WDBHG 8

2702 Words
WDBHG 8 "Para sa isang tao na nasa moving on stage, napaka masokista mo." Rafa said without looking at her. Abalang-abala ito sa pagkuha ng pictures. Balak ata nitong mag-Iba ng profession. From engineer to photographer. "Sa dinami-dami ng lugar na pwedeng puntahan, dito mo pa talaga naisip magtago." "Sino ba ang may sabi na nagmo-move on ako? Wala naman 'di ba? Nandito ako para I-absorb lahat ng sakit, para ubusin ang mga luha ko at para pagbalik ko sa Metro, wala na akong maramdaman." "So nagmo-move on ka nga?" "Nope. More like nasa In-denial stage pa ako." Ibinaba nito ang kamera at naupo sa tabi niya. "Ano ba 'yan, magda-drama ba tayo? Iba na lang ang itatanong ko. Uhmm.. Naalala mo pa ba yung unang beses na nagkita tayo?" Tumango si Steffi. Of course, she knew.. sino ba naman ang makakalimot sa batang si Rafa na pitong taong gulang pa lamang ata noon ay nagpaalam na sa Daddy Stephen niya na liligawan siya nito. "Oo naman. 'Yon yung mga panahong lakas ng loob pa lang ang puhunan mo e." Natatawang sabi niya pa rito. She remembered him all too well. The scrawny-looking kid with overconfidence. At sa halip na magpunta sa kubo kagaya ng unang plano ni Rafa, niyaya na lang niya itong magpunta sa waterfalls sa pinaka puso ng isla. Sa lugar kung saan daw nabuo ang kambal-according sa parents niya. "Grabe ka sa 'kin." Natatawa na ring sabi nito. "Pero seryoso, akala ko hindi mo na ako naaalala. Kapag nagkikita kase tayo hindi mo ako pinapansin e. Para namang wala tayong nakaraan." "Ay, teka, bakit? Meron ba? Parang hindi yata ako na-inform." Kunot-noong sabi niya. "Grabe ka talaga Steffi. You're so mean to me. Why you like that?" "Totoo naman kase, 'di ba? There was never an us. Hindi naman ako nagkaroon ng temporary amnesia para makalimutan yung part ng childhood memory ko kung saan naging tayo." "Hindi naman porke hindi naging tayo, ibig sabihin na e wala na tayong pwedeng maging nakaraan. Just so know, Miss Stephanie Chermaine Araullo, you we're my first crush." Steffi gasped. Her jaw fell on the floor. At muntik pa siyang malaglag sa batong inuupuan niya sa sinabing 'yon ni Rafa. "A-ano?" She said stuttering. Oh, the great Steffi Is stuttering. That's new. Kahit takot na takot si Steffi sa Daddy niya, never siyang nag-stutter. Stuttering is a clear sign of weakness. A weakness she never want to show. "Sabi ko ikaw ang first crush ko. And you should be honored. Hindi ako madaling magkaroon ng crush. During that time it was just you. And your Mom," saglit itong natigilan na parang may iniisip. "And Jennifer Lawrence pala, Scarlett Johansson, Gigi Hadid, Behati Prinsloo.. choosy kase ako e." "Choosy ka pa nang lagay na yan ha? Paano pa kaya kung hindi, edi lahat na crush mo." Natatawa pang sabi ni Steffi. She release a choked gasp when Rafa put his fingers on her chin so she was now looking at him. "Ngayon lang kita nakitamg tumawa ng ganyan, Miss Araullo. Para tuloy akong nakikinig sa isang anghel na kumakanta. Hindi ko alam na may ganyang side ka pala, naninibago tuloy ako, akala ko ibang tao ang nasa harapan ko ngayon." Seryosong sabi pa nito. Steffi can take her gaze away from that dark piercing eyes. Patuloy pa rin ang mabilis na pag tug-tug-tug ng puso niya and she pray to heavens na hindi 'yon naririnig ni Rafa. "A-anong akala mo naman sa akin, bato? Walang emosyon, Ganoon?" "Nope. Wala naman akong sinabing bato ka. What i'm trying to say is, it's very refreshing, really. You should smile more often. It suits you better than your awful forever b***h face." "Now you're being mean." Steffi said, pushing Rafa's hands away. "I don't smile- I mean I do smile pero nililimitahan ko yung sarili ko. Sa mundong ginagalawan ko where guys rule, everyday I have to prove myself to everyone, to my dad, I have to gain respect. At hindi ako rerespetuhin ng mga tao kung magiging palabiro at kung magiging mabait ako sa ibang tao. I had a reputation to take care of." She release a deep breath. Habang kausap niya si Rafa ay unti-unting gumagaan ang pakiramdam niya. It's as if a boulder was lifted from her shoulder. Masarap din pala sa pakiramdam na hindi mo na kinikimkim ang lahat ng nararamdaman mo. Na may ibang tao na pwede kang pagsabihan ng mga saloobin mo. "But now, wala na sa akin ang lahat. My job, my career, my company, the love of my life, wala na akong reputasyong kailangang ingatan, wala nang ibang tao na kailangan I-please maliban sa sarili ko." "Pwede ba akong magtanong, Steff?" Alanganing tanong ni Rafa. Umusog ito ng konti papalapit sa kanya at ipinatong pa nito ang braso sa balikat niya. "Go on," "Why did you do it?" "Alin doon?" Nagtatakang tanong ni Steffi kahit may idea na siya kung anong sinasabi nito. "Eto. Ang pakawalan siya. Why did you give up so easily? Kung alam mo naman na masasaktan ka lang kapag binitawan mo siya, Bakit hindi mo siya ipinaglaban?" "I didn't give up that easily. Kaya lang kase may mga laban lang talaga na kahit gusto mo pang ilaban, kahit gusto mo pang isugal ang lahat, sa huli bibitiw ka na lang talaga kase alam mong kahit anong gawin mo, hindi ka mananalo. Lalaban ka pa ba kung mag-isa ka lang sa gyera? Some battles are really not worth fighting for." Saglit silang natahimik ni Rafa at gusto niya ang katahimikang iyon. "Ikaw, Ibabalik ko sayo ang tanong na 'yan. Why did you give up on Zylie so easily?" "Natapakan ang ego ko e. I planned that proposal for a month, even asked for Mama Tabs help para lang maging perfect yung set up. I invited everyone. My friends, her friends, my family, Zylie's family, lahat. Ikaw lang ata ang wala non since busy ka. She made me look like a fool but I made a bigger fool of myself into thinking na sapat na ang lahat ng ginawa ko para mahalin niya ako. Para sabihin niyang mahal niya rin ako." Napabuntong-hininga si Rafa at hindi maalis ni Steffi ang mga mata niya dito. She can feel his pain. She knows exactly what he's feeling at hindi niya na nagipilan ang sarili niyang ihilig ang ulo niya sa balikat nito. "Nag-I love you ka daw kase e. Alam mo namang may phobia sa pagmamahal yung babaeng 'yon, sinabihan mo pa ng ganon." "What's a marriage proposal without telling her that I love her? It's unconventional." "It is. But that's how Zylie's mind works." Hindi niya na lang sinabi sa lalaki na para kay Zylie, lahat ng taong minamahal niya, lumalayo. Na iyon mismo ang dahilan kung bakit ito lumayo. "I just.. I thought since may mutual understanding kaming dalawa, since siya ang nakakuha ng iniingatan kong virginity, pananagutan niya ako. Akalain mo yun, ako lang pala ang may alam na may relasyon kami." Steffi gape at him incredulously. Sanay siya sa vulgar words ng kapatid niyang si Lucas pero hindi siya sanay na may ibang taong nagsasalita sa kanya ng ganoon. "She's so.. complicated. Akala ko kilala ko na talaga siya. Akala ko kayang-kaya ko na siyang basahin, akala ko lang pala 'yon. " Napangiti ito ng mapait habang nakatingin sa malayo. "I am Rafa Armani Love. I am an engineer for f**k' s sake! A person who has scientific training, who designs and builds complicated machines and structures. That's what I do. That is what I live for. Pero mas okay pa atang ayusin ang komplikadong machine o gumawa ng nuclear powerplant kaysa subukang ayusin si Zylie. Baka kahit professor ko noong college, tanggihan siya." Dumampot si Rafa ng malaking bato at inihagis iyon sa tubig. "I did not see this coming. Kung alam ko lang na mas mawawala siya sa akin kung aayain ko siyang magpakasal, 'di sana hindi ko na lang ginawa." Rafa chuckled bitterly. Steffi squeeze his hand affectionately. "Alam mo ba na noong sinimulan ko yung project na 'yon, ang dami-daming pressure na nakapatong sa balikat ko. My Daddy wants me to do something about the ratings, Amaia's return making Rylie unfocused, pati na rin yung sa tuwing may family gathering para kang palagi na lang nag iintay na bigla na lang silang banggayan ulit. The tension is always thick in the air kapag magkasama sila-na madalas naman talagang mangyayari sa ayaw at sa gusto nila. It's inevitable, we're family. Kaya nga nung may nag-suggest sa staff ko na magproduce na lang kami ng reality show, sila kaagad ang naisip ko. It's like hitting two birds in one stone, 'di ba? Naisalba ko na ang ratings ng network, nagawa ko pang pagbatiin yong dalawa." Napabuntong hininga na lang siya habang Inaalala yung nangyari sa nakaraan. "Everything is going according to plan, my plans. And then, s**t happens. Alam mo yung feeling na habang tinitignan ko sila, alam ko nang may mangyayaring hindi maganda? Yes, maganda ang feedback ng fans since pinapalabas sa website ng Araullo Network yung dry run ng show pero iba yung pakiramdam ko e. Yung habang tinitignan ko siya, seeing the way Amaia looks at him when he's unaware that she's looking, and looking at him do the same, may narealize ako. Na minsan pala, kahit gaano mo kamahal ang isang tao, kailangan mong matutunan na I-let go sila pa I-pursue nila yung totoong mahal nila. Hindi porke ikaw ang kasama niya ngayon, ikaw na talaga kase minsan, ibinibigay lang ng diyos ang isang tao para pag praktisan, in preparation para sa pagdating nung taong nakatakda na talaga para sayo." Naramdaman niya ang pagpisil nito sa balikat niya. And she leaned in closer. Hindi niya na rin pinigilan ang pagpatak ng mga luha niya at hinayaan niya lang yon na tumulo sa sando ng lalaki. "Ako lang yung sparring partner niya. Nothing more, nothing less. Kung sabagay, kasalanan ko rin naman kung bakit nangyari to e, ako yung naglapit sa kanilang dalawa kahit alam kong malaki yung possibility na marealize ni Amaia na mahal niya pa si Rylie pero kase, malaki yung tiwala ko sa kanya e. Malaki yung tiwala kong hindi niya ako ipagpapalit. Hindi niya bibitawan ng ganun na lang yung tatlong taon na meron kame pero hindi pala batayan yon. Hindi pala batayan sa isang maayos na relasyon ang tagal ng pagsasama. And I can't do anything except to accept it. Ang tanggapin na kahit mahal ko siya kung may mahal naman siyang iba, hindi kami magiging masaya." "So mahal mo pa siya?" Tanong nito sa kanya matapos ang ilang minuto. "Ikaw ba, do you still love Zylie?" Balik-tanong niya. "Oo naman. Real talk." "So siguro naman maiintindihan mo at hindi mo 'ko ija-judge kapag sinabi kong mahal ko pa si Rylie, hindi naman iyon nawala at hindi ganoon kadali ang kalimutan siya?" Kunot-noo itong nakatingin sa kanya. Akala ni Steffi ay galit si Rafa kaya laking gulat niya na lang nang bigla itong kumanta. "Where will our broken hearts take us? tararara-hmm-hmm.." "Ang pangit ng boses mo, tumigil ka nga!" Sabi niya pero natatawa na rin naman siya. "Bagay naman sa sitwasyon natin yung kanta di ba? Where will our broken hearts go? Can we find our way back into love-- come on Steffi, sabayan mo 'ko.." "Lalalala, lalalala," natatawa siyang sinabayan ang lalaki sa pagkanta. Napapitlag na lang siya ng biglang dumampi ang kamay nito sa pisngi niya. Noon lang naramdaman ni Steffi na umiiyak na naman pala siya. "Don't cry, Steffi. Angels don't cry. Baka umiyak din ang langit." "Sira," mas lalong sunod-sunod na tumulo ang mga luha niya. "I'm not an angel. Not even close. Kung alam mo lang kung ano ang reputasyon ko, hinding-hindi yan lalabas sa bibig mo." "Steffi, ang nakikita nila, yung gusto mo lang na makita nila. Pero ako, ibang Steffi ang nakikita ko. Ibang Steffi ang kaharap ko at lalong ibang Steffi ang nginingitian ako. Eto yung totoong ikaw." Pabuntong-hininga nitong inilayo ang tingin sa babae. "I hate seeing your tears wasted this way. Dapat kung may luhang lalabas galing dyan sa magaganda mong mata, iyon ay dahil sa masaya ka. Tears of joy kumbaga. Hindi yong umiiyak ka dahil nasasaktan ka." "I can't help it. Kung may alam lang akong paraan para mawala yung sakit, hindi sana ako nagtatago dito." Ang sakit na dulot ng paghihiwalay nila ni Rylie at ang hindi pagsuporta sa kanya ng Daddy niya. Dalawang tao lang naman ang may kakayahang saktan siya e. At ang dalawang yon din ang dahilan kung bakit parang gumuho ang mundo niya. "Ganito na lang, tulungan mo akong kalimutan siya, and I'll help you forget him." "Abnormal ka nga. Sa tingin mo ganoon kadali 'yon?" Nanlalaki ang mga matang tanong niya dito. Nasisiaraan na ba ng bait si Rafa kaya kung ano-ano na ang sinasabi nito? "Hmm, hindi. But its worth a try. We both need this. We owe this to ourselves. Hindi naman ata pwedeng mabuhay na lang tayo na punong-puno ng pagsisisi na para bang tayo lang ang may kasalanan kaya tayo lang din dapat ang magdusa." "Rafa, ginawa na nga akong panakip butas, gusto mo gawin din kitang ganoon?" "Okay lang. Consensual naman e. Atleast sa ganitong paraan alam natin pareho kung ano ang totoo. Alam natin kung nasaan lang tayo. Pero kapag dumating yung punto na ma-inlove ka sa akin, don't worry, tuturuan ko din yung sarili ko na mahalin ka." "Wow ha, utang na loob ko pa pala sayo 'yun kapag nagkataon." Napangiti na lang siya habang pinupunasan ang natirang luha sa pisngi niya. "Hindi naman.. pero ako tatanawin kong malaking utang na loob kapag natulungan mo akong kalimutan siya. Eight years Steff, dinaig pa namin yung seven years na relasyon nung senador at driver niya. Mahirap kalimutan 'yon." Napaisip si Steffi, siguro nga, siguro kailangan na niyang mag move on at tanggapin ang katotohanang wala na talaga sila. Na hindi niya na makukuha ulit si Rylie dahil masaya na ito. "Steffi," hinawakan pa nito ang dalawang kamay niya at marahang pinisil. "Sige aaminin ko na, I need this more than you do. Hindi ko alam kung gaano mo minahal si Rylie pero ako, mahal na mahal ko si Zy. Ayokong dumating yung araw na kapag nagkita kame, magmakaawa akong balikan niya ako. I wanted-needed to be stronger. I deserve someone better. We deserve someone better." Bakas sa mga mata nito na nahihirapan din si Rafa and quite speaking, alam niya kung anong nararamdaman nito. Oo nagkamali siya, pero hindi naman siguro tama na habang buhay silang magdusa. She deserves to be happy. "Okay.." Ilang beses napakurap si Rafa na parang hindi nito naintindihan ang sinabi niya. "Oh.. okay, Should we.. uhmm, you know.. since pumayag ka na.. uhmm should we kiss?" "No." Maagap na sagot niya. Innocent touch, she can tolerate. Pero yung maging intimate sila ni Rafa this soon? She can't. Baka nga magkatotoo ang gusto niyang gawin kahapon na paggapang sa lalaki e makasuhan pa siya ng rape. What would the tabloid say? "Desperate Steffi Araullo raped Rafa Armani Love." Ipinilig niya ang ulo niya. No matter how hot she feels, no matter how desperate she wanted to kiss him, to kiss his whole body, to satisfy both their urges, hindi niya pwedeng basta na lang hilahin ang lalaki., kayang-kaya na ni BOB na pawiin ang init na nararamdaman niya. "Sabi ko nga shut up na lang ako e." Umusog si Steffi at ginawaran ito ng halik sa pisngi. "Thank you .. sa effort." Namumulang tumingin sa kanya ang lalaki. Para itong nanalo sa lotto sa sobrang lapad ng ngiti nito. "Hala, tama si Zylie! Kung hindi ka tititigang maige, hindi ko pa mapapansing nagba-blush ka!" Natawa siya nang malakas na lalong ikinasimangot ng lalaki. "Sus, aanhin mo naman ang chinito kung meron namang prinito? Sa panahong uso na ang gluta, iilan na lang kaming natural ang pagka-gwapo 'noh. Kaya kung ako sa 'yo, gamitin mo na ang katawan ko. Any way you like. I am willing to submit." And that statement made Steffi's throat tighten, made her knees weak and her body trembling from desire. ------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD