WDBHG 5

2280 Words
WDBHG 5 There's chaos. Alam ni Steffi na pati ang mga Daddy nila, nagsisigawan at kulang na lang ay magpambuno pa ang mga Ito pero hindi niya iyon napapansin. She can't take her eyes off Rylie. Pawis na pawis ito at kitang-kita niya ang pagtaas at pagbaba ng dibdib nito senyales na nagpipigil ito ng galit. He's looking at her too. Para silang nasa isang staring contest na dalawa lang silang contestant. She heard her father and her Tito Louie shouting at nakita niya sa peripheral vision niya ang paghila ng Tito Toby niya palabas sa mga ito. They need to talk daw kaya naiwan silang dalawa ni Rylie na mataman pa ring nakatingin sa kanya. She saw him curled his fist. Naglakad pa ito papalapit sa kanya at tumigil lang ito sa harapan ng lamesa niya. "Why Steffi?" Nakakuyom pa rin ang kamaong tanong nito sa kanya. Nanghihina si Steffi. Hindi pa siya handang makaharap ang kasintahan-dating kasintahan. Hindi niya pa alam kung paano ito haharapin, kung dapat niya bang ungkatin amg mga nangyari at kung handa na ba siyang marinig ang mga isasagot nito sa mga tanong niya. "Why what?" She asked him calmly. Ano bang tinatanong sa kanya ni Rylie? Bakit ano? Bakit nandoon siya? Bakit hindi niya pinupuntahan si Rylie o bakit parang napakadali lang para sa kanya na tanggapin ang lahat? "Why did you do this? Bakit Steffi? May ginawa ba akong kasalanan para paglaruan mo ako, kami ni Amaia?!" Tinitigan niya ng matiim si Rylie. Teka lang, Bakit siya ang sinisisi ng lalaki na para bang siya ang nagtaksil dito and not the other way around? Hindi ba dapat siya ang magalit dahil kung talagang mahal siya ni Rylie, kahit ilang Amaia pa ang ipain dito, hinding-hindi ito bibigay? "Why? Naging masama ba akong boyfriend? Sagot Steff! Kase hindi ko na alam! Putsa! Wala akong maisip na ginawa kong kasalanan sayo para gawin mo 'to!" Naupo si Steffi sa swivel chair niya kasabay ng pagsabunot ni Rylie sa sarili niya. Napansin ni Steffi ang pangingitim sa ilalim ng mga mata nito but damn! But it doesn't look bad on him. Nakakuyom pa rin ang mga kamao nito pero hindi magawang matakot ni Steffi sa kanya. He doesn't strike to her as a guy who breaks people's bones. Hearts, maybe. Her heart specifically. "Ibabalik ko sa'yo 'yang tanong na yan, Rylie. Naging masama ba akong girlfriend para gawin mo sakin 'to?" Napalunok ito ng ilang beses at tila litong-lito siya sa mga sinasabi ni Steff. Hindi niya alam kung hanggang saan ang narinig ni Rylie sa pinag uusapan nila kanina o baka umaarte lang ito na walang alam. Either way, kailangan niya nang aminin sa lalaki ang totoo dahil ang bigat-bigat na. Ang sakit-sakit na. Hindi niya na makita sa mga mata ni Rylie na mahal pa siya nito at halos hindi na rin niya makilala ang lalaking mahal niya. "Anong Ibig mong sabihin?" She eyes him cautiously. At the back of her mind, para na namang video na paulit-ulit na umaandar sa utak niya yung mga pangyayari sa isla. And she was about to re-tell them. Walang madali paraan para gawin ito. Kahit anong gawin niya, masaktan at masasaktan pa rin siya. "Sabihin mo nga sakin, did I ever cross your mind nung nandun pa kayo? Naisip mo man lang ba ako habang pinipilit mong ibalik yung Amaia na patay na patay sayo? Mukha ko ba ang nakikita mo nung hinahalikan mo siya? Is it me you we're thinking nung may nangyari sa inyo?" Pinilit niya ang sarili niyang maging kalmado. She manage to hide her emotions even though the mere fact that he's just standing right in front of him is enough to make her weep. 'Fake it till you make it, Steffi.' "Rylie, galit ka ba talaga dahil pinaglaruan ko yung feelings niyo o naghahanap ka lang ng dahilan para layuan ako?" She swallow the lump on her throat and fought the urge to slap him or kick his balls, anything, just to take the pain she's feeling away but she resisted. Hindi naman mababawasan yung sakit ba nararamdaman niya e. Kahit saktan at murahin niya pa si Rylie. Nothing can help her take the pain away. "O baka naman, nagu-guilty ka lang sa ginawa mo sa amin ni Ai at naghahanap ka lang ng pwedeng sisihin sa mga ginawa mo? You're blaming me when all I ever did was to put you both on that island. I wasn't in control of your actions, Rylie. Hindi ako ang nag choreograph ng mga gagawin mo, walang script na involve. It was you. It was you all along." Tumayo siya. Inilagay niya yung dalawang kamay niya sa lamesa at naglean forward siya para mapalapit yung mukha niya sa mukha ni Rylie. She felt his discomfort. 'Very good, Steffi.' She mentally pat her back. Although she's this close to breaking down. 'Konting oras na lang. Kaya mo pa 'yan.' "Rylie, minahal mo ba talaga ako, o ginamit mo lang ako para makalimutan mo siya? We succeeded. Nakalimutan mo nga siya, o nakalimutan mo nga ba?" Napakurap ito ng ilang beses. Confusion and worry clearly written on his beautiful face at bigla siyang natakot na marinig ang magiging sagot nito. "Wag mo na palang sagutin yung tanong na 'yun. Nakahalukipkip siyang tumalikod sa lalaki. A single tear escapes her eyes pero hindi siya kumilos para punasan 'yon. Sa halip ay ninamnam niya ang sakit. A reminder that she's still alive even though inside, she's dying. She's now looking outside the window. The skyscraper, the people outside. Iniisip ni Steffi kung may ibang tao pa na nakakaramdam ng nararamdaman niya sa mga oras na yon. Sana wala. Hindi naman siya masamang tao para hilingin na may ibang nakakaramdam nung sakit na nararamdaman niya. "Alam mo bang habang tinitignan ko kayong dalawa sa isla, naramdaman ko yung betrayal na naramdaman ni Tita Celine noon? Gusto ko kayong lapitan, gusto kitang sigawan. Gusto kong magalit. Gusto kitang awayin pero, naisip ko, para saan pa? May mababago ba kapag ginawa ko yun?" She stop and took a deep shuddering breath. "Alam mo bang feeling ko nun para tayong reincarnation nila Tita Yngrid, Tito Louie at Tita Celine, only this time, si Tita Yngrid yung nanalo. Si Tita Yngrid yung pinili. Si Tita Celine yung talo, si Tita Celine yung lumayo." Tuloy-tuloy nang umagos ang mga luha galing sa mga mata niya at hinayaan niya na lang yon but she didn't make a sound. It's a talent she taught herself. If you can no longer fake it, act like it doesn't matter. "Hurt me with the truth Rylie, but never comfort me with lies. You should thank me though, ginawa ko na yung isang bagay na dapat matagal mo ng ginawa. And If I were you, wala dapat ako dito. Hindi dapat ako yung hinaharap mo." Naramdaman niya ang paglalakad palayo ni Rylie. Hindi niya alam kung ano ang mas masakit. Ang hindi nito pagtanggi sa mga sinabi niya o ang paglakad nito palayo sa kanya. Rylie walking away means he's no longer a part of her life. Officially. For good. Tama ba yung desisyon niyang palayain si Rylie? Siguro nga hindi. But can she live her life being with him knowing he's not happy, that they'd rather be miserable together than to let him go and chase his happiness while she suffer? No. She can't do that. She can't tie him to her. Being selfish is not in her dictionary. Siguro nga, hindi niya inisip kung anong mararamdaman nila Rylie at Amaia nung ipinilit niyang pagsamahin ang dalawa sa Islang yon. Kung iniisip ng mga tao na sariling kapakanan niya lang, ang pagtaas ng ratings ng network at ang posibleng promotion ang dahilan kung bakit niya ginawa ang mga ginawa niya, then they're dead wrong. Maybe it was selfish. But it's not her being selfish. Not for her own good. Maybe she's meant to be alone forever. Maybe she's not worthy of love and being loved. She wrap her arms around her stomach feeling weak and vulnerable. Mabuti na lang at hindi na bumalik ang Daddy niya sa conference room. She can't afford him to see her like this. Pasalampak siyang napaupo sa sahig, she pulled her knees close to her chest. "Five minutes. I only need five minutes to fix myself." She mutters under her breath. Kailangan niya lang ng limang minuto para ayusin ang sarili niya. Para ilabas yung sakit na nararamdaman niya. Para kapag hinarap siya ng Daddy niya may paglalagyan pa siya. "Stef," marahas niyang hinarap yung pinanggalingan nung boses na 'yon. Walang sinuman sa empleyado niya ang mangangahas na pumasok sa conference room lalo na't alam nilang nandoon siya. "What are you doing here?" Tanong niya sa kapatid na si Logan. Ang kakambal ni Lucas na Ex- U.S Navy. "Your five minutes was up. Kinuha ko na 'tong bag mo from your office." He handed Steffi her bag. "Fix yourself na. Nasa cafeteria lang sila Dad." Inalalayan siya nitong makatayo at maupo sa swivel chair niya. Steffi look at her brother. Ilang araw pa lamang itong nakakabalik sa Pilipinas mula nung matapos ang serbisyo nito sa Navy at ngayon lang niya napagmasdan ng husto ang kapatid. Marami na ang nagbago kay Logan. Mula sa pagiging masayahin at palabiro nito kagaya ni Lucas dati, ngayon ay napaka seryoso na ng aura nito. He also maintained his military haircut. "How long have you been here?" Tanong niya habang abala siya sa pagpunas ng luha sa pisngi niya. Thank goodness for waterproof mascara. At least hindi siya nagmukhang halimaw. "Long enough to hear you and Rylie talking." Pabuntong hininga itong sumandal sa lamesang nasa likuran niya. "Alam mo hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa ginagawa mo at bibigyan kita ng award o sasampal-sampalin kita para matauhan ka e. For someone as smart as you are, you're an idiot for torturing yourself para lang I-please si Daddy." "Says the guy who left the girl he love para lang pumasok sa U.S Navy para ma-fulfill ang pangarap ni Dad." She snickers. Totoo naman e. When they we're younger, madalas silang mag-compete ni Logan para sa approval ng Ama. And then one time nabanggit ni Stephen over dinner na pangarap niya dating pumasok sa Navy and Logan asked their Uncle James (whose living with his wife Cess) to sign him up, leaving a broken-hearted and pregnant Alea behind. "Touche." Nakangising sabi nito. "So anong plano mo? You've given the asshole his freedom. H'wag mong sabihing magmumukmok ka na lang? Ang Steffi na kilala ko competitive. She may have lost the battle but it doesn't she's giving up. Matapang yon. Hindi 'yon basta-basta na lang sumusuko." "Who says i'm giving up? Magpapahinga lang ako. That doesn't mean titigil ang mundo ko because of this mess. Ikaw na rin ang nagsabi, I don't give up easily. I'm Stephanie Crystal Araullo for Christ's sake." "Atta girl," Hinawi nito ang buhok niyang naalis sa tali at inilagay 'yon sa likod ng tenga niya. "You know what, Ate, I think we should stop trying to please Dad and start living a little. Alam mo 'yon? We've been spending a lot, sacrificing a lot para lang maging proud sa atin si Oh great and powerful Stephen Araullo na minsan nakakalimutan na natin-ikaw specifically-na unahin yung happiness mo kesa sa happiness niya. Hindi ko alam kung martir ka o stupid ka lang talaga." Hinampas ni Steffi ang braso ng kapatid pero hindi man lang ito napapitlag at mas nasaktan pa si Steffi sa ginawa niya. "Masakit 'di ba?" Taas kilay na tanong nito sa kanya. "Kaya ka nasaktan kase alam mo nang masasaktan ka lang, ipinagpatuloy mo pa rin. Kung umpisa pa lang hindi ka na na-curious at hindi mo na lang sana sinubukan, Baka sakaling hindi ka na nasaktan." "Bakit ba ako ang ginugulo mo? Akala ko ba may stag party kayonh pupuntahan ni Lucas?" Pag iiba niya sa usapan. Nag iwas din siya ng tingin kay Logan. He's not referring to her slapping him in the arm. He's referring to something else. He's referring to the stupid decision she just made. "Kagabe pa yun, Stef." Kunot-noong sagot nito sa kanya. Steffi look at him and she saw him looking outside. A dangerous gleam sparkles his eyes. "Nakita ko siya kahapon. And surprise, surprise. She's a f*****g stripper." He flex his arms stretching his unused yet tired muscles. Hindi na naman ikinagulat ni Steffi ang sinabing yon ni Logan. Matagal niya nang alam kung anong trabaho ni Alea. Mula nang iniwan ito ng kapatid ay nagbago na ang babae. They wanted to take care of her but she refused. Mas naging malayo pa ang loob nito sa kanila nung malaman nilang buntis ang dalaga at si Logan ang Ama. Na hindi alam ng kapatid niya. Alea asked them to keep her pregnancy a secret kay Logan at hindi nila ipinagkait yon sa dalaga. "I'm home. For good. Panahon na din siguro para kuhanin ko yung sa akin. Her bachelorette days will be over soon. Kaya dapat lang na magpakasaya siya. Baka bukas o sa isang araw, hindi na siya pwedeng magpakita ng katawan." "You don't own her, Logan. Ang tagal mong nawala. Ang dami nang nagbago lalong-lalo kay Alea. Heck, you won't recognize her anymore. Sa tingin mo ba, ganoon na lang kadali? Para kang umalis sa upuan mo tapos mag-e-expect ka na may babalikan ka pa ring pwesto. Umalis ka nga 'di ba? Hindi mo naman pinangalanan o nilagyan man lang ng sign na 'reserved' yung upuang yon kaya h'wag kang umasa na kapag balik mo e available pa rin yon para sa'yo. ------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD