Sinubukan kong manlaban sa kanya ngunit kaagad din akong napahinto dahil gumagawa na kami ng eksena sa buo niyang kompanya. Pinipilit kong kunin ang kamay niyang mahigpit na nakahawak sa akin, masakit na iyon at parang maiiyak na talaga ako sa sakit.
“Aray!” mahinang daing ko at parang hindi na maipinta ang mukha ko dahil sa sakit.
Mukhang hindi naman iyon narinig ni Carter kaya dire-diretso ang lakad niya hanggang sa mapunta kami sa elevator. Kaagad na nagsilabasan ang mga tao doon at kaagad niya akong pinasok.
Nabangga pa ako sa salamin ng elevator dahil sa ginawa niya. Gusto ko ng maiyak dahil sa sakit at sa kahihiyang nangyari. He didn’t even tried to talk to me. Bigla na lang niya akong hinigit doon at sinaktan pa.
Nang sumirado ang pintuan ng elevator ay kaagad niya akong hinarap. Sinubukan kong magalit din dahil sa ginawa niya sa akin.
“Ayaw mo talagang makinig sa akin,” panimula niya. “You want me to chain you?”
Masama ko siyang tinignan at hindi na sumagot sa kanya. He is really angry right now, baka masaktan niya pa ako kapag sinagot ko pa siya. Umiwas ako nang tingin sa kanya at hindi na siya pinansin sa mga sumunod niyang tanong dahilan kung bakit muling uminit ang ulo niya.
Akala ko simula nang makalabas ako sa bahay nila Auntie at Uncle ay kahit paano ay maayos ang buhay ko dahil nakakalabas na ako at nakakasuot ng mga magagandang damit na nandoon sa closet na iyon pero hindi pala. Hindi ko kilangan ng lahat ng iyon. Hindi pa rin ako malaya.
I am still in a cage…
“Aray!” muli kong sigaw nang bigla niya ulit akong higitin at dinala sa opisina niya.
Hinagis niya ako sa isang sofa at kaagad akong napadaing sa sakit. Ramdam ko ang init ng aking luha na dumadaloy na mula sa aking mga mata. Sinubukan ko namang hindi umiyak dahil palagi ko na iyong ginagawa noong kila Auntie ako, ngayon hindi ko talaga mapigilan.
“Hindi ka talaga nakikinig sa akin. Wala ka pa ngang isang araw sa puder ko ganito na kaagad ang ginagawa mo! Kaya siguro walang paki alam ang Auntie at Uncle mo sa ‘yo dahil sa katigasan ng ulo mo! Hindi rin nasabi ng Uncle mo na malandi ka rin pa lang babae ka!” nanginig ako dahil sa sigaw niya.
Sanay na sanay na ako sa bahay na ganito. Sanay na akong masigaw ni Auntie at Uncle pero hindi ko alam kung bakit pa rin ako takot na takot kapag ganito na.
Umiiyak na sinusubukan kong takpan ang tainga ko ngunit muli niya akong hinawakan sa kamay para harapin siya. Agad kong naramdaman ang hapdi sa kamay ko kanina.
“Why are you with Peter? Are you his b*tch?!”
Umiling ako. Nasaktan sa tanong niya. Dati si Auntie lang ang nagsasabi sa akin ng gan’yan kapag nakikita niya akong may kasamang lalaki sa university dati… Hindi ko alam kung bakit iyon kaagad ang tingin ng tao kapag ang babae ay may kasamang lalaki…
Peter is my friend. Gusto kong sabihin iyon ngunit ayaw kong magkainitan din sila ni Peter dahil sa akin. I don’t want my friend to get involve with personal life, lalo na sa ganito.
“H-Hindi…” nahihirapan kong sagot dahil sa sakit ng hawak niya .”P-Please, nasasaktan na ako…”
Binitiwan din naman ako ni Carter sa sinabi ko.
“You are my b***h, Isobel remember that. No one owns you but me!” huli niyang binitawan salita bago ako iniwan sa opisina niya.
****
Nasa loob lang ako ng opisina ni Carter hanggang sa dumating ang hindi pamilyar na mga lalaki. Mukhang nagulat pa sila nang makita ako doon. Agad akong tumayo ngunit kaagad ding napaupo dahil nakaramdam ako ng kirot sa tuhod ko.
“Are you okay?” tanong ng isang lalaki.
Tumango naman ako at muling napatayo. Hindi na ako humakbang pa at hinintay ang susunod na tatanungin nila.
“Who are you? Why are you here in his office? Have you seen, Carter?” isa pang lalaking nagtanong.
I bit my lower lips. “Hmm, lumabas siya kanina… H-Hindi ko alam kung nasaan siya…” mahinang boses kong sagot.
Nagtatakang tinignan ako ng tatlong lalaki. Alam kong mukha akong katulong ngayon at mukhang hindi mapapaniwalaan ang sinabi ko pero totoo ang sinagot ko. Baka nagtataka rin sila kung bakit ako nandito at isipin pang magnanakaw ako.
“H-Hindi ako magnanakaw… kung iyan ang inisip niyo… A-At nagsasabi ako ng totoo na umalis s-siya at hindi ko a-alam kung saan pumunta. P-Pwede niyo siyang tawagan ngayon para hindi k-kayo magduda sa akin at—”
Someone stop my words. “Woah! We’re fine with your answer,” aniya.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon.
“Who are you, then?”
Napalunok ako. “Isobel,” I answered.
Lumapit ang isang lalaki sa akin at nilahad ang kamay niya.
“Reus Lewandowski,” pagpakilala niya.
I extend my hands to accept his. Lumapit na rin ang dalawa at nagpakilala sa akin.
“Ishmael de Rossi,”
“Cillian Ferrell,”
Muli akong napakagat ng labi dahil sa mga pangalan nila. It also shouted and claming weath and power. Mukhang kaibigan ito ni Carter na binisita siya at ako ang naabutan nila.
“You are Carter’s…?” si Ishmael na nahihirapan pang magtanong dahil sa pagkalito.
Akmang magsasalita na sana ako nang kumalabog ang pintuan at pumasok si Carter. Napalingon naman sila doon at sinalubong ang kaibigan. Napalunok ako nang magtama ang paningin namin ni Carter. Nasa isipan ko pa rin ang ginawa niya kanina at masakit pa rin ang ibang parte ng katawan ko dahil sa kagagawan niya.
“Anong ginagawa niyo dito?” si Carter sa mga kaibigan niya.
“Checking if you’re here. You left in the middle of the meeting. You almost lost millions of money, Carter. That meeting is so important for the company.” sabi ni Mr. Lewandowski
Napatingin ako sa gawi nila dahil sa sinabi niyang iyon. Agad akong kinain ng guilt dahil sa ginawa ko. Dapat nagpaalam ako sa kanya… But the other part of my body was protesting. Dapat ay hindi niya ako sinaktan ng gano’n…
“We can talk about that later, I have something important to do.” sabay hawak niya pa sa kamay ng kaibigan niya at iginaya sa pintuan.
“Who is she? She looks familiar to me.” si Cillian at nag-isip pa bago ulit nagsalita. “Oh! You’re the girl!’
Kumunot ang noo ko. I’m positive that I never saw his face. Hindi nga siya pamilyar sa akin at isa pa hindi matatagpo ang landas namin dahil hindi naman ako lumalabas ng bahay o kaya pumupunta sa mayayamang lugar na pinupuntahan nila.
“Sa casino! Ikaw iyong babae sa room. Right?!”
Nanlaki ang mata ko nang maalala nga iyon. Iyong lalaking may kahalikang babae na pumasok sa silid na kung nasaan ako. It was him, Cillian!
Ngayon, parang alam ko na ang background ng magkakaibigan na ‘to. Sympre hindi magpapatalo si Carter d’yan.
“What room?” tanong ni Carter na mukhang galit, kaagad akong natakot.
Agad akong umiling nang umiling. “S-Sa c-casino… N-Nakita ko siya d-doon,” sagot ko na natataranta.
Isang hampas ang ginawad ni Reus sa dibdib ni Carter. “Don’t scare her. I can make her my princess if you’ll let me have her—”
“Out!” sigaw ni Carter at natawa lamang ang mga kaibigan niya.
Nang magsilabas sila ay kaagad kong hinarap si Carter para sana magpaliwanag sa kanya ngunit hindi ko na nagawa iyon nang bigla niya akong higitin. Halos nakasandal na ako sa katawan niya dahil sa ginagawa niyang iyon.
Kinuha niya ang kamay ko at tinignan ang kamay kong hinawakan niya kanina. Namumula iyon at masakit nang pisilin niya.
“M-Masakit!” daing ko.
Tumango siya at kinuha ang cellphone sa kanyang bulsa. Habang nasa cellphone siya ang mga mata niya ay sa kamay ko at mahinang hinagod ng kanyang hinlalaki. Ito ko alam kong matutuwa ba ako sa ginagawa niya o hindi. Dahil siya rin naman ang may dahilan kung bakit iyon masakit.
“Just bring the medicine kit, ice, and ice bag.” matigas niyang bilin sa kabilang linya, parang galit pa talaga. “You want something to eat?” natanggal ang titig ko sa kanya dahil sa tanong niyang iyon.
“Kahit ano…”
Muling bumalik ang mata niya sa kamay ko at nagsalita, “Buy everything at the cafe… and strawberry frappe… You like strawberry frappe, Isobel?”
Napalunok ako dahil sa lambing ng tanong niya. Isang tango lang ang sinagot ko dahil sa totoo lang wala naman akong reklamo sa mga bibilhin niya sa akin.
“Yes… that’s all… and move fast, that is not mine. Someone is already hungry and in pain here.” huling salita niya bago binaba ang cellphone.