WDBHG 7
A week passed in a blur. A whole week of being stucked inside a world she created alone. At nakakatawang isipin na imbes na iwasan ang lugar kung saan niya nakita sila Rylie, heto siya't sinasaktan pa ng husto ang sarili niya. Why she decided to stay there rather than to curse this f****d up place, she still doesn't know. Siguro ay para na rin i-absorb ang lahat ng sakit. Siguro ay naniniwala siya sa cliche na linya sa kantang you made me stronger.
Pain is making her stronger. He made her stronger.
Gusto niyang pagbalik niya sa Metro ay kaya na niya ulit harapin ang lahat. Her Dad, Araullo Network, and him. Ang dahilan ng lahat ng ito. She only wanted what's best for everyone. Yes, maybe It's her fault in the first place pero, ano bang masama sa kagustuhan niyang magkasundo sila Rylie at Amaia? She only did what she knew would be best for everyone even if she sacrificed her relationship with Rylie for what?
Now she's all alone. Hindi niya alam kung nasabi ni Zylie sa mga magulang niya o kung kanino mang concern kung nasaan siya at wala lang Itong mga pakialam sa kanya or Zylie decided to keep her bitchy mouth shut and left her to be alone.
Ilang beses siyang nagpabalik-balik sa kubo. Ilang beses niyang paulit-ulit na hinigaan ang kawayang kama kung saan natulog na magkasama ang dalawa. She also saw Aia's virgin blood stains on it. Ang katibayan na totoo ang lahat. Na hindi isang panaginip ang lahat. That she won't wake up to find out that everything was just a nightmare. That everything's still In place.
At paulit-ulit lang din siyang umiiyak at nasasaktan. She knew she's a mess at ayaw niyang may Ibang makakita kung anong pinag-gagagawa niya sa buhay niya. Stephanie Crystalle Araullo is not a loser. But now, hindi na siya sigurado.
Her shoulder-length silky-straight, raven black hair was cut short. Her creamy white skin now tanned. Halos hindi na nga niya nakilala ang sarili niya noong huling beses siyang tumingin sa salamin. And that was three days ago.
She's changed. Physically and emotionally. She realize that she's not as strong as thought. She's vulnerable and she's not immune to pain.
"Miss Araullo, hindi ko ine-expect na makita ka rito." Natigilan si Steffi isang araw habang naglalakad siya sa tabi ng dagat. Sa loob ng mahigit isang linggo na niyang pananatili sa isla, iyon lang ang ginagawa niya. Ang mula umaga hanggang gabing lakarin ang buong isla. Kapag napapagod siya ay nagpapahinga siya saglit at wala siyang ine-expect na bibisita sa kanya.
Kaya laking gulat niya na lang isang araw na nasa harapan na niya si Rafa Love. Nakasuot ito ng puting sleeveless na sando at khaki shorts at may nakasabit pang dslr sa leeg nito na animo'y turistang naligaw.
"Anong ginagawa mo dito? Private property ito." Taas-kilay na sabi niya. Hindi pa siya ready na magkaroon ng kausap o ng kahit makakita man lang nang ibang tao.
"I'm staying at that island." Inginuso pa nito ang maliit na Isla sa right side niya. Ang alam ni Steffi, private property din iyon at hindi naman sikat ang kinatatayuan ng isla nila para magkaroon siya ng unexpected na island hopper.
"Tinatanong ko kung anong ginagawa mo dito sa isla ko. Wala akong pakealam kesehodang may dala kang babae diyan na hindi alam ni Zylie-" saglit siyang natigilan nang biglang nawala ang ngiti nito sa labi. "Oh!" Saka niya naalala ang sinabi sa kanya ni Zylie noong araw na nagpunta siya sa townhouse nito.
'Rafa proposed to me.' Zylie said making Steffi smile. Atleast isa sa kanila ang may masigabong love life.
'Congrats! So kailangan n'yo balak magpakasal?' Zylie snorted, making her raise her brows in confusion.
'I.. I rejected his marriage proposal.'
'You what?!' Steffi said incredulously. 'Zylie, andyan na ang lovelife. Ang lalaking tanggap na may sometimes ka minsan at hinding-hindi ka iniwan even though we both know you're not worthy of Rafa's time and effort!'
'E nagpanic ako, e. I don't know how to react. I hate surprises, you know that. Plus he f*****g said the L word! Buti sana kung nagpropose siya na hindi niya sinabing mahal niya ako..'
'So kung hindi niya sinabing mahal ka niya, sasagot ka ng Oo?' Taas-kilay niyang tanong. Steffi saw Zylie bit her lower lip. Alam niya at kitang-kita niya sa mga mata nito na nahihirapan itong sagutin ang tanong niya.
'Alam mo Zylie, it's not every day that someone like Rafa comes into our lives. Siya na ata ang pinaka-matiyagang tao na nakilala ko. Imagine, he put up with your shits at wala siyang pakialam kahit Itinutulak mo siya palayo sa iyo. He's always there for you. Ikaw na din ang nagsabi sa akin na nung time na halos sukuan ka na ng lahat ng tao sa paligid mo, siya lang yung consistent. Siya lang yung hindi nang-iwan sayo.' Zylie started nibbling her lips. Kung hindi lang siguro namomroblema si Steffi ngayon ay baka nabatukan na niya ang kaibigan. Parang mas siya ang nanghihinayang na pinakawalan pa nito si Rafa.
'At saka saan ka naman nakakita ng marriage proposal na nagpaalam yung lalaki sa girlfriend niya? Mawawala ang element of surprise, beh.'
'Maybe.. uhh,' Ngayon lang nakita ni Steffi na nahihirapang magdesisyon si Zylie and it amuses her. Sa larangang pinili nilang dalawa, ang ipakita sa Tatay nila na kaya nila- hindi sila pwedeng mahirapan magdesisyon. Their first decision shall be the final. Kaya nga kahit alam ni Steffi na masasaktan siya sa kalalabasan ng gagawin niya noon, ginawa niya pa rin. She's always the risk taker. Desisyon niya yon e.
'Maybe next time, nakahanda na ako.'
"Kumusta na nga pala kayo?" Nag aalangang tanong niya. Hindi niya alam kung anong gagawin niya. Should she comfort Rafa? Paano niya naman gagawin yon kung sarili niya mismo, hindi niya mai-comfort?
"Wala na kame." Rafa exhaled. "Wala nang kami. Ang naiwan na lang ay siya at ako." Her lips thinned. Madadala na sana siya sa sinasabi nito kung hindi lang ilang beses niya na ring narinig ang mga salitang 'yon. Paulit-ulit niya na ding iniugnay ang salitang 'yon sa sarili niya. "Parang kayo. Wala na din kayo, 'di ba?" Pang-aasar pa nito sa kanya.
"Alam mo kanina, gusto ko nang mag-sorry for taking your feelings for granted e. Alam kong nasaktan ka sa ginawa ni Zylie sa'yo pero Rafa, wala namang damayan." Nakangiting sabi niya dito kahit sa totoo lang ay nasaktan siya na pinamukha pa nitong broken hearted siya. Tinanggal ni Steffi ang havaianas na suot niya at inupuan 'yon habang hinahayaan niyang abutin ng alon ang mga paa niya. "Yeah. Wala na kami. Wala nga kaseng forever. Sabagay, sino nga bang may sabing meron?"
"Hindi ako naniniwala sa forever kase kaka-break lang namin nung twenty-three. But then I realize, paano kami magbe-break e hindi naman naging kami? Zylie's words. Not mine." He raise his dslr and took a picture of her unabashed sitting on the sand. She no longer care if he saw her that way. Sabi niya nga 'di ba, she's tired of pleasing the people around her. If by all means Rafa show her father that picture, she no longer care. "So, kamusta ka naman? Bukod sa new hair style mo, parang hindi ka naman broken-hearted a?" Tanong nito sa kanya without taking his eyes of his dslr. He took another shot, and another, until she begged him to stop.
"Ano namang akala mo sa akin, bato? Walang pakiramdam, ganoon?"
"Para sa broken-hearted, infairness, blooming ka. Isa pa, mukha namang wala kang balak mag-suicide kaya alam kong okay ka."
"Just because you don't see it, doesn't mean I am not. Marunong lang talaga akong itago ang totoong emosyon ko lalo na kapag alam kong maraming tao. I may be strong but it doesn't mean I'm not capable of getting hurt."
"Ang drama mo Steff." Natatawa Itong lumayo sa kanya. Ginaya siya ni Rafa ngunit bago Ito naupo sa tabi niya, hinubad nito ang khaki shorts at sando na suot nito at inilagay iyon sa ilalim ng puno malapit sa kanila. Sinubukan ni Steffi na h'wag pansinin ang lalaking naka-fitted na boxer briefs na naglalakad papalapit sa kanya, sinubukan niyang iwasan nang tingin ang abs nitong hindi niya alam na mayroon, maging ang malaking bird nitong bumabakat sa suot na boxer briefs. She tried. But she failed.
And she can't take her eyes off his body.
"The water looks inviting, I think I'll swim later." Nakangiting sabi nito sabay upo sa tabi niya. Pasimpleng umusog si Steffi. Mahigit isang linggo na siyang mag isa lang sa isla at nasanay na siya sa solitude. Being with Rafa-almost naked Rafa made her restless. Made her heart skip a beat. Seeing his body made her ache. She wanted to touuch him and yet she doesn't want. Na parang kapag hinawakan siya nito ay makukuryente siya.
'Oh Damn!' Anong nangyayari sa kanya? Ang hulsam naman ng pinag uusapan nila kanina, ngayon ay para na siyang kiti-kiting hindi mapakali. She look s*x deprive. She feel s*x deprived.
Ilang buwan na ba siyang walang s*x at nakita niya lang si Rafa ay nagkakaganito na siya? Mukhang tama ang kasabihang nabasa niya na ang pechay kapag hindi nadiligan, nalalanta.
Pasimple niyang hinawakan ang lalamunan niyang biglang parang nanuyo at nag-focus na lang siya sa paligid.
"Steffi!"
"H-huh?" Napatingin siya dito pero agad din niyang iniwasan ang tingin nito. She swallowed the imaginary lump on her throat.
'Focus, Steff.'
"Tinatanong ko kung kailan mo balak bumalik sa Metro, anong nangyayari sa'yo? Namumula ka ah." Akma pa nitong ilalagay ang kamay sa noo niya. Steffi bolted on her seat.
"A-ano.. Too much-- sun. Oo. Ma-masyadong mainit e." She said as her gaze travelled his body. From his broad shoulder to his pectoral to his outstretched legs.. and the monster co- cucumber in between his thighs. "Si-sige babalik na ako sa ano, bahay mo- I mean, bahay ko. Uhmm.. sige. Nice to see you." She half-walk, half-run her way to the other side of the Island where Araullo Mansion stood still. Sabi ng Mama Lena niya, hindi naman iyon dating ganun kalaki. Ni hindi nga sa kanila ang islang 'yon at ibinigay lamang sa Daddy niya ng mag-asawang nakatira dati doon.
Nagmamadali siyang pumasok sa bahay at pumunta sa kusina. Every once and a while nagpupunta siya sa bayan para mamili ng mga basic necessities niya kaya mas pinipili niya minsan na magkulong na lang sa bahay. She walk straight to the refrigerator para kuhanin ang isang pitsel na tubig at uminom ng diretso galing doon. Screw manners. She's thirsty. A thirst she knew water can't quench.
The following morning Steffi expects to see him knowing na ngayong alam na nitong nasa kabilang isla lamang siya ay hindi na nito titigilan ang pangungulit sa kanya. Hindi naman sila super close noong nasa Metro pa sila. Since Zylie is their common denominator, natuto siyang maging civil sa lalaki. Not that it would matter kung hindi sila ganoon ka-close. Para kay Rafa, since kaibigan ng Mommy nito ang mga Daddy nila, self-proclaimed distant relative na siya ng mga Lopez, Crisologo, Borromeo, Guevarra, Pedroza at Araullo.
"Ang aga mo ngayon a." Kagaya kahapon ay naka white sando pa rin ito ngunit board shorts na kulay grey naman ang pang ibaba nito. Nakasukbit pa rin ang kamera sa leeg nito at parang mas bagay na ito ang gawing modelo kaysa sa photographer.
"Nabo-boring ako sa kabilang isla e. Kung hindi nga lang baka mapagkamalan mo akong magnanakaw kagabe, hinakot ko na ang mga gamit ko at nag camping na lang ako dito e." Namumula ang mukhang sabi nito. He looks adorable when he blush and Steffi made a mental note to make him blush more often. Pinigilan niya na nga lang ang sarili niyang pisilin ang pisngi nito sa takot na bumalik ang kung ano mang masamang espiritu na sumanib sa kanya kahapon e. She barely manage to take care of her raging libido-thanks to her BOB- but she doesn't want to take the risk. Ayaw niyang baka bigla niya na lang sunggaban si Rafa kapag hindi niya napigilan ang sarili niya.
"So.. ano ngang ginagawa mo dito?"
"Ipasyal mo na lang ako. Gusto kong makita yung infamous bahay-kubo.." nakangising sabi nito na ikinataas ng kilay ni Steffi.
"Nang aasar ka ba o nagpapatawa? 'Yon pa talaga ang gusto mong makita ha,"
"Baka kase may dalang milagro ang lugar na yon e. Malay mo, kapag pumunta ako dun, kapitan ako ng swerte para maka-move on na ako kay Zylie at nakahanap na ako ng isang babaeng deserving sa pagmamahal ko."
"Ano namang akala mo sa lugar na yon, tourist spot? May aparisyon bang nagaganap doon para balik-balikan?" Ayaw ni Steffi na bumalik ngayon sa lugar na yon. She'll weep. Parang natural na reaction na ng katawan niya na umiyak kapag nandoon siya sa lugar na yon. And she can't afford for Rafa to see her weeping. Sira na nga ang image niya, mawawasak pa nang lubusan.
"Sige na naman, Steffi. Pang-i********: lang." Natatawa pang sabi nito sa kanya. "Sige ka, kapag hindi mo ako ipinasyal, luluhuran kita."
Namumulang nag iwas ng tingin si Steffi sa lalaki. Sure, walang ibang Ibig sabihin ang sinabing yon ni Rafa. So s****l innuendo whatsoever. Pero para kay Steffi na halos hindi mapakali ngayong halos magdikit ang mga katawan nila, his words meant a lot.
"Oh.. si-sige na nga-" at halos mapahiyaw pa siya nang bigla na lang siya nitong buhatin. Her legs automatically went to his waist and she swallow the lump in her throat while wishing Rafa didn't notice the sudden erratic beating of her heart.
-----