Wdbhg 9
"You can't stay hidden forever, baby." Her Mom said the moment she answered the video call. Mukhang mali ang desisyon ni Steffi na magkaroon ng pansamantalang koneksyon sa labas ng Isla Araullo. Tons of emails, missed calls, video calls.. Kung bakit ba naman kase hindi niya naisipang i-deactivate ang mga social media account niya e. A couple of weeks away from the city, and now she's an instant celebrity.
STEFFI CHERMAINE ARAULLO, EVP OF ARAULLO NETWORK, THE BRAIN AND BEAUTY BEHIND PROBABLY ONE OF THE BIGGEST CONTROVERSY OF THE YEAR.
Oh, how the mighty has fallen. Ni sa panaginip, hindi niya inisip na mapapanaginipan niya ang pagbagsak niyang ito. Para siyang ibon na naputulan ng pakpak.
On the brighter side, atleast she knew she's not as cold as other people describes her to be. Kase kung cold siya, bakit mas nanlamig si Rylie kaysa sa kanya?
"I know, Mom. Babalik naman ako e, just.. not now." Not yet. I'm still fixing myself. She wanted to add. Mabuti na lamang ang nagawa niyang pigilan ang kanyang sarili.
"Until when?"
'Hanggang sa kaya ko nang ngumiti at i-congratulate ang sarili ko kapag kaharap ko si Rylie ng hindi na ako masaktan. Hanggang sa kaya ko nang patunayan kay Daddy na kaya ko.'
Gusto niya ulit isagot. Alam naman niyang naiintindihan siya ng Mommy niya. Alam nito kung gaano kalaki at kahirap na desisyon ang ginawa niyang subukan at paglaruan ang kapalaran nilang tatlo. Alam rin ng Mommy niya kung gaano niya kagustong makuha ang approval ng daddy niya na willing siyang isakripisyo ang relasyon niya, matuwa lang ito sa kanya.
She lost everything. The company, Rylie, her friends. Including her Dad's approval.
"Nami-miss ka na ng Daddy Stephen mo. Namimiss na rin kita at ang kambal." Steffi bit her lower lip. Pagdating talaga sa Daddy niya, ang hina-hina niya. She put too much effort para lang ma-appreciate siya ng Daddy niya. Akala niya, Kakampihan man lang siya nito noong nga panahong siya ang sinisisi ng lahat. Hindi niya akalaing ang Daddy niya pa mismo, her first love. Ito pa mismo ang magtatakwil sa kanya.
"Hindi ko alam, Mom." Tipid niyang sagot sa tanong nito. Nagbabadya kaseng tumulo ang mga luha galing sa mga mata niya.
Ayaw niya nang umiyak. She's so done. Akala niya naubos na ang tubig sa sistema niya, pero heto at mayroon pa pala.
"Alam mo, babe, your Dad may never show it, he may never ask me about you or it may seem like he doesn't care, pero alam ko ang totoo. He's doing everything to look out for you." Seryosong sabi nito sa kanya.
"Mom, the mere fact na hanggang ngayon hindi niya pa rin alam kung nasaan ako is enough proof na he's not doing his best to look for me. Ikaw nga, alam mo na kung nasaan ako. Tqpos siya hindi? Dad has all the resources para hanapin ako."
"I'm not supposed to say this but.." her mom sighed. "Alam na ng Daddy mo na nasa isla ka. He's just giving you space. Narealize niya din siguro na 'yon ang kailangan mo."
'Dad knew?!'
All this time akala niya walang pakealam sa kanyang ang Daddy niya and here's her Mom telling her the exact opposite?
"Gusto mo bang bigyan ko ng go signal ang Daddy mo para sunduin ka na diyan?"
Nanlalaki ang mga matang napailing na lang si Stef. Hindi niya pa kayang makita ang ama. Not now. Not yet.
"Steffi, mahal ka ng Daddy mo. And she's proud of you. Hindi niya lang maipakita sayo kase.. well, ano pa nga bang I-eexpect natin e may pagka military ang Lolo mo. Atsaka pangit ang childhood ng daddy mo, ako lang naman ang nagbigay ng kulay sa mundo nun." natatawang sabi ng mommy niya. Paano niya malalamang proud sa kanya ang daddy niya? She grew up na ni hindi man lang niya nakita na naging proud ito sa mga achievements niya. "By the way, we missed you. Come home when you're done and is stronger."
Sa totoo lang, pwede na siyang umuwi. She can pretend that she's fine and that few days away from that stressful life is enough to comeback and emerge stronger. Hindi niya pa alam kung anong gagawin niya kapag bumalik siya. Ipaglalaban niya ba ang posisyon niya sa Araullo network pagbalik niya o baka tuluyan na siyang lumayo at magtayo na lang ng negosyo. A flower shop. Isa sa matagal niya nang pangarap.
She can do that. She's used to pretending din naman e. Kaya lang, wala naman na siyang babalikang trabaho, so bakit siya magmamadali? This is the 'me time' she really needed and she really, really needed them.
"Okay Mom, I'll talk to you later. May gagawin lang ako." Sagot niya sa mommy niya matapos niyang makita na naglalakad palapit si Rafa. Hindi niya alam kung nalulungkot rin ito sa buhay niya sapagkat mag-isa lamang ito sa kabilang isla pero hindi ba, iyon naman talaga ang point kung bakit siya andoon? Kung bakit out of impulse ay binili nito ang kabilang isla? Ang mapag-isa at mag-self pity? Ang mag-sulk, magwala at uminom at saka itanong sa mundo kung anong kasalanan niya at kung bakit ganito ang nangyayari sa buhay nito? Because that's what she wanted to do. Ang mapag-isa, mag-self pity, mag-sulk at uminom.
So bakit araw-araw na lang tumatawid ang lalaki dito?
"Hi ganda," Nakangiting bati nito sa kanya. Gwapo naman si Rafa. He's your average Filipino male dahil sa kulay nito pero ang lakas ng dating ni Rafa. Alam ni Steffi na mahal ni Zylie ang lalaki, 'yon nga lang may daddy issues din ito kagaya niya kaya ayaw tanggapin ni Zylie na mahal niya ito. She said, 'lahat ng taong minamahal, umaalis' pero sa sitwasyon nina Rafa at Zylie, hindi na nga nito ipinakitang mahal niya si Rafa, umalis pa rin ang lalaki.
Although it wasn't Rafa's fault. Zylie pushed him away knowing na babalik at babalik ang lalaki at hindi ito iiwan. Eh, mukhang nakalimutang magsuot ng helmet si Rafa, ayun nauntog at natauhan tuloy ang lalaki at tuluyan nang nilet go ang kaibigan.
"For someone who's also in the stage of grief and moving on, ikaw lang ang kilala kong masaya at ayaw mapag isa." Taas-kilay niyang sagot sa sinabi nito. Hindi naman siya nagrereklamo. Rafa is an unwanted annoying attention she never asked for but she's happy he's here. Atleast may kasama siya kahit vocally sinasabi niyang ayaw niya.
"What can I say, my misery loves your company." Kibit-balikat nitong sabi. "So saan tayo pupunta ngayon? Bago ang film ng kamera ko." Sabi nito bago siya kinuhanan ng picture.
"I really wanted to just stay home and be lazy. But if you want, I heard that small island next to yours is also for sale, baka gusto mong silipin at bilhin na rin para literal ka nang mag-island hopping." Pang aasar niya rito. She lied about wanting to stay home and be lazy but she also wanted time alone. All by herself. Kaya nga pinapunta niya sa bayan ang katiwala nila e. Para mapag isa siya. At mayroon siyang gagawin. Gusto niyang maglinis ng kwarto. Mag-redecorate. Maligo dahil mamaya, may bisita siya.
"Oh, in that case, I'll also stay here and be lazy." Tinanggal nito ang havaianas niyang tsinelas at inilapag sa lamesa ang kamerang nakasabit sa leeg niya bago ito pumasok sa loob at padambang naupo sa sofa. Like he owned the place. At iniwan nitong nakanganga si Steffi habang nakapamaywang at nakatingin sa kanya.
"I didn't invite you in yet but have a seat, enjoy yourself," sarcastic niyang sabi. "I said I wanted to be alone. And when I said I wanted to stay home and be lazy, I meant alone. All by myself. Not alone with you. No. I don't want you around. Not unless," Bigla niyang naalala ang sinabi ng mommy niya na alam na ng daddy Stephen niya kung nasaan siya. Wala namang ibang nakakaalam kung saan siya nagpunta. Hindi kaya inutusan ng Daddy niya si Rafa na bantayan siya?
"Hoy!" She said, eyeing him carefully. "Ikaw nagsabi kay Daddy kung nasaan ako, 'noh!" Tuluyan nang tumaas ng husto ang kilay at kamay niya na nasa baywang niya. Pinakaayaw pa naman ni Steffi sa lahat ay 'yong sumbungero. Eh, ano naman kung gwapo ito? Ayaw niya pa rin ng sumbungero.
"Hoy ka rin, makabintang ka naman! 'Bat ko sasabihin kay Tito Stephen kung nasaan ka, edi nalaman at nahanap rin ni Zylie kung nasaan ako? Mamaya biglang sumugod 'yon dito at magmakaawang balikan ko siya, ayaw ko nga. Magpapakipot muna ako." Nanghahaba ang ngusong sabi nito.
"Asa ka pa," pang-aasar ni Steffi. Alam niyang hindi gagawin ni Zylie 'yon, ang magmakaawa. Pareho silang mataas ang pride pero syempre, alam rin naman niyang alam ni Rafa 'yon. Bigla kaseng lumungkot ang itsura nito at saglit na natahimik. Naguilty tuloy siya kahit wala naman siyang kasalanan sa lalaki.
Maya-maya ay bigla itong tumayo at naglakad papunta sa ref saka ito kumuha ng dalawang can ng softdrinks. Naglakad ito pabalik at iniabot ang isa sa kanya.
"Ano ba 'yan, wala man lang beer sa ref mong napakalaki." Nakasimangot nitong sabi sa kanya.
"Ay, sorry ha. Hindi kase ako umiinom ng beer kaya walang stock. Pero may wine sa cabinet sa taas. Baka gusto mo." Sarcastic niyang sagot dito. "Ang lakas magreklamo, kung gusto mo ng beer, edi sana, nagdala ka rito."
"Hindi sanay ang sistema ko sa wine. Pang malakas ata 'to." Pagmamayabang nito sa kanya. "Next time, maglalagay rin ako ng mga de lata at saka frozen meat dito para kapag nag-crave ako, maraming options. Kalaki-laking bahay, walang laman ang ref."
"Manang makes our food fresh from the market." Kibit-balikat niyang sabi. "Isa pa, bakit mo kailangan ng maraming options? Why not stick only with what you want?"
"Grabe ka-double meaning, uy. Pagkain lang naman ang pinag uusapan natin, bakit ka naman napunta sa pagiging stick to one."
Natawa siya sa itsura ni Rafa noong mga oras na 'yon pero hindi na lang siya nagsalita. Hinayaan niya na lang itong magmukmok habang ni-raransak ang cabinet niyang puro junk foods.
"Hindi ka pwedeng mag-survive on your own. Oh," alok nito sa kanya sabay abot ng isang in can na softdrinks.
"Excuse me, I was living on my own noong nasa Metro pa tayo." She said. Naalala niya tuloy ang condo unit niya. Kamusta na kaya ang unit niya? Dahil wala siyang napagsabihan sa bigla niyang pag alis, malamang wala ring nagkusang maglinis doon.
"On your own nga, may alam ka ba namang gawaing bahay? I bet you don't even know how to cook rice." Na-guilty siya sinabing 'yon ni Rafa. Bakit ba? Pwede namang magpa-deliver.
"Hindi ako umiinom ng softdrinks." Pag iiba niya sa topic. She's a businesswoman. Wala siyang time na mag-ubos ng isang oras para magluto tapos kakainin niya lang within fifteen minutes.
"Hindi ka umiinom, bakit ka may stock?" Pang aasar nito at saka iniumang sa kanya ang hawak na can. Umiinom naman si Steffi ng softdrinks. Kaso lang, hindi pa siya nag-aalmusal. Isa pa, kakagupit niya lang sa kuko niya kaya hindi niya mabubuksan 'yon.
Maybe Rafa noticed her dilemma kung kaya ibinigay nito sa kanya ang softdrink nitong nabuksan at nainuman niya na at ipinalit sa can na nasa tabi niya. Binuksan niya rin iyon at ininuman bago ulit inilapag sa lamesa.
"Be sure to finish all of that. Inalok-alok mo 'ko, tapos iinumin mo rin naman pala lahat. Ang selfish 'uy!"
"Oh no, missy. Sa 'yo ang isa d'yan. Choose one."
"No freaking way!" Exaggerated niyang sabi. Nilawayan mo na pareho 'yan e." Pagmamaktol niya pa. Akala pa naman niya, napaka gentleman ng lalaki, balahura din pala.
"Ang arte Steff, para namang hindi pa naghalo ang mga laway nating dalawa."
Muntik na siyang mabilaukan sa sinabing 'yon ni Rafa. Naalala niya ang sinasabing 'yon ng lalaki. They kissed. But that was fifteen years ago.
"That was fifteen years ago. Why are you holding it against me?" She initiated that kiss. They're both thirteen during that time and yes, alam ni Steffi ang ginagawa niya noon. Those were the days when she had a crush on Rafa. Good old days.
"And why do you want me to leave you alone? Mukhang wala ka ring kasama rito kase wala 'yong motor boat sa pampang. Don't tell me," nakangising sabi nito.
"What?" Painosente niyang sabi. "What?!"
"Don't tell me mag a-all by myself ka talaga." Nakangisi pa rin ito at hindi talaga alam ni Steffi ang sinasabi nito kaya nakakunot ang noo niya habang nakatitig sa lalaki. "You know, you don't need to do it alone. I'm here, I'm so much better than your battery operated boyfriend."
-----