WDBHG 6
"Miss Steffi," sumasakit man ang ulo ay pinilit ni Steffi na tumingin sa sekretarya niyang takot pumasok sa opisina niya kaya isinuksok na lang nito ang ulo niya sa pinto. "I know you said not to disturb you but you have to see my e-mail."
Agad niyang binuksan ang laptop niya at tinignan ang e-mail ng sekretarya. It was a video. "Livi, please, I don't have time for this-"
"Just watch it, Miss Steffi. It's about Sir Rylie." Her breath hitched a little upon hearing his name. She haven't seen him since the day he confronted her and she misses him. Hindi naman siguro masama na ma-miss niya ang taong mahal niya, 'di ba? She wanted to see him. She wanted to talk to him but every time she plans on going to his place, palagi na lang siyang hinihila ng mga paa niya pabalik. Palagi na lang siyang binubugbog ng isip niya ng mga tanong na para saan pa? O may dapat pa ba silang pag usapan at sigurado ba siyang kakausapin siya ni Rylie?
Things that makes her question her sanity. Siguro nga nababaliw na siya. Siguro nga masokista din siya. She want him back. She still wanted him kahit alam niyang masasaktan lang siya for trying.
Pinindot niya ang play button at habang hinihintay niyang mag-play yung video, sobrang bilis ng kabang nararamdaman niya. It's like seeing him for the first time.
At para siyang binuhusan ng malamig na tubig habang nakatutok ang mga mata niya doon. It wasn't a new video. It was in fact a part of the clip from Isla Araullo- where Rylie and Amaia had s*x. Pero hindi kagaya ng video na napanood niya, ang video na nasa harapan niya ngayon ay nasa ibang anggulo. It's like it came from another camera. And this one have sounds. Kaya rinig na rinig niya ang mga halinghing at ungol ng dalawa na halos magpayanig ng husto sa buong pagkatao niya. Hindi siya makagalaw. She knew that her Secretary is looking at her pero hindi niya ito magawang paalisin sa tapat ng pintuan niya. Ni hindi niya nga ito matignan dahil hindi niya maialis ang mga mata niya sa screen.
"Sa-saan mo na-nakuha ito?" She manage to keep her voice firm but she wasn't able to look into her secretary's eyes.
"Sa f*******:, Miss Steffi. Kalat na kalat na 'yan."
"What?!" Napatayo siya ng wala sa oras. Panandalian niyang nakalimutan ang panlulumong nararamdaman. Napalitan iyon ng takot na baka makarating sa Daddy niya ang balitang ito. "Paano nag-leak ang video na 'to?!"
"That's exactly what I wanted to know, Steffi."
"Dad-"
"S-sir Stephen!"
"Please, Livi, leave us alone." Maawtoridad na sabi ni Stephen.
"Yes, Sir." Agad na lumabas ng pintuan ang sekretarya niyang hindi niya napansin na nasa loob na pala ng opisina niya kanina.
"Dad, I can handle this." Hinilot niya ang pagitan ng mga mata niyang Ilang araw nang sumasakit. Stress is getting the best of her. Idagdag pang nasa iisang kwarto lang sila ng Daddy niya.
"I know you can,but I think you shouldn't. Magpahinga ka muna, Steffi. A month or two. Tumawag ako sa Tito James mo, he and your Tita Cess are willing to take care of you-"
"Wait.. what?" Naguguluhang tanong niya. "Hindi po ba dapat na mas manatili ako sa Pilipinas para asikasuhin itong isyu-"
"Steff, I already gave your position to Vince." Malumanay na sabi nito na lalong ikinainis ni Steffi.
"Vince. Vince Samaniego? Yung utusan n'yo nila Tito?" Hindi makapaniwalang tanong ni Steffi. "But he's not even qualified for the position! You're letting a complete stranger take over Araullo Network?!" Pasigaw na sabi niya. Napansin ni Steffi ang pagpasok sa opisina ng Mommy Lena at ng mga kapatid niya maging ang mga Tito niya pero wala sa kanila ang atensyon niya. "Seriously, Dad. Ganyan ba kaliit ang tingin mo sa akin para gawin mo 'to?!" Nanginginig na napahawak si Steffi sa gilid ng lamesa niya. Bibigay siya kapag hindi niya ginawa iyon. That o baka mabato niya sa Daddy niya ang apple laptop na nasa lamesa niya.
"That stranger cares for this company enough to save it from humiliation. This is all your fault, Stephanie. You should be the one fixing this mess pero anong ginagawa mo? You're sulking. You feel sorry for yourself. Alam mo ba kung gaano na kalaki ang nawawala sa kumpanya dahil sa ginawa mo? We're starting to lose credibility. I asked you to save the ratings pero anong ginawa mo? Lalo mo lang pinabagsak sa pagpapakalat ng video na yan! You and your stupid ways to handle a stressful situation!"
"But I put a lot of effort-"
"Guess your effort wasn't good enough."
Her lips quiver and her knees buckled but she stood still. Hindi na ata kakayanin ng kalooban niya na pati ang Ama ay maliitin siya.
"Paano naman po ako? Akala niyo ba biro lang sa akin ang lahat nang 'to? You think I didn't care for this company enough to sacrifice my relationship? Akala mo ba, Dad, trip-trip lang na pinagsama ko ang boyfriend ko at si Amaia sa isang isla gayung alam ko na may possibility na ma-realize ni Rylie na mahal niya si Amaia? Did it ever occur to you na baka nasasaktan ako sa nakikita ko? Malamang hindi. Damn! Ni hindi mo nga ata alam that I risked everything, my career, my relationship, my everything para lang maging proud ka sa akin! Para lang marinig kong sabihin mong 'wow, Steffi. Ang galing-galing mo, I'm so proud of you,' tapos sasabihin mong my efforts wasn't good enough for you?! f**k you, Dad!"
Napasinghap siya nang dumampi sa pisngi niya ang palad ng Ama pero mas masakit pa ata ang malamang hindi pa pala sapat rito ang mga isinakripisyo niya.
"Vete a la verga ruca!" Sigaw nito. Nasa tabi niya kaagad ang Mommy niya habang hinila naman ni Logan palayo ang Daddy niya. "Hindi kita pinag aral sa maayos na eskwelahan at inilagay diyan sa posisyon mo para lang lumaking bastos, Stephanie. Serverguenza!"
"Sana nga hindi niyo na lang ginawa 'yon. Sana nga hindi mo na lang ako inilagay sa posisyon ko. Para hindi nagkandaletse-letse ang buhay ko kakaisip kung paano aabutin ang expectations mo!"
Her father gritted his teeth in annoyance pero hindi na ito nagsalita.
"Ngayon kung iniisip mong ako ang nagpakalat ng video na yan, then you're damn wrong! I didn't do anything! Silaban nyo man ako ngayon, hindi ko aaminin na ako ang nagpakalat ng s*x video nila sa Isla. It wasn't even taped! I let my crew cut all the feeds before they started doing it!" The lie tasted bitter on her mouth pero hayaan na. Bakit pa niya aakuin ang pagkakamaling 'yon at sasabihing napanood ng mga staff niya ang kahalayan ni Rylie? She wasn't good enough for Stephen kaya huwag na lang.
"Seriously? Do you even think na kaya kong tignan ang boyfriend at ang babaeng itinuring kong kapatid habang pinagtataksilan ako? Sampal na nga sa pagkatao ko yung ginawa niya, gugustuhin ko pa bang yurakan 'yon nang husto? Gugustuhin ko pa bang lumabas na mukhang tanga? Na hindi nakuntento sa akin si Rylie kaya naghanap siya nang iba?!" Humarap siya sa mga taong nakapaligid sa kanya matapos niyang kalmahin ang sarili niya.
"Aalis ako sa posisyon ko hindi dahil sa inaamin kong may mali ako, kung hindi para ipaalam sa inyo na may halaga ako. If I wasn't good enough for you, if this position wasn't really meant for me, then maybe I wasn't good enough for Araullo Networks either. Pero sana naman, Mister Araullo, kahit ngayon lang, ako naman ang paniwalaan mo. Kahit ngayon lang, iparamdam mo na anak mo rin ako. Stand up for me. I am your daughter, not your enemy!" Dahan-dahan siyang lumayo sa mommy niya at walang lingon-likod siyang lumakad paalis sa opisina niya. Naririnig niya pa ang pagtawag sa kanya ng Mommy Lena niya pero hindi niya ito pinansin. She use the company's private elevator papunta sa private parking lot para sa mga executive ng network. She grab the keys from her bag bago pa man siya tuluyang makalapit sa black convertible niya.
Punong-puno ng luha ang mga mata niya habang pinaaandar ang sasakyan. And before she even got out from the parking lot, muntik na siyang mabangga dahil wrong way ang in-exit-an niya.
"f**k s**t! Miss! Kung magpapakamatay ka, h'wag kang mandadamay!" Rinig na rinig niya ang pagkakagulo sa paligid niya pero wala siyang pakialam. They don't know what she's feeling. Na parang kahit tuluyan siyang mabangga ay wala na siyang mararamdaman. Manhid na siya sa sakit.
Isinubsob niya na lang ang mukha niya sa steering wheel at doon umiyak.
The great Stephanie Crystal Araullo has fallen.
------
"So, susundin mo ba si Tito Stephen? Pupunta ka muna sa U.S.?" Tanong ni Zylie matapos nitong ilagay ang isang mug ng hot chocolate sa kamay niya at maupo sa tabi niya.
Hindi niya maalala kung paano siyang nakaalis sa parking lot na 'yon at kung paano siya nakarating sa town house ni Zylie but she's there. Magang-maga ang mga mata at halos hindi makausap ng maayos.
"Hindi ko alam. Hindi siguro. Ayaw ko munang magkaroon ng kahit na anong kaugnayan sa pamilya ko. Ang sakit, Zy. Imagine, my efforts wasn't good enough for him? Pagkatapos kong ilagay sa alanganin ang relasyon ko kay Rylie, it wasn't good enough for him?"
"Wala naman kaseng nagsabi sayo na gawin mo 'yon. Masyado mo kaseng kinarir ang pagpapa-impress diyan sa Daddy mo e. Ang tanga-tanga mo na sa ginawa mong 'yon, nasaktan ka pa ng husto."
Naalala ni Steffi ang galit at disappointment sa mukha ng Daddy niya at nag-unahan na namang tumulo ang mga luha niya. Zylie,on the other hand, whose basically not a cuddling type awkwardly reaches out to hug her.
"I would suggest you stop crying this instant kase ang pangit mong umiyak pero huwag na lang. Hahayaan kitang umiyak sa balikat ko ng ilang oras at pagkatapos no'n, gusto kong bumalik ka na sa dati. I wanted to see the stronger version of you. b***h ka Steffi. Bitches don't cry."
"One hour lang, Zy. Give me one hour." She choked out her own words. She can't always be this messy. She can't afford to be a weeping mess kaya binibigyan niya ng ultimatum ang sarili niya kung gaano lang niya katagal pwedeng I-let go ang emosyon niya.
-----
Few days ago
Rafa Armani Love glance at his watch. Kinakabahan siya at gusto na niyang bumalik silang dalawa ni Zylie sa townhouse nito na ayaw niya. Sweat glistening the side of his head, he pulled his car over and look at her.
"Kanina ka pa wala sa sarili mo, Pagibig. May problema ka ba?" Taas-kilay nitong sabi. Zylie Chermine Crisologo, his childhood sweetheart. The love of his life. Bata pa lang siya, ipinangako na niya sa sarili niya na balang-araw, pakakasalan niya ang dalaga. He even carved their names on a tree. Ipinangako din sa kanya nito na siya ang lalaking pakakasalan ni Zylie when they grow up. They had plans. A garden wedding. A white picket house. A mini-van. A twin.
Until s**t happened. Zylie's disastrous eighteenth birthday changed everything they planned. Unti-unti ring lumayo sa kanya ang babaeng minahal niya. Gone was the sweet and innocent girl who wanted a simple life to a woman who never believes in love. But he's determined to remind her of their plans.
"Wala. Iniisip ko lang yung next project ko." Nakangiting sagot niya bago siya tuluyang lumabas sa sasakyan. He look around Zylie's house and sent Arkhin- Zylie' s brother a text message saying they're here, umikot na siya para pagbuksan si Zylie ng pintuan.
"You're acting weird, Rafa. Sigurado ka bang okay ka lang?" Tanong pa nito kahit naglalakad na palayo. She unlocked her door and Rafa followed. Unsure of how she'll react the moment she saw what's waiting for her.
The smell of fresh flowers and scented candles assaulted his nose and he breathed a sighed of relief as Zylie walk inside the candle-lighted house instead of running away as he expected. Her living room was transformed into a flower shop. With lots and lots of flowers-variety of flowers that the old Zylie used to love.
"A-ano 'to?" She said, stammering. Zylie looked at him. Confusion and worry clearly written on her lovely face that made Rafa feel unease. With wobbly knees, he sank on his feet. "Anong ginagawa mo?!"
Galit itong hinila siya patayo but he won't budge. It's now or never ika nga ng Mama niya.
"Zy, naalala mo ba yung pangako ko sa'yo nung mga bata pa tayo?"
Natigilan ito sa sinabi niyang yon. She stood there, frozen. As if she's trying to remember what he's talking about.
"I promised to marry you. When we we're younger, tinanong kita kung gusto mong magpakasal sa akin and you said yes. You promised me, Zy. Na iintayin mo akong mag-propose sa'yo.." Kinuha niya yung kahon ng singsing na nakapatong sa flower pot malapit sa kinaluluhuran niya sabay buntong-hininga. "I'm down on my knees, babe. Wala akong ibang gustong gawin sa buhay ko kundi ang mahalin ka. I love you Zylie. And I want to spend the rest of my life with you. Sleeping and waking up to your beautiful face every day. Gusto kong malaman mo na ten years old pa lang ako, pinangarap ko na ang araw na 'to. Na pwede ko nang ipagsigawan sa buong mundo na pakakasalan kita, na akin ka na.."
Binuksan niya ang maliit na kahon at tumambad sa kanilang dalawa ang isang singsing na may maliit na diamond sa gitna. It glitters because of the light and Rafa heard Zylie gasped. Kinakabahan siyang nag-angat ng tingin at tinignan si Zylie sa mga mata. "Zylie Crystal Crisologo, i want us to take the next level. Will you marry me? Will you be mine forever? Aalagaan kita, I'll be the one to protect you. I'll be with you twenty-four seven if you wanted me to."
He forced himself to breathe. Habang hinihintay niyang sumagot ang nakatulalang si Zylie, while she's prolonging his agony, mas lalo lang bumibilis ang t***k ng puso niya. Para siyang aatakihin sa puso-
"No."
"Ha?" Naguguluhang tanong niya. Kinuha ni Zylie ang singsing na nasa box at inilagay yon sa kamay niya. "Zy-"
"No Raf, I won't- can't marry you." Tumalikod ito sa kanya at bumuntong-hininga habang nanatili lang siyang nakaluhod dun. Kung nanghihina lang siya at hindi niya alam kung makakatayo siya ng maayos sa sinabing yon ni Zylie o dahil hindi niya lang alam ang protocol kapag na-reject ang wedding proposal pero hindi siya makatayo.
"How can we take this, us- whatever this is- to the next level, eh, wala namang tayo?"
Furious about what she just said, he curled his fist as he stood up and yank Zylie's arm so she's now looking at him.
"Walang tayo? Zylie, we lost our virginity to each other. I was there, I'm always there every f*****g time you need me. Isang buwan tayong magkasama sa iisang bahay na parang mag-asawa tapos sasabihin mong walang tayo?Putangina. Anong akala mo sa ginagawa natin? Bahay-bahayan? Ginamit mo lang ang katawan ko?" Punong-puno ng galit na sabi niya. Wala na siyang pakialam kung may nakakarinig sa mga sinasabi niya. Nandito siya. He's pouring his hearts content out, proclaiming his undying love and devotion to someone tapos sasabihin nito na walang sila? "Nagjo-joke ka ba? Alam mo bang may balak akong magpropose sa'yo ngayon? Sinabi ba nila sayo yan kaya pinagti-tripan mo ako ngayon?!"
At the genuine shock and the gasp she emitted the moment someone decided to turn the lights on, he knew.. This was all her. Hindi siya pinagti-tripan ng mga kapatid nito. Desisyon ni Zylie na saktan siya sa paraang ito lang ang makakagawa.
"Okay." He took a step back. Running his fingers on his sweat-wet hair, he took another step, and another, until his back bump on the door. Squeezing the ring in his hand, touching its hard surface. Tears stung his eyes as he blinked to keep them from falling. She was breaking his already-broken heart.
Para siyang natutuyuan ng laway and he cleared his throat. "Alam mo Zylie, malayo pa ang halloween pero alam ko na kung anong costume ang gusto mong iwasan, commitment. 'Di ba doon ka takot?" He walked out and slammed the door shut.
----
-----