WDBHG 4

1917 Words
WDBHG 4 "Stephanie Crystal Araullo, where is my daughter?!" Sa living room pa lang ay rinig na rinig niya na ang sigaw ng Tita Yngrid niya- na Mommy ni Amaia at base sa galit na galit na boses nito, alam na nila kung anong nangyari sa mga anak nila. She can't blame them though, kung siya ang nasa posisyon nila magagalit din talaga siya. "Steffi!" Walang tigil sila sa pagkatok sa kwarto niya pero nanatili lang siyang nakatulala at oblivious sa paligid niya. Kanina pa rin walang tigil sa pagtunog ang cellphone at landline niya pero ni ang pagtayo ay tila napaka-hirap gawin. Dapat maging masaya siya, sa nasaksihan niyang pangyayari kagabe pero hindi niya magawang maging masaya. Ang objective naman talaga nung program na 'yon ay para magkasundo sila Amaia at Rylie. Hell, hinanda niya na din ang sarili niya sa possibility na masasaktan siya pero hindi siya nakapaghanda sa ganung klaseng sakit. Hindi niya inexpect yung ganoong klase ng sakit. Na para siyang mamamatay. Hindi niya magawang ipikit ang mga mata niya dahil sa t'wing ginagawa niya 'yon ay paulit-ulit na nagre-replay sa isip niya yung ginawa ni Rylie. Na kahit wala siyang salitang naririnig na lumalabas sa bibig nito ay ramdam na ramdam niya yung emosyon ni Rylie and the fact that he never look at her the way he looks at Aia. Kaya kahit napakalakas ng ulan at alon kagabe ay walang nakapigil sa pag uwi niya. She can't be with them that close. They shouldn't be in one place at the same time. Hindi niya alam kung kaya niyang harapin si Rylie pagkatapos ng mga pangyayari. "Steffi lumabas ka d'yan!" "Baka tulog si Steff, Yngrid. Kumalma ka nga muna." Narinig niyang sabi ng Mommy Lena nila. Gustong-gusto na niyang lumabas at yakapin ang Mommy niya kahit saglit lang pero hindi niya ginawa. Seeing her means seeing them. Hindi pa siya handang makita sila, especially her Daddy Stephen. "Wala akong pakialam kahit may ka-s*x pa siya d'yan! Lalabas siya. Kung ayaw niyang ibalik ko siya sa matres mo!" Steffi winced at the crude words she's hearing. Pwede naman siyang lumabas e. Matapang naman siya at kayang harapin ang kahit na sino, kahit ano. But not the dismay on his father's eyes. "Mommy-" "Lumayo ka sa'kin at h'wag mo 'kong Mommy-mommyhin dyan, Liam. Baka hindi kita matantya!" Narinig niya ang muling paghampas ni Yngrid sa pintuan. "Hindi n'yo ba ako naiintindihan?" Humahagulgol na tanong pa nito. "Halos mabaliw ako kakaisip kung nasaan ang anak ko! Ikaw Liam, alam na alam mong gabi-gabi hindi ako makatulog kakaiyak dahil iniisip ko kung kamusta na si Amaia, kung nakakakain ba siya ng maayos at kung may sakit ba siya. Tapos.. tapos itinago n'yo lang palang mga hudas kayo?!" Nakagat ni Steffi ang pang-ibabang labi niya para hindi tuluyang umagos ang mga luhang akala niya ay naubos na. "Kailangan n'yo lang pala ng test subject para sa pesteng show na 'yan, bakit hindi na lang sila Brad at yung baliw niya Ex-girlfriend ang ginamit n'yo? Bakit si Amaia pa? Bakit ang anak ko pa?" Hindi na nakayanan pa ni Steffi na pakinggan ang Tita niya. She slowly walk to the door. At unti-unti niya ding binuksan 'yon para lang makita ang Tita Yngrid niya na nakaupo sa sahig habang inaalo ng Tito Iñigo niya. Nasa kabilang gilid ang Tito Liam niya at katabi ang Tito Louie niya na Daddy naman ni Rylie. Disappointment is clearly written on their face. 'Yong tipong kung sila-sila lang ang magkakausap, sasabihan siya ng mga ito ng 'I told you so.' "Tita Yngrid.. Sorry. Hindi ko alam kung sapat 'yong salitang yon para mapatawad mo 'ko at mapagaan ko yung kalooban." She took a deep steadying breath para lang mapigilan ang sarili niya sa pagtulo ng luha niya. "The rescue chopper will arrive on the island later. Pwede ho kayong sumama para maging mas makatotohanan yong supposed search and rescue na mangyayari-" "How can you be so heartless, Steffi?" Hindi makapaniwalang tanong ng Mommy niya. "Nagkamali ba ako ng pagpapaki sa'yo? Nagkulang ba ako sa pagpapangaral sa'yo?" Napailing na lang si Steffi. Ilang segundong nagtama ang mga mata nila ng daddy niya bago siya tumalikod. At kasabay n'on ay ang kusa na lang na pag-uunahang tumulo ang mga luha niya. She felt rather heard them walk away kaya naman ibinagsak niya ulit yung harang na inilagay niya sa sarili niya. Aminado si Steffi na marami siyang kasalanang nagawa sa buhay niya pero ito yung pinaka pinagsisihan niya. She should have known better not to mess up with fate. "Anak," pasimple niyang pinunasan ang mga luha sa pisngi niya bago hinarap ang Mommy niya. Her stunning and graceful mother. Ang tagal niyang pinangarap na maging kagaya ng Mommy niya. She wanted the attention her father is giving her. Kabaliwan nga siguro, pero nagseselos siya sa Mommy niya. "Kung kailangan mo ng kausap, nandito lang ako. I'm still your Mom. I can still be your friend." "I'm okay, Mommy." Tumalikod ulit siya at naramdaman niya na lang na nilapitan siya nito at wala nang nagawa si Steffi nang yakapin siya ng mahigpit ng Mommy niya. "I don't know what went wrong, Babe. May nagawa ba akong masama sa'yo kaya ka lumalayo sa'kin? Nasaktan ba kita? Help me understand you Steff." Tinanggal niya ang mga kamay nito sa katawan niya. Steffi took a deep breath bago niya hinarap ang ina. "Wala kang kasalanan, Mommy." Kung kasalanan mang ikaw ang naging Ina ko at kung kasalanan mang ikaw ang sisihin ko kung bakit 'ni kakarampot na approval,wala akong makuha galing kay Daady because he always see you as this perfect girl. That I should be you. Na kahit anong gawin ko, hindi ako kayang mahalin ni Daddy nang higit sa pagmamahal niya sa'yo. Alam naman niyang mali na mainggit at isisi sa ina ang kakulangan sa kanya ng Daddy niya but whose to blame? Sino ba ang dapat niyang sisihin? Ang sarili niya ba? "You should go na, Mom. I have a client meeting later. I need to freshen up." Actually, after lunch pa 'yong meeting but since gusto niyang mapag-isa, pinaalis niya na lang ang Nanay niya. Rude, but she need some time to pull herself together. May possibility na magkita sila ni Rylie mamaya pagkatapos nitong 'ma-rescue' sa isla and she doesn't want to be a weeping mess. It already took her a lot of willpower not to cry in front of them when her heart is literally broken into pieces. Kinuha nito ang dalawang kamay niya at ginawaran 'yon ng halik. "I know what happened last night, your assistant called me. Nag-aalala lang naman daw sila sa'yo dahil bigla kang umalis kagabe kahit ang lakas ng ulan." Nanginginig ang mga balikat niya sa pagpipigil umiyak. "Steffi you have to let it go. Hindi mo pwedeng kimkimin at sarilinin lahat ng sakit d'yan sa dibdib mo-" Hindi na nagawang patapusin ni Steffi ang Mommy niya at parang bata na lang siyang napaluhod at ipinulupot ang kamay niya sa bewang ni Lena. "Gusto ko lang naman na maging okay sila Rylie at Amaia, Mommy. Gusto ko lang gawin 'yon habang pinapakita ko kay Daddy na kaya ko, na may dahilan para maging proud siya sa'kin, pero Mom, ang sakit. Ang sakit-sakit-sakit!" Humahagulgol na pag-amin niya. "Hindi ko na alam kung anong gagawin ko pagkatapos nito. Hindi ko alam kung pagbalik nila Rylie, may boyfriend pang babalik sa'kin o tuluyan na siyang mawawala. At hindi ko din alam kung kapag bumalik siya sa'kin, kaya kong kalimutan na lang ang lahat at tanggapin siya ulit." And her Dad. She still have problems with her Dad. Baka lalo lang lumayo ang loob nito sa kanya. Stephen have high expectations. Expectations she can't seem to achieve. "One step at a time, Steffi. Do it one step at a time. Face the consequences of your actions first, baby. Pero h'wag na h'wag kang gagawa ng mga desisyon habang galit ka. Baka pagsisihan mo lang sa huli." ----- Pagkababang-pagkababa nila Rylie mula sa chopper ay matama niyang pinagmamasdan ang kasintahan. Steffi saw him hug his parents. Strange. She never-in her twenty eight years of existence- saw Rylie this passionate and affectionate with his parents. Hindi tuloy niya alam kung nagawang palambutin ng pagkaka-stranded nito sa isla ang batong puso nito sa kanyang sariling Ama. As Steffi looks at him from a distance, she saw the longing look on Rylie's face as he look at Amaia and instantly regretted her decision to be there. She took a step back habang nakalapat ang palad niya sa tapat ng puso niya. Parang hirap na hirap siyang tignan ang taong mahal niya habang tinitignan ang taong mahal nito. Parang ang hirap tanggapin na dati.. dati sa kanya lang umiikot ang mundo nito. Na dati siya lang ang tinitignan ni Rylie nang ganoon. She can't move. She can't breathe. Paulit-ulit na nagre-replay sa utak niya yung mga nangyari kagabe. She's in so much pain. Too damn much that she just wanted to leave. Gusto niyang umalis at tumakas at magtago sa mundo but she can't afford that kind of leisure. She have to be here. She have to face him. She have to be strong. Taking a deep and shaky breath, she called him, but it wasn't enough for Rylie to hear. It wasn't even enough for her own hearing. "Rylie!" Ulit niya. Napalingon si Rylie sa kanya at nakita niya ang pagkabigla sa mukha nito. Nilapitan niya ang kasintahan at alanganin itong niyakap. He didn't hug her back. Steffi also felt him tense. Na para bang nagpipigil itong itulak siya palayo. "I miss you so much!" She kiss him and his eyes widened. Wow. Ngayon pa lang, ramdam na niya ang epekto ng ginawa niya. She's slowly losing him. "Okay ka lang ba? Are you hurt?" Tanong pa niya habang tinitignan ang mukha ng lalaki. "God! I miss you!" Pinipilit niyang maging okay sa harapan nito but she know she's failing. "Steffi Iha, kailangan na ng anak kong magpahinga." Mariing anas ng Tita Celine niya sa kanya. Agad siyang humiwalay kay Rylie. Wala man siyang narinig na kahit anong sumbat galing sa Mommy ni Rylie, alam niyang masama din ang loob nito sa kanya. "I, I understand Tita," inakay nito ang nagtatakang anak palayo sa kanya. Kasabay ng pagtalikod nito ay ang pagbagsak ng luha sa mga mata niya. "Zylie," Rylie's father, Louie, wrapped his arms around her to soothe her. "I'm sorry." "I understand, Tito. Maiintindihan ko rin kung magagalit kayo sa 'kin." "I will never be mad at you. You're our first baby, kami ng mga Tito Liam mo. Hinding-hindi kami magagalit sa 'yo. We'll always here support you." She stare at Rylie's retrieving back and wonder what the hell she's gotten herself into. 'Sana si Daddy ganito din, sana sinusuportahan niya din ako.' ***** "Board meeting. Now!" Galit na galit ang Daddy ni Steffi pagpasok nito sa opisina niya. Sanay man ay hindi pa rin naiwasang mapapitlag sa takot si Steffi dito. "About what, Daddy?" Kalmado niyang tanong. Masyado ng masakit ang ulo niya sa daming problema pero ayaw niyang magpatulong. Masyadong mataas ang pride ni Steff and she knew she can handle this. "You already know what this meeting is all about. Your Tito's will be here and we all want a valid and believable explanation kung paanong nakalusot sa board yang kagaguhang project na 'yan!" Napapikit si Steffi sa sinabing 'yon ng papa niya. Konting-konti na lang, bibigay na talaga siya. "I know what I'm doing, Dad. I can handle this." She took a deep steadying breath kahit sobrang hirap na hirap siya at sobrang sakit na ng dibdib niya sa sama ng loob. Kelan niya ba makukuha ang approval ng Daddy niya? "You better, Steffi. I did not raise you to be this stupid. I did not appoint you in your position just to bring shame into this company!" Pabagsak nitong isinarado ang pintuan ng opisina niya. Napapitlag si Steffi at parang hinang-hina siya na muling napaupo sa swivel chair niya. She wish she can turn back the hands of time. Sana mayroon siyang time travelling machine na pwedeng magbalik sa kanya sa panahon plano pa lang ang lahat. Sana panaginip lang ang lahat na paggising niya, nasa kanya pa rin si Rylie at mailap pa rin si Amaia dito. Then she'll do everything, anything, para lang hindi magtagpo ang landas nilang dalawa. She'd rather be selfish that to be hurt. Pero nangyari na ang lahat at wala nang ibang dapat sisihin kung hindi ang sarili niya. Steffi said she's taking full responsibility of on her actions, that she is. Dahil sigurado naman siyang wala siyang mapapala sa Daddy niya. He won't back her up, won't stand for her so all she have is herself. Tumayo siya. She squared her jaw and force herself to relax. It won't do her no good kung ipapakita niyang stressed siya. Kung ipapakita niyang mahina siya. She's Steffi Araullo for goddamn sake! "So ano pong gusto ninyong gawin natin sa video na 'yon?" Kalmado niyang sabi. Kung si Steffi ang papipiliin, gusto niya na lang sirain yung kopya nung video at ibaon sa limot ang mga nangyari pero hindi niya pwedeng gawin yon for her own selfish reason. Ang laki ng ginastos para sa production na yon. "We can still air it." suggest ng Daddy niya. Halos manginig ang tuhod niya pero pinili niyang manatiling kalmado. Kaya niya pa bang I-endure na makita at makita ng buong Pilipinas ang pagtataksil sa kanya ng boyfriend niya? Para naman siyang sinampal ng paulit-ulit non kapag nagkataon. "Papi, hindi nga pwede! Hanggang ngayon nga galit parin sakin si Yngrid dahil hindi ko agad sinabi sa kanyang alam ko na kung nasan sila Aia tapos dadagdagan mo pa?" Sabi ng Tito Liam niya. Tama nga ang Tito Louie niya. She's their first daughter kaya hindi ng mga ito nagawang magalit sa kanya. They accepted na may nagawa siyang kasalanan at hindi nila sinisisi si Steffi dahil doon. "That's what I'm telling Steffi, hindi natin pwedeng isakripisyo yung dalawa. Akala ko ba, dry run lang yun?" "Pero Tito, Sayang yung ginastos sa production. Isa pa, magaganda yung shots sa isla. Makatotohanan. Nakuha yung konseptong kailangan ko. What's gonna happen when you're stuck in a place with your enemy for one week? Ano-anong pwedeng mangyari? What are the chances na magkaayos sila? Magiging okay pa rin kaya sila pag naka alis sila sa lugar na 'yun? Masarap paglaruan yung mga emosyon nila." Matapang niyang sabi. 'Sige lang Steffi. Fake it till you make it.' "Kaya kahit ako isinali mo sa kalokohan mong 'yan?" Napalingon silang lahat nung biglang pumasok ang galit na galit na si Rylie sa conference room. Steffi stared at him, unable to hide her emotions. "Kaya pati emosyon ko, Steff, pinaglaruan mo?!" -------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD