Lubog na ang araw ng makauwi kami ni Carter para mag ayos. Seven thirty pa naman daw iyon at hindi naman siya nagmamadali kaya medyo nagtagal pa iyong tulog niya. Pagkarating sa bahay ay kaagad akong nagtungo sa kwarto para mag ayos.
I took a bath and changed into the dress that Carter bought. The dress was pretty and it hugs my body the reason why my curves are on display. I haven’t dressed like this since I turned legal. Kulay puti iyon at medyo madaming detail. Hanggang ibabaw ng tuhod ang haba pero komportable naman para sa akin. I let my hair down since I don’t know how to style that much.
Pagkalabas ko ng silid ay wala pa si Carter sa sala kaya hindi ko mapigilang mapatanong sa lalaking malapit sa pintuan.
“Naunang umalis si Sir Carter, Ma’am. Ihahatid ko raw kayo kapag natapos na kaya sa pag aayos.” Magalang na sinabi niya.
Napakagat ako ng labi dahil doon at tumango na lamang. I expected him waiting for me… Pero sino ba naman ako para hintayin niya diba? He was just guilty that is why he was soft to me a while ago.
Wait— Carter could never feel the word guilty!
Kahit ako rin ay hindi alam kung bakit iyon ang pakikitungo niya kanina sa akin. Ayaw ko ng maglagay pa ng malisya roon dahil ayaw ko ng isipin pa ang nangyari kanina.
Sumama ako sa isang tauhan ni Carter. Tahimik lang ako habang nasa byahe hanggang sa pumasok ang isang sasakyan sa pamilyar na pangalan na nasa tuktok ng building.
Lewandowski Hotel
Iyon ang nakalagay at parang nasa seventy floor iyon. Sa itsura pa lang ng hotel, parang nasa seven star hotel siya! Nakakalula iyon pero hindi rin naman kami nagtagal dahil pumasok na kami sa parking lot.
“Sasamahan ko po kayo, Ma’am papunta kay Sir,” aning lalaki.
Tumango na lamang ako sa kanya at sumama. We entered at the front door. Nanginig pa ang tuhod ko dahil sa dami ng tao at halos lahat ng iyon ay sumisigaw at kumikinang sa yaman dahil sa kanilang mga suot.
Pakiramdam ko para akong impostor dito. I never owned something that cost so much money. Lahat ng mayroon ay galing talaga kay Carter. Pero hindi naman ako nandito para magpa-impress sa mga taong ‘to. Nandito ako dahil binayad ako ni Uncle sa utang niya at gagawin ko ang lahat hanggang sa makawala ako.
Habang papasok kami ay hindi ko talagang maiwasang mapatingin sa bawat kasuotan ng bawat isa. Ang iba naman ay may mga dala pang bagahi para siguro mag check in or ano. Bumuga ako ng hangin at pumunta kami sa dining room. It was a huge place and looked so expensive.
I saw Reus and Cillian sitting on the chair. Nang papalapit na ako ay tuluyan ko nang nakita si Carter. Cillian greeted me first and I greeted him back. Silang magkakaibigan pa lang din naman ang nandoon at ang dalawang nakakatandang lalaki. Hindi ko alam kung dadami pa ba sila o ito lang naman ang kasama.
I shyly but politely greeted each of them at uupo na sana sa tabi ni Cillian ngunit nagulat ako nang biglang hinigit ni Carter ang beywang at pinaupo ako sa tabi niya.
I didn’t mind him because of embracement. Inayos ko ang buhok ko at umupo ng tuwid. Reus on the other side was speaking something. Hindi ko agad narinig iyon kaya lumapit ako.
“You looked so fine,” aniya.
Napangiti ako at nagpasalamat sa kanya. Muling nakuha ng atensyon ko si Carter dahil sa kamay niyang nasa hita ko. Palihim ko iyong hiwakan at kukunin sana kaso lang mas hinigpitan niya ang pagkakahawak. Dinig ko ang paggalaw ng upuan niya at naramdaman ko na lang ang braso niya sa braso ko, animo’y nilapit sa akin ang kinauupuan.
“I should choose the ugly dress next time, you made everyone look at you. I should be the one looking at you like that.” I heard him whisper.
Hindi ko siya pinansin at nakatingin lamang sa pinggan na nasa harapan ko. Ilang sigundo ang nakakalipas parang hinampas ako ng katotohan dahil sa kinilos. Dapat hindi ko siya ginaganito dahil nandito lamang ako para samahan siya at sabi niya nga na personal maid niya ako.
Hinarap ko si Carter at medyo nilapit ang mukha sa tainga niya para makabulong. “Pwedeng lumayo ka ng kaunti? O kung gusto mo ay umalis na lang muna ako dito at ipapasundan mo na lang ako sa mga tauhan mo.”
Kita ko ang pagkunot ng noo niya sa tanong ko.
“Why?”
“Dahil pakiramdam ko hindi na maid ang role ko dito. Mukhang ang mahal ng damit ko at parang iba na ‘yong ihip ng hangin. Diba sabi mo sa akin, papahirapan mo ako? Alipin gano’n?”
Umiba ang expresyon ng mukha niya dahil sa sinabi ko. Umigting ang panga niya at bakas ang inis at galit doon.
“No, you’re staying here and just follow everything that I want. My orders are important here, right? Kapag sinabi kong sumama ka sa ‘kin at suotin mo ang bagay na binigay ko gagawin mo!” aniyang mukhang galit pa.
Hindi na ako nagsalita pabalik dahil may biglang pumasok sa loob nitong private dinner room. Apat na nasa mid fifties na lalaki at dalawang mid fifties na babae. May kasama silang tatlong sexy na babae na tansya ko’y kaedaran nila Carter.
“Oh, you bought a girl Reus! Don’t tell me you will be married soon,” aning isang ginang.
Ramdam ko ang paghigpit ng kamay ni Carter sa hita ko, hindi siguro niya iyon nakita kaya iyon ang puna ng babae.
“Or shall I say, Carter bought the girl,” iyong babaeng kaedaran nila na naka kulay itim na suot.
“Oh!” gulat ang matandang babae.
Umupo sila sa mga upuang bakante. Pakiramdam ko ay umiba ang ihip ng hangin dahil sa presensya nila. Ramdam ko rin ang talim na tingin sa akin ng isang babae na nasa harapan ko. Nakasuot siya ng isang kulay grey na dress. Medyo malalim iyong neckline kaya kitang kita ang cleav-age niya. May necklace rin iyon na mahaba hanggang sa ibabaw ng hiwa.
Umiwas ako ng tingin at dahan dahan kong kinuha ang kamay ni Carter sa hita ko, sa pagkakataong ito ay nagtagumpay naman ako.
They started to serve the food. Medyo naiilang ako dahil sa tingin ng babaeng nasa harapan ko. Siniko ako ni Reus dahilan para mapatingin ako sa kanya.
“Don’t look at her, eat.” sabi niya sa akin.
Sinunod ko naman iyon at dinahan dahan ko ang pagkain dahil sa hiya. May nakita akong king crab na nakuhanan na ng cover. Gusto ko sana iyon kaso malayo at naalala kong allergic din pala ako.
Pero laking gulat ko nang biglang kunin iyon ng babaeng nasa harapan ko at nilagay iyon sa plato ko.
“Stop acting shy, you can eat everything here.” sabay kuha niya pa at nilagay pa ulit sa plato ko.
Napakagat ako ng labi. Iyong huling kain ko ng crab ay sinugod talaga ako sa hospital dahil halos hindi na ako makahinga. Tinitignan ko lang naman iyon, bakit niya nilagay sa plato ko?