Kabanata 8

1424 Words
“Allison stop,” mahina ngunit may diing sabi ni Carter. “What? I’m giving the food she’s eyeing a while ago.” Hinawakan ko sa kamay ni Carter dahil nakita ko na ang pag galaw ng panga niya na animo’y galit na. “Ayos lang, Carter,” ani ko. Bumalik sila sa pagkain at nagsimula na rin silang mag usap tungkol sa business nila. Hindi naman ako intresado sa negosyong pinag-uusapan nila pero hindi ko maiwasang makinig sa kanilang pinag-uusapan. They are opening a new resort which has involve with Carter dahil na rin sa bago niyang business na construction supply at iyong babaeng nasa harapan ko ngayon ay isa rin palang architect. “Baka magpatayo ako ng branch doon sa Santa Lucia since maraming turista pero walang matinong hotel.” si Reus dahilan para mapatingin ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin at kumindat pa kaya napa-irap ako. Bumalik ako sa pagkain. Hindi ko pa rin ginagalaw ang king crab na nasa plato ko. Iyong kinakain ko lang ay ang meat meal. Natatakot akong kainin baka kung ano pa ang mangyari sa akin pero baka isipin nilang sinasayang ko ang pagkain... Siguro naman ay wala na iyong allergy ko rito dahil medyo matagal tagal na rin iyon… “You should visit the resort, Carter. Baka may gusto kang idagdag doon since you are one of the investors na rin.” Suggest ng babaeng nasa harap ko na may pangalang Allison. “Oo nga naman, masyado kang lunod sa trabaho nitong nakaraang buwan baka pwede ka namang magbakasyon muna,” sabi pa ng isang babae. “Or kapag natapos na ang resort tayo ang unang magpaparty doon!” masaya at excited naman na wika ng isa pa. Agree naman iyon iba sa ideyang iyon pero hindi ko nakita ang pagsang ayon o pag ayaw ni Carter dahil ang mga mata niya ay nasa hita ko. “Carter?” tawag ni Allison sa kanya at umangat naman ang tingin niya. Muling inulit ni Allison ang mga pinag uusapan nila kanina at halos tango lang ang sagot ni Carter. Pagkatapos no’n ay muli silang nag usap at ang mga matatandang investors ay nakikisali na rin. Akala ko resort lang iyong business nila meron pa pala at sa labas ng bansa iyon. Pinapatayong mall iyon sa labas ng bansa at isa sa architect si Carter. Hindi ko alam kung kaya niya pa iyong pagsabayin sa dami ng trabaho niya araw araw. “We can visit the site, Mr. Yu if we have time. Right, Carter?” sabay ng matamis na ngiti ni Allison kay Carter. Binasa ni Carter ang labi niya bago siya nagsalita. “You can visit the site Allison, you can report the problem and progress later on.” nagulat ako sa sagot niya. Umuwang ang labi ko at napatingin kay Allison. Nawala iyong ngiti niya at napalitan ng inis. Nang magtama ang paningin namin ay kaagad niya akong inirapan. Umiwas ako ng tingin at biglang kinabahan. “What do you mean, Carter? You won’t visit the site?” Tanong ni Mr. Yu. Pinalandasan ng kamay ni Carter ang kanyang makakapal na kilay bago umiling sa tanong ni Mr. Yu. “I will be very busy for the next few days or months... My business has a problem too. Hindi ko naman tatangapin ang project na ‘to kung hindi ako pinilit ni Reus.” walang awang sagot ni Carter. Kita ko kung paano nagulat si Mr. Yu sa sagot niya. Ang matandang business man ay kumain na lang dahil doon at parang naging awkward. Ayos lang naman sana kung hindi niya na sinabi pa ang huli niyang mga sinabi. “Gusto lang naman ni Mr. Yu ang magandang Mall, Carter. Design his mall, he is a good man afterall.” Si Reus. Nakisama si Cillian sa usapan at sa huli ay sumang ayon din naman si Carter. Muling bumalik ang tingin ko sa aking pinggan at pagka angat ko ng ulo ay nakita kong nakatingin pala sa akin si Allison. Napalunok ako dahil doon. Inayos ko ang aking buhok at hinarap si Carter. Pinindot ko ang kanyang hita at kaagad naman siyang napatingin sa akin. “Nasaan ang cr?” tanong ko sa kanya. “Sasamahan kita—” Agad ko siyang hinawakan sa kamay para ipaupo pabalik dahil tumayo na talaga siya at sasamahan na ako. “Hindi na, dito ka lang. Sabihin mo na lang ang daan, kaya ko naman, at hindi ako tatakas. Babayaran pa kita, promise.” mahinang bulong ko. May tinawag siyang babae at iyon ang nagturo ng cr sa akin. Tinignan ko ang aking mukha sa salamin at mukhang maayos pa naman iyon. Umihi lang ako at muling nag ayos bago tuluyang lumabas ngunit pagkabalik ko ay may umuupo na sa inuupuan ko. Ang kinakainan ko naman ay nasa tabi na ni Cillian at nasa harapan na ng dati kong inuupuan. Nagulat ako pero hindi na ako nagreklamo at umupo na ako sa tabi ni Cillian at ng isang matandang business man. “Ayos lang naman siguro kung magpalit tayo ng pwesto diba?” nagulat ako sa tanong ni Allison pero sa huli ay tumango na lang din ako at hindi na sila hinarap. “May pinag uusapan kasi kami at napaka-importante pa.” dugtong niya pa. Dinig ko ang pagtawag sa akin ni Cillian at inabot sa akin ang isang wine glass na may lamang wine. Hindi pa ako nakakainom ng gano’n kaya excited ako. Isang sip lang ang ininom ko at agad akong nanibago, dinig ko ang pagtawa ni Cillian dahil sa expresyon ng mukha ko. Habang nagtatawanan kami ni Cillian ay parang may sariling mundo naman iyong matatanda at sila Carter. Matapos kong mapunasan ang labi ko rinig ko ang pagtanong ng isang matanda kay Carter at Allison. “Hindi niyo na ba itutuloy iyong pinagkasunduan niyong engagement party? Or iyong kasal niyo?” Napahinto ako roon pero winala na lang at nagsimula ulit kumain ng iba’t ibang putahe. Dinig ko ang pagtawa ni Allison sa tanong na iyon. “Iyan din po ang pinag uusapan namin, Tita. Hanggang ngayon sariwa pa rin po kasi ang mga nangyari kaya hindi pa talaga lubusang naayos ang namamagitan sa amin.” mahinhin nitong sagot. “Eh ikaw—” “Why did you bring a girl, Carter? We thought you haven’t moved on from Allison.” iyong babae na kaedaran nila. Kinuha ko ang isang kakaibang dish na nasa mamahaling plato. Sa itsura pa lang ay nakakatakam na. Hindi ko namalayan kanina dahil natatakpan iyon ng palamuti sa lamesa at nasa harap iyon mismo ni Allison. “I’m not here to talk about the past, I’m here to talk about the business, Milenda.” sagot iyon mula kay Carter. Kinain ko ang kakaibang putahe sa paningin ko. Hindi ko makain lahat dahil medyo may pagkamalaki iyon kaya nilagay ko muna sa plato ko. Binigay ni Cillian ang puting pamunas ng makitang nahihirapan na ako sa pagkain. Kinuha ko rin iyong wine at ininom para sumama sa pagkain ko. Muli silang bumalik sa pag-uusap tungkol sa negosyo dahil sa pagsusuplado ni Carter habang ako naman ay inubos na iyong kinakain ko. Medyo natagalan pa sila sa pag uusap ng nakaramdam ako ng kati sa lalamunan ko. Napa ubo ako pero walang nakapansin no’n. Ininda ko ang nararamdaman. Bumalik ang tingin ko sa putahe at napatingin kay Cillian. “Anong pangalan ng dish na ‘to?” tanong ko sa kanya. Tumaas ang kilay niya bago siya sumagot. “Kani sushi, why?” Kumunot ang noo ko. “A-Ano ‘yan?” “Crab roll sushi,” sagot niya na ikinalaki ng mata ko. “Why? Ayaw mo?” tanong niya pa at umiling lang ako kaagad. Kahit na hirap na hirap na ako sa kati ng lalamunan ko at medyo nahihirapan na rin ako sa paghinga ay hinintay kong matapos ang pinag uusapan nila Carter hanggang sa isa isa na silang nagpaalam. Habang iyong si Allison naman kasama ang mga architech niyang kaibigan ay nagpaiwan. Humarap ako kay Cillian at hinawakan ang kanyang kamay habang busy pa sila sa pag uusap. “P-Pwede m-mo ba a-akong ilabas d-dito? Please, h’wag kang magpanic.” mahinang bulong ko sa kanya. Nanlaki ang mata niya sa gulat at napahawak din siya sa kamay ko. “Wait– what happened?” tanong niyang natataranta. Kahit nahihirapan ay sinagot ko ang tanong niya. “May allergy ako sa crab.” agad siyang naalarma ngunit pinigilan ko kaagad siya para hindi kami mahalata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD