"Babe," Rylie is lost in Amaia world again and Steffi had to snap her finger in front of his face to gain his attention.
"Yes, Babe?" Rylie answered. He look at her for a moment and then focus his eyes on the t.v. Nasa club house silang dalawa but her boyfriend is ignoring her.
"Yung napag usapan n'yo ni Daddy tungkol dun sa mga paintings?" Isa kaseng painter ang boyfriend niyang si Rylie.
"Oh, yeah. I told him I need to see the place muna para malaman ko kung saan maganda ilagay yung ibang items."
"Oh, good! Pwede kang sumabay kay Amaia since pupunta din s'ya dun next week."
Steffi is intently looking at him and she saw a flicker of excitement on Rylie's eyes and it hurts her. It hurts to see that her boyfriend is more interested with the fact that Aia will be joining them. "And since alam ko naman na magiging awkward masyado, I'll come with you."
"What? Why?" Nanlalaki ang mga matang tanong ni Rylie na lalong nagpasikip sa dibdib ni Steffi. Mukhang hindi nga magandang idea na gamitin niya si Rylie a. "I mean, hindi ka ba kakailanganin dito, Babe? I thought marami kang kailangang gawin sa opisina-"
"And I thought, you said I needed a break so I'm taking one." Pagtatapos ni Steffi sa sinasabi ni Rylie. "At saka, matagal na rin akong hindi nakakapunta sa isla ha. Parang bonding moment na rin nating dalawa 'yon." Saglit na natahimik si Rylie sa sinabing 'yon ng kasintahan.
"Ayaw mo ba?" Balewalang tanong ni Steffi kahit sa totoo lang ay kinakain na siya ng iba't-ibang klaseng emosyon na nararamdaman niya sa mga oras na 'yon. She's starting to feel betrayal and rejection. Mga bagay na sanay na siyang maramdaman pero hindi siya sanay na manggaling 'yon kay Rylie.
"Hindi naman, Stef." Kibit-balikat na sagot nito. "Okay, sabihin mo na lang sa'kin kung kailan tayo aalis para makapagpa-book na ako ng flight-"
"No need, Babe. We're taking the yatch. Hindi lang naman kase tayong tatlo ni Amaia ang pupunta dun, 'yung construction firm na nakakuha ng kontrata para I-renovate 'yung rest house, kasama natin." Natigilan si Steffi sa pagsasalita dahil halata namang hindi nakikinig sa kanya ang nobyo at parang napakalayo na naman ng isip nito.
"Babe," Aniya sabay huli ng mukha nito para mapatingin sa kanya. "I love you."
Yumuko ito at hinalikan ang balikat niya bago sinagot ng mahinang 'I love you, too' ang sinabi niya. Nanatiling nakayuko ang lalaki kaya hindi na pinigilan ni Steffi ang nag-uunahan sa pagtulong mga luha niya.
Kung pwede lang bawiin ang mga naging desisyon niya. Kung pwede lang na mag-back out at sabihing hindi niya kakayanin na magsama ng matagal si Rylie at ang babaeng mahal nito-- na pilit nitong itinatanggi dahil lang galit si Rylie sa ina ni Amaia ay hindi naman lingid sa kaalaman niya-- sa isang isla na sila lang dalawa. That'll make her appear weak. That'll lose her credibility at magiging dahilan pa 'yon para ma-disappoint sa kanya ang Daddy niya. It's either she lost him or she lost everything.
Hindi naman siguro siya pagtataksilan ni Rylie 'di ba? Hindi naman ito ang tipo ng lalaking mahilig mambabae. Nagawa ngang ipagtabuyan ni Rylie si Amaia palayo sa kanya noon e. Kaya din siguro nito na tiisin si Amaia na highschool pa lang sila ni Rylie ay alam na niyang mahal ng lalaki ngunit pinipigilan lang nito. Tama. Kailangan lang ni Steffi na magtiwala sa relasyon nila. Dahil kung hindi niya gagawin 'yon, siya lang din naman ang mahihirapan.
---
"Miss Steffi?" Naalis ang tingin ni Steffi sa tv monitor kung saan malaya niyang pinagmamasdan ang boyfriend na si Rylie na pilit kinakausap si Amaia na wala namang ibang ginagawa kundi ang iwasan ang lalaki. Nagawa nilang madala sa isla Araullo ang dalawa nang hindi nito nalalaman matapos niyang mag-back out at sabihin may importante siyang meeting na kailangang atendan. Pagkatapos ay nilagyan nila ng pampatulog ang inumin ng dalawa at pinalabas na sumabog ang yateng kinasasakyan nito, kasama ang may sampung kataong crew-na nagpanggap na galing sa construction firm- at silang dalawa lang ang natira.
Ngayon nga ay nasa kabilang parte na sila ng isla, kung saan hindi pa masyadong nade-develop at napapaligiran pa ng iba't-ibang uri ng puno at halaman sa bukana. May nakatagong waterfalls sa pusod ng kagubatang iyon at ang lumang pawid kung saan may naka set-up ding hidden cameras, just in case maisipan nila Rylie na doon magpalipas ng gabi.
This is where the fun starts.
"All set for filming na po, Ma'am." Nakayukong saad nito sa kanya.
"Sige. Ako na muna ang bahala dito." Without another word, iniwan nito si Steffi kaya ibinalik muli ng dalaga ang tingin sa monitor. Unang araw pa lang ng boyfriend sa Isla, kakaibang paninikip na ng dibdib ang nararamdaman niya. Parang gusto niya nang ipasok ang sarili sa monitor at hilahin na pauwi ang boyfriend. Gusto niya itong siilin ng halik sa harap ni Amaia para lang mapatunayan niya sa sarili niyang walang nagbago at walang magbabago sa relasyon nilang dalawa pero pinigilan niya ang sarili niya. She have to trust Rylie. She have to trust his love, to have faith in their relationship kagaya ng ibinabandera niya sa Daddy at mga Tito niya para lang pumayag sa project na 'to.
"Anong gagawin natin dito?" Narinig ni Steffi na tanong ni Amaia. Napaupo siya ng maayos sa swivel chair n'ya. Kung titignan mong maigi si Steffi, malalaman mong nagseselos siya. Her stiffness was a complete give-away but she remained calm. Sobrang kalmado na parang isa siyang malakas na bagyong nag-iipon pa ng ulan.
"I dunno, ikaw alam mo?" Ani Rylie.
"Kung alam ko, hindi na ako magtatanong sa'yo." Nakasimangot na sagot ng dalaga. Napapailing na lang si Steffi. Gone was the sweet and lovable Amaia Yrina Guevarra na walang ibang ginawa noong mga bata pa sila kundi ang habol-habulin si Rylie. Totoo nga siguro ang kasabihang 'Your first heartbreak will change you forever' dahil nandito si Aia, isang buhay na pa-totoo sa kasabihang 'yon.
She watch them intently. Notice Rylie's longing gaze every time Aia's not looking at lalong nanikip ang dibdib niya nang biglang tanggalin ng babae ang suot nitong damit. Not that Steffi blames her. Basang-basa kase ang damit na suot nito gawa ng pagkababad ng matagal sa tubig.
Sa reaksyon ng kanyang boyfriend siya naiinis. Sa kung paano hagurin ng mga mata ni Rylie ang katawan ni Amaia.
'Mahal ako ni Rylie. Mahal niya ako.' She kept on saying those words sa utak niya. 'Hindi siya gagawa ng mga bagay na alam niyang ikakasira ng relasyon naming dalawa.'
"Hindi ko naman pinagnanasaan yung katawan mo eh." Ani Rylie habang naglalakad ito palayo. She heard a hint of lie in his statement as well as saw the lust blazing in his eyes. They continue their bantering hanggang sa makita ni Steffi na umalis si Amaia at pumasok sa mapunong parte ng gubat. Ilang minuto niyang pang tinignan ang nakatulalang si Rylie. Isang araw pa lang and she can already feel the tension building.
Alam niyang hindi siya kailangan sa set. Mas kailangan siya sa Metro, as an EVP of Araullo Network, marami siyang bagay na mas kailangang asikasuhin kaysa ang bantayan ang dalawang taong pinagsama niya sa Iisang lugar para sa isang social experiment kung saan itinataya niya ang lahat. Pero hindi niya magawang lumayo. Needless to say, hindi niya kayang iwan si Rylie sa poder ni Amaia kahit na sabihin pang siya naman ang nagsuggest nito in the first place.