Kabanata 10

1399 Words
Tahimik kong pinagmamasdan si Carter habang kausap niya ang doctor na sa palagay ko ay kakilala niya or kaibigan niya. Hindi kasi gano’n ka pormal kung magsalita ang doctor at parang magkaibigan ang turingan nila. Nandito pa rin ako sa hospital at baka mamaya ay lalabas na rin ako. Isang araw lang naman ang minalagi ko pero hindi talaga ako komportable tuwing nandito ako. Hindi ako sanay sa amoy ng hospital at atat na atat na akong lumabas pero itong si Carter ay sinisigurado talaga na maayos na ang nararamdaman ko. Sinabi ko naman sa kanya na maayos na ako. Ilang beses na. Pero hindi siya naniniwala sa akin, parang iyong doctor pa ang nakakaramdaman keysa sa akin! Nang lumapit sila ay umayos ang pagkakahiga ko. Matalim kong tinignan si Carter at gano’n din ang ginawa niya sa akin bago ako inirapan. “Are you really sure you don’t experience any pain right now?” tanong ng doctor, ilang beses na rin dahil sa kagagawan ni Carter. “Oo nga, alam ko namang may side effect ang epipen pero maayos na talaga ako. Gusto ko ng lumabas, sabihin mo d’yan sa katabi mo.” may inis sa boses ko doon. Natawa ang doctor sa sinabi ko. “He is just making sure if you’re really fine, but if you have experienced something please tell him immediately.” Bilin sa akin ng doctor na ikinatango ko naman. Muli siyang humarap kay Carter at inulit ang sinabi ko na parang hindi narinig ng lalaki na nasa tabi niya lang. “Thanks, Atlas, we’ll call if she’s unwell. Thank you, again.” Si Carter, hindi man lang tinawag na doc ang doctor. Muling natawa ang doctor kay Carter. “You never thank me but you’re welcome, Carter. Seems like she’s different huh. I’ll visit you soon, I’m pretty busy with my patients. I’ll call you soon to catch up.” Nagpaalam si Doctor Dwight Atlas Beauford sa akin according doon sa name niya sa ID niya bago siya lumabas. Muling nagtagpo ang mata namin ni Carter at matalim pa rin iyon. Ako naman ngayon ang umirap at iniba ang posisyon. “Wala ka na ba talagang nararamdaman?” tanong niya ulit sa akin. Paulit ulit! Nagdadabog na hinarap ko siya. “I told you, wala na nga. I’m already fine. Wala ng side effect akong nararamdaman. Gusto ko nang lumabas dito. Kahit parang nakakulong ako sa bahay mo ay mas mabuti pa roon keysa rito.” Inirapan niya ako bago siyang bumuga ng hangin. Gusto pang umalma kaso wala na siyang magagawa pa. “Okay, I’ll process your papers and pay the bills. Get ready now, you’ll be home.” Pigil ako sa pagngiti sa sinabi niya pero siya inirapan ulit ako. Nang makalabas siya ay tumayo kaagad ako para magligpit ng gamit. Masyado marami iyon dahil akala ni Carter magbabakasyon kami sa dami ng dala niyang damit para sa akin. Ilang oras pa ang lumipas ay bumalik na siya kasama ang mga tauhan niya. Umalis kami ng hospital at pumasok kami sa loob ng sasakyan. Tahimik lang ako sa loob habang siya naman ay may kinakausap sa kanyang cellphone. “I told you Allison, I’m busy. Can’t you understand that?” Agad akong napatingin kay Carter dahil sa pangalang binigkas niya. Hindi ko alam kung ano ang namamagitan sa kanila ni Allison pero tanda ko pa ang tanong ng isang matandang babae roon sa dinner. Are they almost got married? Fiancee? I wanna ask Carter about that pero mas mainam na sigurong h’wag na akong makisali sa kanila. Muli kong binalik ang mata sa labas ng bintana. “Don’t f-ucking waste my time!” Galit na sabi ni Carter bago binaba ang cellphone. I looked at him again. Kita ko ang paggalaw ng panga niya dahil sa galit at medyo lumayo ako dahil baka biglang bumuga ng apoy. “What?!” pasigaw na tanong niya sa akin. Ito naman mainitin ang ulo! “Pwede bang mag grocery muna tayo bago umuwi? Hapon pa naman e, ayaw ko sanang sumama sa ‘yo bukas at maglilinis ako ng kwarto ko at magluluto na lang ako. Wala naman