management lang naman ang kailangan ko para kahit paano ay may oras pa ring makapagpahinga. Iyon nga lang hindi sapat para sa edad ko ang tulog na kailangan ko. Matapos mag-sightseeing sa lugar ay tinungo ko ang tutuluyan ko sa MGM Resorts and Casino, na isa rin sa mga dinarayong hotel and casino sa Las Vegas. Hindi naman ako celebrity pero kung ituring ako ay parang ganoon na nga. Mahal ang hotel na ito at puro mga mayayaman ang lumalagi at nag-che-check-in sa hotel na ito. Madaling araw pa kasi ang shoot ko kaya kailangan ko munang magpahinga. At ang stopover ko ay sa mismong Las Vegas. Nang makapasok sa hotel at sa room na in-asayn sa akin ay hindi muna ako nagpalit ng damit. Binuksan ko ang laptop ko at nag-log in sa skype ko. Ngayon kasi ang araw na kakausapin ko ang pamilya ko. Sabik din naman akong makita at makausap silang muli. Maraming nangyari sa akin at lahat ay unexpected. Pero bago ko kausapin ang pamilya ko ay may na-receive akong tawag mula kay Georgia. "Yes, Georgia. I am already in the hotel. Where are you?" I asked her. "I am still outside the hotel. I'm walking around somewhere in the City that never sleep. Ikaw kumusta namana ang unang bisita mo sa famous city sa Amerika? Anyway, I'm calling because director Blanchard made another appointment to see you act," sagot niya patungkol sa gusto ni Mr. Blanchard na umakting ulit ako. "Did you say yes again to him?" I asked her trying to read what's on her mind. Kung tama ba ang naiisip kong pumayag na naman si Georgia without my consent. "Of course. I don't want to deny it, but he really wants you to act again. But, this time, its for a new movie concept. Actually, it's a love story and he is actually betting you will definitely become an actor. He is counting on you." She's happily saying those things without even asking my permission. After all, they are good friends. Pabor na rin naman sa akin iyon lalo pa at kailangan kong aliwin ang sarili ko para hindi ma-bored habang nag-iipon para sa sarili at pamilya ko. "Alright. What else do I have to say. When is he going to meet us?" I answered. Napabuntong-hininga pa ako na alam kong narinig niya. "He is not going to meet us. Instead, we are going to meet them in Paris, France. The flight will be tomorrow after your shoot here in MGM Resorts and Casino. About seven in the morning to be exact." She was more excited than me. Hindi ko na alam kung sasabayan ko rin ang excitement nito. "What? And you said them?" I asked out of curiosity. Sabi niya kasi 'sila'. Ibig sabihin may ipapakilala yata si Mr. Blanchard. "Yes. You heard it right. Them, because you are going to meet the leading lady of the movie you are going to act. Mr. Blanchard will be the one to introduce her to us tomorrow. So, I need to end this call now. Bye, J.P." She then hung up the phone. Hindi man lamang hinintay ang sasabihin ko. I was left dumbfounded. She? Who is she? Nasa ganoon akong pag-iisip nang mag-ring ang phone kong muli. Si Aries na ang tumatawag. Sinagot ko iyon pero panandalian lang dahil mahal ang international calls from Philippines to U.S. Sinabihan ko na lang siya na mag-skype na ako. Agad ko namang binuksan ito at narooon na pala siya. "Kuya! Kumusta ka riyan?" Kahit kailan talaga itong kapatid ko hindi marunong magseryoso. Muntik pang mabasag ang eardrums ko sa lakas ng tawag nito sa akin. "O, Aries. Bakit wala kang pang-itaas at bakit parang galing ka sa pagbubuhat? Nag-gym ka ba?" tanong ko nang mapansing expose ang katawan nito. May taba pa rin naman at hindi pa hulmado. Bata pa rin kasi siya sa paningin ko. "Hindi halata kuya? Nagpapalobo ng muscles ah para kasing guwapo mo na ako. Guwapo ka lang ng dalawang paligo sa akin. Pero kapag nagka-abs na ako ay mas guwapo na ako sa iyo," nagpapatawa na naman siya. Hindi na yata mababago pa iyon sa aming pamilya. "Paano ka magiging katulad ko e panay ang kain mo. Hindi naman nababawasan ang taba sa tiyan mo e. 'Yong totoo, Aries, nag-gym ka ba talaga?" nang-aasar na tanong ko. Nilunok niya muna ang kinain niya bago nagsalita. "Totoo naman, kuya. Hindi lang halata. Kailangan din na kumain 'di ba? Baka mapagalitan mo pa ako kapag pumayat ako. At saka kailangan kasi sa opisina na ang mga I.T staff ay lean ang katawan. Bawal daw ang medyo mataba kasi magkaka-fat memo kami. O 'di ba, parang artista lang," tama nga naman siya. Ayaw ko kasing nagtitipid sila at ayaw ko ring makitang pumapayat si Aries. Sayang ang pagod ko kung hindi naman sila kumakain. "Oo na. Nasaan sila nanay at tatay?" iniba ko na lang ang usapan. Hinanap na lamang ng paningin ko ang magulang namin sa background kung saan may nginunguya si Aries. "Nagpapahinga na kuya. Napagod kasi sa pamamasyal. Mas mainam na rin iyong gumagala sila para hindi sila maburyo dito sa bahay. Don't worry ako naman ang nagbabantay sa kanila. Ikaw, kuya, kumusta ka? Mukhang ikaw yata ang pumapayat e. Naku! Kapag nakita ka nina nanay at tatay mag-aalala iyon," napansin yata ni Aries ang pagnipis ng mukha ko pero hindi naman ako payat. Sakto lang. "Aries, part-time model kasi ako. Kaya kailangan konting payat ang hugis ng mukha ko pero sakto lang naman e," napanganga pa siya at muntik pang mabilaukan sa kinakain niya. "What? I mean, ano? Ay, tinagalog ko pa. Model ka kuya? E, paano ang trabaho mo?" tanong niya. Hindi halatang nasorpresa sa sinabi ko. "Part-time nga e. Hindi ko naman pinababayaan ang trabaho ko. Pero may isa pa akong sasabihin. Kinuha na rin akong maging artista. Kahit wala akong background ay nagustuhan naman ng isang direktor last week ang ginawa kong eksena. Iyon nga lang ay mukhang tadhana ang nangingialam e. Pati ang script patama talaga sa akin," pagkukuwento ko, na alam naman ni Aries kung ano at sino ang tinutukoy ko. "Si ate Charie na naman ba, Kuya?" panghuhuli niya at tumango na lamang ako bilang sagot sa tanong niya. "Mahal mo pa rin siya ano? Wala pa ring nagbago sa pagmamahal mo sa kaniya? Kaya pala akala mo si Charie iyong nakahawak sa kamay mo. Napagkamalan mo pa." Napailing-iling siya habang sinasabi iyon sa akin. Tahimik lang ako nang muli siyang nagsalita. "Isa lang ang masasabi ko Kuya. Nagpaka-martir ka noon sa kaniya. Walang martir kung walang nagpapaka-martir. Tandaan mo, kuya na minsan lang dumating sa buhay ng tao ang pagkakataong umibig. Hindi ito sinasayang at hindi ito pinaghihinayangan. Kung talagang mahal mo pa si Charie, gagawa at gagawa ka ng paraan na mahanap siya kahit pa labis kang sinaktan niya noon." Napakalalim na naman ng sinabi niya pero may punto din naman ang mga salitang binitiwan niya. "By the way, ikamusta mo na lang ako sa magulang natin ha? Kailangan ko munang mag-nap. May shoot pa ako mamayang madaling araw tapos by seven a.m. naman ay lilipad kami ng Paris para sa isang movie na gagawin ko raw. Ipapakilala daw sa akin ang leading lady ko," luwa na naman ang mata ni Aries nang marinig ang sinabi kong movie. Palibhasa mahilig sa movie. "Grabe! Artistahin talaga ang kuya ko. Kaya idol kita e. Baka puwede akong mag-artista kuya. Ireto mo naman ako. Kaya kong umakting," nagsimula na naman siyang mag-ilusyon. "Oo na. Kapag maganda na ang takbo ng karera ng kabayo, pwede kitang irekomenda. Sige na. Magpapahinga na ako. Tumigil ka na sa kakain baka bangungutin ka. Paalam na, bunso," bago ko patayin ang skype ko ay may sinabi pa siya. "Baka si Charie ang leading lady mo o 'di kaya iyong nakahawak sa kamay mo. Malay mo tadhana na naman ang mangialam. Ha-ha. Bye, Kuya. We love you," siya na ang unang nag-log out. Hindi ko naisip iyon a. Baka nga magtagpo na naman ang landas namin. Pero, I doubt, ibang artista ang ipapareha sa akin. After all, Paris iyon at saka it will take 8 hours to 10 hours ang biyahe from Las Vegas. What if, tadhana na naman nga ang mangialam at muli kong masilayan ang babaeng iyon? What am I supposed to do then? Bahala na nga. Makapag-shower na nga muna at makapagpahinga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD