WDBHG 3

1554 Words
--- "Are you sure, you're okay with this?" Napabuntong hininga na lang si Steffi. Ilang beses niya pa bang maririnig ang mga salitang 'yon? Dalawang araw na simula nang mag-livetest airing sa website ng Araullo network ang 'A week with your enemy' at ilang araw na din sila Amaia na nasa isla at clueless pa rin sa mga nangyayari sa kanila ngunit pinuputakti pa rin si Steffi ng mga tanong na 'okay lang ba siya' o 'hindi ka ba nagseselos sa sweetness na pinapakita ng boyfriend mo sa iba', o 'baka ma-realize ni Rylie na mahal niya ni Amaia.' She's starting to think na hindi nga magandang idea ang lahat nang 'to, but really, there's no turning back now, especially maganda ang ratings at mainit ang pagtanggap ng mga tao sa show. "Okay lang ako, Lukas. I'm doing this for the company." Her brother snorted in disgust. "For the company or for Daddy's approval?" Saglit na natigilan ni Steffi. Her brother hit the right spot. She's not doing this for the company and for the ratings or for anyone's sake. She's doing this to impress her Daddy. "Alam mo Ate- I mean Steff, mahal kita. Pero kapag dumating 'yong time na magkagulo ang lahat, hindi ang side mo ang susuportahan ko." "Hindi magkakagulo, Luke." "If you say so." He said shrugging. "Nga pala, babalik na daw si Logan next week. Magre-retire na daw siya sa Army. Siguro, nabagok ang ulo nung bugok na 'yon at na-realize niya din na hindi niya kailangan magpa-impress kay Daddy just by joining the Army. Hanggang ngayon hindi ko pa rin kayo maintindihan. Why do you have to impress him anyway? Bakit hindi n'yo na lang ako gayahin?" "Technically kase, kahit kambal kayo ni Logan, ikaw 'yong bunso. Ikaw 'yong paborito. Kahit wala kang gawin, ikaw palagi kong nakikita ni Dad. Ikaw ang baby niya." "Oh, halika, Steff. Palit tayo dali." Pang asar na sabi nito. "Hindi ako paborito ni Mr. Araullo. Nagkataon lang na mas vocal ako sa kung ano ang gusto ko. And I want to do whatever I wanted to do, whether he approves them or not. Palagi kong ginagawa yung alam kong mas makakabuti sa'kin, saka ko na lang iisipin kung magugustuhan ba 'yon ni Daddy o hindi." Inilagay pa nito ang dalawang kamay niya sa magkabilang balikat ng kanyang Ate. "Ikaw din, Ate. You should start putting yourself first, bago mo isipin si Daddy 'coz in the end, your future is at stake, your happiness is at stake, even your lovelife. You're putting your relationship with Rylie on the edge. Ikaw din, alam naman natin noon na mahal ng boyfriend mo si Amaia. It will only take a matter of time bago siya mag-give in sa temptation. Baka bukas makalawa, wala ka nang boyfriend." Pinisil pa nito ang balikat niya sabay yuko para mahalikan ang noo niya bago tuluyang umalis. Naiwan si Steffi na nakatingin sa mga monitor. Delayed yung airing dahil ine-edit pa 'yong ibang kuha kaya hindi pa nabo-broadcast yung pagkalaglag ni Amaia sa puno dalawang araw na ang nakakaraan at kung paano ito alagaan ng husto ni Rylie. "I need to see them." She said to herself. I need to be as close to them as possible." Tama si Lukas. Panahon na siguro para sarili niya naman ang isipin niya. She's going to pull out everything, even her position para lang maisalba pa yung kung anong meron sila ni Rylie. ------ "Ma'am Steffi, ang lakas po ng ulan. Negative na makarating 'yong helicopter sa isla." Hindi niya alam kung paano niya aaminin sa dalawa yung ginawa niya without them hating her kaya naisip niya na lang na kunwari may darating na helicopter para I-rescue sila pero ayaw makisama sa kanya ng panahon. The moment the chopper dropped her sa isla, nag-umpisa nang umulan ng malakas. "Sige, bukas na lang siguro." Nakausap niya na din ang Daddy niya tungkol dito. Ready na siyang I-terminate ang show and she's taking full responsibility sa mga damages, sa pagbalik kila Amaia sa Metro, hanggang sa pag amin sa ginawa n'ya. Nakausap niya na din ang mga magulang nila Rylie and Amaia at hindi naging madali para kay Steff na kumbinsihin ang Mommy ng dalawa na magiging okay lang lahat. "Amaia, sorry kung natakot ako sa nararamdaman ko sayo nun. I was afraid. Sa tuwing nakikita kita, sumasakit yung dibdib ko. Parang sasabog. No one ever made me feel the way I felt about you. Hanggang ngayon. Amaia, gusto kong kamuhian mo ako dahil ayokong magaya kay Daddy, dahil natatakot akong masaktan kagaya ni Mommy. Gustong-gusto kong magalit sayo when in fact, all I wanted to do was to love you." Natigilan si Steffi nang marinig ang mga salitang 'yon galing sa bibig ni Rylie. Para siyang nanghina. Parang biglang hindi niya na alam ang gagawin niya dahil may bombang bigla na lang sumabog sa mukha niya. Nakita niya ang ekspresyon ng mukha ni Aia. Like she's having an internal battle with herself. Napadiin ang kapit niya sa lamesa habang hinihintay kung ano ang magiging sagot ni Aia. 'Yung tipong, parang alam niya na kung anong lalabas na mga salita sa bibig nito-and she's expecting those words to come out from her mouth- pero masakit pa rin. And she needed the pain para mapatunayan niyang totoo ang mga nangyayari. "Parang pati yung pag amin mo, sobrang late na din ah. Ano pang silbi nung sinabi mo Rylie, ano pang silbi nung pagsasabi mo na gusto mo akong mahalin kung wala na akong ibang maramdaman para sayo kung hindi yung galit ko?" Matigas na sabi ni Amaia. She saw her biting her lower lip para pigilan ang panginginig n'on. "Grade three palang ako, alam mo na yung nararamdam ko. Bata palang ako alam mo ng gustong gusto kita. Halos ihandog ko na yung sarili ko sa'yo diba? And all you ever did was humiliate me. Tapos ngayong hindi na ako naghahabol sayo, saka mo aaminin na gusto mong mahalin ako? f**k you very much! Sinong nagbigay sayo ng karapatan para paglaruan yung feelings ko?!" "Amaia-" "Shut the f**k up Rylie Eliazar!" "Pakinggan mo naman-" Biglang lumakas ang ulan kasabay ng malakas na kulog kaya bigla itong napayakap kay Rylie. Gusto na niyang umalis. Para kaseng hindi niya na kayang makita ang mga susunod pang mangyayari pero tila naka-glue na 'yung mga paa niya sa semento at nanunuyo na din ang lalamunan niya na tipong kahit ang paglunok ay hirap na hirap siyang gawin. "Bitawan mo 'ko." Pilit nitong inilalayo ang katawan niya kay Rylie. "Amaia kailangan nating pumunta dun sa bahay na nakita ko. Magkakasakit ka kapag hindi ka natuyo." Muli pa itong nagtalo ngunit sa huli ay nagawa pa rin ni Rylie na buhatin si Amaia at tumakbo papunta sa kubo. Ang sakit-sakit ng dibdib ni Steffi. Para silang nasa isang teleserye kung saan siya yung babaeng nagmamahal sa lalaking biktima, na nasasaktan sa malayo. "Kahit ngayon lang, Amaia. Iparamdam mo naman sa akin na kailangan mo ako dahil kailangan mo talaga ako at hindi ka napipilitan lang," Parang minamaso ang dibdib ni Steffi. Ganun pala 'yon. Oo, masakit malamang ang taong mahal mo ay may mahal na iba pero walang-wala 'yon sa sakit na nararamdaman ni Steffi. Dahil kitang-kita ng mga mata niya yong pagtataksil na 'yon. She wanted to cry but she stopped herself. Not now. Not in front of her employees. Walang may alam na putol ang audio connection sa kubo kaya nakuntento na lang siyang pagmasdan ang kinikilos nila at hulaan ang mga salitang lumalabas sa bibig nila. Hanggang sa nakita niyang itulak nito si Amaia pahiga sa papag. Narinig niya ang pagsinghap sa likuran niya. Kailangan niya pa bang hulaan kung ano ang mga susunod na mangyayari? Handa ba siyang makita pa 'yon? Gusto niya pa bang makita? Siguro nga, isa siyang masokista. Dahil alam niya nang ikakamatay niya ang mga susunod na mangyayari pero mas pinili niya pa ring manood at tahimik na masaktan. Masaktan habang nakikipagtalik sa ibang babae ang boyfriend niya. Masaktam habang wala ibang salitang lumalabas sa bibig nito kundi ang mahal niya ang babaeng kaniig. At masaktan, dahil hindi man lang siya pumasok sa isipan ni Rylie at ang katotohanang siya pa ang girlfriend nito. Shocked. 'Yon ang pakiramdam na umiikot sa paligid niya. Alam niyang wala ring nagsasalita sa likuran niya dahil nagulat din sila sa mga inasal nila Rylie at Amaia na ilang araw na nilang pinagmamasdan at wala namang ibang ginawa kung hindi ang mag-away. Swallowing the lump in her throat, Steffi asked them to move. "Party's over." She said through gritted teeth. "Cut all the feeds. And leave me alone." Nung umalis ang mga empleyado niya, saka niya pinakawalan yung mga luhang ilang araw na niyang pilit itinatago. Pasalampak siyang naupo sa sahig habang nakapatong ang mga kamay sa ibabaw ng bibig niya. Wala namang makakarinig na umiiyak siya, walang dapat makaalam na umiiyak siya. Nahihirapan siyang huminga kaya ibinaba niya na lang ang mga kamay niya sa may leeg niya. Gusto niyang mamanhid. Gusto niyang walang maramdamang sakit. She's tough. She had to be tough. She wasn't raised to be weak. She can't manage Araullo Network kung paiiralin niya yung puso niya. But then, She's only human. A girl trapped in a woman's body. May pakiramdam, may pakialam. Nasasaktan. Umiiyak. ----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD