Kabanata 11 “Oh, this is the reason why you cannot meet me up, Carter? Itong pulubing babae ang kasama mo?” Napa uwang ang labi ko sa sinabi ni Allison. Ramdam ko naman ang kamay ni Carter sa beywang ko bago niya ako nilagay sa kanyang likuran. Kahit nandoon ay tinignan ko pa rin ang galit na mukha niya. Good thing, na hindi masyadong maraming tao sa pasilyo namin dahil kung nagkataong ay baka tinitignan na kami ng mga tao rito dahil masyadong malakas ang pagkakasabi niya. “What are you doing here?” matigas na tanong ni Carter. Hinawakan ko ang damit niya sa likuran at hinila iyong. Pagpapahiwatig na sana ay hwag na silang gumawa ng eksena lalo na at nasa public place kami. “You can't meet me kaya ako na ang nag adjust, Carter.” Her friends are trying to tame Allison pero ang mg