CHAPTER 2

1783 Words
WILDFLOWERS announce their hiatus from international music scene. One year after their anniversary world tour, Wildflowers, hailed as the most popular girl band in the world, announced during a press conference last night that they will take a break from the international music scene for an indefinite period of time. Carli, the band’s vocalist, said the group has decided to lie low and focus on their personal lives for a while. When asked about the rumor that she secretly got married last year, she shocked the press when she admitted to them that she got married to a non-showbiz guy. However, she didn’t reveal any information regarding her marriage. When a reporter jokingly asked who was going to get married next, Stephanie, Ginny, and Anje looked at each other with silly smiles on their faces. It is not a secret that Ginny is in a relationship with rock star Adam Cervantes. Ginny, being the only woman Adam has had a long relationship with to date, is anticipated to be the woman who will finally tie the knot with Cervantes in marriage. After all, it is obvious to everyone in Hollywood that this rock star is still madly in love with her. Anje, on the other hand, is engaged to famous pianist Theodore Baldemar. A report was also published last week that Theodore also announced his indefinite break from the classical music scene. It seems like these two will tie the knot somewhere private during their break. Stephanie then revealed that she has someone special waiting for her back in the Philippines, the band’s birth country. When Yu, the band’s drummer and leader was asked about her own love life, she just laughed the question off. It seems like she’s the only available Wildflowers now. When asked what she will do during the band’s break, she told the press she has tons of work engagements in the Philippines. Doesn’t she have anyone special in her life right now or is she just being secretive? The press still doesn’t have any idea. But the world will surely miss Wildflowers. We will surely be waiting for their return. “I can’t believe you really did this,” umiiling na sabi ni Rob. Hawak nito ang isang gossip magazine na isa sa mga nag-cover sa press conference ng Wildflowers kagabi. Tinapik na lang ni Yu ang balikat ni Rob at ngumiti. “Wala na tayong magagawa. Tingnan mo nga sila, excited na excited nang nag-eempake,” wika niyang tiningnan ang kanyang mga kabanda na labas-masok sa kanya-kanyang kuwarto habang nag-eempake. Nasa loob sila ng apartment nila sa New York at nakakahon na ang kanilang mga gamit. Kahit kasi sinabi nila sa press na magha-hiatus lang sila, alam ni Yu na hindi na sila babalik pa sa apartment na iyon. Dahil ang totoo, nagdesisyon silang permanente nang mag-lie low sa international music scene. Tatlumpung taong gulang na silang lahat at ang mga kabanda ni Yu ay hindi na musika ang priyoridad kundi ang kapareha ng mga ito. Kasal na ang vocalist nilang si Carli. Magpapakasal na rin sa taong iyon ang keyboardist at main composer nilang si Anje. Sigurado rin si Yu na kapag nagkita uli ang guitarist nilang si Stephanie at ang nobyo nitong si Oliver ay magpo-propose din ng kasal ang binata kay Stephanie. Si Adam naman ay nangako raw sa bahista nilang si Ginny na susunod sa Pilipinas. Lahat ng kabanda ni Yu ay magpapakasal na. Kaya pagkatapos nilang mag-usap-usap ng mga kabanda niya ay kinausap nila si Rob at ang mga producer nila tungkol sa kanilang plano. Noong una ay kinukumbinsi sila ng mga ito na huwag gawin iyon. Na napakalaki pa raw ng potensiyal ng banda nila. Inalok pa nga sila ng mga producer na lalakihan ang kanilang talent fee, pero tumanggi sila. Kung si Yu ang tatanungin, gusto pa niyang tumugtog. Pero masyadong mahalaga para sa kanya ang mga kabanda niya para pigilan pa ang mga ito na maging masaya. Sa huli, nagkasundo rin sila ng producers nila. Nagkaroon sila ng panibagong kasunduan dahil may mga kondisyon ang mga ito. Una, hindi sila puwedeng ma-disband. Pangalawa, kahit nakabase na sila sa Pilipinas ay under pa rin sila kanilang music label. Kaya kung magkakaroon sila ng gig sa Pilipinas ay dapat nilang hingin ang opinyon ng music label. O dapat under iyon ng Diamond Records na partner ng music label nila sa Pilipinas. Magkakaroon din sila ng concert once a year sa bansang mapipili ng mga ito. At kailangan nilang maglabas ng album pagkalipas ng limang taon kung tinatangkilik pa rin sila ng kanilang mga fans. Marahas na bumuga ng hangin si Rob kaya nabalik dito ang atensiyon ni Yu. Namaywang ito. “Such a waste. You are at the height of your careers. There are so many artists who will kill just to be in your place,” sabi pa ni Rob. Sang-ayon si Yu kay Rob. At kung noon iyon nangyari ay manghihinayang siya. Baka nga kumbinsihin pa niya ang kanyang mga kaibigan na huwag iwan ang career nila sa Amerika. Pero maraming taon na silang nasa music industry. Ilang beses na silang nagkaroon ng gold records. Nakatugtog na sila sa napakaraming bansa na hindi na niya mabilang. May milyon-milyong tagahanga sila sa buong mundo. At si Yu, tumutugtog siya mula pa noong labing-anim na taong gulang. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita ni Yu ang taong dahilan kung bakit siya sumabak sa musika. Ang akala niya, basta tumugtog at sumikat ay makikita niyang muli ang lalaki. Ilang beses na tinangka ni Yu na kumuha ng private investigator para ipahanap ang lalaki. Pero ano ang magiging silbi niyon kung wala siya ni larawan nito? Hindi niya alam ang buong pangalan ng lalaki o kung tagasaan ito. Napakalaki ng Pilipinas. Ang tanging mayroon lang siya ay ang pangalan ng lalaki—na ni hindi rin niya alam kung totoo ba nitong pangalan—at ang lumang discman at burned CD na pinakaiingatan pa rin niya hanggang ngayon. Kaya ang tanging pinanghawakan lang ni Yu ay ang katotohanang mahilig ang lalaki sa musika. At least, iyon ang alam niya. Pinanghawakan ni Yu na makikilala siya ng lalaki kapag sikat na siya. At ito ang gagawa ng paraan para magkita uli sila. O kaya, baka magkita sila sa isang concert. Pero mula pa noong ipinanganak si Yu ay tila na galit sa kanya ang tadhana. Binigyan na siya ng mga magulang na pinabayaan siya noong bata pa siya at ngayon ay umaaasa sa kanya na para bang ginawa ng kanyang mga magulang ang lahat para sa kanya noon. Binigyan si Yu ng tadhana ng hindi magandang kabataan. Hanggang sa paghahanap sa nag-iisang taong nagkaroon ng malaking puwang sa puso niya ay pinahihirapan pa siyang hanapin. Nitong mga nakaraang buwan, naisip ni Yu na siguro ay hindi talaga nakatakdang makikita niyang muli ang lalaki. Napakahaba nang paghahanap at paghihintay ang labintatlong taon. Suko na siya. Kaya sumang-ayon si Yu sa kanyang mga kabanda na bumalik na sila sa Pilipinas. Kaya kinumbinsi na niya ang sariling tuluyan nang kalimutan ang lalaki. Baka sa pagkakataong iyon, dahil determinado na si Yu ay nagtagumpay na siyang burahin ang lalaki sa kanyang isip. “Rob, puwede mo pa rin naman kaming i-manage. Sumama ka sa amin sa Pilipinas,” suhestiyon ni Ginny. Tumaas ang mga kilay ni Rob. “There are other talents I have to manage here in the US,” sagot nito. Bumaling si Carli sa direksiyon nila at ngumisi. “Oo nga. Pero mas attached ka sa amin, kahit hindi mo aminin. Gumagaling ka na ring makaintindi ng Tagalog. Puwede ka ring manatili nang permanente sa Pilipinas.” “And do what?” tanong ni Rob. Ngumiti nang matipid si Yu. “At i-manage ako?” sagot niya. Bumaling si Rob kay Yu at pinakatitigan siya. “Were you serious when you said you will still work there?” “Oo naman. Hindi katulad ng mga babaeng `yan, wala akong pakakasalan.” “So, Rob, marry Yu,” biglang sabi ni Stephanie. Tumaas ang isang kilay ni Yu nang biglang sumang-ayon ang ibang mga kabanda niya. Tinitigan siya ni Rob at tila nag-isip. “Should I propose to you?” Natawa si Yu at napailing. “Nahahawa ka na sa kanila, Rob. Napupunta na sa `yo ang nakakalokang sense of humor nila.” Nagtawanan ang kanyang mga kabanda. “Isang patunay na attached siya sa atin,” natatawa pa ring sabi ni Carli. Tumaas ang sulok ng mga labi ni Rob. Iyon lang ang tanging indikasyon na nakangiti ito. Pagkatapos ay hinarap ni Rob ang mga kabanda ni Yu at itinaas ang kamay na para bang pinatatahimik ang mga ito. “The decision is not for me to make. I’m still waiting for the higher ups’ decision. But I think, I will be assigned to another artist,” wika ni Rob. “O puwede ka nilang i-assign sa branch nila sa Pilipinas. Meron ba?” tanong ni Yu. “Wala,” slang na sagot nito. Nagkangisihan silang magkakabanda. Kapag nagta-Tagalog si Rob, ibig sabihin ay good mood ito. “Pero may tie-up contract kami with Diamond Records.” “Iyon naman pala! Puwede kang mag-base sa Pilipinas, Rob,” giit pa rin ni Carli. Marahas na bumuntong-hininga si Rob. “Just how long do you all plan to have me take care of you?” tila frustrated na tanong nito. Ngunit alam nilang lahat na hindi galit si Rob. “Subukan mo lang,” pangungumbinsi ni Yu sa manager nila. “Pag-iisipan ko. Tapusin n’yo na ang ginagawa ninyo. I already booked your flights for tomorrow, remember?” “Okay,” sabay-sabay na sagot ng mga kabanda ni Yu at bumalik sa ginagawa. Bumaling si Rob sa kanya. “How about you?” Nagkibit-balikat si Yu. “Mag-eempake na nga.” Humakbang na siya patungo sa direksiyon ng kanyang silid nang tawagin siya ni Rob. Huminto siya at lumingon. “Bakit?” “Magiging okay ka ba na magtrabaho nang mag-isa roon?” tanong nito. Ngumiti si Yu nang matipid. “Oo naman. Nakausap ko na sina Cham at Rick. Hangga’t hindi mo pa napagdedesisyunang sundan ako sa Pilipinas, si Rick daw muna ang bahala sa akin,” sagot niya. Saglit na tinitigan siya ni Rob bago tumango nang marahan. “Don’t get yourself in trouble.” Tumaas ang isang kilay ni Yu. “Kailan ako nasabak sa gulo?” Tila nag-isip ito bago tumango. “May punto ka.” Proud na ngumiti siya. “I really do.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD