Hinahawakan ni Carter ang kamay ko at muling nagmamadali sa paglakad. Bumalik kami sa ikalawang palapag ng bahay at ipinasok na naman ako sa ibang silid. Namangha ako doon dahil medyo malaki siya.
Ginaya niya pa ako sa isang pintuan at binuksan iyon. Nanlaki ang mga mata ko dahil may mga damit pambabae na iyon at halos lahat ay mahahalin. Lumingon ako at napatingin sa kanya.
“You know how to style yourself?” tanong niya.
Nagdalawang isip ako sa pagsagot dahil halos ng damit ko ay pambahay naman o ‘di kaya ay t-shirt at long skirt. Napatingin pa ako sa aking sarili bago ulit tinapon sa kanya ang tingin ko. Tumango na ako bilang tugon sa kanya.
“I’ll leave you here then, don’t waste so much time. I will drag you down if you will let me wait for you.” banta niya pa sa akin.
Pag alis na pag alis niya ay kaagad akong naghanap ng damit na babagay sa lahat. Wala akong ideya kung saan kami pupunta at hindi ko naman iyon natanong sa kanya. Nakahinga ako ng maluwag nang may nakitang isang kulay purple na dress.
Iyon ang sinuot ko at naglagay rin ako ng pares ng earings bago ako tumingin sa salamin. Kahit kailan ay hindi pa ako nagkakaroon ng ganitong bagay mukhang mamahalin, hindi pa ako nagkakaganito.
Kinuha ko pa ang isang sandal na naroroon bago ako bumaba. Isang lalaki ang sumalubong sa akin at tinuro na ang pinto palabas. Nagmadali ako sa pagpunta roon at nasalubong ko si Carter. Dali dali niyang hiwakan ang kamay ko at pinasok sa loob halos masubsob pa ako sa ginawa niya.
“Pwede ba, nasasaktan ako. Kaya ko namang pumasok, huwag mo na akong itulak!” singgal ko.
Tinapunan niya ako ng matalim na tingin at kaagad ko siyang inirapan. Simula kanina noong pagkagising ko palagi na lang ako tinutulak. Nasasaktan na ako, ang tuhod ko ay parang may pasa na dahil sa kanila.
“I’m warning you, kapag hindi mo sinunod ang mga sinabi ko paparusahan kita.” banta niya pa habang nasa daan kami.
Hindi na ako nagsalita at tumango na lang sa kanya dahil baka ano pang masabi ko sa kanya. Tahimik lang ako buong byahe habang siya naman ay may katawagan sa kanyang cellphone. Nang pinasok ang sasakyan sa isang parking area ay napatingin agad ako kay Carter.
“Saan ba tayo at ano ang gagawin ko ngayon? I need intruction para alam ko kung ano ang gagawin ko.”
Muli niya akong tinignan ng kanyang matatalim na mga mata.
“I have meetings and work, you will be my assistant, secretary, and maid.”
Grabe naman!
“Wala ka ba no’n?” tanong ko.
Mukhang nainis kaagad siya sa sinabi ko kaya napakagat ako ng labi.
“I don’t want to repeat myself,” sabi niya at inirapan pa talaga ako bago bumaba.
Hindi na ako nagsalita pa at bumaba na rin at sunod sunuran sa kanyang likuran. Pumasok kami sa elevator at nagulat ako na nasa pinakamataas ang kanyang opisina. Habang naroon ay hindi ko naman mapigilang mapapikit dahil nahihilo na ako.
Nang tuluyan na kaming nakarating sa palapag na iyon ay nauna siyang lumabas at sumunod naman ako. Namangha ako sa paligid dahil sobrang linis at mukhang mamahalin. Sinarili ko lahat ng mangha ko hanggang sa pumasok kami sa opisina niya.
“I will be very busy for today at sasama ka sa akin buong araw,” aniya pa pagkapasok namin.
May kung ano siyang tinignan sa kanyang mga papeles. Nang makuha ay kaagad niya iyong binuhat at binigay sa akin. Halos malaglag na iyon dahil sa dami at bigat!
Kaagad ko siyang tinignan ng masama ngunit hindi na ako nagprotesta pa at sumunod na sa likuran niya. Kaagad kaming sumakay sa elevator bago ulit huminto sa tamang palapag. Muli kaming pumasok sa isang silid, may lalaking kumuha ng lahat ng gamit sa akin.
“Stay here, huwag na huwag kang aalis.” bilin niya.
Isang tango ang tinugon ko sa kanya bago ako umupo sa mahabang upuan. Matyagang akong naghintay doon hanggang sa may mga taong pumasok. Agad akong tumayo at tumungo sa pinakagilid.
May kung ano silang pinag-uusapan na hindi ko maintidhan hanggang sa may pamilyar na mukha akong nakita. Tinitigan ko talaga ng maayos iyon dahil natatakot ako na baka magkamali ako.
Nang mapatingin din siya sa gawi ko ay sabay pa kaming nagulat. Napatalon ako at tipid na napatili bago ako tumakbo at kaagad siyang niyakap. Hindi ko mapigilang hindi matuwa dahil taon na rin simula noong hindi kami nagkita.
“Peter!!!” mahina ngunit may diin kung sabi ng pangalan niya.
“Isobel, hindi ka na bumalik. I miss you…” I heard him said.
Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako makawala. I guess he is already graduated now, sana ako rin…
“Can you two leave, please? We have a meeting after this,” someone said behind me.
Napakagat ako ng labi dahil sa kakahiyan, hindi ko sila napansin kanina dahil sa excitement ko nang makita si Peter. It’s been a while since we last meet. Second year pa ata iyon…
“Let’s catch up? Madami akong ikukwento sa ‘yo!” nakangiti nitong aya sa akin.
Agad agad akong tumango, marami akong gustong malaman sa kanya simula noong umalis ako sa university. Nagpaalam siya sa mga kasamahan niya at hinila ako papalabas doon. Habang pababa kami ay hindi ko mapigilang maging madaldal. Iyon ata ang hidden talent ko. Kaya kong ipakita sa kanya na masaya ako noon kahit na parang sa impyerno ako nakatira dahil kila Auntie.
Sa isang cafe shop ako dinala ni Peter. Nilibri niya ako ng pagkain dahil wala akong pera, kahit cellphone nga wala ako. Kapag iniwan ako ni Carter, hindi ko alam kung saan ako pupulutin, mabuti na lang at nandito si Peter.
“Ano ba ang ginagawa mo dito? Bakit ka nandito? May business ang Uncle mo dito?” sunod sunod na tanong ni Peter nang malagay niya ang cookies at kape sa lamesa namin.
Nahinto ako sa akmang pagkuha ko ng cookies dahil sa tanong niya. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang dahilan kung bakit ako narito at may posibilidad na kilala rin niya si Carter.
“A-Ah, o-oo. Parang gano’n na nga…” sabay iwas ko ng tingin sa kanya. “Ikaw, bakit ka nandito?”
He licks his lips because of the coffee he is drinking. “Kaibigan ko ang may ari. Though, originally kaibigan ni Kuya gusto niya lang sumama ako sa kanya dahil gusto niyang humawak na ako ng kompanya.”
I nodded while drinking the coffee. Muli siyang nagtanong sa bahay ko at sinagot ko naman iyon. Kahit na medyo ang iba ay kasinungalingan lalo na sa pamilya ko.
“Oh, I heard too that your uncle is joining the casino. I’m telling you, Isobel warn him. Maraming magaling doon, isa na doon si Carter. He is good with cards.”
Wala na Peter. Tapos na. Talo na si Uncle at ako ang binayad niya kay Carter.
And since he mentioned Carter, mas lalo akong lumapit kay Peter at tumingin tingin pa sa paligid baka may makarinig sa pinag uusapan namin.
“Pwede bang magtanong tungkol kay Carter? Is he a good man or not? Is he selling drugs? Or marami na ba siyang anak? Mukha kasi siyang babaero.” hindi ko mabilang tanong, marami akong gustong malaman tungkol sa lalaking iyon.
Napahinto si Peter sa ininom niya at bumaba ang ulo para lumapit din sa mukha ko. “Bakit anong mayroon kay Carter? Are you that curious about him?”
Umiwas ako ng tingin. “H-Hi…H-Hindi naman, gusto ko lang malaman mga nakaka-partner ni Uncle sa business niya…”
Nag isip muna siya at nanliit ang mga mata. “Ayaw naman kita takutin pero…Carter is not really a good man. He is a beast in his work. Marami ng umalis sa kompanya niya dahil sa kanya pero hindi nawawalan dahil isa sa pinakamakapangyarihan ang kompanya niya. He is not selling drugs, he owns a lot of bank branches. He is an agricultural manufacture and now planning to enter the construction business since he graduated engineering and architecture.”
Namangha ako sa mga kwento ni Peter tungkol kay Carter. Now I know why his aura scream money and power.
“How about sa babae? How old is he?”
“Late 20’s, 28 I guess. Hindi naman gano’n ka open ang relationship ni Carter sa public kahit ako hindi ko alam, maging ang internet ay walang sagot doon. He is so secretive when it comes to his girls.”
He is so secretive when it comes to his girls? Nakakatakot naman iyon baka may bigla siyang ipakilala at gawin talaga akong alipin buong buhay nila.
“Why are you so curious about him?”
Umiling ako. “Wala lang, gusto ko—” napahinto ako sa pagsasalita at nanlaki ang mga mata at labi.
Agad akong nataranta sa inuupuan nang makita si Carter papunta sa gawi namin. Gusto ko pa sanang magsalita ngunit hindi ko nagawa iyon nang bigla akong higitin ni Carter sa kamay. Sinubukan ko pang magpaalam kay Peter pero hindi ko na nagawa iyon. Kita ko rin kung gaano siya nagulat sa nasaksihan niya.
“You f*****g little devil!” I heard Carter say as he dragged me away from the cafe.
Bigla akong kinabahan. Mukhang galit na galit talaga siya.