akong ginagawa sa opisina mo.” pang iiba ko ng usapan namin dahil galit talaga siya. Mabuti naman nawala iyong tigas ng expresyon niya at napalitan iyon ng mahinahon. Sinabihan niya ang driver na magtungo muna kami sa mall bago kami umuwi ng bahay niya. Nang makarating kami sa mall ay nanlaki ang mata ko. Ito iyong mall na gusto ko sanang puntahan namin ni Lovie noon dahil sabi nila mga mayayaman lang ang maya kaya dahil mga mahal daw ang mga binebenta. Ayaw naman akong samahan ni Lovie dahil nagmamaldita rin iyon minsan sa akin kaya hindi ko talaga kayang makapasok doon. “Mauna ka,” sabi ko kay Carter. He gave me look at tumaas pa ang kilay niya sa akin. “Usap usapan kasi na mayayaman lang ang may kayang pumasok d’yan kaya ikaw na ang mauna,” sabay ng munting tulak ko sa kanya. Ngunit nagulat na lang ako nang bigla niyang hinawakan ang beywang ko at walang awa akong pinasok doon sa loob. Hindi na ako nakapagsalita dahil maraming tao na roon at hindi nga ako nagkakamali na mayaman lang ang nakakapasok doon. Sa suotan, sa bag na dala, sa mga pinamli ay masasabi ko talaga na totoo iyong sabi sabi sa university dati. “Para akong tae dito,” mahinang bulong ko. “You looked fine, let’s go.” muli niya akong hinila at pinasok na sa loob ng grocery shop. Kukuhain ko na sana iyong cart nang maunahan ako ni Carter. “Ako na, I’ll be your servant for today.” sabay ngiti ko sa kanya. He just rolled his eyes. “Servant my a-ss,” Nagulat ako roon pero hindi na rin nakapagsalita pa dahil kinuha na niya ang cart sa akin. Tumabi ako sa kanya dahil nanliliit ako sa sarili ko habang nandito kami sa loob. Nilibot namin ang unang pasilyo masyado akong nalula sa presyo kaya natagalan ako sa pagpili. “Just get everything that you want, Isobel. Don’t check the price, matatagalan tayo.” inis na sinabi ni Carter. Hinarap ko siya. “Alam mo kanina ka pa, nagiging mabait na nga ako sa ‘yo. Hindi na ako sumasagot pa, maging mabait ka naman sa akin kanina ka pa naiinis d’yan.” Gusto ko sanang sabihin na kung gusto niyang mauna ay mauna na siya pero sino naman magbabayad ng mga ito kung wala siya? Kung may pera lang sana ako… “Okay, just pick what ever you want, don’t check the price. I can pay everything you want.” sabi niya ngayon sa mahinahong boses. “Okay, Mr. Billionaire.” Sinunod ko ang sinabi niya pero nilimitahan ko rin ang sarili ko. Kahit na damihan ko pa alam kong ‘di siya mawawalan ng pera pero kahit gano’n ay pinaghihirapan niya rin iyon. Sinubukan kong kunin iyong gusto kong tikman na gatas sa pinakaibabaw. Pero dahil maliit ako ay hindi ko abot iyon. Sinubukan kong lundagin pero hindi talaga kaya hanggang sa may kamay ng kumuha roon. “Pwede mo ring sabihin sa akin kung hindi mo kayang abutin at kukunin ko para sa ‘yo,” Dinig ko pang bulong niya malapit sa boses ko dahilan para tumindig ang balahibo ko. “Ilan ang gusto mo?” tanong niya pa. “Isa lang,” Tumango siya at nilagay iyon sa cart. Si Carter na iyong pinapakuha ko kung maatas na dahil hindi ko naman maabot iyon. Habang naglalakad pa kami para tumingin tingin at naramdaman ko ang kamay niyang pumulupot sa beywang ko. Hinila niya ako palapit sa kanya at doon ko lang napagtanto na may tao pala sa likuran ko na may dala ring malaking cart. Lalayo na sana ako pero humigpit ang hawak niya sa akin at lumingon ako para tignan ngunit wala ng nakasunod pa sa amin. Hindi na ako nag abala pang makawala sa kanya at namalagi ako sa bisig niya. Nasa mga tinapay na kami nang may nakita akong pamilyar na babae. Gulat ako pero siya ay mukhang hindi nagulat nang makita kami. Lumapit sa amin si Allison kasama iyong mga kaibigan niyang kasama sa dinner. “Oh, this is the reason why you cannot meet me up, Carter? Itong pulubing babae ang kasama mo?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD